You are on page 1of 4

FILIPINO 5

Summative Test No. 2


Modules 3-4
4th Quarter
Pangalan: ________________________________ Score: _____

I. Basahing mabuti ang bawat pahayag. Isulat sa patlang ang Tama kung tama ang pahayag at Mali naman kung
hindi.

___________1. Sa pakikipagdebate malilinang ang kasanayan sa wasto at mabilis na pag-iisip.

___________ 2. Malilinang din ang wasto at bilis ng pagsasalita.

___________ 3. Hindi nakakatulong ang pakikipagdebate upang malinang ang lohikal na pangangatwiran.

___________ 4. Sa pikikipagdebate, nabibigyang kahalagahan ang magandang-asal tulad ng


paggalang at pagtitimpi o pagpipigil ng sarili.

___________ 5. Nakakatulong din ang pakikipagdebate upang magkaroon ng pang-unawa sa mga katwirang inilalahad ng
iba at pagtanggap sa nararapat na kapasyahan.

II. Basahing mabuti ang mga sumusunod na tanong at piliin ang letra ng tamang sagot.

_____6. Ito ay isang pormal na pakikipagtalong may estruktura at sistemang sinusundan.


A. debate B. away C. hamon D. laro

_____7. Ito ay isang panig sa pakikipagdebate na sumasang-ayon sa isyung pagdedebatehan.


A. Oposisyon B. moderator C. proposisyon D. hurado

_____8. Sino ang magpapasya kung aling panig sa pakikipagdebate ang nakakapanghikayat o kapani-paniwala?
A. Oposisyon B. moderator C. proposisyon D. hurado

_____9. Alin sa mga sumusunod na kalinangan ang maidudulot ng pakikipagdebate?


A. Wasto at mabilis na pagsasalita
B. Mabilis na pagtakbo
C. Mahinang pangangatwiran
D. Hindi nakakapagtimpi

_____10. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang halimbawa ng pagsang-ayon?


A. Tama ang aking ina, napakaganda nga aming probinsiya.
B. Ayaw kong kumain ng hapunan.
C. Masarap sana ang minatamis na saging, ngunit bawal sa akin.
D. Walang katotohanan ang paratang ng mga tao laban sa aking kapatid.

III. Basahing mabuti ang talata. Sagutin ang mga tanong sa ibaba.

Bakit kailangang manatili sa loob ng bahay?

Sa yugto na ito ng pandemya kritikal na hindi dapat mawala ang pagsulong na makamit natin sa pagkontrol sa
pagkalat ng COVID 19. Tumigil na ang pagtaas ng naoospital ngunit mas marami pa ang kinakailangang gawin upang ligtas
na mabuksan ang komunidad.

Ang pandaigdigang pandemya ng COVID 19 ay nasa maagang yugto pa .Madaling kumalat ang virus ang
kapasidad ng pagsusuri ay limitado at lumalawak ng dahan-dahan kung masyadong mabilis nating ipaluwag ang paghihigpit
ay potensyal ng pagpapalawig ng pagkalalat ay maaring magkaroon ng epekto sa kalusugan ng ating mga residente pati na
rin sa ekonomiya.

Lagyan ng tsek (/) kung isyu o paniniwala ang pangugusap at ekis (X) kung hindi:

______11. Manatili sa loob ng bahay.

______12. Pagsulong na makamit ang pagkontrol sa pagkalat ng Covid 19


______13. Madaling kumalat ang virus .

______14. Ang pandaigdigang pandemya ng COVID 19 ay nasa maagang yugto pa lamang.

_______15. Kung mabilis nating paluluwagin ang paghihigpit ay may potensyal na pagpapalawig ng pagkalat na maaaring
makaapekto sa kalusugan ng tao.
IV. Sagutin ang sumusunod na tanong isulat ang titik ng tamang sagot.

ILOG PASIG NOON AT NGAYON

Malaki ang naging bahagi ng Ilog Pasig sa buhay ng maraming Pilipino, kabilang na ang ating pambansang bayani
na si Dr. Jose Rizal. Malimit noon na makitang namamangka sa Ilog Pasig si Jose Rizal kasama niya ang kanyang
kasintahang si Leonor Rivera. Ito ang naging saksi sa kanilang wagas na pagmamahalan. Madalas nilang pasyalan noon ang
Ilog Pasig dahil nakadarama sila ng kapayapaan ng kalooban tuwing pagmamasdan ito. Ayon sa matatanda ibang-iba raw
ang Ilog Pasig noon. Bukod sa mga magkasuyong namamasyal dito. Marami ring kababaihan ang nakikitang naglalaba rito.
Paliguan din ito ng marami at dito nangingisda ang mga tao. Kulay asul ang tubig nito malinis at malinaw. Iba’t – ibang isda
ang nahuhuli rito tulad ng talimusak, dalag at kanduli.
Presko ang simoy ng hangin dito at inspirasyon ng mga makata. Ipinapahayag ang kanilang mga damdamin sa pamamagitan
ng tula at awit. Gaano man kabigat ang suliranin ng isang tao dagli itong nalilimutan. Kung namamalas ang kagandahan ng
ilog Pasig. Ang alon ay tila musika sa kanilang pandinig. Ganyan kaaya-aya ang ilog Pasig noon.At isa ito sa itinuturing na
magandang tanawin sa ating bansa.

Ngayon ano ang nangyari sa Ilog na ito? Ang dating malinaw na tubig ay naging maitim na. Ang presko at
sariwang hangin ay napalitan na ng mabahong simoy na dulot ng basurang itinatapon dito.Ang mga isda ay wala ng
pagkakataong mabuhay sapagkat ito ay puro burak na.
Sino pa ang masisiyahang mamasyal sa pook na ito? Paano tayo uunlad kung pati kalikasan ay sinisira natin dahil sa ating
kapabayaan? Paano na rin an gating kalusugan. Sa kasalukuyan marami ng proyekto ang pamahalaan upang mabuhay muli
ang makasaysayang Ilog Pasig. Sana’y makiisa ang lahat sa mga proyektong ito.Ikaw, handa ka na bang maging bahagi
nito? Isang hamon ito para sa iyo..Tulad mo diyan sa lugar ninyo may naitulong ka na ba?
______16. Alin ang may malaking bahagi sa buhay ng mga Pilipino kabilang na ang ating pambansang bayani na si Dr.
Jose Rizal?
A. Ilog Pasig B. Maynila C.Luneta D. Pasig

______17. Ayon sa mga matatanda ang ilog Pasig daw noon ay?
A. Kakaiba B. Ibang –iba C. maganda D. malinis

______18. Ang ilog Pasig ay nagsisilbing ______ ng mga tao noon.


A. Kaibigan B. kasama C. inspirasyon D. suliranin

19. Ano ang isyu sa teksto?


A. Anon a ang nangyari sa ilog na ito B. Marumi na ang ilog
B. Maganda ang ilog D. maitim at mabaho ang tubig

______20. Ano ang naging paniniwala ng may akda ng teksto?


A. Makiisa sa programa para sa ilog Pasig
B. Sumunod sa mga ipinatutupad na batas.
C. Paano na ang ating kalusugan
D. Makiisa sa mga programa ng pamahalaan upang mabuhay muli ang maksaysayang ilog na ito.
SUMMATIVE TEST 4 KEY:

1.Tama
2.Tama
3.Mali
4.Tama
5.Tama

6.A
7.C
8.D
9.A
10.A

11. X
12. /
13. X
14. /
15. /

16. A
17. B
18. C
19. A
20. D

You might also like