You are on page 1of 4

Malayo Pa Tayo

Napakabigat na damdamin ang dinadala ng maraming Pilipino sa araw-araw para lamang

makarating sa kani-kanilang trabaho o unibersidad at makauwi ng maayos sa kanilang mga

bahay. Gayunpaman, nagagawa pa rin nilang gumising ng maaga araw-araw at pumunta sa

kanilang mga gawain habang may ngiti na nakaguhit sa kanilang mga mukha. Nakakalungkot ito

dahil karamihan sa mga Pilipino ay nagtatrabaho araw-araw at ang kapalit na nakukuha nila ay

ang “bare minimum” o minsan ang natatanggap pa nila ay mas mababa pa rito. Nakikita ng

gobyerno ang mga paghihirap ng mga mamamayan ngunit hindi sila kumikilos sa paggamit ng

mga pondong pwedeng gamitin upang pagandahan ang teknolohiya at daloy ng pag-commute. Sa

sobrang sama ng pag-cocommute sa Pilipinas, inilarawan ito na “dehumanizing” dahil sa

binubuo ng mga oras ng paghihintay ng masasakyan at pag-ipit sa gulo ng trapiko na

nagpapakita ng malubhang kakulangan sa suplay ng transportasyon.

Bilang isang commuter, naiintindihan ko kung bakit maraming Pilipino ang walang

pagkamakabayan dahil napakababa ng kalidad ng buhay rito. Nakikita ko ang pang-araw-araw

na paghihirap ng mga taong ito, isa sa marami ay ang hindi komportableng biyahe nila sa

pag-commute. Ang LRT, isa sa mga pampublikong sasakyan at ayon sa Department of

Transportation and Communications (DTA) ang mga karaniwang reklamo ng mga pasahero ay

ang mga pagkaantala at pagdating ng tren, matao at masikip na lugar sa tren, mahina na

“air-con” sa tren, mga sira na elevator at escalator, at iba pa. (Official Gazette, 2014).

Gayunpaman, nais kong tugunan ang kakulangan ng suplay ng pagbebenta ng beep card dahil ito

ay isang mahalagang bagay at nakakatulong ito sa daloy ng mga tao at mas mura na bayad ngunit
hindi ito magawa ng paraan upang damihan ang suplay. Naranasan ko ang problemang ito noong

sinusubukan kong bumili ng beep card ngunit kinailangan ko maghintay ng tatlong buwan bago

ko nakuha ang aking beep card dahil parating ubos ito sa mga istasyon ng tren.

Habang pauwi ako mula sa Vito Cruz station, napansin ko ang mga mukha ng mga

pasahero sa tren at kung gaano sila kapagod at napagtanto ko na lahat tayo ay may

pinagdadaanan at kung para bang lahat tayo ay pantay pantay lamang. Kitang kita ko ang stress

sa mga mata nila at kung gaano silang pagod tapos kinakailangan pa nilang tumayo sa buong

biyahe dahil sa kakulangan ng mga upuan habang tumutulo pa ang pawis ng iba. Hindi ba

kayang magbigay ng kaginhawaan ang gobyerno para sa mga commuter na patuloy na

nagsusumikap araw-araw para sa kanilang pamilya? At pagkababa nila ng tren para bang

nagkakagulo dahil sa dami daming tao na dumadaan sa makitid na labasan upang umalis. Hindi

ba ito kayang ayusin ng gobyerno? Hindi ba sapat ang mga buwis na binabayaran ng mga

mamamayan para ayusin ang mga simpleng problemang ito? Sa tingin ko, hindi dahil ayon sa

mga resulta ng 2022 Urban Mobility Readiness Index na inilabas noong Nobyembre ay

nakalagay sa kabisera ng Pilipinas bilang ika-58 sa "urban mobility readiness" sa 60 na lungsod

na pinag-aralan sa buong mundo na may pinakamasamang pampublikong transit system (Luna,

2022).

Naalala ko noong pumunta kami ng pamilya ko sa Singapore noong taong 2017 upang

bisitahin ang aking pinsan na nakatira at nagtatrabaho roon at dahil wala kaming sasakyan doon,

kinailangan naming sumakay ng mga pampublikong sasakyan tulad ng bus, subway, at taxi. Ang

unang napansin ko sa lahat ay kung gaano kalamig ang mga subway at bus nila at sa sobrang
lamig ang iba pang nakasakay ay naka dyaket pa. Hindi lang iyon, ang lugar nila roon ay hindi

matao kung saan maayos ang daloy ng mga pumapasok at lumalabas. Ang mga kalye nila roon

ay hindi puno ng mga sasakyan at maayos ang paggamit ng mga bus lane nila kung saan may

“mobile application” na maaari mong i-download at makikita mo roon ang eksaktong oras kung

kailan dadarating ang bus sa istasyon. Sa sobrang ganda ng estado ng mga pampublikong

sasakyan nila, nasiyahan ako rito at palagi ko silang pinipilit na sumakay rito nang paulit-ulit.

Sana pwede ko rin itong masabi tungkol sa Pilipinas ngunit ang masasabi ko lang ay malayo pa

tayo sa kanilang antas.

Kung patuloy lang na lumalala ang ating bansa sa mga parating na taon, pano na kaya

ang mga henerasyon na susunod saten? Paano muling babangon ang Pilipinas kung ang mga

Pilipinong namumuno sa bansa ay mas gugustuhin pang pagsilbihan ang sarili nila kaysa sa mga

mamamayan? At nung pag-uwi namin galing sa Singapore para bang nalungkot kami. Hindi

kami nalungkot dahil pagod kami ngunit dahil kinailangan ulit namin harapin ang realidad ng

buhay sa Pilipinas. Gayunpaman, ito ang bansa kung saan akong ipinanganak at lumaki ngunit

naramdaman ko ang kalungkutan dahil nakikita ko ang kakulangan sa estado ng buhay sa

Pilipinas. Oo, kulang ang Pilipinas sa mga bagay na ibinibigay ng mga ibang bansa tulad ng

Singapore ngunit naniniwala pa rin ako na hindi pa huli ang lahat para makalapit tayo sa

pag-uunlad ng Pilipinas.
Sanggunian

Common LRTA passenger complaints | GOVPH. (2014, August 27). Official Gazette.
https://www.officialgazette.gov.ph/2014/08/27/common-lrta-passenger-complaints/

Luna, F. (2022, November 25). Metro Manila public transportation among the

worst in the world: study. Philstar.com.

https://www.philstar.com/headlines/2022/11/25/2226400/metro-manila-public-transportat

ion-among-worst-world-study

You might also like