Professional Documents
Culture Documents
Gawain Blg. 5
Gawain Blg. 5
GAWAIN BILANG 5
Paglikha ng “Filipino Internet Etiquette” Guide:
Panuto: Bumuo ng limang gabay para sa tamang pag-uugali at pagsasalita ng wikang Filipino sa online
na kapaligiran.
Sa pag-uusap online, mahalaga na gamitin ang malinaw at madaling maintindihan na mga salita.
Iwasan ang paggamit ng mga malalalim na salita o mga termino na maaaring hindi pamilyar sa
ibang mga tao. Gamitin ang mga salitang pangkaraniwan na madaling maunawaan ng karamihan.
Ang wikang Filipino ay mayaman sa kultura at tradisyon ng mga Pilipino. Kapag nag-uusap online
sa wikang Filipino, mabuting isaalangalang ang pagrespeto sa kultura ng iba. Iwasan ang paggamit
ng mga salitang naglalaman ng pang-iinsulto o pagmamaliit sa ibang mga grupo o kultura.
Sa online na kapaligiran, may mga salitang balbal o jejemon na nagiging popular. Gayunpaman,
ang paggamit ng mga salitang ito ay maaaring magdulot ng kalituhan at hindi pagkakaintindihan
sa mga kausap. Mabuting gamitin ang mga pamilyar at pamantayang salita upang maiwasan ang
mga hindi pagkakaintindihan.