You are on page 1of 2

Kabanata V

LAGOM, KONKLUSYON AT REKOMENDASYON

Ang Kabanatang ito ay nagbibigay ng buod, natuklasan, konklusyon at


rekomendasyon ng pag-aaral. Ang pamagat ng pag-aaral na ito ay “Epekto ng
Social Media sa Senior High sa paaralan ng Nicolas B. Barreras National
High School”

LAGOM

Ang pag-aaral na ito ay isinagawa upang matukoy ang iba’t ibang


pananaw ng mga mag-aaral ayon sa kanilang sari-sariling opinion. Ang
mga mananaliksik ay nangalap ng mga impormasyon sa pagkakakilanlan
ng mga estudyante.

Upang matukoy ang iba’t ibang pananawng mga mag-aaral, ang mga
mananaliksik ay naghanda ng isang talatanungan o survey questionnaire para sa
mga piling mag-aaral lamang na magsasagot. Ang datos na natipon ay nagsilbi
bilang pangunahing nakalap na kasagutan ng pag-aaralna kung saan ay maingat
na ihiharap at nasuri ng maayos.
KONKLUSYON

Batay sa mga natuklasan ng pag-aaral, ang mga sumusunod ay:

1. Karamihan sa mga sumagot sa aming talatanungan ay mga


estudyante na nasa labing-isa na baitang.

2. Walang pinagkaiba ang pananaw ng babae at lalaki na nasa sa


labing-isa na baitang ng Grade 11-Opal

3. Karamihan sa mga mag-aaral ay nagsasabing nakakatulong ang


paggamit ng Social Media at may iba ding nagsabing nakakasama
ang Social Media.

REKOMENDASYON

Matapos ang masusing pagkalap ng mga kailangang datos nabuo ng mga


mananaliksik angmga rekomendasyong ito:

1. Ang mga mag-aaral ay dapat na mananaliksik sa internet kung ano


ang mga pangunahing layunin ng epekto ng social media sa mag-aaral
upang magkaroon sila ng sapat na kaalaman bago gumamit ng social
media.

2. Ang mga opisyales ng DepED ay nararapat na gumawa ng DepED


Order sa mga mag-aaral upang maiwasan na ang paggamit ng social
media sa Paaralan

You might also like