You are on page 1of 2

PANITIKAN NG REHIYON XII

SOCCKSARGEN

Binuonuo ng mga lalawigang Cotabato, Saranggani, Timog Cotabato, at Sultan Kudarat.

 HANAP BUHAY:
Pagsasaka, Pangingisda, Pagtotroso, Paghabi ng tela at paggawa ng paso.

 Ang lalawigang COTABATO ay ang pinakamalaking lalawigan sa Pilipinas.

•WIKA:
Cebuano, Ingles, Tagalog, Ilonggo at Maguindanao.
 KLIMA:
pinakamainit na panahon sa lugar na ito ay mula sa Marso hanggang Hunyo samantala
nag pinakamalamig ay ang buwan ng Disyembre at Enero.

LITERATURA NG REHIYON XII

•Dalawang uri ng panulaan sa panitikan ng mga Muslim – Pasalaysay at Liriko

•Ang mga tulang pasalaysay ng mga Muslim ay kilala sa tawag na “Darangan”

•Ang Darangan ay may 25 salaysay na epiko na nauukol sa isang dakilang bayani na si


Bantugan.

•Ang bawat salaysay sa Bantugan ay nagtataglay ng katangian ng isang epiko

•Kasaysayan ng pag-ibig at pakikipagsapalaran.


•Bidasari- Epikong hiram sa Malay na naglalahad ng isang matandang paniniwala na
ang buhay ay napapatagal kung ang kaluluwa ay paiingatan sa isang isda, hayop, bato
o punong kahoy.

•Ang orihinal na bidasari ay nasusulat sa wikang Malay at ito ay ipinalalagay na


isa sa mga pinakamagandang tula sa buong panitikang Malay.

•Tulang Liriko ng mga Muslim


(Mga awiting Bayan) - Ang mga muslim ay may “ panambitan ” na tinatawag - Ito ay
ay inaawit upang ipakilalaang pagdadalamhati,pagtangis at pagpapakilala ng
pagluluksa kung sila ay namatayan.
•Kilala ito ng mga Muslim sa tawag na Tabe Nona.
[Tabe Nona “Tabe nona, tabe sayamao pigi; Kalo saya mati Jangan susa hati Makan
shere sato Jangan Buan Loda Kasi siom sato Jangan bilang suda.]
SALIN:
[Paalam, paalam, ibigay mo ang iyong kamay Kailangan tayo’y magkalayo; Kung ang
kamtayan ay darating Huwag mong ikalumbay! Kung minsan kitang hagkan Huwag mong
sabihing “tama na” Maging matapang ka, mahal, ngumanga ka, At lununin mo ang
kalungkutan.]

•Ang Ida-Ida A Wata


- Ay mga awiting pambata na may tiyak na kahalagahan sa panitikan ng mga Maranao.
-Ito ay maikli lamang subalit magaganda at kinakanta ng mag bata ng sabay-sabay.
Ito ay nagdudulot ng lubos na kasiyahan at sigla sa mga batang umaawit nito.
• Pananaroon
- Ginagamit ng mga Maranao bilang gabay sa paghubog ng kagandahang-asal ng mga
kabataan. Ang kanilang mga pangaral ay naipahahayag nila sa pamamagitan ng mga
pananaroon
•Kapangendas
- Awiting pambata sa panghuhuli ng ibon ng mga Maranao. Inaawit ito ng mga bata
habang nakasakay sa kalabaw.

•TULTOL NA PINAKAKUYAKUYAD O MASAYANG KUWENTO


- Nang pumunta sa palengke si Pilandok
-Si Pilandok at mga Batingaw
•TULTOL PANGANGAYAMON O PABULA
- Ang Aso at ang leon
•TULTOL ASUDA AGO O KWENTO NG MGA ISDA AT HIPON
-Ang Maya At ang Hipon

You might also like