You are on page 1of 12

BAITANG-8

Mga
Pahayag na
Unang Markahan
1)Nahuhulaan ang mahaha-lagang kaisipan at
sagot sa mga karunungang-bayang
napakinggan.
2)Nagagamit ang paghaham-bing sa pagbuo ng
alinman sa bugtong, salawikain, sawikain o
kasabihan (eupemistikong pahayag).
Balik-
aral
Ipaliwana
g
1) Kung tubig ay magalaw
Ang ilog ay mababaw

2) Nagmamatandang kulit,
Nagmumurang kalumpit
Ipaliwana
g
3) Ubos-ubos biyaya,
Bukas nama’y tunganga.
4) May katawan walang mukha,
Walang mata’y lumuluha
5) Kinain na’t naubos
Nabubuo pang lubos
Kahulugan
ng

Ito ay bahagi ng pananalita


na naglalarawan o
nagbibigay-turing sa
pangngalan o panghalip.
LANTAY PAHAMBING PASUKDOL
Ito ay isang kaantasan ng pang-uri na naglalarawan sa isa
pangngalan o panghalip. Ito ay walang pagkukumpara o
paghahambing sa iba pang paksa. Isa lamang ang kaniyang
inilalarawan sa loob ng isang pangungusap.
HALIMBAWA:
1) Si Kathryn at Daniel ay ilan lamang sa mga magagaling na
artista sa henerasyon ngayon.

2) Si Rana ay mayroong mahabang pasensya.


3) Si Walter ay mapagbigay.
Ito ay naghahambing ng mga katangian ng tao,
bagay, kilos o pangyayari.
DALAWANG URI NG PAHAMBING

1) PAGHAHAMBING NA MAGKATULAD- ginagamit ito


kung ang dalawang pinaghahambing ay may patas na
katangian. Ginagamitan ito ng mga panlaping kasing,
sing, magsing, magkasing o kaya ay ang mga salitang
gaya, tulad, paris, kapwa at pareho.
2) PAGHAHAMBING NA DI-MAGKATULAD- ginagamit ito
kung ang pinaghahambing ay may magkaibang
katangian.
DALAWANG URI NG PAHAMBING NA DI-MAGKATULAD
a) PASAHOL- kung ang pinaghahambing ay mas
maliit,gumagamit ito ng mga salitang tulad ng lalo, di-gaano, di-
lubha o di-gasino.

b) PALAMANG- kung ang hinahambing ay mas malaki o


nakahihigit sa pinaghahambingan, gumagamit ito ng ng mga
salitang higit, labis at di-hamak.
Ang paglalarawan o paghahambing ay nakatuon sa higit
sa dalawang bagay o tao. Ang paglalarawan ay masidhi
kung kaya maaaring gumamit ng mga katagang sobra,
ubod, tunay, talaga, saksakan, hari ng at kung minsa’y
pag-uulit ng pang-uring pinaka-, at walang kasing-.

HALIMBAWA:
1) Ubod ng tamis ang ngiti ng mga taong malaya.

2) Pinakatanyag ang aming seksyon pagdating sa kaingayan.


Think-Pair-Share
Bumuo ng mga pangungusap batay sa:
• Pangkat 1&3 Paghahambing na Magkatulad
• Pangkat 2&4 Paghahambing na di magkatulad

You might also like