Professional Documents
Culture Documents
Magkababata Wps Office
Magkababata Wps Office
UNANG YUGTO
*Sa paaralan*
Tagapagsalaysay: Mabait,mataas,matalino,makisig,gwapo,ilan lamang iyan sa mga
katangiang taglay ni Calvin.Isang mag-aaral sa NNHS.Marami ang humahanga sa
kaniyang angking kagwapuhan.Datapwat gwapo siya ngunit babaero naman.Paiba-iba ang
babae at nilalaruan lamang ito dahil hindi daw siya nakakaramdam ng espesyal na
koneksiyon sa kanila.Makakahanap nga ba si Calvin na makakapagparamdam sa kaniya ng
kilig at matutunan niyang makutento sa isang babae sa kaniya nang iibigin hanggang
sa huli.
*Isang araw bumisita si Calvin at ang kaniyang mga kaibigan sa isa pa nilang
kaibigan na si Rozen sa silid-aralan ng Grade-9.Habang sila ay nag-uusap biglang
napukaw ang atensyon ni Calvin sa isang morenang babae.Tinapik ni Kein si Calvin
sapagkat bigla nala itong natulala.*
Kein: Ano par may maganda ba? Para kang nakakita ng diwata ahh..
Calvin: Siyang isang diwata nga..
Rozen: Si Rose ba? yang morena? Ayy yan yung pinakamatalino dito sa seksiyon
namin,bukod sa matalino mabait pa tsaka saksakan ng ganda.Pero kung ako sayo pumili
ka nalang ng iba tiyak na dededmahin ka lang niyan.
Calvin: Rose...kasing ganda niya ang mga rosas sa hardin.
Kein: Parang ngayon lang kita nakitang inlove par ahh..(natatawang saad ni Kein)
Teacher: Miss Villaluna, Ano sa tingin mo kapag nakakita ka ng isang taong iyong
napupusuan at nalaman mong may pagtingin din ito sa iyo? Paano mo malalaman kung
kayo na ba talaga ang para sa isa't isa.
Rose: Di naman po natin malalaman kung hindi naman po natin susubukang pumasok sa
isang relasyon.Ma'am diba kapag nasubukan natin dun mo pa malalaman kasi makakakita
ka diyan ng senyales na kung kayo naba talaga yung para sa isa't isa.Kaya kung di
talaga kayo komportable sa isa't isa baka di talaga kayo.
IKALAWANG YUGTO
*Napukaw lamang ang atensiyon ni Calvin ng tapikin ni Kein ang balikat nito.*
-Wakas