You are on page 1of 2

City History, Arts, Culture and Tourism Council

City of Meycauayan, Bulacan

PANGALAN NG BARANGAY: PEREZ

KASAYSAYAN/ALAMAT: Ang kasaysayan ng Barangay Perez ay salin sa salitang “Alferez” noong panahon ng kastila. Ang
“Alferez” ay siyang kinikilalang pinuno ng pamahalaan na kaagapay ng pari sa pagpapatupad ng batas sa
lahat. Dito sa lugar na ito, naitayo ang pamahalaan ng kastila at nagpasalin-salin sa iba’t ibang
nanunugkulan.
Sa paglipas ng panahon ang salitang “Alferez” ay naging “Al Perez” at kalaunan, ito ay naging
“Perez” na lamang na makikita sa simbolo ng Pamahalaang Perez ang isang salakot na sagisag ng
ginagamit ng “Alferez”
Ang Barangay Perez ay matatagpuan sa hilagang silangan ng Bayan ng Meycauayan. Lalong kilala
ito sa bansag na “BUKID” na kung saan ang palibot nito ay dating bukid na sinasaka ng naninirahan dito.
Naging isang maunlad na pamayanan ito ng ang “Philippine Development Corporation” ay nagpatayo ng
subdivision na ang tawag ay Las Villas de Sto. Niño.
Ang barangay Perez ay isa sa dalawamput anim (26) na Barangay ng Lungsod ng Meycauayan,
Bulacan at maunlad nang Barangay.
TRADISYON Tradisyon sa aming barangay ang pagdaraos ng kapistahan ng Poong Sto. Niño sa loob ng Sto. Niño
(Sayaw, Awit, Tula): Subdivision, at ang kapistahan ng Mahal na Señor sa baryo. Tradisyon din ng baryo ang ipagdiwang ang
araw ng Tatlong Hari 0 Three Kings.
PRODUKTO: Ang mga produkto ng Barangay Perez ay mga kakanin kagaya ng puto, biko, maja blanca at suman.

BAYANI/PERSONALIDAD: Wala po

REMARKS:
City History, Arts, Culture and Tourism Council
City of Meycauayan, Bulacan

Kgd. Nelia T. Camacho


Chairman, Brgy. Committee on History, Arts, Culture & Toursim
Pangalan at Lagda ng Kinapanayam

You might also like