You are on page 1of 2

Republic of the Philippines

Department of Education
Region III
Schools Division of Gapan City
MARELO INTEGRATED SCHOOL
Marelo, Gapan City

Paalala sa mga Magulang/Guardian

Kung ang inyong anak po o ang sinuman sa inyong sambahayan ay kasalukuyang nakararanas o nakaranas sa
nakalipas na 14 na araw ng alinman sa mga sumusunod na sintomas, mangyari pong huwag na munang papasukin
ang bata sa eskwela.
___Fever /Lagnat/ang body temperature ay 37.5 C o higit pa
___Cough /Ubo
___General weakness/ Panghihina ng katawan
___Fatigue/Tiredness/ Pagkapagod
___Headache/ Pananakit ng ulo
___Muscle/joint/body pains Pananakit ng katawan, kalamnan, kasu-kasuan
___Sore throat/Pananakit o pamamaga ng lalamunan
___ Colds/runny nose/ Sipon
___ Difficulty of breathing/Pagkahapo o hirap sa paghinga
___ Loss of appetite/ Kawalan ng ganang kumain
___ Nausea/ Nasusuka
___ Vomiting/ Pagsusuka
___ Diarrhea/ Pagtatae
___ Loss of smell /Pagkawala ng pang-amoy
___ Loss of taste/ Pagkawala ng panlasa
___ Rashes / Mga butlig sa balat; pamumula ng balat (maaaring makati o hindi)
___ Others / Mga sintomas o obserbasyon sa pangangatawan o pagkilos ng tao/bata na kailangan ng atensyong
medikal

Huwag din po munang papasukin sa eskwelahan ang inyong anak kung siya o ang sinuman sa inyong sambahayan ay
nagpositibo sa COVID-19, naging close contact ng COVID-19 case, o nadiagnose sa pneumonia.

Ipagbigay alam po agad ang sitwasyon sa kanilang guro na si G/Gng/Bb. Marisa V. Buco, sa numero bilang
09060834161 , upang maisaayos ang alternative delivery mode para sa kanilang pag-aaral habang sila ay nasa bahay.

Mangyari pong imonitor ang kondisyon ng inyong anak o kasama sa bahay, at iulat sa inyong Barangay Health
Emergency Response Team (BHERT), Barangay Health Station, o Rural Health Unit, kung kinakailangan, upang sila ay
mabigyan ng kaukulang lunas.

Ipinapabatid din po ng pamunuan ng Marelo Integrated School na imomonitor po ng kanilang mga guro ang mga
mag-aaral na pumapasok sa paaralan at ipagbibigay-alam agad sa inyo at sa mga kinauukulan kung sila ay ma-
obserbahan o maiulat na nakakaranas ng alinman sa mga sintomas na nabanggit sa itaas.

Mangyari pong itago o idisplay sa inyong bahay ang paalalang ito upang magsilbing gabay para sa kapakanan ng
inyong mga anak

You might also like