You are on page 1of 5

DAILY LESSON LOG

Paaralan MARBEL 7 NATIONAL HIGH FILIPINO Koronadal Baitang SAMPU


SCHOOL DEPARTMENT City
Guro CRISTY LYN B. TIANCHON Asignatura FILIPINO
Iniwasto ni ARNOLD A. EDROSO Petsa Kwarter IKAAPAT
Kaligirang Kasaysayan ng El Filibusterismo
CHEERFULNESS COURTESY CHARITY CHIVALRY COOPERATION
(7:15-9:15 WED) May 3 (12:30-2:30 WED) May 3 (7:15-9:15 TUE) May 3 (1:30-3:30 TUE) May 3 (9:45-11:45 WED) May /3
A. Pamantayang Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa at pagpapahalaga sa nobelang El Filibusterismo bilang isangobra maestrang
Pangnilalaman pampanitikan
B. Pamantayan sa Ang mga mag-aaral ay nakapapapalabas ng makabuluhang video/photo documentaryna nagmumungkahi ng
Pagganap solusyon sa isang suliraning panlipunan sa kasalukuyan.
C. Mga Kasanayan 1. nasusuri ang pagkakaugnay ng mga pangyayaring napakinggan tungkol sa kaligirang
sa Pagkatuto pangkasaysayan ng El Filibusterismo; F10PN-IVa-b-83
(MELCS)
2. naisasalaysay ang magkakaugnay na mga pangyayari sa pagkakasulat ng El Filibusterismo;
F10PSIVa-b-85 at
3. naisusulat ang buod ng kaligirang pangkasaysayan ng EL Filibusterismo batay sa ginawang timeline
F10PU-IVa-b-85
Tiyak na Layunin Natatalakay at naiisa-isa ang kaligirang kasaysayan ng El Filibusterismo

II. NILALAMAN  Kaligirang Pangkasaysayan ng El Filibusterismo


III: KAGAMITANG  Powerpoint Presentation, Laptop
PANTURO
Sanggunian: https://www.scribd.com/doc/239682291/Kaligirang-Pangkasaysayan-Ng-El-Filibusterismo
https://prezi.com/7pykxcct5mxn/kaligirang-pangkasaysayan-ng-el-filibusterismo/
https://www.youtube.com/watch?v=pW1I3y2G740&feature=share
IV. PAMAMARAAN

A. Balik-aral Mungkahing Estratehiya: #HALOLETRA

Bago tayo magtungo sa ating magiging paksa sa umagang ito, magkakaroon muna tayo ng maikling
balik-aral sa inyong mga nagdaang talakayan. Ito ay sa pamamagitan ng isang aktibiti na pinamagatang
“HALOLETRA”. Magbibigay ako ng mga letrang kailangang ayusin upang makabuo ng isang salita o
grupo ng mga salita at ibabahagi ninyo ang inyong kaalaman patungkol dito

1. LOBENA - NOBELA
2. DR OSEJ LRZAI – DR JOSE RIZAL
3. KAYANSAYSA – KASAYSAYAN
4. NILO EM TEANGRE – NOLI ME TANGERE
5. LE IFIL MORISTEBUS – EL FILIBUSTERISMO

B. Pangganyak Mungkahing Estratehiya: #HULARAWAN

1. Sino o ano ang nais ipahiwatig ng mga larawan?


2. Maliban sa pagiging isang doctor, bayani at manunulat ano pa ang nalalaman niyo patungkol kay
Dr.Jose Rizal?
DAILY LESSON LOG
1. Ano ang nais ipahiwatig ng mga larawan?
2. Bakit mahalagang pag-aralan ang kasaysayan?

1. Ano ang naman ang nais ipahiwatig nitong mga larawan?

C. Paghahabi sa Paglalahad ng Paksa :


layunin ng aralin
Sa puntong ito, tayo ay dadako sa ating magiging talakayan. Ang paksa na ating tatalakayin sa
umagang ito ay ang “Kaligirang Pangkasaysayan ng El Feilibusterismo” (Gagamit ang guro ng
powerpoint presentation bilang kasangkapan sa pagbabahagi ng mga impormasyon) Mungkahing
Estratehiya: #KILALANINNATIN

Kilalanin muna natin ang nagsulat ng nobelang, “El Filibusterismo”.


(Mga Pamprosesong Tanong):
1. Sino ang nasa larawan?
2. Ano ang buong pangalan ni Dr. Jose Rizal?
3. Saan ipinanganak si Dr. Jose Rizal?

D. Pag-uugnay ng (Tatalakayin ng guro ang Talambuhay ni Dr. Jose P. Rizal)


mga halimbawa
ANG TALAMBUHAY NI DR. JOSE P. RIZAL

Pangalan: Dr. Jose Protacio Mercado Rizal Alonzo Y Realonda Kapanganakan


(Petsa): Hunyo 19, 1861
(Lugar): Calamba, Laguna
Kamatayan: (Petsa): Disyembre 30, 1986
(Lugar): Bagumbayan Rizal Park, Maynila

KAHULUGAN NG BUONG PANGALAN


DR. – nagmula sa kanyang pagtatapos ng kursong medisina sa Universidad Central de Madrid
JOSE – pinili ng kanyang in ana isang deboto ni San Jose
PROTACIO – nagmula kay Gervacio y Protacio na galling sa isang kristiyanong kalendaryo
MERCADO – apelyidong ginamit ng kaniyang ninuno na si Domingo Lamco. Ang Mercado ay hango sa
salitang Ingles na market o pamilihan
RIZAL – hango sa salitang ‘ricial’ na ang ibig sabihin ay luntian na bukirin
ALONZO – dating apelyido ng kanyang ina
REALONDA – ginamit ni Donya Teodora na nagmula sa kanyang lola

Pagkatapos ng pagbabahagi ng kaalaman sa Talambuhay ni Dr. Jose Rizal, dumako naman tayo sa
“Kaligirang Pangkasaysayan ng El Filibusterismo” sa pamamagitan ng inihandang timeline.

E. Pagtalakay ng 1885
bagong konsepto Sa taong ito, binalangkas ni Rizal ang El Filibusterismo habang isinusulat niya rin ang Noli Me Tangere.
at paglalahad ng
bagong kasanayan
#1 1887

 Nagtagumpay na lumabas noong Marso 1887 ang Noli Me Tangere


 Agosto 1887 muli niyang nakasama ni Rizal ang kaniyang pamilya. Ginamot ang mata ng kaniyang
ina, nakipag-usap kay Leonor Rivera, at inalam ang pagtanggap ng mga Pilipino sa nobelang Noli Me
Tangere
DAILY LESSON LOG
 Ngunit bago pa man bumalik sa sariling bayan si Jose Rizal noong Oktubre 1887, marami ng
kasawiang dinanas ang kanyang kamag-anakan at kaibigan dahil sa pagkakasukat niya ng Noli Me
Tangere.
 Napasabay pa ang pagdinig ng kaso ni Rizal ukol sa pagpapalathala ng tinaguriang “makamandag” na
babasahing Noli Me Tangere. Maraming mga tuligsa at pagbabanta ang tinanggap ni Rizal. Ang
kanyang pamilya ay giniyagis din ng maraming mga panggigipit. Sinimulan ni Rizal ang nobelang El
Filibusterismo sa harap ng karanasang ito.

1888

 Pebrero 1888, nilisan ni Rizal ang Pilipinas dahil na rin sa udyok ni Gob.Hen. Emilio Terrero at dahil
sa pangamba niyang manganib ang buhay ng mga mahal sa buhay.
 Nagtungo siya sa iba’t ibang bansa sa Asya, sa Amerika, at sa Europa.

1890

Sa taong ito, sinimulan ni Rizal isulat ang El Filibusterismo sa London.

1891

 Nang matapos ni Rizal ang nobela noong Marso 29, 1981 at makahanap ng palimbagan sa Ghent,
Belgium. Ang manuskrito ay ipinadala niya sa kanyang kaibigan na si Jose Alejandrino.
 Ika-6 ng Agosto, tinigilan ang pagpapalimbag; inisip ni Rizal na sunugin na lang ang libro subalit
dumating ang tulong ni Valentin Ventura
 Sa tulong ni Valentin Ventura, naipalimbag ang nobela noong Setyembre 1891
 Pinalimbag ni Rizal ito kaso kinulang sa pera kaya’t binawasan ang mga kabanata mula sa 44 naging
39 na lamang.
 Ipinalimbag niya ito sa F. Meyer Van Loo Press at naging hulugan ang bayad
 Ipinadala ni Rial ang kopya ng El Fili sa Hong Kong ngunit ito ay nasamsam ng mga Kastila
 Sa Pilipinas, ipinuslit at naipasara ng pamahalaan ang mga nakumpiskang nobela.

1896

 Malaki ang naging tulong ng El Filibusterismo kina Andres Bonifacio at sa Katipunan upang maiwaksi
ang mga balakid sa paghihimagsik. Ang El Filibusterismo ay inialay ni Rizal bilang pagpupugay sa
tatlong paring martir na binitay sa Bagumbayan noong Pebrero 1872.

F. Pagtalakay ng Kondisyon ni Rizal Habang Sinusulat ang Nobela


bagong konsepto
at paglalahad ng
 Nagdanas ng mga paghihirap
bagong kasanayan
#2  Nagtipid nang mabuti (2 beses kumain)
 Nagsanla ng mga alahas
 Nilayuan ng mga kasamahan sa La Solidaridad
 Pinag-uusig ang kanyang mga magulang at mga kapatid
 Pagpapakasal sa iba ni Leonor Rivera na dahilan ng pagbabago sa mga tauhang Paulita Gomez at
Juanito Pelaez

G. Paglinang sa Mga Taong Tumulong Kay Rizal


kabihasaan
1. Jose Alejandro – kahati niya sa upa sa Ghent; kahati rin siya sa pagkain.
2. Jose Maria Basa – nagpadala si Rizal ng sulat kay Jose Maria Basa (na nasa Hongkong noon) upang
makakuha ng kaunting pera mula sa Messagevies Maritimes
3. Valentin Ventura – nagpadala ng pera kay Rizal upang maipalimbag ang El Fili; unang may

Pinagmulan ng Tema ng Nobela


 Pangyayari sa Calamba – Pinahihirapan ang kanyang pamilya Calamba; hinuli ang kanyang ina,
hinihigpitan ang kanyang pamilya at kinumpiska ng mga prayle ang kanilang lupain.
 Dahil kay Leonor Rivera – Dati niyang kasintahan. Ayaw ng ina ni Leonor pakasalan ng anak si Rizal
dahil sila’y magpinsan at erehe si Rizal kaya’t pinakasalan na lamang ni Leonor si Henry Kipping subalit
namatay rin si Leonor matapos ang dalawang taon.
 Dahil sa Kawalan ng Pagkakaisa ng mga Pilipino (na tumuligsa at lumaban sa kalupitan ng
pamahalaan ng mga Kastila)
DAILY LESSON LOG
Ang GOMBURZA – ang tatlong paring martir na pinag-alayan ni Jose Rizal ng kanyang nobela.
 Mariano Gomez
 Jose Burgos
 Jacinto Zamora
 Pinaratangan silang kasama sa aklasan sa Cavity noong 1872
 Isinangkot sila sapagkat sila ay mga paring maka-Pilipino
 Ang inspirasyon idinulot ng tatlong paring martir sa buhay ni Rizal ay mula sa kwentong ibinahagi sa
kanya ng kapatid na si Paciano

H. Paglalapat ng Mungkahing Estratehiya: #PINIPILINAKITA


aralin
Magpapakita ang guro ng iba’t ibang briefcase kalapit ang mga taon ng mga pangyayari sa Kaligirang
Pangkasaysayan ng El Filibusterismo. Pipili ang mga mag-aaral ng napupusuang taon at magbabahagi
ng kaalaman sa nasabing taon/panahon.

I. Paglalahat Mungkahing Estratehiya #TANONG AT SAGOT: Tanong at sagot bilang paglalagom sa talakayan sa
araw na ito.

A.“Ang kabataan ang pag-asa ng bayan” Isa sa sikat na katagang iniwan ng ating pambasang bayani na
si Dr.Jose Rizal. Kayo bilang kabataan ano ang iniwang aral ng ating talakayan sa araw na ito mas
mapahalagahan niyo ang inyong bayan?

B.Sa lahat ng nakasalamuha ni Dr. Jose Rizal, sino sa kanila ang may malaking naitulong upang
mapagtagumpayan ni Rizal ang paglilimbag ng kaniyang ikalawang nobela?

C. Sa kasalukuyang panahon, sino ang mga taong nakakaimpluwensiya sa inyo upang gawin ang mga
bagay na gusto niyong gawin?

J. Pagtataya ng Panuto: I. Tama o Mali. Tukuyin ang sumusunod na katanungan kapag ito ay tama o mali.
Aralin 1. Ang El Filibusterismo ay pangalawang nobela na sinulat ni Dr. Jose Rizal.
a.) Tama b.) Mali
2. Ang nobelang El Filibusterismo ni Dr.Jose P. Rizal ay tumatalakay sa usaping pampulitikal.
a.) Tama b.) Mali
3. Inalay ni Dr. Jose Rizal sa kaniyang ina ang El Filibusterismo.
a.) Tama b.) Mali
4. Maraming pagsubok na naranasan si Dr. Jose Rizal bago nailimbag ang El Filibusterismo
a.) Tama b.) Mali
5. Si Maximo Viola ang kaibigan ni Rizal na nagpahiram ng pera upang maipalimbag ang aklat ng
nobelang El Filibusterismo
a.) Tama b.) Mali

II. Maramihang Pagpipilian. Piliin ang pinakaangkop na letra sa sumusunod na mga katanungan.
1) Inilahad ang nobelang El Filibusterismo ang mga suliranin sa mga sumusunod maliban sa
a. problema sa lupa
b. sistema ng pamahalaan
c. pamamalakad sa relihiyon
d. pag-unlad ng bansa sa panahon ng mga Kastila
2) Ang kasintahan ni Rizal noong na isa pinagmulan ng tema ng El Filibusterismo
a. Suzanne Jacoby
b. Leonor Rivera
c. Josephine Bracken
d. Maria Clara
3) Taong sinimulan isulat ni Rizal ang nobelang El Filibusterismo
a. 1885 b. 1886 c. 1890 d. 1888
4) Isang kilalang unibersidad sa Belgium na tinungo ni Rizal upang doon ipalimbag ang nobela dahil
higit na mababa ang pagpapalimbag dito.
a. Ghent b. UST c. Nord Anglia d. Cathloic Louvain
5) Para kanino iniaalay ni Jose Rizal ang nobelang El Filibusterismo?
a. Leonor Rivera b. GOMBURZA c. Alejandrino d. Espanya
6) Ilan ang orihinal na kabanata ng El Filibusterismo?
a. 43 b. 44 c. 45 d. 46
7) Kung ang NOLI ME TANGERE ay nobelang panlipunan, ano naman ang sa EL FILIBUSTERISMO?
a. nobelang pag-ibig
b. nobelang rebolusyunaryo
DAILY LESSON LOG
c. nobelang politikal
d. nobelang pang-aapi
8) Ano ang isinanla ni Rizal bilang paunang bayad sa pagsisimula ng pagpapalimbag ng kanyang
nobelang” El Filibusterismo”?
a. Mga aklat b. mga relos c. mga alahas d. mga kuwintas
9) Ano ang nakapaloob sa nobelang El Fili?
a. problema sa lupain
b. pamamahala sa gobyerno
c. katiwalian
d. lahat ng nabanggit
10) Saan natapos ni Rizal ang paggawa ng nobelang El FIlibusterismo?
a. England b. Pilipinas c. Italy d. Belgium

K. Karagdagang Panuto: Bumuo o Gumawa ng isang timeline na nagpapakita ng panahon o pangyayari sa Kaligirang
Gawain Pangkasaysayan ng El Filibusterismo. Maging malikhain sa paggawa ng timeline sa pamamagitan ng
iba’t ibang editing apps na maaaring gamitin tulad ng MS Word, Canva atbp. Ang awtput ay maaaring
sukatin sa pamamagitan ng rubrik na ito:

VI. PAGNINILAY
A. Bilang ng mag-aaral na nakakuha ng 80% sa pagtataya
B. Bilang ng mag-aaral na nangangailangan ng iba pang gawain para sa remediation
C. Nakatulong ba ang remedial? Bilang ng mag-aaral na nakaunawa sa aralin
D. Bilang ng mag-aaral na magpapatuloy sa remediation?
E. Alin sa mga istratehiya ng pagtuturo nakatulong ng lubos? Paano ito nakatulong?
F. Anong suliranin ang aking naranasan nasolusyunan sa tulong ng aking punungguro at
superbisor?
G. Anong kagamitang panturo ang aking nadibuho na nais kong ibahagi sa mga kapwa ko guro?
REMARKS/ TALA

Inihanda ni Iniwasto ni

CRISTY LYN B. TIANCHON ARNOLD A. EDROSO


Teacher 1 Assistant Principal for Academics

You might also like