You are on page 1of 15

3rd Quarter

Week 1
March 24, 2021

Ngayon ay dumako na tayo sa ating talakayan sa araw na ito. Kahapon sa inyong FB Live ay tinalakay ang
tungkol sa Akdang Pampanitikan ng Africa at Persian kabilang na dito ang kanilang Mitolohiya.

Nais ko sagutin ninyo ang aking ilang katanungan kauganay sa inyong natutunan sa Aralin kahapon.

Para sa Tanong blg.1: Sa inyong sariling pagkakaunawa, ibigay ang kahulugan ng Mitolohiya.

Tanong blg.2 Isa ito sa mga kontinente sa daigdig na pinalilibutan ng Dagat Mediterranean.
Ang kultura ng Africa ay sumasaklaw lamang sa loob ng kanilang kontinente. Malaki rin ang bilang ng
mga kulturang etniko ng bansang ito. Ang kanilang nakaugalian o namanang tradisyon sa kanilang mga
ninuno ay dala-dala o isinasagawa pa din nila hanggang ngayon.
Tanong blg.3: Ito ay isang Gitnang Silangang Bansa na matatagpuan sa Timog-Kanlurang Asya. Kilala rin
ang bansang ito bilang Persiya.
Ang kultura ng Persiya na ngayon ay kilala bilang Iran ay isa sa pinakaluma at tanyag dahil sa dami ng
kanilang kultura.

Ngayon ay dumako naman tayo sa Akdang Liongo na isinalin sa Filipino ni Rodrick P. Urgelles.

Tanong blg.4: Ano ang aral ng kuwentong "LIONGO"?

Ang nais iparating ng May-Akda ay (1)huwag basta basta magtitiwala sa kahit sino sapagkat sa bandang
huli, lahat ay maaaring maging traydor at ang pagiging malakas sa lahat ng bagay katulad ni Liongo.
(2)Hindi lahat ng kadugo mo ay mapagkakatiwalaan, minsan kung sino pang kadugo mo ay siya pang
naghahangad ng pagbagsak mo. (3)Maging matalino sa mga desisyong gagawin sa buhay upang hindi ka
mapahamak.

Tanong blg.5: Ano ang pagsasaling-wika?


Ang pagsasaling-wika ay ang pagsasalin o paglilipat sa pinakamalapit na katumbas na mensahe ng
tekstong isinasalin sa wika o diyalektong pinagsasalinan. Sa pagsasaling-wika kailangang maipabatid
nang Tama ang mensahe ng isasalin. Tandaan Din na ang diwa ng salita o pangungusap ang dapat na
isalin.

Tanong blg.6: Ibigay ang salin ng pangungusap sa Filipino:

"Our government, the world in which we live and works, is a mirror of our attitudes and expectations." -
Earl Nightinggale

Ang ating gobyerno, ang mundo kung saan tayo namumuhay at naghahanap-buhay ay sumasalamin sa
ating opinyon at inaasahan.

Tanong blg.7: Ibigay ang salin ng pangungusap sa Filipino:

"Earth provides enough to satisfy the man's needs, but not every man's greed." - Mahatma Gandhi

Ang mundo ay nagbibigay ng mga pangangailangan ng bawat tao. Ngunit hindi ang kasakiman
April 5, 2021
Ngayong araw ay ating tatalakayin ang Anekdota.

Tanong blg.1: Sa inyong sariling pagkakaunawa, Ano ang kahulugan ng Anekdota?

Ang Anekdota kumpara sa ibang akdang Pampanitikan, ito ay maiksing pagsasalaysay lamang sa mga
pangyayari sa buhay ng isang taong kilala o tanyag.

Ang pagsasalay ng Anekdota ay karaniwang maikli at ang mga pangyayari ay maaaring totoong nangyari
sa buhay ng nasabing tao o maaari ding likhang-isip lamang subalit halos nahahawig sa katotohanan.
Ang LAYON ng anekdota ay makapagpabatid ng isang magandang karanasan na kapupulutan ng aral.
Ito'y magagawa lamang kung ang karanasan o ang pangyayari ay makatotohanan.

Mayroong dalawang Uri ng Anekdota.

(1) Ang Anekdotang hango sa Tunay na buhay ng isang tao at (2) Ang Anekdotang likhang-isip
Ang dalawang katangian ng anekdota ay:

A) May isang paksang tinatalakay. Ito ay dapat bigyan ng kahulugan sa pagsulat ng anekdota. Lahat ng
mga pangyayari ay dapat mabigyan ng kahulugan sa ideyang nais ilahad.

B ) Ang isang anekdota ay nagdudulot ng ganap na pagkaunawa sa kaisipang nais nitong ihatid sa mga
mambabasa. Di dapat mag-iwan ng anumang bahod ng pag-aalinlangan na may susunod pang
mangyayari.

Tanong blg.2: Kung ikaw ay pipili sa Uri ng Anekdota upang iyong isulat o isalaysay, alin sa mga ito ang
pipiliin mo at bakit?

Anekdotang likhang isip sapgkat mas maraming paksa at masusulat na kaisipan.


Narito ang paliwanag sa mga Paalala sa Pagsulat ng Sariling Anekdota:

1. Alamin mo ang layunin o paksang paggagamitan mo ng personal na anekdota. Mula rito'y piliin mo
ang isang pangyayari sa iyong buhay na angkop na angkop para sa iyong layunin o paksa.

2. Pakaisiping mabuti ang mga detalye sa pangyayaring ilalahad mo bilang personal na anekdota. Itala
ang lahat ng naalala o natatandaan mo kauganay ng anekdota. Balikan bilang isang larawan ang lahat ng
pangyayari, kung mainit ba noon o malamig, kung nasa loob o labas ka ba nang mangyari ito, balikan din
sa alaala kung ano ang naging reaksiyon ng mga taong nakapaligid sa ito nang mangyari ito.

3. Sa pagsasalaysay nito'y huwag agad sasabihin ang kasukdulan dahil mawawala ang pananabik ng
mambabasa o tagapakinig sa kabuoan nito. Sa halip na simulan sa "Isasalaysay ko sa inyo ang pagkawala
ng pinakamamahal kong iPhone4s", maaari mong sabihing "Mayroon akong iPhone4s an ibinigay ng
aking ate pagkatapos ng halos dalawang taon kong pag-ungot na ipasa na niya sa akin at mag-upgrade
na siya. Sa wakas ay naibigay rin ito sa akin bilang espesyal na regalo sa aking kaarawan. Subalit isang
araw....."

Kapag ibinitin na ganito ang kasukdulan o ang tinatawag na punchline ay tiyak na mapapanatili ang
interes ng mga mambabasa o tagapakinig na sundan ang mga pangyayari.

4. Iwasang gumamit ng magbibigat na salitang hindi agad maunawaan ng mga mambabasa o


tagapakinig. Ang pagsasalaysay ng anekdota ay para lang pakikipagkuwentuhan sa isang kaibigan
tungkol sa isang hindi pangkaraniwang pangyayari sa iyong mag hapon kaya gumamit ng mga payak na
salitang madaling maunawaan.

5. Kung gagamitin ang anekdota sa pagtatalumpati o pagsasalita mahalagang makapag-ensayo upang


mailahad ito ng mabisa. Kailangang siguraduhin na alam mo ang bawat detalyeng nasa anekdota na
iyong kinabisado upang kapag ito ay binigkas mo hindi ka magkamali sa iyong mga sasabihin.

6. Bilang pagwawakas ay bigyang-diin ang dahilan kung bakit mo inilahad ang anekdotang ito. Dito nila
mauunawaan at mapahahalagahan kung bakit mo isinama ang anekdota sa iyong paglalahad.

Katulad ng ibang mga akdang Pampanitikan ang Anekdota ay may mga ELEMENTO din. Ito ay ang

a) Tauhan

b) Tagpuan

c) Suliranin

d) Banghay

e) Tunggalian

f) Kasukdulan

g) Wakas

h) Aral

i) Mensahe

j) Kaisipan
Narito naman ang ilang Tips sa pagsulat ng Sariling Anekdota
April 7, 2021

Ngayong araw ay ating ipagpapatuloy ang nakaraang aralin, ang Anekdota. Tinalakay natin ang
kahulugan, elemento , katangian at mga dapat Tandaan sa pagsulat ng Anekdota. Ngayon ay dumako
naman tayo sa Halimbawa ng Anekdota.

Tanong blg.1: Paano mo bibigyang kahulugan ang mga larawan?

Mapapansin natin sa mga larawan na sila ay tumatawa o nagtatawanan. Madalas ang isang tao ay
tumatawa o natatawa dahil sa nakakatawang "joke" o biro.

Ngayon ay ating alamin kung ano ang kawili-wiling karanasan sa buhay ni Mullah Nassreddin sa kanyang
Anekdota.

Ngayon ay Kuhanin ninyo ang inyong modyul sa Filipino (Ikatlong Markahan) at buksan ito sa Pahina 10.
Alamin natin kung ano ang nilalaman ng anekdota sa buhay ni Mullah Nassreddin. Magbibigay ako ng
katanungan tungkol sa nilalaman ng anekdota.

Para sa Tanong blg.2: Ilarawan si Mullah Nassreddin ayon sa anekdota.

Mailalarawan natin na si Mullah Nassreddin bilang isang dalubhasa sa pagsulat ng anekdota. Siya din ay
may kawili-wiling karakter na nagkukwento ng isang kawili-wiling pangyayari sa buhay ng isang tao.

Tanong blg.3: Anong pangunahing kaisipan ang hatid ng Akda sa mambabasa?

Noong Panahon na iyon, ginagawang libangan ng mga Iranian ang kanilang buriko. (ito ang nasa larawan
na sinasakyan ni Mullah) Ito ay kanilang kinahuhumalingan at ginagamit maging sa Uri ng
transportasyon. Ipinahihiwatig dito ni Mullah na ang pako ay sumisimbolo sa mga Iranian at ang buriko
ay ang kalawakan dahil halos dito na umiikot ang kanilang mundo. Ang estilong ginamit sa Akda ay ang
kanyang mga karanasan sa buhay.
Tanong blg.4: Kung ikaw ay mabigyan ng pagkakataon na gumawa ng isang anekdota anong paksa ang
nais mong isulat? Bakit?

Magaganda ang naisip ninyong paksa para sa inyong Anekdota


April 21, 2021

Ang Imperyong Mali na kilala rin sa tawag na Imperyong Manding ay naging makapangyarihan sa West
Africa noong 1230 hanggang 1600 na siglo. Sa pamamayagpag nito, ang imperyo'y higit pang malawak sa
Western Europe. Dito'y umusbong ang isang epiko na kabilang sa maituturing na dakilang kayamanan ng
panitikang pandaigdig, maihahanay ito sa Epiko ng Hindu na Ramayana at Mahabarata at epikong
Griyego na Iliad at Odyssey.

Ngayong ay dumako naman tayo sa Epiko.

Tanong blg.1: Ibigay ang kahulugan ng Epiko.

Ang Epiko ay maihahambing sa tulay na nagdurugtong ng nakaraan sa hinaharap. Ito ay salaysay ng


buhay ng mga naglahong bayaning kalahati'y tao at kalahati'y supernatural. Masasalamin sa Epiko ang
mataas na pagpapahalaga ng lipunan, kasaysayan, at napapaunawa sa kultura at tradisyon.

Tanong blg.2: Sa epikong "Sundiata:Ang Epiko ng Sinaunang Mali", Magbigay ng kahanga-hangang


katangian ni Sundiata.

Si Mari Djata o Maghan Sundiata ay magiging magaling na mandirigma ayon sa hula. Sa edad na pitong
taon ay hindi pa siya nakakalakad. Ang kanyang simbolo ay Leon at kilala rin siya bilang taong hindi
sumusuko.

Tanong blg.3: Siya ang unang asawa ni Maghan Kon Fatta at nagpalayas kina Maghan Sundiata sa
kanilang kaharian.

Si Sassouma Berete ang unang asawa ni Maghan Kon Fatta na siyang nagpahirap sa ina ni Maghan
Sundiata.

Tanong blg.4: Siya ang matalik na kaibigan ni Maghan Sundiata at anak ni Maghan Kon Fatta sa Ikatlong
asawa.

Si Manding Bory ay kapatid ni Sundiata sa Ikatlong asawa ng kanyang ama. Matalik din siyang kaibigan ni
Sundiata.

Tanong blg.5: Paano mo maihahalintulad ang iyong sarili kay Sundiata? Ipaliwanag.

Nabatid ko na naihahalintulad ninyo ang inyong sarili kay Sundiata bilang isang matatag at hindi
sumusuko sa anumang laban. Katulad na lamang ng ating kinahaharap na pandemya. Hindi madali sa
bawat isa ang pagbabagong naganap, ngunit sa kabila nito marami pa rin ang nananatiling matatag,
positibo at patuloy na lumalaban sa buhay.

Tanong blg.6: Magbigay ng aral mula sa epikong "Sundiata :Ang Epiko ng Sinaunang Mali".

Binibigyan tayo ng kwentong ito ng inspirasyon upang maging matatag sa lahat ng pagkakataon. Tulad
na lamang ng katauhan ni Sundiata, hindi siya sumuko hanggang sa matupad niya ang kaniyang mithiin,
ang makalakad at maging isang mahusay na mandirigma at lider. Dapat din na hindi tayo nagpapatalo sa
mga taong mapang-api at wala nang ginawa kundi mantapak ng kaniyang kapwa.

You might also like