Aralin : Ikatlong Markahan, Ikatlong Linggo, LAS 1 Pamagat ng Aralin : Ang konsepto ng Nasyonalismo Layunin : Nabibigyang kahulugan ang konseptong Nasyonalismo Sanggunian : MELC, AP 7 TG, AP 7 LM Manunulat : Zaada H. Sadavao
ANG KONSEPTO NG NASYONALISMO
Ang Nasyonalismo ay paraan ng pagpapahayag ng wagas na pagmamahalat malasakit ng mamamayan sa kanyang sariling bansa. Naglalayon ito ng isang bansang maunlad at mayroong magandang patutunguhan. Ang damdaming ito ay nakalilikha ng pambansang pagkakaisa, Kalayaan at pagsulong sa sariling wika, tradisyon, kultura at pagtangkilik sa sariling produkto. Ang pagsunod at paggalang sabatas ng sariling bansa, ang pagtatanggol at pagmamalaki sa sariling bayan ay ilan lamang sa halimbawa ng nasyonalismo. Nailalarawan ang nasyonalismo sa Pilipinas sa pamamagitan ng pag-aalsa, pagtatag ng kilusang propaganda sa pangunguna ng mga magigiting na bayani ng bansa at kaisipang liberal ang naging batayan nito. Kaisipang komunismo naman ang naging batayan ng nasyonalismo sa bansang Tsina, ginagabayanng kaisipang digmaang bayan. Ang rebelyong Taiping at rebelyong Boxer ay itinatag ng bansang ito upang ipakita ang kanilang pagtutol sa pwersahang pagpasok ng mga kanluranin sa kanilang bansa. Naging iba naman ang pagtugon ng bansang Japan sab anta ng imperyalismo dahil tinanggap niya ito sa sariling bayan at ginamit ito sa pagpapaunlad ng bansa sa pamamagitan ng papapatupad ng “Open Door Policy” noong 1853 sa pamumuno ni Emperador Mutsuhito. Sa bansang India naman ay pag-iiral ng pilosopiyang hindu ang pinagbabatayan ni Ghandi. Liberal ang batayan ng nasyonalismo sa bansang ito. Paglalapat. Panuto: Pumili ng salitang nasa kahon na inilalarawan sa pangungusap. Isulat ang sagot sa patlang NASYONALISMO LIBERAL KOMUNISMO PROPAGANDA HINDU MAUNLAD AT MAY MAAYOS NA PATUTUNGUHAN PAGGALANG SA BATAS PAG-AALSA OPEN DOOR POLICY REBELYONG TAIPING AT BOXER EMPERADOR MUTSUHITO
_________________1. Damdamin ng pagiging makabayan
_________________2. Batayan ng nasyonalismo sa Tsina _________________3.Kaisipang batayan ng nasyonalismo sa India _________________4. Kilusang itinatag ng Pilipinas nanagpapamalas ng pagiging makabayan _________________5. Pilosopiyang painairal ni Ghandi sa India _________________6. Layunin ng Nasyonalismo _________________7. Halimbawa ng nasyonalismo ________________8. Paglalarawan sa pagbugso ng nasyonalismo sa Pili[inas ________________9. Mga rebelyong itinatag ng bansang Tsina upang ipakita ang pagtutol sa mananakop ________________10. Ipinatupad ng bansang Japan noong 1853 sa pagtugon sab anta ng imperyalismo. This space is for the QR Code