You are on page 1of 21

HINDI PA HULI

Liwayway A. Arceo

Aywan ni Nena kung napuna ni Celso ang panginginig ng kanyang mga daliri
samantalang nag-aayos siya ng hapag. Ang natitiyak niya ay hindi nalingid sa
mapanuring paningin ng asawa ang pamumugto ng kanyang mga mata. At marahil ay
napansin din nito ang mangitim-ngitim na bahagi sa ilalim ng kanyang mga mataisang
bagay na laging nangyayari kailanman at napuyat siya. Natitiyak niyang alam ni Celso na
kagabi ay halos hindi siya naidlip.

Hindi pa siya natatagalang nakahihiga ay narinig na niya ang paghihilik ni Celso.


Nag-iisa siyang nagbilang sa mga saglit, na bumuo sa magdamag, hanggang mag-
umaga.

Nakagawian na, naupo si Celso sa dulo ng kanilang hapag-kainan. At nasa dakong


kanan siyadoon ibig ni Celso na maupo siya, maging noong bagong kasal pa lamang
sila, may dalawamput apat na taon na ang nakalilipas. Ngunit ngayong silang dalawa na
lamang ang nakaupo sa harap ng hapag. Wala na ang nasa upuang katapat niya, wala
na ang kinakanan niya, wala na rin ang nasa katapat ng anak niyang nasa dakong kanan
niya.

Bakit, Nena? malumanay na tanong ni Celso. Tila wala itong makitang dahilan
upang malungkot siya, laluna sa umagang yaon. Hindi ka pa kumain? Ako tapos na,
at dinampot ni Celso ang pahayagan nasa isang panig ng hapag.

May nadama siyang bugso ng damdamin sa kanyang dibdib. Ngunit isang tikhim
lamang ang kumawala sa kanyang lalamunan. Muling ibinaba ni Celso ang kahahawak
na pahayagan. Alam niyang napansin nito ang kahulugan ng kanyang tikhim. Hinawakan
nito ang kaliwang kamay niya. Tinapik-tapik iyon.

Hindi ko maintindihan, Celso. Mahinang simula niya, kung bakit parang


nagsisipagmadali ang mga anak mo na makaalis dito

19
Nagluwag ang pagkakatangan ni Celso sa kamay ni Nena. Naningkit ang mga
mataisang katangian ni Celso kung may tinitimping damdamin, na labis na
hinahangaan ni Nena.

Akala ko maiiba si Myrna kina Betty at Nita kala koy hindi siya mag-aasawa
agad. Pero ganon din ginagawa ng kanyang mga kapatid. Basta matuntong sa
gulang

Nena Pinutol ng mahinang tawag na iyon sa kanyang pangalan ang iba pang
nais niyang sabihin. Kahanga-hanga ang iyong mga anak! Nakalayo sila

Napapikit si Nena. Tila may dumaklot sa kanyang dibdib. Nanikip ang kanyang
paghinga. Ganap niyang naunawaan ang ibig sabihin ni Celsosi Celso na akala niyan
ay ganap siyang nauunawaan!

Napadilat siyang muli nang naramdaman niyang tumindig si Celso. Sinundan niya
ng tingin ang paglakad nito hanggang sa pinto. Saglit na napatigil doon si Celso bago
tuluyang pinihit ang tanganan niyon. Kinabig ang dahon ng pinto at tuluy-tuloy na
lumabas.

Nanatiling nakatitig si Nena sa kawalan. Pagkatapos ng lahat makaraan ang


maraming taon na bawat araw ay iniukol sa kanilang mag-aama ginawa ko ang lahat
sa abot ng aking kaya upang masiyahan sila

Napakislot si Nena nang umabot sa kanyang pandinig ang ingay na nalikha ng


pagbukas at paglalapat na muli ng kanilang tarangkahang bakal.

Hindi man niya habulin ng tanaw ay alam na niya ang makikita sa nilakaran ni
Celso mula sa kinaroroonan niya hanggang sa tarangkahan. Sa kanilang pook, sila
lamang ang mayroong gayon ka-laking bakuran. Sila lamang ang may tanim na mga
naghanay sa magkabilang panig ng daanang nagsisimula sa may bungad ng pinto
hanggang sa tarangkahan. Sila lamang ang may malaking koleksiyon ng ibat-ibang
halamang rosas at orkideas.

Sa kanilang pook, alam niyang ginagawa silang huwaran ng mga bagong kasal at
pinangingimbuluhan ng mga dati nang mag-asawa: may matatag na hanapbuhay si Celso

20
na nagdudulot sa kanya at sa tatlo nilang anak ng isang maginhawang pamumuhay. At
alam niya ang paniwala ng lahat ay maligayang-maligaya sila, laluna siya

Inangat ni Nena ang namimigat niyang ulo. Maligaya siya hanggang sa mag-
asawa ang kanyang bunsong anak na pinakahuling gumawa niyon. Pilit niyang inaaliw
ang kanyang sarili na lilipas din ang kanyang kalungkutantulad din nang mag-asawa
sina Betty at Nita.

Kagabi lamang ginanap ang kasal nina Myrna at Dedo. Ngunit umaasa siyang
pansamantala lamang ang kanyang kalungkutan. Gayunman ay nagsisisi siya at
naitanong niya pa kay Celso kung bakit maagang nagsipag-asawa ang kanyang mga
anak.

Mapalad ang iyong mga anak nakaalis sila nakalalayo sa iyo

Nanuot sa kanyang buong katauhan ang sinabi ni Celso. Ngayon lamang niya
natuklasan ang katotohanan: hindi naging maligaya ang kanyang mga anak sa kanyang
piling. Hindi rin naging maligaya si Celso.

Naramdaman niya ang pangangalog ng kanyang mga tuhod nang tumindig siya.
Saglit niyang idiniin ang kanyang kanang kamay sa gilid ng hapag at nang itaas niya ang
kanyang mukha ay napukol ang kanyang tingin sa isang estanteng iyon at hindi niya
namamalayan ay nakatayo na siya sa harap niyon. Tila siya napako sa pagkakatayo.

Sa unang andana ng estante ay naroon ang mga kubyertos na pilak na mga regalo
sa kanyang tatlong anak. Ang isang iyon a, iyon ang regalo ng ninang ni Betty sa
binyag. Pati ang basong pilak na katabi ng kubyertos pati ang kampanilyang pilak. Si
Betty ang nakatanggap ng lalong magaganda at mamahaling regalo dahil siya ang
panganaya, regalo iyon ni Celso kay Betty nang tumuntong sa apat na taon si Betty

Napahinga nang malalim si Nena. Hinaplos ng nanginginig niyang mga daliri ang
kanyang pisngi. Ayaw na niyang balikan sa gunita ang mga nakaraan. Ngunit tila tukso
nagdaraan sa kanyang diwa. Ilang ulit niyang napalo si Betty nang iniiyakan ang mga
laruang nakahanay sa estante. Natatandaan niyang nagkasagutan sila ni Celso tungkol
sa bagay na iyon.

21
Bakit hindi mo ibigay sa anak mo ang hinihingi? Kanya naman yan a lahat
nyan para sa kanya! Hindi malilihim ang parunggit sa tinig ng asawa.

Madali suyang nainis. Ibigay! Nakamungot siya. Tapos. e di sirang lahat yan!

Pero aanhin yan kung hindi paglalaruan? ganti ni Celso. Parang hindi ka naging
bata.

Basta sinabi kong huwag gagalawin yan! patapos niyang sagot. At hinarap niya
si Betty. Hingin mo uli at nang mapalo kita! mahigpit niyang banta.

Tila nakikita niya ngayon ang nagmamakaawang tingin ni Betty. Ngunit hindi
lamang si Betty ang hindi makahipo sa mga laruan. Maging sina Nita at Myrna ay hindi
nakahipo sa mga laruang natipon ng mga bata. Iyon ang ipinagmalaki niya nang isilang
si Celso II.

Kung hindi ko pinag-ingatan yan may makikita pa ba kayo ngayon? minsan ay


sabi niya kay Betty.

Malinaw din ang sagot ni Betty. Buhay nga ang mga laruan namin, Inay, pero wala
namang naiwang bakas ang aming kamusmusan! Hindi nagkaroon ng pagkakataong
mabuhay ang aming kabataan!

Tila ngayon niya nariring ang tinig ni Betty. At ngayon niya nadarama ang kirot.
Ngayon ay nauunawaan niya kung bakit natutuwa si Betty na sinisira ng kanyang apo
ang mga laruan niyon.

Hindi niya namamalayan ay hinagod niya ang salamin ng estante. Minasdan niya
ang bawat bagay na nasa loob niyon. At sa bawat bagay ay nasasalamin niya ang mukha
ng kanyang tatlong anak: sumasamong mahawakan man lamang ang mga laruan,
masabing kanila ang mga laruang iyon!

Ipinihit ni Nena ang kanyang mga hakbang patungo sa salas. Unang bumulaga sa
kanya ang malaking manikang nakalagay sa sisidlang kristal at nakapatong sa ibabaw
ng piyano. Napasandal siyang saglit sa kabinet na nasa pagitan ng komedor at salas.
Waring mabubuwal siya: nakikita niya sa mukha ng manika ang mukha ni Nita.

22
Nang hindi mo napapalo ang anak mo! makahulugang sabi sa kanya.

Kamakailan lamang, bago ikasal si Myrna, ay dumalaw sa kanila sina Betty at Nita,
kasama ang kanyang dalawang apo. Walang patlang ang kasasaway niya kay Celso II ni
Betty at kay Tita ni Nita dahil sa kalikutan ng dalawa. Napasigaw siya nang makitang
umakyat si Tita sa upuan ng piyano upang maabot ang sisidlang kristal ng manika.

Naku, ang batang ito! Hindi mo ba alam na sa Nanay mo pa ang manikang yan?
Hindi niya maikubli ang kanyang galit.

Naku! at lumabi si Tita, Mas maganda pa nga ang manika ko binili ng Daddy
ko. Hindi ba, Mommy umiiyak pa?

Napatawa si Nita. Kasunod ding malutong halakhak ni Betty. Lumapit si Celso at


kitang-kita ni Nena na niyakap nito ang apo sa malaking katuwaan.

Aba, lalaban ata ng debate sa Lola ang apo ko! Tila magmamalaki pang saad ni
Celso.

Talaga namang talo ng manika ko ang manika ni Lola, e! mabilis na sabi ni Tita.
Yang manika ni Lola, parang nasa tindahan at lumabi ito, Yong aking manika.
Lolo at kinalabit sa pisngi si Celso, lagi kong karga!

May kapaitang nagunita niyang siya lamang ang hindi makangiti nang mga
sandaling yaon. At ngayon ay ibig niyang kunin sa taguang kristal ang manika at ibigay
kay Nita. May nalasap siyang pait sa kanyang bibig. Pagtatawanan siya ni Nita. Ngayon
pa? Lipas na ang aking pangangailangan sa manikang yan naglaho na ang aking
kamusmusan!

Mabuway ang kanyang paglakad hanggang sa sopa. Ngunit nakadama siya ng


katatagan nang makaupo siya at makasandal. Sa sopang iyon, magkatabing nakaupo
sina Betty at Nita at tinutukso ang ikakasal na si Myrna. Nakatayo naman siya sa bungad
ng kanilang silid ni Celso. Kitang- kita niya ang pagbubulungan ng tatlo. At inilapit ni Betty
ang mga labi sa tainga ni Myrna at tumawa ang bunso

23
Aba aba, hindi na ko agrabyado ngayon, dinig na dinig niyang sabi ni Myrna.
Malilibre na rin ata akomagagawa ko na ang gusto ko kahit sa sine, makapapasok
na ko

Saka makapupunta na kayo ni Dedo sa sayawan nang walang sabunan! katlo


naman ni Nita.

Pinagmasdan niya ang tatlo. Sa tingin niya ay higit na mukhang bata si Betty
gayong ilang taon ng may-asawa. Waring wala pang dalawampung taon gayong
dalawamput tatlo na. Lalong hindi mababakas sa anyo nito na may nang tatlong taon
ang gulang.

Higit na natawag ang kanyang pansin ng nag-iibayong kagandahan ni Nita,


gayong labing-anim na taon lamang ito nang mag-asawa. At anim na taon na si Tita.
Ngayon niya nababanaagan kung bakit si Nita ang pinakamaagang nag-asawa.
Katatapos pa lamang ng haiskul. Kailan lamang nakatapos sa karera. Ako yata ang laging
napapalosa aming tatlo, ako ang laging napapalo

Tumikhim siya upang ipamalay sa mga anak na naroon siya. At ayaw na niyang
maulinigan pa ang pinag-uusapan ng mga ito, na pawang laban sa kanya. At lumapit siya
sa tatlo.

Nakaayos na ang mga bulaklak sabi niya kay Myrna. Iyon lamang ang alam
niyang masasabi niya sa pagkakataong iyon. Kitang-kita niya ang pagmamalaki sa mga
mata nito nang tumingin sa mga kapatid. Si Myrna lamang ang nagkapalad na makagamit
sa mga bulaklak ng orkideas ni Nena.

Sa mulat mula ay ayaw niyang ipapipitas ang anumang bulaklak sa hardin. Higit
niyang gustong makitang malanta sa tangka yang mga bulaklak kaysa kunin ang mga
iyon at gawing palamuti sa loob ng bahay o gawing bahagi ng isang tanging kasuotan.

Talagang iba ang bunso, ano? biro ni Myrna.

Hindi, a mabilis na sagot ni Betty. Ang sabihin mo dahil sinabi ni Itay na yon
ang gagawing bonquet mo!

At corsage natin, sabad ni Nita.

24
Nag-ibayo ang lungkot ni Nena. Hindi lamang ang pagkakapag-asawa ni Myrna
ang nagdudulot sa kanya ng dalamhati. Ni hindi nito naisip na magpaalam sa kanya
samantalang nagkakatuwaan pa ang mga panauhin sa kasayahan at sayawan sa kasal
nito. At nagunita niyang gayon din ang ginawa nina Betty at Nita. Maano bang akoy
hinagkan o hiningi ang aking basbas! Talagang nagmamadali silang makaalis

Tinakpan ni Nena ng dalawang palad ang kanyang mukha. Waring ibig niyang
hadlangan ang mga surot ng kanyang alaala. Waring iyon din ang makahahadlang sa
kirot na iniwan ni Celso bago umalis kangina. Mapalad ang mga anak mo nakaalis sila!

Ibig niyang umiyak. Umiyak nang umiyak upang hugasan ang kamalayan sa
natuklasang mapait na katotohanan. Hindi naging maligaya si Celso! At kung ipapasiya
nitong umalis din

Napakislot siya nang maramdaman ang dantay ng palad sa kanyang balikat.


Kilalang-kilala niya ang salat ng mga daliri.

Celso! Hindi siya makapaniwala.

Wala siyang narinig na tugon. Ngunit mabilis itong naupo sa kanyang tabi. Saka
lamang gumawa ng landas sa kanyang mga pisngi ang luha.

Ngayong alam ko na simula niya, ngunit nalunod sa kanyang lalamunan ang


kanyang sasabihin.

Hindi mo ko nauunawain, e sagot ni Celso

At naramdaman ni Nena ang paghaplos ni Celso sa kanyang likod. Dapat nga


sanay naipakilala ko sa yo ang kakulangan ng ating pagsasama noon pang araw kaya
lang, hindi ako nagkaron ng sapat na lakas ng loob Napatigil sa pagsasalita si Celso.

Kung nabigyan kita ng alalahanin, Nena patawarin mo ko! Hindi maikubli ng


mahinang tinig ni Celso ang pagsamo. Hindi na ko nagtuloy sa pagpasok dahil inaalala
kong baka kung ano nga ang iniisip mo sa sinabi ko. Pero hindi ako maaaring lumayo
Muli nitong hinagod ang kanyang likod.

25
Abut-abot na ang kanyang hikbi. Lalong nag-ibayo ang nadarama niyang
panunumbat ng kanyang budhi.

Kung naging uhaw man ang mga anak mo naryan naman ang mga apo mo
may panahon pang mapagpunan ang ating mga pagkukulang, hindi ba?

Unti-unting nadama ni Nena ang paghupa ng kanyang umaalong dibdib

26
I. Talambuhay ng Awtor

Liwayway A. Arceo (mangangatha, nobelista, mananaysay, tagasalin-wika, editor), Si


Liwayway A. Arceo ay ipinanganak sa Tondo, Manila noong January 30,1924. Ang
kanyang mga magulang ay sina Gregorio Arceo at Amada Ablaza. Sa tunay na buhay,
siya ay ginang ni Manuel Prinsepe Bautista, isa sa ating mga pangunahing makata.
Ngunit minabuti niyang ipagpatuloy ang paggamit ng kanyang pangalannoong dalaga
pa, sa paniniwalang silang mag-asaway may kanya-kanyang landas sa pagsusulat.

Ayon sa isang kritikong gumawa ng pag-aaral noong 1979 sa kanyang mga


katha ng dekada 40, ay feminista na bago pa nauso ang katagang iyon. Siya ay
nakasulat ng 90 nobela, 2 libong mahigit na kuwento, 1 libong mahigit na sanaysay,
36 tomo ng iskrip sa radyo, 7 aklat ng salin, 3 iskrip sa telebisyon, at di-mabilang na
kuntil-butil na lathalain sa halos lahat ng pangunahing publikasyong Tagalog o
Filipino. Binago ni Arceo ang topograpiya ng panitikang Tagalog, at ng ngayon ay
tinatawag na panitikang popular, sa paglalathala ng mga akdang nagtatampok ng
halagahan [values], lunggati [vision], at kaisipang Filipino. Ginamit din niyang lunsaran
ang pamilya bilang talinghaga ng Filipinas; at sa pamamagitan ng masinop ng
paggamit ng wika ay itinaas sa karapat-dapat na pedestal ang mga kathang Tagalog,
sa kabila ng pamamayani ng Ingles bilang opisyal na wika ng edukasyon at gobyerno.

Kabilang sa mga pangunahing aklat ni Arceo ang sumusunod:

Maling Pook, Maling Panahon Dito, Ngayon (1998)


Mga Bathalang Putik (1998)
Titser (1995)
Canal de la Reina (1985)
Ina, Maybahay, Anak at iba pa (1998)
Mga Kuwento ng Pag-ibig (1997)
Mga Maria, Mga Eva (1995)
Ang Mag-anak na Cruz (1990)
Mga Piling Katha ni Liwayway A. Arceo (1992)

27
Sa mga aklat ni Liwayway A. Arceo na nasa ika-3 limbag na, namumukod
ang sosyo-ekonomikong nobela, ang Canal de la Reina (1985) na isinalin sa
Japanese (1990) at dinaluhan ng awtor ang paglulunsad sa Tokyo. Samantala,
patuloy na mulit muling inilalathala ang kanyang premyadong maikling katha, ang
klasiko nang "Uhaw ang Tigang na Lupa" (1943), na itinuturing na panulukang-
bato ng makabagong maikling kuwentong Tagalog.

Sumulat din ng biyograpikong nobela si Arceo at kabilang dito ang Ako. . .


Si Clara (1990) na hinggil sa buhay ni Santa Clara ng Assissi; Claret, ang
Misyonero (1988) na hinggil sa pundador ng Misyong Claretian; at Francisco ng
Assissi na hinggil sa buhay ng pundador ng ordeng Fransiskano.

Ang dedikasyon ni Liwayway A. Arceo sa Panulatan ay nagsanga sa


Panitikang relihiyoso at espiritwal nitong huling 13 taon, na nagbunga sa kanyang
Catholic Authors Award (1990) mula sa Asian Catholic Publishers. Kabilang pa rin
sa kanyang mga gawad ang Life Achievement Award sa Panitikan (1994) mula sa
Komisyon ng Wika, ang Gawad CCP sa Literatura (1993), at ang Doktorado sa
Humane Letters, honoris causa (1991) mula sa Unibersidad ng Pilipinas, Diliman.

Ilan sa tuluyang nobelang nalathala ni Arceo sa magasing Liwayway at


sinubaybayan ng libo-libong mambabasa ang sumusunod: Tulad sa Bituin (1956);
Topo-topo (1956-1957); Sa Abo ng Lumipas (1957); Hanggahan ng Pangarap
(1957); Kung Sakali man at Salt (1958); Sa Habang Panahon (1957-1958);
Huwad na Dambana (1957-1958); Mga Doktor sa Bukid (1959); Ikaw ay Akin
(1962); Kung Saan Ka man Naroroon (1964); Lydia Ansaldo, M.D. (1964);
Dalawang Kalbaryo (1964); Tatak ng Pagkakasala (1965); Kulay Rosas ang Pag-
ibig (1964-965); Iba-ibang Kulay ng Pag-ibig (1966); Liza (1966); Isa ang Susuko
(1966); Ang Panigbugho (1966); Hiram na Laya (1965-1966); Ipakipaglaban Mo
Ako (1966-1967); Daigdig na Kristal (1967); Ginto sa Dulo ng Bahaghari (1967-
1968); Minsan Lamang ang Gabi (1968); Ikaw ang Ilaw Ko (1968); Bahaghari sa
Lupa (1969); Nagbabagang Paraiso (1969-1970); Sa Pinto ng Impiyerno (1970);
Bawal na Paraiso (1971); Hanggang sa Kabila ng Langit (1972); Piitang Ginto

28
(1972); Dalawang Daigdig (1973-1974); Saan man at Kailan man (1973); at Krus
ang Aking Budhi (1976-1977).

Ang kakatwa ay malimit mapagkamalang pag-aari ni Arceo ang magasing


Liwayway dahil ang pangalan niya ay "Liwayway" din. Bukod pa rito, naging
mataas na pamantayan si Arceo bilang manunulat at editor ng nasabing magasin,
na nakatulong nang malaki upang lumaki ang sirkulasyon nito at umabot sa halos
kalahating milyong sipi kada linggo.

Ang iba pang tuluyang nobela na hindi binanggit dito ay nasa aklatan
ngayon ng Unibersidad ng Pilipinas at Ateneo de Manila University. Inihabilin ni
Arceo ang karamihan sa kaniyang antigong papeles, aklat, at memorabilya doon
sa aklatan ng UP noong 28 Agosto 1993 at sa Ateneo Library of Women's Writing
(ALIWW) noong 28 Nobyembre 1994. Ang iba pa niyang natitirang aklat at
memorabilya ay nasa dating tahanan niya sa Project 6, Lungsod Quezon, at
nakahanda para sa Liwayway A. Arceo Foundation na itinatag ng kaniyang anak
na abogadong si Florante. Mga nobeleta

Sumulat din ng maiikling nobela si Arceo at ilan dito ang kumita nang
malaki, gaya ng Hanggang sa Kabila ng Langit (1991); Paano Kita Iiwan (1993);
Ang Sabi ni Vic (1993); Si Dina, Si Rosauro, Si Demetria (1993); Laro ng Tadhana
(1993); Buhayin Mo Po ang Anak Ko (1993); Isang Ina. . . Isang Anak (1993); Kahit
Ikaw ang Huling Lalaki (1993); Gabing Payapa, Gabing Tahimik (1993); Huwad na
Paraiso (1993).

Ang paglaganap ng nobeletang Filipino ang nagpagiba sa dati noong moog


ng komiks. Itinaas ng gaya ng mga akda ni Arceo ang kalidad ng mga kuwento at
nobelang pangkomiks, at hinatak ang mambabasa na magtuon sa bagong
libangan: libro. Dulang panradyo at pantelebisyon.

Si Arceo ang kauna-unahang manunulat na Filipino na sumulat ng soap


opera sa radyo. Ang kaniyang dulang Ilaw ng Tahanan na isinahimpapawid ng
DZRH, DZMB, at DZPI ay nagsimula noong Marso 1949 at nagwakas lamang

29
noong Hulyo 1958. Tinipon ni Arceo ang lahat ng kaniyang orihinal na iskrip,
kasama ang mga notasyon, at nakabuo ng 36 tomo na halos sumalamin sa isang
mahabang panahon ng pamilya at lipunang Filipino. Nagkaroon din ng adaptasyon
ang nasabing dula, at ito ay isinalin sa iskrip na pantelebisyon. Ipinalabas ang Ilaw
ng Tahanan sa telebisyon noong 1978.

II. Pinagkunan ng Maikling Kuwento

Ang Maikling Kuwentong ito ay mula sa katipunan ng maiikling kuwento ni


Liwayway A. Arceo na INA, MAYBAHAY, ANAK AT IBA PA. Pinalabas ito noong
1998. Ang naglathala nito ay ang University of the Philippines Press. Ngunit una
itong nailimbag noong Mayo 19, 1952 sa Liwayway.

III. Kaligirang Pangkasaysayan at Kaugnayan sa Kuwento

Sa panahong ito ay ninanais ng mga kabataan na maging masaya at


maligaya ang kanilang kamusmusan. Isinulat ito ni Liwayway Arceo upang
maipakita sa mga ina na nararapat lamang ipadanas sa mga kabataan ang saya
at ligaya ng pagiging musmos. Nais niyang iparating na malaki ang bahagi ang
kamusmosan para maging mabuting tao sila sa hinaharap.

IV. Elemento

A. Tauhan

1. Nena

Siya ang asawa ni Celso. Ina nina Betty, Nita at Myrna, ang humahawak sa
mga laruan nila nang bata pa sila na ni minsan ay hindi nila na hipo.

30
Bilog

Nagbago ang ugali niya, kung sa una ay ipinagdamot niya ang mga laruan
sa di kalaunay napagtanto niya ang kahalagahan ng kamusmosan at
napagdesisyunang babawi siya sa kanyang mga apo.

2. Celso

Asawa ni Nena. Ang nakatulong kay Nena upang malaman ni Nena ang
kanyang kamalian sa loob ng kanilang tahanan bilang isang ina.

Lapad

Nanatiling mapagmahal si Celso sa kanyang mga anak at kahit na kay


Nena. Nariyan pa rin siya sa tabi ni Nena kahit ito ay may mga maling nagawa sa
mga anak nila.

3. Betty

Ang panganay na anak nina Nena at Celso. Ang tinutukoy ni Nena na


mukha pang bata kahit na dalawamput tatlo na ito.

Lapad

Siya ay nanatiling may hinanakit sa ina dahil hindi nabakas sa kanya ang
saya ng kamusmusan.

4. Nita

Ang pangalawang na anak nina Nena at Celso. Ang laging pinapalo noong
bata pa siya dahil sa manikang nais niyang paglaruan.

31
Lapad

Siya ay nanatiling may hinanakit sa ina dahil naglaho na lamang ang


kanyang kamusmusan ay hindi man lamang niya nahawakan ang manika niya.

5. Myrna

Ang bagong kinasal na anak nina Nena at Celso. Ang inakal ni Nena na
hindi matutulad sa kanyang matatandang kapatid.

Lapad

Ninais niya mula pa simula na umalis na sa bahay nila upang magawa na


ang lahat na gusto niyang gawin

6. Celso II

Anak ni Betty.

Lapad

Mula sa simula, siya ay nanatiling batang nais maglaro.

7. Tita

Anak ni Nita. Ang nais abutin ang manika ng kanyang ina.

Lapad

Sa simula pa lang ay gusto nitong maglibang gamit ang manikang nakita.

32
B. Tagpuan

Bahay nina Nena at Celso

Dito nagunita ni Nena ang lahat ng mga pangyayari mula pa noong bata pa
ang kanyang anak. Mga pangyayari rin bago ikasal si Myrna ay dito niya naalala.
Mula sa kusina hanggang sala ay mga alaala ng anak ang nakikita

C. Uri ng Banghay

Flashback

Ang mga pangyayari sa kuwento ay pagbabalik-tanaw ni Nena. Ang daloy


ng pangyayari ay nagsimula sa gitna na kung saan nag-aagahan sila Nena at
Celso patungo sa pagbabalik-tanaw sa araw ng paghahanda ng kasal ni Myrna
hanggang bumalik sa araw na kinausap ni Celso si Nena.

D. Bahagi ng Banghay

Simula

Aywan ni Nena kung napuna ni Celso ang panginginig ng kanyang mga


daliri samantalang nag-aayos siya ng hapag. Ang alam niya ay nakita ni Celso ang
pamumugto at pangingitom ng bahagi sa ilalim ng kanyang mga mata. Tiyak
niyang alam ni Celso na hindi siya nakatulog kagabi

Saglit na Kasiglahan

Nasa harap sila ng hapag at nasa kanya-kanyang upuan. Ngunit


wala nang nakaupo sa tatlong upuan sa harap ng hapag. Napansin ni Celso
na hindi pa kumakain si Nena kahit na siya ay tapos na. Napatanong si
Nena kay Celso kung bakit nagsisipagmadali ang mga anak nila sap ag-alis
at sinagot siya ni Celso na humahanga siya sa kanilang anak at nakalayo

33
sila. Napapikit si Nena at nanikip ang paghinga. Naramdaman niyang
tumindig si Celso at lumabas hanggang sa tarangkahan.

Tunggalian:

Tao laban sa sarili

Kagabi lamang ay kinasal si Myrna. Nanoot ang buong katauhan ni


Nena nang maalala niya ang sinabi ni Celso na mapalad ang anak nila at
nakaalis. Natuklasan ni Nena na hindi naging maligaya ang kanyang mga
anak at maging si Celso.

Tao laban sa kapwa tao

Naalala ni Nena ang mga panahong bata pa ang kanyang mga anak.
Panahong kanyang panganay na si Betty ay nagsusumamo na makalaro
ng mga laruang nasa estante. Nadarama niya ang kirot nang sinabi sa
kanya ni Betty na ang mga iyon ay buhay pa nga ngunit wala namang bakas
ng kanilang kamusmusan. Nang nagtungo si Nena sa salas nakita niya ang
manika ni Nita. Isang araw at sinubok ni Tita na abutin ang manika kaya
pinagalitan siya ni Nena at sinumbatan siya ng bata na mas maganda ang
manika niya kaysa sa manika ni Nena. Tumawa ang lahat maliban kay
Nena.

Kasukdulan

Nang napaupo siya sa sopa natanaw niya ulit ang pagkakaupo nila
Betty at Nita doon habang tinutukso si Myrna na ikakasal. May ibinulong si
Betty kay Mryna at tumawa ito. Sinabi ng bunso na hindi na siya agrabyado
at magagawa niya na ang gusto. Lahat ito ay nakita niya mula sa silid nila
ni Celso. Lumapit siya sa mga ito at sinabing handa na ang mga bulaklak.
Si Myrna lamang ang nakagamit sa mga bulaklak na orkideas ni Nena.

34
Kakalasan

Nag-ibayo ang kalungkutan ni Nena. Nakapagpadalamhati sa kanya


ang hindi pagpapaalam ni Myrna bago ito magpakasal at naalala niya na ito
rin ang ginawa nila Betty at Nita. Nais niyang hadlangan ang mga surot ng
kanyang alaala. Kumirot ulit ang kanyang dibdib nang maalala ang sinabi
ni Celso. Ibig niyang umiyak sa natuklasang katotohanan. Hindi naging
maligaya si Celso.

Wakas

Naramdaman niya ang palad ni Celso sa kanyang balikat. Naupo ito


sa kanyang tabi at siya ay tuluyang lumuha. Sinabi niya kay Celso na alam
niya na at pagpapatawad ang hiningi ni Celso sa hindi pagtama sa kamalian
ni Nena noon pa man at sa huli nitong sinabi. Sinabi niya pa kay Nena na
nariyan pa ang kanilang mga apo at mapupunan niya pa ang kanyang
pagkukulang. Unti-unting nadama ni Nena ang paghupa ng kanyang
umaalong dibdib.

E. Teorya

1. Teoryang Sikolohikal

Nangangahulugan itong may layunin ang panitikan na magpaliwanag sa


pamamagitan ng mga salig sa pagbuo ng kanyang pag-uugali. Ipinapakita rin sa
akda na ang tao ay nagbabago dahil may nag-udyok sa kanila para magbago

Patunay:

At naramdaman ni Nena ang paghaplos ni Celso sa kanyang likod. Dapat


nga sanay naipakilala ko sa yo ang kakulangan ng ating pagsasama noon pang
araw kaya lang, hindi ako nagkaron ng sapat na lakas ng loob Napatigil sa
pagsasalita si Celso.

35
Paliwanag:

Sa kuwento, si Nena ay unti-unting nagbago dahil kay Celso pati na rin sa


mga alaalang nagunita niya habang wala na ang kanilang mga anak. Nalaman na
ni Nena kung ano ang kanyang pagkakamali at ninanais na niyang mabago ito. Si
Celso ang siyang tumulong sa kanya para magbago.

2. Teoryang Romantisismo

Ipinapakita sa akda ang paraan sa pagpapamalas ng ibat ibang paraan ng


tao sa pag-aalay ng pag-ibig sa kapwa, bansa at mundong kinalakhan.
Nangingibabaw ang damdamin kaysa sa isip.

Pagmamahal ni Celso kay Nena

Patunay:

Kung nabigyan kita ng alalahanin, Nena patawarin mo ko! Hindi


maikubli ng mahinang tinig ni Celso ang pagsamo. Hindi na ko nagtuloy sa
pagpasok dahil inaalala kong baka kung ano nga ang iniisip mo sa sinabi ko. Pero
hindi ako maaaring lumayo Muli nitong hinagod ang kanyang likod.

Paliwanag:

Nagpapakita ito ng pagmamahal ni Celso sa kanyang asawa kahit alam


niyang may mga mali itong nagawa ay napamulat niya pa rin ang mga mata ng
kanyang asawa. Inaalala niya ang kalagayan ng asawa ng sabihan niya ito ng
masakit na salita.

3. Teoryang Imahismo

Pinapakita ng may akda na may nabubuo ng imahen na higit maghahayag


sa mga damdamin, ideya, saloobin at iba pang nais na ibahagi ng may-akda na
higit na madaling maunawaan kaysa gumamit lamang ng karaniwang salita.

36
Patunay:

Napakislot si Nena nang umabot sa kanyang pandinig ang ingay na nalikha


ng pagbukas at paglalapat na muli ng kanilang tarangkahang bakal.

Paliwanag:

Pagbasa mo ng talata mabubuo na agad sa isipan moa ng imahen na kung


saan lumabas si Celso mula sa kanilang bahay, hindi kailangang sabihin ng direkta
na umalis si Celso.

Pagmamahal ni Nena sa mga anak

Patunay:

Ang natitiyak niya ay hindi nalingid sa mapanuring paningin ng asawa ang


pamumugto ng kanyang mga mata. At marahil ay napansin din nito ang mangitim-
ngitim na bahagi sa ilalim ng kanyang mga mata

Hindi ko maintindihan, Celso. Mahinang simula niya, kung bakit parang


nagsisipagmadali ang mga anak mo na makaalis dito

Paliwanag:

Pinapakita sa akda na dahil sa pagmamahal ni Nena sa mga anak ay


nagdudulot ng lungkot sa kanya kapag naalala na ikinasal na ang lahat ng kanyang
mga anak. Kagabi ng araw na iyon si Nena ay umiyak sa pangungulila sa mga
anak.

37
F. Tema

Hindi mo man mabago ang nakaraan may paraan pa rin para maitama
ito

Paliwanag:

Lahat na nangyari na ay kailanman ay hindi mo na maibabalik ngunit kung


pursigido kang maitama ang pagkakamali mo ay may mga hakbang ka pa ring
maaaring gawin. Kung nais mong matama ang mali mo simulan mo na baguhin
ang iyong sarili.

Patunay:

Abut-abot na ang kanyang hikbi. Lalong nag-ibayo ang nadarama niyang


panunumbat ng kanyang budhi.

Kung naging uhaw man ang mga anak mo naryan naman ang mga apo
mo may panahon pang mapagpunan an gating mga pagkukulang, hindi ba?

Unti-unting nadama ni Nena ang paghupa ng kanyang umaalong dibidb

G. Simbolo

1. Nena

Sumisimbolo sa mga inang handang itama ang pagkakamali bilang ina.

Paliwanag:

Sapagkat makikita sa kuwento na si Nena ay isang ina na hindi nakabuo ng


maligayang alaala sa kamusmusan ng anak ngunit handa siyang magbago ng
nalaman at nabatid na niya ang kanyang kaya siyay sumisimbolo sa ina na minsan
ay nagkamali at handang itama ito.

38
2. Celso

Sumisimbolo sa mga mababait na asawa.

Paliwanag:

Si Celso ay may katangian na kung saan handa niyang ipakita sa kanyang


minamahal ang mali sa tamang paraan. Siya ay isang asawa na marunong
umanawa. Siya ay maaaring sumimbolo sa iba pang asawa na ganito rin ang pag-
uugali.

3. Manika

Sumisimbolo sa kamusmusan ng kabataan.

Paliwanag:

Ang manika ay nilalaro ng mga bata. Kung kaya maaari siyang magsimbolo
sa mga naglalaro nitoang mga bata. Dahil kapag nakakakita ka ng manika ang
nasa isip mo agad ay mga bata.

4. Hapag-kainan

Sumisimbolo sa isang buong pamilya.

Paliwanag:

Ang hapag-kainan ay sumisimbolo ng buong pamilya sapagkat sa hapag-


kainan dito ka kumakain ng mga pagkaing magpapalakas sa iyo tulad ng pamilya
kailangan mo sila para maging malakas ka rin.

39

You might also like