You are on page 1of 13

Araling Panlipunan

Baitang 5 • Yunit 1: Ang Kinalalagyan ng Pilipinas

ARALIN 1.1
Tiyak na Lokasyon ng Pilipinas

Talaan ng Nilalaman

Panimula 1

Mga Layunin sa Pagkatuto 2

Mga Kasanayan sa Pagkatuto 2

Subukan Natin 3

Pag-aralan Natin 4
Mga Kathang-isip na Guhit sa Mapa 4
Mga Espesyal na Guhit sa Mapa 5
Pagkuha sa Tiyak na Lokasyon ng Pilipinas sa Tulong ng Grid 6

Sagutin Natin 7

Suriin Natin 8

Pag-isipan Natin 8

Gawin Natin 8

Dapat Tandaan 10

Pinagkunan ng mga Larawan 11

Mga Sanggunian 11
Araling Panlipunan

Baitang 5 • Yunit 1: Ang Kinalalagyan ng Pilipinas

Aralin 1.1
Tiyak na Lokasyon ng Pilipinas

Panimula

Ang Pilipinas ay isa sa mga bansa sa daigdig. Matatagpuan ito sa rehiyon ng


Timog-Silangang Asya. Kung bibigyan ka ng mapa ng mundo, matutukoy mo ba kung
nasaan dito ang Pilipinas? Alam mo ba kung paano tukuyin ang kinalalagyan ng ating bansa
batay sa mga bansang nakapalibot dito?

Sa araling ito ay tatalakayin natin kung ano-ano ang mga paraan upang mas madaling
matukoy ang kinalalagyan o lokasyon ng Pilipinas sa daigdig gamit ang mapa.

1
Araling Panlipunan

Baitang 5 • Yunit 1: Ang Kinalalagyan ng Pilipinas

Mga Layunin sa Pagkatuto


Pagkatapos ng araling ito, inaasahang matututuhan ng mga mag-aaral ang
sumusunod:
● Natatalakay ang mga kathang-isip na guhit (latitud at longhitud) at ang
mga espesyal na guhit sa mapa.
● Natutukoy ang tiyak na lokasyon (absolute location) ng Pilipinas.

Mga Kasanayan sa Pagkatuto


Pagkatapos ng araling ito, inaasahang magagampanan ng mga mag-aaral ang
sumusunod na kasanayan:
● Nailalarawan ang lokasyon ng Pilipinas sa mapa (AP5PLP-Ia-1).
● Natutukoy ang kinalalagyan ng Pilipinas sa mundo gamit ang mapa batay
sa tiyak na lokasyon nito (longhitud at latitud) (AP5PLP-Ia-1.1).

2
Araling Panlipunan

Baitang 5 • Yunit 1: Ang Kinalalagyan ng Pilipinas

Subukan Natin

Ang Mapa ng Timog-Silangang Asya


Panuto
Tingnan ang larawang ito ng mga bansa sa Timog-Silangang Asya. Isulat ang pangalan ng
bansa na kinakatawan ng bawat bilang.

1. ___________________________________________________________________
2. ___________________________________________________________________
3. ___________________________________________________________________
4. ___________________________________________________________________
5. ___________________________________________________________________

3
Araling Panlipunan

Baitang 5 • Yunit 1: Ang Kinalalagyan ng Pilipinas

Mga Gabay na Tanong


1. Ano ang napapansin mo sa lokasyon ng bansang Pilipinas sa mapa?
2. Ano ang kahalagahan ng mapa?

Pag-aralan Natin

Ang mapa ay isang representasyon ng ating mundo. Ginagamit ito ng mga manlalakbay,
mananaliksik, at mga mag-aaral upang tukuyin, ipaliwanag, at bagtasin ang mga lugar sa
mundo. Ang mga sinaunang mapa ay mga ilustrasyon lamang sa isang papel. Sa
kasalukuyan, mayroon na itong bersiyon sa 3D na kilala rin sa tawag na globo.

Alamin Natin
Tandaan at gawing gabay ang kahulugan ng sumusunod na salita:

tiyak na sa Ingles ay absolute location; eksaktong lokasyon ng


lokasyon isang lugar sa mundo

globo pabilog na paglalarawan sa mundo

kathang-isip imahinasyon; nasa isip lamang

kartograpo isang taong lumilikha ng mga mapang pang-heograpiya

Mga Kathang-isip na Guhit sa Mapa

Mayroong nilikhang mga espesyal na guhit sa globo at mapa upang maging gabay o
panukat sa eksaktong lokasyon ng mga lugar o bansa. Ang mga guhit na ito ay kathang-isip
lamang at nilikha upang maging gabay sa pagbasa ng mapa o globo.

Isa sa mga ito ay tinatawag na latitud (latitude). Ito ay ang mga pahalang na guhit na
makikita sa mga globo o mapa. Ang mga ito ay nakalatag mula silangan patungong
kanluran.

4
Araling Panlipunan

Baitang 5 • Yunit 1: Ang Kinalalagyan ng Pilipinas

Ang mga patayong guhit naman sa mapa ay tinatawag na longhitud (longitude). Ang mga
ito naman ay nakalatag mula hilaga patungong timog.

Lar. 1. Ang mga kathang-isip na guhit sa mapang nagsisilbing gabay sa pagbasa ng lokasyon
ng isang bansa gaya ng Pilipinas

Mga Espesyal na Guhit sa Mapa


Mayroon ding tinaguriang mga espesyal na guhit latitud at longhitud. Ang espesyal na guhit
latitud ay tinatawag na ekwador. Ang ekwador ay makikita sa 0° latitud at hinahati nito ang
globo o mapa sa hilaga at timog. Sa kabilang banda, ang espesyal na guhit longhitud naman
ay tinatawag na prime meridian. Ito ay makikita sa 0° longhitud at hinahati naman nito ang
mapa sa silangan at kanluran.

Bukod sa prime meridian, itinuturing ding espesyal na guhit longhitud ang International
Date Line. Ito ay makikita sa 180° longhitud ngunit hindi ito isang tuwid na guhit. Dito
ibinabatay ang petsa at oras ng mga bansa at iba’t ibang bahagi ng mundo.

5
Araling Panlipunan

Baitang 5 • Yunit 1: Ang Kinalalagyan ng Pilipinas

Mahalagang Tanong
Paano ginagamit ng mga kartograpo ang mga batayang heograpikal sa
paggawa nila ng mga mapa?

Pagkuha sa Tiyak na Lokasyon ng Pilipinas sa Tulong ng Grid


Ang grid ay ang pagtatagpo ng longhitud at latitud sa mapa o globo. Makatutulong ito
upang mas tiyak na makita ang lokasyon ng kahit anong lugar. Malalaman ang eksaktong
lokasyon ng isang lugar sa pamamagitan ng pagkuha o pagsukat ng digri (°) ng longhitud
at latitud kung saan naroroon ang isang lugar.

Lar. 2. Ang grid ng mapa ng Pilipinas

6
Araling Panlipunan

Baitang 5 • Yunit 1: Ang Kinalalagyan ng Pilipinas

Bukod sa grid, makatutulong din sa pagkuha ng tiyak na lokasyon ng Pilipinas ang mga
espesyal na guhit sa mapa. Kung tutukuyin natin ang tiyak na lokasyon ng Pilipinas base sa
Lar. 2, ito ay matatagpuan sa pagitan ng 4° H at 21° H latitud at ng 116° S at 127° S
longhitud. Ito ay nakuha sa pamamagitan ng pagsukat sa mga kathang-isip na guhit na
matatagpuan natin sa mapa.

Sagutin Natin
A. Panuto: Isulat sa patlang ang tinutukoy sa bawat pangungusap.

_______________ 1. Tinagurian itong isang representasyon ng mundo.

_______________ 2. Ito ang espesyal na guhit na makikita sa 0° longhitud.

_______________ 3. Ito ang espesyal na guhit na batayan ng petsa at oras ng mga


bansa sa iba’t ibang bahagi ng mundo.

_______________ 4. Ito ang espesyal na guhit na naghahati sa mundo sa hilaga at


timog.

_______________ 5. Ito ang tawag sa guhit sa mapa na nakalatag mula silangan


patungong kanluran.

B. Panuto: Kompletuhin ang sumusunod na talata.

Upang matukoy ang eksaktong lokasyon ng isang lugar sa mundo, kailangang tukuyin
ang (1) ____________________ at (2) ____________________ nito. Ginagamit ang grid ng mga
manlalakbay upang (3) ____________________. Ang Pilipinas ay matatagpuan sa pagitan
ng (4) ____________________ latitud at (5) ____________________ longhitud.

7
Araling Panlipunan

Baitang 5 • Yunit 1: Ang Kinalalagyan ng Pilipinas

Suriin Natin

Panuto: Sagutin ang sumusunod na tanong:


1. Ano ang tiyak na lokasyon ng Pilipinas?
2. Bakit mahalaga ang mapa?
3. Ano ang kahalagahan ng grid?

Pag-isipan Natin

Sa ano-anong sitwasyon mo maaaring gamitin ang pagtukoy ng lokasyon ng isang lugar?

Gawin Natin

1. Kumuha ng mapa na may grid at gamitin ito upang tukuyin kung anong lugar ang
nasa:
a. 45° hilaga ng ekwador
b. 90° kanluran ng prime meridian

2. Mamili ng isang lugar bawat letra at tukuyin ang iba’t ibang sikat at magagandang
tanawin sa bawat lugar. Gumawa ng collage upang ipakita ang iyong mga sagot.

8
Araling Panlipunan

Baitang 5 • Yunit 1: Ang Kinalalagyan ng Pilipinas

Gamitin ang sumusunod na rubrik bilang gabay.

Mas Mababa Kailangan pa Magaling Napakahusay Marka


kaysa ng Pagsasanay
Pamantayan
Inaasahan
1 2 3 4

Mga Halos minadali Kasiya-siya ng Nakapagtapo Nakapagpasa


Elemento ng ang paggawa o ipinasa ng s ng ng isang
Disenyo hindi natapos likhang sining magandang maganda at
ang likhang ngunit kulang likhang natatanging
sining. sa sining; likhang
pagpaplano pinag-isipan sining;
ng disenyo o at pinagsa- lubhang
hindi luhan ang pinag-isipan
pinag-isipan. disenyo; at o pinagpla-
tama ang nuhan ang
ginamit na disenyo; at
guhit, kulay, mahusay ang
at espasyo. paggamit ng
mga guhit,
kulay, at
espasyo.

Kasanayan/ Walang Nagpapakita May angking Nagpapakita


Husay kahusayan sa ng pagnanais husay sa ng husay at
pagguhit o na paggawa galing sa
paglikha ng mapaghusay ngunit paggawa; at
likhang sining. ang kaniyang kailangan pa may sapat na
paggawa ng ng kaunting kaalaman o
likhang sining. pagsasanay. pagsasanay.

Panahon sa Nakapagpasa Nakapagpasa Nakapagpasa Nakapagpasa


Paggawa ng kaniyang ng kaniyang ng kaniyang ng kaniyang
likhang sining likhang sining likhang likhang sining
sa loob ng sa loob ng sining sa bago pa ang
dalawang isang linggo itinakdang itinakdang
linggo matapos ang petsa ng petsa ng
matapos ang itinakdang pagpasa. pagpapasa.
itinakdang petsa ng
petsa. pagpapasa.

KABUUAN

9
Araling Panlipunan

Baitang 5 • Yunit 1: Ang Kinalalagyan ng Pilipinas

Dapat Tandaan

● Ang mga batayang heograpikal ay makatutulong sa pagtukoy ng tiyak na lokasyon


ng isang lugar.
● Ang kathang-isip na guhit sa mapa ay makatutulong upang malaman ang
eksaktong lokasyon ng isang lugar sa pamamagitan ng pagkuha o pagsukat ng digri
(°) ng latitud (pahalang na guhit) at longhitud (patayong guhit) kung saan naroroon
ang lugar.
● Ang iba pang mahahalagang kathang-guhit sa mapa ay ang ekwador, prime
meridian, at International Date Line.
● Ang tiyak na lokasyon ng Pilipinas ay nasa pagitan ng 4° H at 21° H latitud at ng 116°
S at 127° S longhitud.

Karagdagang Kaalaman
Kaya mo bang tukuyin ang direksiyon kahit na wala kang kompas?

Isagawa ang sumusunod na


hakbang:
1. Lumabas ka ng bahay o
silid-aralan at hanapin kung
nasaang direksiyon
sumusikat ang araw.
2. Tumayo ka ng nakadipa at
itutok ang iyong kanang
kamay sa direksiyon kung
saan sumusikat ang araw.
Isang kompas

10
Araling Panlipunan

Baitang 5 • Yunit 1: Ang Kinalalagyan ng Pilipinas

Ang iyong kanang kamay ay ang silangan, ang kaliwa naman ay ang
kanluran. Ang hilaga ay nasa iyong harapan, samantala, ang timog ay nasa
iyong likuran.

Pinagkunan ng mga Larawan

Philippines(orthographic projection).svg by Addicted04 is licensed under CC BY-SA 3.0 via


Wikimedia Commons.

Boussole fantassin russe.jpg by Jean-Patrick Donzey is licensded under CC BY-SA 3.0 via
Wikimedia Commons.

Mga Sanggunian

Conde-Bebis, Kristine, at Luczon, Tristan Albert. Linangan ng Diwa 5. Quezon City: PLL
Publishing House. 2016

Ju-kua, Chao. Isang Pahayag Tungkol sa mga Taong Ligaw. n.d. Ninuno Mo, Ninuno Ko:
Paghahanap sa mga Unang Pilipino. http://www.elaput.org/nunochao.htm. [Nakalap
noong Setyembre 17, 2021].

Jbheider 1. 2014. WG 1: Finding Relative Location. [video] Makukuha sa


<https://www.youtube.com/watch?v=WxA0uYqBey4> [Nakalap noong Setyembre 17,
2021].

11
Araling Panlipunan

Baitang 5 • Yunit 1: Ang Kinalalagyan ng Pilipinas

Kinalalagyan at Laki ng Pilipinas. w.p. Heograpiya.


http://www.seasite.niu.edu/Tagalog/modules_in_Tagalog/heograpiya.htm#top.
[Nakalap noong Setyembre 17, 2021]

12

You might also like