b) Nakapagbibigay ng sariling halimbawa ng Bugtong, salawikain at sawikain. Ang BUGTONG, pahulaan, o patuturan ay isang pangungusap o tanong na may doble o nakatagong kahulugan na nilulutas bilang isang palaisipan (tinatawag ding palaisipan ang bugtong). a. Heto na ang magkapatid, nag- uunahang pumanhik. Sagot: Mga paa
b. Dalawang batong itim, malayo ang
nararating. Sagot: Mga mata
c. Kay lapit-lapit na sa mata, di mo pa rin
makita. Sagot: Tenga Ang SALAWIKAIN ay mga kasabihan na nagbibigay o nagpapanuto ng magagandang aral o gabay sa pamumuhay. 1)Huwag gawin sa iba ang ayaw mong gawin sa iyo. 2)Kung ano ang puno, siya ang bunga. 3)Kung walang tiyaga, walang nilaga. Ang SAWIKAIN ay mga idyoma na nagpapakita ng malalim na kahulugan tungkol sa iba’t ibang paksa. 1. Abot-tanaw 2. Agaw-buhay 3. Agaw-dilim 4. Ahas Pumunta sa kanya-kanyang grupo