You are on page 1of 1

“KAIBIGAN KO”

Jhon Cris Baluca

Ako ay may matalik na kaibigan


Kaibigan na lagi akong inaasar
Minsan ay di kami magkaunawaan
Ngunit kami ay kaibigan kailanman

Di man kami kamag-anak, magka-dugo


Hindi mapaghiwalay parang kambal-tuko
Ngunit sa aming puso kami’y iisa
Inaagapayan sa tuwing may problema

Itong nabuong pagkakaibigan namin


Sing-tigas ng bato, na hindi mabiyak
Pangako sayo ikaw’y laging didinggin
Magsisilbing panyo ‘pag ikaw’y iiyak

Sa paglipas ng araw, buwan at taon


Kaibigan na pinagtibay ng panahon
Aking kaibigan ikaw’y laging mag-iingat
Pagkakaibigan ituloy na maangat

Habang naglalakbay sa mundong ibabaw


Magkaibigan tayo, hindi malulusaw
Hindi man kami palaging magkasama
Sa ’king puso ikaw’y laging nakatala

You might also like