You are on page 1of 4

ARALING PANLIPUNAN 4

DIAGNOSTIC/ACHIEVEMENT TEST TEST

TALAHANAYAN NG ISPESIPIKASYON

Layunin Bilang ng Kinalalagyan %


Aytem
1. Naiisa-isa ang katangian ng bansa. 1 1 2.5
2. Natutukoy ang relatibong lokasyon ng Pilipinas batay sa mga 1 2 2.5
nakapaligid dito gamit ang pangunahin at pangalawang
direkiyon.
3. Natutukoy ang iba pang salik na may kinalaman sa klima ng 2 3-4 5
bansa.
4. Naipaliliwanang na ang klima ay may kinalaman sa uri ng 1 5 2.5
mga pananim at hayop sa Pilipinas
5. Naipaliliwanang ang katangian ng Pilipinas bilang bansang 1 6 2.5
maritime o insular.
6. Napaghahambing ang iba’t ibang pangunahing anyong lupa at 2 7-8 5
anyong tubig ng bansa.
7. Natutukoy ang mga pangunahing likas na yaman ng bansa. 1 9 2.5
8. Naiisa-isa ang mga magagandang tanawin at lugar pasyalan 1 10 2.5
bilang yamang likas ng bansa.
9. Nailalarawan ang kalagayan ng Pilipinas na nasa “Pacific 1 11 2.5
Ring of Fire” at ang implikasyon nito.
10. Naiuugnay ang kapaligiran sa uri ng hanapbuhay. 1 12 2.5
11. Natatalakay ang ilang isyung pangkapaligiran ng bansa. 1 13 2.5
12. Nakapagbibigay ng mungkahing paraan ng wastong 1 14 2.5
pangangasiwa ng likas na yaman ng bansa.
13. Natatalakay ang hamon at oportunidad sa gawaing pang- 2 15-16 5
kabuhayan ng bansa.
14. Nakakalahok sa mga gawaing lumilinang sa pangangalaga at 1 17 2.5
nagsusulong ng likas kayang pag-unlad.
15. Natutukoy ang ilang halimbawa ng kulturang Pilipino sa iba’t 2 18-19 5
ibang rehiyon ng Pilipinas.
16. Natutukoy ang mga pamanang pook bilang bahagi ng 1 20 2.5
pagkakakilanlang kulturang Pilipino.
17. Nakagagawa ng mungkahi sa pagsulong at pagpapaunlad mg 1 21 2.5
kulturang Pilipino.
18. Natatalakay ang kahulugan ng pambansang awit at watawat 1 22 2.5
bilang mga sagisag ng bansa.
19. Natatalakay ang kahulugan at kahalagahan ng pambansang 2 23-24 5
pamahalaan.
20. Natatalakay ang kapangyarihan ng tatlong sangay ng 2 25-26 5
pamahalaan.
21. Natutukoy ang mga namumuno ng bansa. 2 27-28 5
22. Natatalakay ang kahulugan ng ilang simbolo at sagisag ng 2 29-30 5
kapangyarihan ng pamahalaan.
23. Naiisa-isa ang mga programang pangkalusugan. 2 31-32 5
24. Natutukoy ang batayan ng pagkamamamayang Pilipino. 2 33-34 5
25. Nasasabi kung sino ang mga mamamayan ng bansa. 1 35 2.5
26. Natatalakay ang mga karapatan ng mamamayang Pilipino. 1 36 2.5
27. Natatalakay ang mga tungkulin ng mamamayang Pilipino. 1 37 2.5
28. Naibibigay ang kahulugan ng kagalingang pansibiko. 1 38 2.5
29. Naibibigay ang kahulugan at katangian ng pagiging 1 39 2.5
produktibong mamamayan.
30. Naipapakita ang pakikilahok sa mga programa at proyekto ng 1 40 2.5
pamahalaan na nagtataguyod ng mga karapatan ng
mamamayan.
TOTAL 40 100%
PAUNANG PAGSUSULIT SA ARALING PANLIPUNAN 4

Piliin ang titik ng tamang sagot.


1. Alin sa mga sumusunod ang mga katangian ng isang bansa?
A. tao C. tao, teritoryo, pamahalaan
B. tao, teritoryo D. tao, teritoryo, pamahalaan, soberanya
2. Kung gagamitin ang mga pangunahing direksiyon, ang Pilipinas ay napapaligiran ng _____ sa
hilaga.
A. Brunei at Indonesia C. Dagat Celebes at Sulu
B. Taiwan at Bashi Channel D. Vietnam at Dagat Kanlurang Pilipinas.
3. _____ ay tumutukoy sa nararanasang init o lamig sa isang lugar.
A. hangin B. ulan C. temperatura D. latitud
4. Bukod sa temperatura, ang _____ ay isa pang salik na may kinalaman sa klima ng bansa.
A. hugis ng ulap C. dami ng ulan
B. lakas ng ulan D. lalim ng dagat
5. Bakit may mga halaman at hayop na nabubuhay lamang sa Pilipinas?
A. may kinalaman ang klima sa mga uri ng hayop at halamang nabubuhay sa bansa.
B. iba-iba rin ang mga hayop at halamang gustong alagaan ng mga tao.
C. maganda at malinis ang kapaligiran sa bansa.
D. malawak ang lupa ng bansa.
6. Ang Pilipinas ay isang bansang maritime o insular dahil _____.
A. Dahil napaliligiran ito ng kabundukan
B. Dahil napaliligiran ito ng dagat at karagatan
C. Dahil napaliligiran ito ng bulkan at kapatagan
D. Dahil napaliligiran ito ng yamang lupa at yamang mineral
7. Ang burol ay mataas na anyong lupa ngunit mas mababa kaysa _____.
A. bundok B. talampas C. kapatagan D. karagatan
8. Ang golpo ay tulad ng _____ na halos naliligid din ng lupa.
A. dagat B. tsanel C. lawa D. look
9. Alin sa mga sumusunod ang pangunahing likas na yaman ng bansa?
A. yamang lupa C. yamang mineral
B. yamang tubig D. yamang tao
10. Ito ay pook pasyalan na matatagpuan sa Carmen, Bohol.
A. Boracay Beach C. Chocolate Hills
B. Hagdang-hagdang Palayan D. Bulkang Mayon
11. Ang Pilipinas na nasa “Pacific Ring of Fire.” Alin sa mga sumusunod ang implikasyon nito?
A. Naghahatid ng mayamang lupa na mainam sa agrikultura.
B. Nagtataglay ng likas o natural na harang.
C. Pagkawasak o pagkasira ng kalikasan.
D. A, B at C
12. Ang lungsod ng Baguio ay may malamig na klima. Marami ritong sariwang gulay, prutas at
mga bulaklak. Ang lugar na ito ay angkop sa anong uri ng hanapbuhay?
A. paghahayupan C. pagsasaka
B. pangingisda D. pangangaso
13. Ang global warming ay _____.
A. pagtaas ng temperatura ng atmospera ng mundo sanhi ng chlorofluorocarbons
B. malakihang pagpapatayo ng mga industriya
C. matinding pagbaha at pagguho ng lupa
D. pagsusunog ng kagubatan
14. Alin sa mga sumusunod ang wastong paraan ng pangangasiwa ng likas na yaman ng bansa?
A. Magtanim ng mga puno at halaman. C. Iwasan ang pagtatapon ng basura sa
tubig.
B. Iwasan ang pagkakaingin. D. A, B at C
15. Kilala ang Pilipinas bilang agrikultural na bansa. Alin sa mga sumusunod ang oportunidad para
sa mga magsasaka?
A. Impormasyon sa mga bagong pag-aaral at saliksik upang gumanda ang ani
B. Paggamit ng makabagong teknolohiya para mapabilis ang produksiyon
C. Paghihikayat sa mga OFW upang mamuhunan sa pagsasaka
D. A, B at C
16. Maituturing na pinakamalaking hamon sa mga mangingisda ang climate change o _____.
A. pagbabago sa dami ng ulan C. pagbabago sa hugis ng mundo
B. pagbabago sa klima ng mundo D. pagbabago ng tubig sa dagat
17. Sino sa mga sumusunod ang lumalahok sa mga gawaing lumilinang sa pangangalaga at nagsusulong
ng likas kayang pag-unlad?
A. Tinatapon ni Marisa sa tamang tapunan ang mga basura.
B. Si Nora ay ayaw lumahok sa programang Clean and Green.
C. Ang sasakyan ni Mang Gusting ay nagbubuga ng maitim na usok.
D. Hindi marunong magsara ng gripo si Mario habang nagsisipilyo ng kanyang ngipin.
18. Saan kilala ang mga Kapampangan?
A. pagiging masinop C. mahusay sa pagluluto at pagsusuot ng magagarang damit
B. pagkaing may gata at sili D. pagiging malumanay at mahinahon.
19. Ang mga Ilokano ay kilala sa _____.
A. pagiging masinop C. mahusay sa pagluluto at pagsusuot ng magagarang damit
B. pagkaing may gata at sili D. pagiging malumanay at mahinahon.
20. Ito ay isang pamanang pook na ginawa noong 1704 at natapos noong 1894 sa lalawigan ng Ilocos
Norte. Ito ay gawa sa mga hinubog na korales at bricks.
A. Simbahan ng Santa Lucia C. Simbahan ng San Juan
B. Simbahan ng Paoay D. Simbahan ng Santa Maria
21. Paano maisusulong at mapapaunlad ang kulturang Pilipino?
A. Paunlarin ang kasanayan sa pagguhit ng mga disenyong etniko.
B. Lumahok sa mga palatuntunan ukol sa kulturang Pilipino.
C. Pangalagaan at isabuhay ang kulturang Pilipino.
D. A, B at C
22. Ano ang kahulugan ng Pambansang Awit?
A. Isinasalaysay ng awit ang pakikipaglaro ng mga Pilipino para sa kalayaan ng bansa.
B. Isinasalaysay ng awit ang pakikipaglaban ng mga Pilipino para sa kalayaan ng bansa.
C. Isinasalaysay ng awit ang pakikipaglaban ng mga Pilipino para sa kaunlaran ng bansa.
D. Isinasalaysay ng awit ang pakikipaglaban ng mga Pilipino para sa kasaganaan ng bansa.
23. Ang pambansang pamahalaan ay _____.
A. isang samahang itinataguyod ng mga grupo ng tao ng naglalayong magtatag ng kaayusan at
magpanatili
ng isang sibilisadong lipunan.
B. isang samahang itinataguyod ng isang tao ng naglalayong magtatag ng kaayusan at magpanatili
ng isang
sibilisadong lipunan.
C. isang samahang itinataguyod ng mga grupo ng tao ng naglalayong magtatag ng kaguluhan at
magpanatili
ng isang sibilisadong lipunan.
D. isang samahang itinataguyod isang tao ng naglalayong magtatag ng kaguluhan at magpanatili ng
isang
sibilisadong lipunan.
24. Mahalaga ang pambansang pamahalaan dahil _____.
A. ito ang namumuno sa pagkakaroon ng kaguluhan ng bansa
B. ito ang namumuno sa pagpapatupad ng programa para sa nasasakupan
C. ito ang namumuno sa pagpapatupad ng programa para sa ibang bansa
D. ito ang namumuno sa pagkakaroon ng kaguluhan sa ibang mga bansa
25. Ang Sangay na Tagapagbatas o Kongreso ang _____.
A. tumitiyak na ang mga batas na ginawa ay naipapatupad upang pangalagaan ang kapakanan ng
mga tao
B. nagbibigay ng interpretasyon ng mga batas
C. gumagawa ng batas ng bansa
D. A, B at C
26. Ang Sangay ng Tagapaghukom ang _____.
A. tumitiyak na ang mga batas na ginawa ay naipapatupad upang pangalagaan ang kapakanan ng
mga tao
B. nagbibigay ng interpretasyon ng mga batas
C. gumagawa ng batas ng bansa
D. A, B at C
27. Sino-sino ang bumubuo sa sangay ng tagapagpaganap?
A. pangulo, pangalawang pangulo at gabinete C. pangalawang pangulo, gabinete
B. pangulo, magsasaka, mangingisda D. pangalawang pangulo, magsasaka
28. Ang mga lokal na pamahalaan ay pinamumunuan ng _____.
A. senador B. pangulo C. alkalde D. pulis
29. Ang opisyal na sagisag ng Pangulo ng bansa ay may tatlong bituin sa taas na bahagi nito na
sumisimbolo ng _____.
A. tatlong sangay ng pamahalaan C. tatlong kalapit na bansa ng
Pilipinas
B. tatlong bahagi ng bansa – Luzon, Visayas, Mindanao D. tatlong kulay ng watawat
30. Ano ang ibig sabihin ng espada sa sagisag ng Tagapaghukom?
A. kapangyarihan sa pagbibigay ng kayamanan
B. kapangyarihan sa pagbibigay ng pagkain
C. kapangyarihan sa pagbibigay ng hustisya
D. kapangyarihan sa pagbibigay ng trabaho
31-32. Alin sa mga sumusunod ang mga programang pangkalusugan ng bansa. Pumili ng dalawa.
A. Pagbabakuna C. DOH Complete Treatment Pack
B. 4Ps D. Libreng Edukasyon
33-34. Alin sa mga sumusunod ang batayan ng pagkamamamayang Pilipino?
A. Isinilang sa ibang bansa
B. Ang ama o ina ay mamamayang Pilipino
C. Ang mga magulang ay mamamayan ng bansa
D. Ang mga magulang ay may malalaking negosyo sa bansa

35. Sino sa mga sumusunod ang mamamayang Pilipino?


A. Si Julio ay anak ng Igorot at isang Ilokano.
B. Si Minho ay nagbabakasyon sa bansa na isang Koreano.
C. Si Smith ay Amerikano na nagpatayo ng kompanya sa Pilipinas.
D. Si Hiroki ay isang Hapon na nagpunta sa bansa upang mag-aral dito.
36. Ang karapatang sibil ay _____.
A. nauukol sa ugnayan ng mamamayan sa pamahalaan
B. tumutulong sa kapakanan ng kabuhayan ng mga mamamayan
C. nakatutulong sa pangangalaga ng kapakanang panlipunan ng mga mamamayan
D. nauukol sa pagtatamasa ng mga mamamayan ng kapayapaan at kaligayahan sa buhay
37. Alin sa mga sumusunod ang tungkulin ng mamamayang Pilipino?
A. Makipagtulungan sa mga programa at proyekto ng pamahalaan upang makamit ang pag-unlad.
B. Sundin ang mga batas at igalang ang mga taong nagpapatupad nito.
C. Maging tapat sa bayan at pangalagaan ang kapakanan nito.
D. A, B at C
38. Ang kagalingang pansibiko ay _____.
A. isang sitwasyon kung saan taglay ng mga mamamayan ang kamalayan na may pananagutan sila
sa
kanilang kapuwa
B. isang sitwasyon kung saan taglay ng mga mamamayan ang kamalayan na may pananagutan sila
sa
kanilang sarili
C. isang sitwasyon kung saan taglay ng mga mamamayan ang kamalayan na may pananagutan sila
sa
kanilang alagang hayop
D. isang sitwasyon kung saan taglay ng mga mamamayan ang kamalayan na may pananagutan sila
sa
kanilang tanim na halaman
39. Sino sa mga sumusunod ang isang produktibong mamamayan?
A. Laging ikinakalat ni Juan ang kanyang gadget pagkatapos gamitin.
B. Laging bumibili ng gamit si Ana galing sa ibang bansa
C. Laging huli sa pagpasok sa trabaho si Andres.
D. Laging nag-aaral nang mabuti si Maria.
40. Si Aling Lucia ay nakakatanggap ng pera bawat buwan mula sa Pantawid Pamilyang Pilipino
Program.
Ano ang dapat niyang gawin sa pera?
A. Itaya sa hueteng upang dumami. C. Ipambayad sa mga utang.
B. Gamitin sa pag-aaral ng mga anak. D. Ipunin sa bangko.

You might also like