You are on page 1of 2

SWIM/MBK SESSION MARCH 16, 2022

Facilitated by Commander PEMS ARSENIO S. MANDAPAT JR.

WE SERVE AND PROTECT

Section 2-1 PNP CORE VALUES 2.2 Love Of Family (Maka-Pamilya )

Pagbubulay:

Sino ang miyembro ng ating pamilya? Anong Gawain ang nakapagpapasaya sa atin na sama sama nating
ginagawa bilang isang pamilya?

Inspirasyon mula sa banal na kasulatan:

Psalm 128:1-4 1Mapalad ang bawa't isa na natatakot sa Panginoon, na lumalakad sa kaniyang mga
daan. 2Sapagka't iyong kakanin ang gawa ng iyong mga kamay: magiging maginhawa ka, at ikabubuti
mo. 3Ang asawa mo'y magiging parang mabungang puno ng ubas, sa mga pinakaloob ng iyong bahay:
ang mga anak mo'y parang mga puno ng olibo, sa palibot ng iyong dulang. 4Narito, na ganito nawa
pagpalain ang tao, na natatakot sa Panginoon.

Paano binuo ng Diyos ang ating pamilya?

a. Pinag-isa ng Diyos ang lalaki at babae sa pamamagitan ng kasal.

Genesis 2:23-24 23 At sinabi ng lalake, Ito nga'y buto ng aking mga buto at laman ng aking laman: siya'y
tatawaging Babae, sapagka't sa Lalake siya kinuha. 24 Kaya't iiwan ng lalake ang kaniyang ama at ang
kaniyang ina, at makikipisan sa kaniyang asawa: at sila'y magiging isang laman.

b. Ang pamilya ay regalo at pagpapala mula sa Diyos. Ang ating pamilya ay dapat nakaugnay sa pag ibig
ng Diyos. Ang ating pamilya ay dapat mahubog sa pagsamba sa Diyos na may likha ng ating buhay at
mapuno ng pagmamahalan.

Joshua 25:14-15 14 “Kaya ngayon, sambahin ninyo si Yahweh at paglingkuran ninyo siya nang buong
puso't katapatan. Alisin ninyo ang mga diyus-diyosang dating sinasamba ng inyong mga ninuno sa
Mesopotamia at sa Egipto. Si Yahweh lamang ang inyong paglingkuran. 15 At kung ayaw ninyong
maglingkod kay Yahweh, pumili kayo ngayon kung sino ang inyong paglilingkuran: ang mga diyos na
pinaglingkuran ng inyong mga ninuno sa Mesopotamia, o ang mga diyos ng mga Amoreo, na sinasamba
dito sa lupaing inyong tinitirhan. Ngunit para sa akin at sa aking sambahayan, kay Yahweh kami
maglilingkod.”

c. Ang Diyos ay nagbigay ng gabay at pamantayan bilang pundasyon para sa masiglang relasyon ng
pamilya.

Colossians 3:19-21 18Mga babae, pasakop kayo sa inyo-inyong asawa, gaya ng nararapat sa Panginoon.
19Mga lalake, ibigin ninyo ang inyo-inyong asawa, at huwag kayong maging mapait sa kanila. 20Mga
anak, magsitalima kayo sa inyong magulang sa lahat ng mga bagay, sapagka't ito'y totoong nakalulugod
sa Panginoon. 21Mga ama, huwag ninyong ipamungkahi sa galit ang inyong mga anak, upang huwag
manghina ang loob nila.

Ang Hamon:
Ano ang pinakamahalagang natutunan natin sa araw Na ito? Paano natin ito maisasabuhay?

You might also like