You are on page 1of 10

General Education Test (FILIPINO)

I. Panuto: Basahin at unawain ang bawat aytem. Piliin ang letra ng pinakatamang sagot.

1. Binubuo ng 7, 107 mga pulo ang Pilipinas na kung saan pinaninirahan ng milyun-milyong mamamayang
may humigit kumulang na 87 iba’t ibang sinasalitang wika. Walang noon na isang katutubong wika na
sinasalita dahil na rin marahil sa pagkakabuklod-buklod ng mga pulo. Ang hakbang tungo sa pag-unlad
ng wikang pambansa ay nagmula noong ________________.
A. Panahon ng Amerikano C. Panahon ng Propaganda at Maynila
B. Panahon ng Kastila D. Panahon ng Makasariling Pamahalaan

2. Ang Wikang Pambansa ay wikanng pinagtibay ng batas na gagamitin ng pamahalaan sa


pakikipagtalastasan sa kanyang mga mamamayang nasasakupan sa larangan ng edukasyon pananaliksik
at pangangalakal. Alin ang nagtakda sa paglinang ng isang wikang pambansa.
A. Kautusang Tagaganap Blg. 263 C. Batas Komonwelt Blg. 570
B. Artikulo IV Pangkat 3 ng Saligang Batas 1935 D. Batas Komonwelt Blg. 184

3. Upang mapalaganap, mapaunlad at mapanatili ang Filipino at iba pang wika. Ano ang pangkalahatang
layunin ng Komisyon ng Wikang Filipino.
A. makipag-ugnayan sa ibat’-ibang departamento
B. magsagawa ng seminar
C. magsagawa, mag-ugnay _________
D. maglimbag ng mga aklat at diksyunaryo

4. Patunay na ang Wikang Filipino ay umaagapay rin sa pagbabago. Alin ang nagpapakita ng angkop na
pagbabagong naganap sa alpabetong Filipino.
A. alibata-abecedario-abakada-alpabeto
B. alibata-alpabeto-abakada-abecedario
C. alibata- abakada-alpabeto Filipino
D. alibata-abakada- abecedario-alpabeto

5. Binago ang Alpabeto noong `1987-binansagan at kinilala itong ________________.


A. pinaunlad na alpabeto C. pinagaang alpabeto
B. pinasimpleng alpabeto D. pinagyamang alpabeto

6. Ang bagong Alpabetong Filipino ay ginagamit ang ispeling o bigkas na ___________.


A. Kastila C. Ingles
B. Bisaya D. Tagalog

7. Ayon sa Bagong Saligang Batas 1987, ang Wikang Pambansa ng Pilipinas ay tatawaging __________.
A. Filifino C. Pilifino
B. Pilipino D. Filipino

8. Ang tao’y napapabulalas sa sakit na maaaring mapa-ouch o mapa-aray. Ito ay ayon sa ____________.
A. Teoryang Bow-wow
B. Teoryang Ding-dong
C. Teoryang Pooh-pooh
D. Teoryang Tara-ra-boom-de-ay

9. Itinuturing na daynamiko ang antas ng wikang ito.


A. Pampanitikan C. Lalawiganin
B. Kolokyal D. Balbal
10. May mga pagkakataong maaaring palitan ng ibang ponema/tunog ang isang ponema nang hindi magbabago
ang kahulugan ng salita tulad ng _______________.
A. oso-uso C. diles-dilis
B. tila-tela D. babae-babai

11. Ano ang pormasyon ng pantig sa mga titik na salitang klase?


A. PK C. KKP
B. KP D. KPK

12. Alin sa mga sumusunod na salita ang magbabago ang kahulugan kapag inalis ang gitling?
A. nag-ulat C. tag-araw
B. pag-ibig D. pag—asa

13. Ano ang katangian ng sumusunod na salita? mag-aral, umibig, matuwid, pauwi. Ang mga salitang ito ay
may pare-parehong _______.
A. unlapi C. hulapi
B. gitlapi D. laguhan

14. Alin sa mga sumusunod na mga salita na wasto ang pagkabaybay?


A. pambansa C. panbansa
B. pangbansa D. pamansa

15. Salitang maituturing na Jargon.


A. dito na me C. check and balance
B. kalerki D. cheke

16. Alin sa mga sumusunod ang hindi pangungusap.


A. malamig ngayon. C. Walang anuman
B. Kung aalis ka D. Mayroon bang dumating?

17. Alin ang sugnay na makapag-iisa?


Ang pamilyang Aquino ay nasa Palawan na habang ako ay nasa Vigan pa.
2 1

A. bilang 1 C. bilang 1 at 2
B. bilang 2 D. walang sugnay

18. Ang tawag sa may salungguhit sa pangungusap na nasa ibaba ay _________.


Naging matagumpay ang programa ng pamahalaan para sa mga kapus-palad.
A. salita C. sugnay
B. parirala D. kataga

19. Masaya ang mga turista sa pamimili ng mga pasalubong. Ang may salungguhit ay ___________.
A. pangatnig C. pantukoy
B. kataga D. pang-ukol

20. Ipagtanggol ang mga mahihirap at labanan ang mga taong gumagawa para lalo silang maghirap.
A. Payak C. Hugnayan
B.Tambalan D. Langkapan
21. Sikapin mong makatapos sa pag-aaral kahit magtrabaho ako sa gabi.
A. Payak C. Hugnayan
B.Tambalan D. Langkapan

22. Ang bansa ay uunlad, ang kapayapaan ay mapa-iiral kung ang lahat ay magkakaisa at kung ang
pamahalaan ay gagamit ng makatarungang paraan.
A. Payak C. Hugnayan
B.Tambalan D. Langkapan

23. Labis niyang ikinainis ang biro.


A. tagaganap C. sanhi
B. tagatanggap D. gamit

24. Ipampunas mo ang basahang bagong laba. Ang pokus ng pandiwa ay ______________.
A. tagaganap C. sanhi
B. tagatanggap D. gamit

25. Bumili ako sa Divisoria ng burdadong barong.


A. tagaganap C. ganapan
B. layon D. direksyunal

26. Ang pagbabagong morpoponemikong naganap sa salitang dakpin ay ___________.


A. pagpapalit ng ponema C. paglilipat diin
B. pagkakaltas D. metatesis

27. niyakag
A. pagpapalit ng ponema C. asimilasyon
B. pagkakaltas D. metatesis

28. pamalo
A. pagpapalit ng ponema C. asimilasyon
B. pagkakaltas D. metatesis

29. Ang wika ay sinasalitang __________.


A. tunog C. titik
B. letra D. simbolo

30. Ang salitang erpat ay halimbawa ng __________.


A. balbal C. lalawiganin
B. kolokyal D. pormal

31. Ang imam ay salitang ______________.


A. Tausug C. Tagalog
B. Hiligaynon D. Cebuano

32. Kapag ang isang tao ay maraming alam sa wika, siya ay _______________.
A. tagasaling-wika C. polyglot
B. informant D. linggwista
33. Bayaning maituturing ang mga guro. Ang paksa ay ____________.
A. ang mga C. bayaning
B. ang mga guro D. bayaning maituturing

34. Tumutulong ako sa pamamahagi ng relief goods. Ang pandiwang tumutulong ay nasa
aspektong__________.
A. pangkasalukuyan C. perpektibo
B. imperpektibo D. kontemplatibo

35. Sa pangungusap na “Marangal na trabaho ang pagtuturo.” Ang may klaster na salita ay ____________.
A. marangal C. ang
B. trabaho D. guro

36. Ang salitang may diptonggo sa pangungusap na ito ay “Iginagalang ko ang kanyang paniniwala sa
buhay.”
A. Iginagalang C. paniniwala
B. kanyang D. buhay

37. Sa palabaybayang Filipino, hinihiram ng walang pagbabago ang mga salitang _____.
A. pang-agham C. pampalakasan
B. panteknikal D. pampulitika

38. Ang di kabilang sa 8 dagdag na letra sa alpabetong Filipino ay________________.


A. c C. j
B. f D. w

39. Ang pagsulat ng tula ay isang magandang halimbawa ng __________.


A. transaksyonal na sulatin C. kolaboratibong sulatin
B. malikhaing sulatin D. personal na sulatin

40. Ito ay tumutukoy sa komunikasyong nagaganap sa pagitan ng dalawang tao, sa pagitan ng isang tao at
maliit na pangkat.
A. komunikasyong intrapersonal C. komunikasyong pampubliko
B. komuniksayong interpersonal D. komuniskasyong pampabeda

41. Tumutukoy sa agham at sining ng tamang pag-iisip


A. pangangatuwiran C. lohika
B. pagpapaliwanag D. silohismo

42. Ang elemento ng tula na tumutukoy sa imaheng nabubuo sa isipan ng mambabasa ay _____________.
A. talinghaga C. pahiwatig
B. larawang diwa D. simbolo

43. Kauna-unahang talasalitaan sa Tagalog ________________.


A. Vocabulario dela Lengua Tagala C. Vocabulario dela Lengua Cebuana
B. Vocaulario dela Lengua Pampanga D. Vocabulario dela Lengua Bicolano

44. Ikalawang aklat na nalimbag sa Piipinas _______________.


A. Nuestra Senora del Prado C. Nuestra Senora del Pilar
B. Nuestra Senora del Santos D. Nuestra Senora del Rosario
45. Nobela ni Jose Rizal na naglantad ng bulok na sistema ng pamahalaan __________.
A. Noli Me Tangere C. Sobre La Indolencia Filipinas
B. El Filibuterismo D. Mi UltimoAdios

46. Itinuring na pinaka-Obra-Maestra ni Lope K. Santos.


A. Banaag at Sikat C. Kinilalang Makata
B. Florante at Laura D. Sa Dako Paroon

47. Ama ng balarila ng Wikang Pambansa.


A. Amado V. Hernandez C. Florentino Collantes
B. Lope K. Santos D. Jose Corazon de Jesus

48. Si Alejandro G. Abadilla ay nakilala sa tulang _____________.


A. Kung Tuyo na ang LUha mo aking Bayan C. Ako ang Daigdig
B. Peregrenasyon D. Isang Dipang Langit

49. Isang sining ng epektibong pagsasalita mapasapulitiko man o mapasa-anyong kumbersasyon


_____________.
A. Retorika C. pagbabalita
B. pagtatalumpati D. deklamasyon

50. Ang Sarong Banggi ay isang halimbawa ng ____________.


A. bugtong C. laro
B. salawikain D. awiting bayan

51. Salin sa wikang Filipino ng magnet _____________.


A. bato-balani C. glue
B. pandikit D. ragbi

52. Ang unang makatang Pilipino na tumuligsa sa pulitika sa panahon ng mga Amerikano.
A. Florentino Collantes C. Lope K. Santos
B. Amado V. Hernandez D. Jose Corazon de Jesus

53. Tinuguriang Ama ng Nobelang Tagalog.


A. Valeriano H. Pena C. Florentino Collantes
B. Lope K. Santos D. Jose Corazon de Jesus

54. Sa salitang eksklusibo, makikita natin ang halimbawa ____________.


A. ditonggo C. pantig
B. klaster D. patinig

55. Halimbawa ng pagpapakahulugang konotatibo ______________.


A. mata-espiya C. mata-bahagi ng mukha
B. mata-gamit upang makakita D. mata-matang puso

56. Matibay na pananalig, nagkakaisang mamamayan, ang may salungguhit ay halimbawa ng


___________.
A. pantukoy C. pang-angkop
B. panuri D. pangatnig
57. Dumadagundong ang kulog bago bumuhos ang ulan, ay halimbawa ng tayutay na _____________.
A.pang-uyam C. epipora
B. onomatopeya D. anadiplosis

58. Awit sa panahon ng bagong lipunan na binubuo ng ilang “balbal” na Pilipino na magkakaibang kumpas.
A. Anak C. Akoy Pinoy
B. TL Ako Sayo D. Ako’y Pilipino

59. Ang nanguna sa pagtatakwil sa paggamit ng sukat at tugma sa tula.


A. Ciriko Panganiban C. Alejandro Abadilla
B. Amado V. Hernandez D. Cerila Panganiban

60. Ang pinakamahabang epiko sa buong daigdig.


A.Ramayana C.Mahabharata
B. Iliad at Odyssey D. Uncle Tom’s Cabin

II. Hanapin ang mali sa bawat pangungusap na nahahati sa apat na parirala o bahagi. Isulat ang titik ng
maling pariralang kinasasamahan nito. Kung walang mali, isulat ang titik E.

61. Mabait nga si Felix / ngunit mapangit naman daw / ang ugali / ng kanyang mga magulang./Walang mali
A B C D E
62. Kailangang / may isang bagay / na nagsisilbing daan / upang tayo’y sumulat./ Walang mali
A B C D E
63. Pinakamahalagang gamit nito / ang pagiging sanggunian / ng makahulugan / ng mga piling salita./
A B C D
Walang mali.
D
64. Ang mga kabataan / ay kailangang bigyan / ng wastong edukasyon / at gawaing mapakapaki-
A B C D
pakinabang./ Walang mali
E
65. Noon pa man / ang mga kabataan/ ay nagtutulungan / sa lipunan./ Walang mali
A B C D E

III. Piliin angkop na sagot sa bawat patlang. Letra lamang ang isulat.

66. __________mo ang kalungkutang nababanaag sa iyong mukha.


A. PAHIRIN B. PAHIRAN

67. Kahit bata _________ay may karapatang maagpahayag ng sariling saloobin.


A. DAW B. RAW

68. ___________mo ang ginagawa ng kabilang pangkat kung sumusunod sa itinakdang pamantayan.
A. SUBUKIN B. SUBUKAN

69. Magsumikap sa buhay _____________magtagumpay sa hinaharap.


A. NG B. NANG

70. Bawat tao ay_____________kanya-kanyang talent.


A. MAY B. MAYROON
71. __________mo kung tunay ngang mabisa ang gamot na inireseta ng doctor.
A. SUBUKIN B. SUBUKAN

72. __________mo ng langis ang likod niya bago maligo.


A. PAHIRIN B. PAHIRAN

73. Masakit ___________ang kanyang paa na nadaganan ng silyang bumagsak.


A. DAW B. RAW

74. Mahal __________ng taong bayan dahil marunong makipagkapwa-tao.


A. SILA B. SINA

75. Siya ay nakatakdang _____________mamayang gabi.


A. OPERAHIN B. OPERAHAN

IV. Lagyan ng wastong anyo ng pandiwa ang bawat patlang. Piliin ang titik ng tamang sagot.

76. ____________________ mapabilang sa lupon ng mga hurado ang isang di-karapat-dapat.


A. Magtangkang C. Nagtatangkang
B. Nagtangkang D. Magtatangkang
77. ____________________ niya ang Bibiliya ang maysakit.
A. Binasahan C. Babasahan
B. Binabasahan D. Babasahin
78. ____________________ ko ng bagong aklat ang anak kong mahilig magbasa.
A. Ibili C. Ibibili
B. Ibinili D. Ibinibili
79. ____________________ lamang ditto sa Pilipinas ng isang pangkat ng mga dalubhasa sa agrikultura
buhat sa Peking.
A. Dumating C. Kararating
B. Dumarating D. Darating
80. Ang kurso tungkol kay Rizal ay ____________________ na ngayon sa Filipino.
A. ituturo C. itinuturo
B. ituro D. tuturuin

V. Mga Patayutay na Pananalita. Piliin ang tamang sagot.


81. Kaya hindi ko matangap ang pag-ibig mo ay dahil ikaw’y walang dila.
A. bulo C. ngongo
B. pipi D. hindi makapagsalita dahil nahihiya

82. Ang akala ko’y tunay siyang lalaki. Natanso ako


A. nadaya C. nagging sawi sa pag-ibig
B. napaibig D. nanakawan

83. Ay, naku isip-lamok ka pala e.


A. matalino C. makalilimutin
B. medaling malito D. mahina ang pag-iisip

84. Bakit ganoon si Lolo Indo? Amoy-beha.


A. amoy tabako C. amoy babae
B. amoy lupa D. amoy kalan
85. Kung si Itay ang haligi ng tahanan at si Ina yang ilaw, sino naman ang hiyas ng tahanan?
A. pinakatanging apo C. pinakatanging anak na lalaki
B. pinakatanging utusan sa bahay D. pinakatanging anak na babae

VI. Ayusin sa wastong pagkasunod-sunod ang mga pangungusap na magkaugnay upang mabuo
ang isang talataan. Isulat ang letra bago ang bilang.
A. Sikapin nating huwag silang dulutan ng ikasasama ng loob.
B. Utang natin sa kanila an gating buhay at kaligayahan, kaya nararapat lamang natin silang mahalin at
igalang.
C. Ang mga magulang ang pangalawang Diyos natin ditto sa balat ng lupa.
D. Tungkulin nating sila’y paglingkuran at paligayahin nang buong puso.

___________86. Alin ang dapat maunang pangungusap?


___________87. Alin ang pangalawang pangungusap?
___________88. Alin ang panghuling pangungusap?

A. Lahat ng mga ito’y nasa baying Pilipinas, kaya di dapat pagtakhan kung itong bansa natin ay tirahan ng
mga manunulat, makata at mangangatha.
B. Isa pa, ditto ay malaginto ang bukang liwayway at namumula ang paglubog ng araw.
C. Ang Pilipinas ay lupain ng magagandang tanawin.
D. Berdeng-berde ang mga bundok, bughaw ang langut, maagos ang mga ilog, marami ang maromantikong
mga pulo, at mapuputi ang mga dalampasigan.

___________89. Alin ang dapat ikatlong pangungusap?


___________90. Alin ang dapat na huling pangungusap?

VII. Basahin at unawain ang talata. Piliin ang tamang sagot.

Hindi masama ang mangarap.


Likas sa tao ang pagiging mapangarapin. Isa ito sa mga nagsisilbing inspirasyon upang lalo siyang
magsikhay sa buhay. Upang makamit ang mga pangarap, haharapin ng tao ang anumang balakid na
dumarating. Sa madaling salita, patuloy siyang maghahanap ng panibagong bukas at panibagong buhay.
Anupa’t ang iba ay mapalad at ang iba naman ay nabibigo. Anuman ang dahilan, walang masama kung
patuloy na mangangarap.
Ang tao ang siyang gumagawa ng landas na kanyang tatahakin at siya rin ang gumagawa ng pangarap na
nais niyang abutin. At sa bawat landas na ito, mahalaga rin kung paano niya pipiliin ang tama at maling
daan na tatahakin. Sa pagwawakas, ang daan tungo sa ikapagtatagumpay o ikabibigo ng kanyang mg
apangarap ay batay sa mga desisyon na kanyang ginawa.

91. Ano ang pinakamalapit na kahulugan ng salitang “magsikhay” batay sa pagkakagamit nito?
A. magtiis C.mangarap
B. magbigay D.magsikap

92. Sa ikalawang talata, ano ang ginamit na pananda na naghuhudyat ng pagkakasunod-sunod?


A. una C. patuloy
B. anuman D. ganumpaman

93. Aling salitang tanda ng kabuuan ang nais ipahayag sa ikatlong talata?
A. tungo C. lubwika
B. saanman D. sa pagwawakas
94. Kapag pinagsama ang dalawang salitang dalubhasa sa wika, ano ang nabuong bagong salita?
A. sawika C. lubwika
B. hasawika D. dalubwika

95. Anong uri ng teksto ang inyong binasa?


A. informativ C. persweysiv
B. deskriptiv D. argumentative

Magulang, Salamin ng Anak

Ang mga magulang ang nagsisilbing repleksyon ng katangian gayundin ng kapintasan ng


kanilang mga supling. Bagama’t wala silang iniisip na masama para sa kanilang mga anak, hindi
maiiwasan na mayroon pa ring ilan na naliligaw ng landas.
Palibhasa’y sila ang nag-aruga kaya’t kanilang binabata ng walang pag-aalinlangan ang lahat sa
kahirapn. Subalit ano ang isinukli mo sa paghihirap na ito? Manapa’y sama ng loob at bigat ng
damdamin. Ang pagmamahal at pag-aaruga ay di nila kayang talikdan kailanman. Kilala mo ba kung
sino ang tinutukoy ko? Sila ay ang iyong mga magulang.

96. Sino ang tinutukoy na tauhan sa teksto?


A. magulang C. guro
B. kapatid D. kaibigan

97. Ano ang kahulugan ng salitang may salungguhit sa unang talata?


A. napapariwara C. napapagaling
B. napapahinto D. napapanuto

98.Anong uri ng teksto ang iyong binasa?


A. informativ C. narativ
B. persweysiv D. deskriptiv

99. Ano ang pangunahing kaisipang napapaloob sa teksto?


A. Kilalanin ng mga anak ang kahalagahan ng magulang
B. Tunay na walang pagmamahal ang anak sa magulang
C. Walang tiyaga ang magulang sa anak
D. Ang magulang ay repleksyon o salamin ng katangian o kapintasan ng anak

100. Anong tono ang ipinahiwatig sa teksto?


A. nagpapaliwanag C. nalulungkot
B. nanlilibak D. nagmamadali
Answer Key for Gen. Ed 34. B 68. B
1. D 35. B 69. B
2. C 36. D 70. A
3. C 37. A 71. A
4. A 38. D 72. B
5. B 39. B 73. A
6. C 40. B 74. A
7. D 41. B 75. B
8. C 42. B 76. B
9. D 43. A 77. A
10. D 44. D 78. B
11. C 45. B 79. C
12. A 46. A 80. C
13. A 47. B 81. D
14. A 48. C 82. A
15. C 49. A 83. D
16. B 50. D 84. A
17. A 51. A 85. D
18. B 52. A 86. C
19. C 53. A 87. B
20. B 54. B 88. A
21. C 55. A 89. B
22. D 56. C 90. A
23. C 57. B 91. D
24. D 58. B 92. B
25. D 59. C 93. D
26. B 60. C 94. D
27. D 61. B 95. C
28. C 62. C 96. A
29. A 63. C 97. A
30. A 64. D 98. D
31. A 65. E 99. D
32. C 66. A 100. C
33. B 67. B

You might also like