You are on page 1of 2

Republic of the Philippines

Department of Education
National Capital Region
Schools Division of Malabon
District of MALABON IA
MALABON ELEMENTARY SCHOOL

Lagumang Pagsusulit sa Edukasyong Pangkalusugan (Health) 4


Pangalan : ___________________________ Petsa : ___________________________
Baitang at Pangkat : ___________________ Guro : Bb. Lea Rose C. Arreza

I. Panuto : Basahin nang mabuti ang bawat tanong. Piliin ang titik ng tamang sagot.
1. Ito ay hindi normal na kalagayan ng kalusugan ng isang tao na sanhi ng hindi maayos na kondisyon ng mga parte ng
katawan o sanhi ng mikrobyo.
A. malusog B. sakit C. gamut D. lifestyle

2. Maaaring makuha mula sa nakagawian at maling paraan ng pamumuhay ngunit hindi naisasalin mula sa isang tao
papunta sa ibang tao.
A. Nakahahawang Sakit C. Kalusugan
B. Hindi Nakahahawang Sakit D. Lifestyle

3. Ano ang dapat gawin ng isang taong may sakit?  


A. Magtago sa kaniyang silid
B. Makihalubilo sa taong maysakit
C. Kumain, matulog at manood ng TV
D. Magpahinga at sundin ang payo ng doctor

4. Ito ay ang pinakamaliit na mikrobyo na makikita lamang sa pamamagitan ng mikroskopyo.


A. Virus B. Bacteria C. Fungi D. Parasitic Worm (Bulate)

5. Isang uri ng mikrobyo na tila halaman na mabilis dumami sa madilimat mamasa-masang lugar.
A. Virus B. Bacteria C. Fungi D. Parasitic Worm (Bulate)

6. Ito ay isang uri ng pathogens o mikrobyo na pinakamalaki at nagdudulot ng sakit at umaagaw sa sustansiya sa katawan.
Ano ito?
A. Bacteria B. Bulate C. Fungi D. Virus

7. Ang sinomang indibidwal na may mahinang resistensiya ay madaling kapitan ng sakit. Anong elemento ng kadena ng
impeksiyon ang tinutukoy nito?
A. Causative Agent C. Reservoir
B. Bagong Tirahan D. Mode of Exit

8. Ito ang lugar kung saan nanahanan at nagpaparami ang mga mikrobyo. Anong elemento ng kadena ng impeksyon o
“chain of infection” ang tinutukoy nito?
A. Infectious Agent B. Portal of Entry C. Reservoir o Host D. Portal of Exit

9. Paano naipapasa o naisasalin ang sakit na ubo sa ibang tao?


A. laway B. dugo C. ihi D. dumi

10. Paano naipapasa ang nakakahawang sakit?


A. Paggamit ng mask tuwing kausap ang may sakit.
B. Paghuhugas ng kamay palagi.
C. Pag-iwas sa taong may sakit.
D. Sa pamamagitan ang likido at personal na gamit.

II. Isulat ang T kung tama ang pangungusap at M naman kung mali.
_______11. Ang hindi nakakahawang sakit ay nakukuha mula sa nakagawian at maling paraan ng pamumuhay (lifestyle).
_______12. Ang nakahahawang sakit ay naipapasa ng isang tao, hayop o bagay sa ibang tao kung kaya’t kilala rin ito
bilang “lifestyle disease”.
_______13. Ang nakahahawang sakit ay nagmumula sa mga mikrobyo o pathogens.
_______14. Ang Asthma, Alzheimer’s, Appendicitis, Cancer Cystic Fibrosis, Ear Infection, Epilepsy, Diabetes, Ulcer,
Stroke ay mga halimbawa ng nakakahawang sakit.
_______15. Ang Mode of Entry ay labasan ng mikrobyo sa tao.
_______16. Ang Mode of Transmission ay paraan ng pagsasalit o paglilipat ng mikrobyo sa tao.
_______17. Ang Parasitic Worm (Bulate) ay isang uri ng mikrobyo na umaagaw ng sustansya sa katawan ng isang tao.
_______18. Ang sinomang indibidwal na may mahinang resistensya ay madaling kapitan ng sakit.
_______19. Ang hindi nakahahawang sakit ay hindi naipapasa o naisasalin ang sakit sa ibang tao.
_______20. Ang tawag sa taong mahina ang resistensya at madaling mahawahan ng sakit ay Susceptible Host.

Relax kalang. Exam lang ‘to. Mas malaki ang chance na pumasa ka dito
kaysa pumasa sa puso ng crush mo. – T. Lea 😊

You might also like