You are on page 1of 1

Republic of the Philippines

Department of Education
Schools Division of Cagayan
Allacapan North District
CATARATAN INTEGRATEDSCHOOL

Paalala sa mga Magulang/Guardian:


Kung ang inyong anak po o ang sinuman sa inyong sambahayan ay kasalukuyang
nakararanas o nakaranas sa nakalipas na 14 araw ng ALINMAN sa mga
sumusunod na sintomas, mangyari pong huwag na munang papasukin ang bata
sa paaralan.

 Lagnat
 Ubo
 Sipon
 Pananakit ng katawan
 Pananakit o pamamaga ng lalamunan
 Pagkapagod
 Pananakit ng ulo
 Pagtatae
 Kawalan ng panlasa o pang-amoy
 Pagkahapo o hirap sa paghinga

Huwag din po munang papasukin sa eskwelahan ang inyong anak kung siya o ang
sinuman sa inyong sambahayan ay nagpositibo sa COVID-19, naging close contact
ng COVID-19 case, o na diagnose sa pneumonia.

Ipagbigayalam po agad ang sitwasyon sakanilang guro na si G/Gng/Bb.


_____________________________, sa numero bilang _______________________,
upang maisaayos ang alternative delivery mode para sa kanilang pag-aaral
habang sila ay nasa bahay.

Mangyari pong imonitor ang kondisyon ng inyong anak o kasama sa bahay, at


iulat sa inyong Barangay Health Emergency Response Team (BHERT),
Barangay Health Station, o Rural Health Unit, kung kinakailangan, upang sila
ay mabigyan ng kaukulang lunas.

Ipinapabatid din po ng pamunuan ng Cataratan Integrated School na imomonitor


po ng kanilang mga guro ang mga mag-aaral napumapasok sa paaralan at
ipagbibigay-alam agad sa inyo at sa mga kinauukulan kung sila ay ma-obserbahan
o maiulat na nakakaranas ng alin man sa mga sintomas na nabanggit sa itaas.

Mangyari pong itago o idisplay sa inyong bahay ang paalalang ito upang magsilbing
9gabay para sa inyo.

You might also like