You are on page 1of 8

THIRD PERIODICAL TEST IN ESP 10

NAME: ____________________________ GR.& SEC._________ SCORE:________

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pahayag o katanungan.


Piliin at isulat ang letra ng tamang sagot sa patlang.

_____1. Ito ay tumutukoy sa pamamahala ng kalalakihan sa bansang Kenya.


A. Aristocratic C. Matrilinear
B. Egalitarian D. Patrilinear
_____2. Siya ay malakas, mataas tulad ng higante, at nagmamay-ari ng karangalan bilang pinakamahusay
na makata sa kanilang lugar.
A. Ahmad C. Sarah
B. Liongo D. Toby
_____3. Ito ay akdang pampanitikang tumutukoy sa kuwento o salaysay hinggil sa pinagmulan ng
sansinukuban, kalipunan ng iba’t ibang paniniwala sa mga diyos at diyosa, kuwento ng tao at ng mga
mahiwagang nilikha.
A. alamat C. mito/mitolohiya
B. epiko D. parabula
_____4. Nang magutom ang bata ay nagsimula itong umiyak nang malakas. Hindi niya ito mapatigil;
ibinaba niya ito at hinayaang umiyak nang umiyak kahit ayaw niya itong gawin dahil anak niya ang bata.
Batay sa mga pahayag na ito, si Sarah ay maaaring ilarawan bilang isang inang ______.
A. masipag C. maunawain
B. matiisin D. pabaya sa anak
_____5. Ito ay tumutukoy sa paglilipat sa pinagsalinang wika ng pinakamalapit na katumbas na diwa at
estilong nasa wikang isasalin.
A. pagkiklino C. pagsasaling-wika
B. pagpapakahulugan D. pagsusuring-wika
_____6. Nagsanay nang mabuti si Liongo sa paghawak ng busog at palaso at kinalaunan ay nanalo siya sa
paligsahan sa pagpana. Ito pala’y pakana ng hari upang siya ay madakip at muli na naman siyang
nakatakas. Ang mga pahayag na ito ay nagpapatunay na si Liongo ay ______.
A. paulit-ulit na nakulong
B. madaling magtiwala sa kaniyang kapuwa
C. magaling tumakas tuwing siya’y madarakip
D. malakas ang pakiramdam sa nangyayari sa paligid
_____7. Nang sumunod na mga araw ay may nakitang patay na nakahandusay sa mainit na palayan, isang
batang lalaking alipin. Nakita siya ng tagapagbantay at nilatigo siya; bumagsak ang bata. Anong
kalagayang panlipunan sa Africa ang masasalamin sa mga pahayag na ito?
A. Malulupit ang tagapagbantay sa mga palayan.
B. Maraming mayamang may-ari ng lupa sa bansa.
C. Nagaganap sa lipunan ng Africa ang pang-aalipin.
D. Marahas silang magparusa sa mga may kasalanan.
_____8. Nang lumaon, si Liongo ay nagkaanak ng isang lalaking nagtraydor at pumatay sa kaniya. Ang
pahayag na ito ay nagpapatunay na ________.
A. nalaman ng anak ni Liongo ang sikreto niya
B. ang anak ni Liongo ang nakapatay sa kaniya
C. walang galang sa magulang ang anak ni Liongo
D. sa agawan ng kapangyarihan, walang kinikilala kahit kadugo
_____9. Piliin ang pangyayaring nagpapakita ng katangian ng mitolohiya bilang akdang pampanitikan.
A. Nang magutom ang bata ay nagsimula itong umiyak nang umiyak.

This study source was downloaded by 100000813414662 from CourseHero.com on 04-17-2023 09:42:17 GMT -05:00

https://www.coursehero.com/file/199530845/FILIPINO-REVIEWER-EXAMdocx/
B. Nagtatrabaho siya sa palayan mula sa pagsikat ng araw hanggang sa paglubog nito.
C. Ang nagbabantay sa kanila ay nakasakay sa likod ng kabayo at itinuturo ang mga aliping
mabagal magtrabaho.
D. Si Sarah at ang kaniyang anak ay lumilipad sa bakuran, sa mga kahoy, sa mga
nagtataasang puno nang hindi sila nakikita maging ng tagapagbantay.
_____10. Ang sumusunod ay mga pamantayan o gabay sa pagsasaling-wika maliban sa isa.
A. Basahin at suriing mabuti ang pagkakasalin.
B. Isaisip na ang isasalin ay diwa ng isasalin at hindi salita.
C. Manirahan sa bansang pinagmulan ng wikang isasalin o pagsasalinan.
D. Rebisahin ang salin upang ito’y maging totoo sa diwa ng orihinal.
_____11. Ano ang damdaming namamayani sa nagsasalita sa pahayag na: “Wala akong panahong
magsalita sa mga taong hindi alam ang aking sasabihin”?
A. pagkadismaya C. pagkasiya
B. pagkalito D. pagkatuwa
_____12. Hindi nagtaas ng ulo ang Mongheng Mohametano habang dumadaan ang sultan, kaya winika
ng sultan, “Ang nakasuot ng balabal ay walang pakiramdam, tulad siya ng hayop, hindi siya nagtataglay
ng paggalang at kababaang loob.” Anong damdamin ang nakapaloob sa pahayag ng
sultan?
A. dalamhati C. lungkot
B. galit D. tuwa
_____13. Ano ang ipinahihiwatig sa ginawang pamamanata ng Mongheng Mohametano sa disyerto?
A. malalim na pang-unawa
B. matinding pangangailangan
C. malakas na pangangatawan
D. masidhing pananampalataya
_____14. Anong katangian ni Mullah Nassreddin ang naibigan ng mga tao?
A. pinakamagaling na hari
B. pinakamabuting komedyante
C. pinakamahusay sa pagkukuwento
D. pinakamahusay sa pagsulat ng kuwento
_____15. Tungkol saan ang paksa ng anekdotang Mullah Nassreddin?
A. pananampalataya C. kuwento ng kaibigan
B. karanasan sa buhay D. paninindigan sa buhay
_____16. Ano ang dahilan kung bakit sa gitna ng disyerto namamanata ang Mongheng Mohametano?
A. Nakalilibang ang lugar.
B. Payapa ang lugar upang magnilay.
C. Nakapagbibigay ng dagdag na dusa ang init ng buhangin.
D. Nakadaragdag sa sidhi ng pagninilay ang init ng sikat ng araw.
_____17. Batay sa anekdotang binasa, ano ang dulot sa tao ng pagpapatawa, ayon sa paniniwala ng Sufis?
A. naghahatid ng suwerte sa mga tao
B. nagdudulot ng kasiyahan sa mga tao
C. nagpapayaman sa kaalaman ng mga tao
D. nagdadala ng ibayong pagpapala sa mga tao
_____18. Kapag nilagyan ng mga panlaping sa- at -in ang salitang-ugat na “sambit”, ano ang magiging
bagong kahulugan nito?
A. sasabihin C. sinasabi
B. sinabi D. sinasabihan
_____19. Ano ang kahulugan ng salitang, “naimbitahan”? Ito ay nagmula sa salitang-ugat na “imbita”, na
kinabitan ng mga panlaping na- at -han.
A. nagpaanyaya sa isang pagtitipon
B. naanyayahan sa isang pagtitipon

This study source was downloaded by 100000813414662 from CourseHero.com on 04-17-2023 09:42:17 GMT -05:00

https://www.coursehero.com/file/199530845/FILIPINO-REVIEWER-EXAMdocx/
C. inaanyayahan sa isang pagtitipon
D. nagpapaanyaya sa isang pagtitipon
_____20. Ano ang kahulugan ng salitang, “pagsumikapan”? Ito ay nagmula sa salitang-ugat na “sikap”,
na kinabitan ng mga panlaping pag-, -um-, at -an.
A. magsikap upang magtagumpay
B. maglaan ng higit na oras upang umunlad
C. magtrabaho nang magtrabaho habang bata pa
D. makipagtulungan sa kapwa upang makamit ang pangarap
_____21. Sa pagpili ng paksa, dapat na ito ay likas na napapanahon, may
mayamang damdaming pantao, may kapana-panabik na kasukdulan,
naiibang tunggalian, at may malinaw at maayos na paglalarawan sa
mga tauhan at tagpuan. Ito ay tumutukoy sa .
A. kawilihan ng paksa C. kakayahang pansarili
B. sapat na kagamitan D. kilalanin ang mambabasa
_____22. Isa sa mapagkukunan ng paksa na sinasabing pinakamadali at
pinakadetalyadong paraan ng pagsasalaysay ng isang tao sapagkat ito
ay hango sa pangyayaring naranasan mismo ng nagsasalaysay.
A. napanood C. narinig sa iba
B. likhang-isip D. sariling karanasan
_____23. Bahagi ito ng komiks kung saan isinusulat ang maikling salaysay.
A. kuwadro C. kahon ng salaysay
B. lobo ng usapan D. pamagat ng kuwento
_____24. Sino ang sinasabing kauna-unahang Pilipinong sumulat ng komiks?
A. Dr. Jose P. Rizal C. Roderic P. Urgelles
B. Virginia Hamilton D. Consolation P. Conde
_____25. Isang grapikong midyum na binubuo ng diyalogo, mga salita, at larawan
na siyang nagsasalaysay sa diwa ng kuwento.
A. anekdota C. magasin
B. komiks D. mitolohiya
_____26. Alin sa sumusunod na elemento ng tula ang tumutukoy o nagpapakita ng kaluluwa ng akda?
A. kariktan C. talinghaga
B. sukat D. tugma
_____27. “Ang iyong mga kamay na humahaplos sa akin, na puno ng tibay at tatag bagaman yari’y
munsik.” Ang kaniyang anak ay _______.
A. marangal
B. mahina’t sakitin
C. magiging mandirigma
D. malakas kahit na siya’y maliit
_____28. “At ika’y hahalikan sa yapak ng mga kaapo-apohan, kahit pa malaon nang naparam sa
sanlibutan.” Ano ang nais ipahayag ng taludtod na nabanggit?
A. Nais niyang magkaapo ng mandirigma.
B. Nais niyang mamuno ang apo niya sa kanilang tribo.
C. Nais niyang alalahanin ang kadakilaan ng kaniyang asawa.
D. Matatandaan ang kadakilaan ng tinutukoy hanggang sa kaniyang mga apo.
_____29. Kailangang maging mapili sa mga salitang gagamitin sa pagbuo ng isang tula upang maging
____________.
A. mabilis ang pagkakasulat ng tula
B. mas madali ang paglalathala ng tula
C. sakto ang bilang ng mga pantig sa bawat taludtod
D. malikhain ang paraan ng pagpapahayag ng saloobin ng may- akda

This study source was downloaded by 100000813414662 from CourseHero.com on 04-17-2023 09:42:17 GMT -05:00

https://www.coursehero.com/file/199530845/FILIPINO-REVIEWER-EXAMdocx/
_____30. Alin sa sumusunod na salitang may salungguhit ang nagpapakita ng pinakamasidhi o
pinakamatinding damdamin?
A. Namuhi ako nang makaharap ang taong nagnakaw ng aking mga alahas.
B. Poot ang naramdaman niya sa kaniyang kaibigan nang siraan siya nito sa iba.
C. Labis siyang nagngitngit nang makita sa korte ang pumaslang sa kaniyang ama.
D. Nagalit si Jessa sa kaniyang kapatid subalit agad din itong nawala dahil nanaig ang
pagmamahal niya.
_____31. Ito ang damdaming naramdaman ni Kibuka sa pagkamatay ng kaniyang alaga.
A. pagkalungkot C. pagkadismaya
B. pagkasiya D. pagkabagot
_____32. Lumaki ito sa maayos na kapaligiran at higit sa lahat, ito’y napamahal na kay Kibuka. Ang
damdaming nangingibabaw sa pangungusap ay______.
A. pagkalungkot C. pagkadismaya
B. pagkasiya D. pagkabagot
_____33. Maging si Kibuka ay naninimot sa sarili niyang mga pagkain maibigay lamang sa alaga niyang
baboy. Ang damdaming ipinahihiwatig ng pahayag ay ______.
A. pagkalungkot C. pagkadismaya
B. pagkasiya D. pagkainis
_____34. Tuwang-tuwa si Kibuka. Ngayon lang siya nakakita ng napakaliit na biik. Sampung minuto ang
ginugol niya para tingnan ang kabuuan ng biik: ang mapupungay na mata, mga kuko sa paa, at
pagwagwag ng buntot. Ano ang ipinahihiwatig ng mga pangungusap?
A. pag-ayaw C. pagkagusto
B. pag-asam D. pagnanais
_____35. Namayani ang pagmamahal ni Kibuka sa alagang baboy kaya hindi niya ito maipagbili. Ano
ang kahulugan ng salitang may salungguhit?
A. nagunita C. nanaig
B. nakita D. nangibabaw
_____36. Si Kibuka, ang alagang baboy at ang drayber ng isang motorsiklo ay tumilapon sa iba’t ibang
direksiyon. Ano ang kahulugan ng salitang may salungguhit?
A. tumalsik C. tumumba
B. tumapon D. tumurit
_____37. Habang naghahalukay sa kumpol ng mga sanga ang alagang baboy, isang ‘di inaasahang
pangyayari ang naganap. Ano ang kahulugan ng may salungguhit?
A. nagdudukot C. nagkakalkal
B. naghahanap D. naninimot
_____38. Sa tingin ko, kamangha-mangha at tila kabalintunaan pa ang kabaitang ipinakita ni Jasmine sa
lahat ng uri ng tao at maging sa hayop kaya’t masasabing tunay nga siyang iba. Anong pahayag na
naglalahad ng opinyon ang ginamit sa pangungusap?
A. tila C. kamangha-mangha
B. tunay D. sa tingin ko
_____39. Sa palagay ko, puno ng inspirasyon at hitik sa kabutihang-asal ang pelikulang, “Unforgettable”.
Anong pahayag na naglalahad ng opinyon ang ginamit sa pangungusap?
A. sa aking palagay C. sa paniniwala ko
B. sa palagay ko D. sa tingin ko
_____40. Anong suliranin ang nangibabaw sa akdang napanood na
pinamagatang, “Unforgettable?”
A. kakapusan sa pera ng mag-ina
B. pagkakasakit ng Lola ni Jasmine
C. anak ng taxi driver na nasa hospital
D. pag-iwan ng serbedora sa may-ari ng karinderya

This study source was downloaded by 100000813414662 from CourseHero.com on 04-17-2023 09:42:17 GMT -05:00

https://www.coursehero.com/file/199530845/FILIPINO-REVIEWER-EXAMdocx/
Para sa bilang 41-46

Magkaroon nawa ng katarungan para sa lahat.


Magkaroon nawa ng kapayapaan para sa lahat.
Magkaroon nawa ng hanapbuhay, tinapay, tubig, at asin para sa
lahat.
Malaman nawa ng bawat isa na ang katawan, ang isip, at ang
kaluluwa ay dapat lumaya upang mabigyang-kasiyahan ang
kanilang mga sarili.

Salin mula sa talumpati ni Nelson Mandela

_____41. Anong kaisipan ang ipinahihiwatig sa bahagi ng talumpating iyong binasa?


A. pagtanggi at paglaban sa batas
B. pakikipag-unahan ng bawat bansa sa pag-unlad
C. malalim na sakit na dala-dala ng ating mga puso
D. pagkakaroon ng pantay na pagtingin para sa pag-unlad ng lahat
_____42. Mahalagang malaman ng bawat isa na ang katawan, ang isip, at ang kaluluwa ay dapat lumaya
upang ______________.
A. mabigyang-kasiyahan ang mga sarili
B. magbigay ng hanapbuhay para sa lahat
C. magkaroon ng katarungan para sa lahat
D. magkaroon ng kapayapaan para sa lahat
_____43. Ano ang magandang maidudulot ng pagkakaroon ng makatarungang pinuno ng bansa?
A. Malulugmok ang bansa.
B. Magiging mahirap ang bansa.
C. Mawawalan ng pagkakaisa ang mga tao.
D. Magkakaroon ng pagkakapantay-pantay ang lahat.
_____44. Alin sa mga sumusunod ang katangian ng sanaysay bilang akdang pampanitikan?
A. Ito ay hindi nakabatay sa reyalidad ng buhay.
B. Ito ay walang istruktura at paraan ng paglalahad.
C. Naipakikita ng may-akda ang ibat-ibang emosyon.
D. Ito ay may sariling opinyon ng manunulat tungkol sa isang paksa at binubuo ng
mga
personal na kurokuro.
_____45. Ano ang pagkakatulad ng sanaysay sa iba pang akdang pampanitikan?
A. Ito ay maaaring pormal o ‘di pormal.
B. Ito ay likha lamang ng ating guniguni.
C. Naglalahad ito ng mga saloobin at pananaw ng may-akda.
D. Naglalahad ito ng mga karanasang magbibigay-aral sa mambabasa.
_____46. Naiiba ang sanaysay sa iba pang akdang pampanitikan dahil _____________.
A. binubuo ito ng kaba-kabanata
B. karaniwan itong may maayos na banghay
C. nag-iiwan ito ng iisang kakintalan sa mambabasa
D. karaniwang nakabatay ito sa pagbibigay ng opinyon tungkol sa napapanahong isyu.
_____47. “Pero kung pinilit niyang kinuha ala nakaw. Nakita ko sa ABS-CBN and na-retrieve ‘yung
footage, ipakulong ko siya.” Ang damdaming nangibabaw sa pahayag na ito ay __________.
A. Pagkagalit C. pagkatuwa
B. Pagkalungkot D. panlulumo

This study source was downloaded by 100000813414662 from CourseHero.com on 04-17-2023 09:42:17 GMT -05:00

https://www.coursehero.com/file/199530845/FILIPINO-REVIEWER-EXAMdocx/
_____48. “Ito namang isa, itong mga trabahante, mga doktor, mga nurse, health workers, attendants and
all, eh hindi makauwi ng bahay, tinatapunan ninyo ng kung ano-anong mga chemicals na nakasisira ng
katawan. Mas una silang mamatay kaysa dun sa pasyente doon sa COVID.”
Ibigay ang iyong reaksiyon batay sa pahayag.
A. nagagalit C. nanlulumo
B. nalulungkot D. natutuwa
_____49. “Ang ating suplay hanggang diyan lang ‘yan ‘yung inabot kasi hindi natin alam ganun kabilis.
In two days’ time, patay ka.” Ibigay ang damdaming masasalamin sa nasabing pahayag.
A. pagkagalak C. pagkayamot
B. pagkalito D. pangangamba
_____50. “Ang pera, dadating. Ang pagkain dadating, huwag lang kayong magulo.” Ibigay ang iyong
reaksyon sa nasabing pahayag.
A. nananabik sa pera at pagkaing darating
B. nagsasaya dahil may ibibigay pa ang gobyerno
C. natatakot na hindi mabigyan ng pera at pagkain
D. nawala ang pangambang wala nang mapagkukunan ng makakain
_____51. “Ang taong iyan ay kilala at tanyag sa buong nayon, dahil sa kaniyang ginawang
pagpapatiwakal, matutulad lamang siya sa isang inilibing na aso.” Anong teorya ng panitikan ang
masasalamin sa bahaging ito ng nobela?
A. humanismo C. pormalismo
B. marksismo D. realismo
_____52. Noong una ay sumasamba sa diyos-diyosan ang mga taga-Umuofian. Lumipas ang maraming
panahon, dumating ang mga misyonero sa kanilang lupain at ipinakilala ang Kristiyanismo, dito unti-
unting nabago ang paniniwala ng tribo. Anong teorya ng panitikan ang masasalamin sa bahaging ito ng
nobela?
A. eksistensyalismo C. pormalismo
B. historikal D. marksismo

Para sa bilang 53-54


Basahing mabuti ang ilang bahagi ng iskrip mula sa pelikulang “Ang
Munting Prinsesa” at sagutin ang mga tanong.

MISS AMELIA: Nasaan ang konsensiya mo, Ate?


MISS MINCHIN: (raises her voice) Bakit kasalanan ko ba kung bakit
namatay ang ama ni Sarah?

Because of their heated discussion, the two women failed to take


notice of Sarah’s presence. Sarah is standing outside Miss Minchin’s door,
crying softly. Miss Amelia sees her.
MISS MINCHIN: Sarah...
Miss Minchin looks over her shoulder at Sarah. The little girl
quietly
walks away, clutching Emily close to her.

_____53. Batay sa nabasang bahagi ng iskrip, anong damdamin ang ipinakikita ng tauhang si Miss
Amelia?
A. pagkagalit C. pagkalungkot

This study source was downloaded by 100000813414662 from CourseHero.com on 04-17-2023 09:42:17 GMT -05:00

https://www.coursehero.com/file/199530845/FILIPINO-REVIEWER-EXAMdocx/
B. pagkahabag D. pagkatuwa
_____54. Batay sa nabasang bahagi ng iskrip, anong damdamin ang ipinakikita ng tauhang si Miss
Minchin?
A. pagkagalit C.pagkalungkot
B. pagkahabag D. pagkayamot
_____55. Alin sa sumusunod na pang-ugnay ang pupuno sa patlang upang mabuo ang pangungusap?
Ikinapanlumo ng komisyoner ng distrito ang naganap ____ panununog sa kanilang simbahan.
A. -g C. na
B. -n D. -ng
_____56. Alin sa sumusunod na pang-ugnay ang pupuno sa patlang upang mabuo ang pangungusap?
Isang araw, lihim na ipinaalam ni Ogbuefi Ezeudu, isa sa matatanda ____ taga-Umuofia, ang planong
pagpatay kay Ikemefuna.
A. -g C. na
B. -n D. -ng
_____57. Ito ang dahilan ng pagtakas ni Okonkwo patungong Mbanta.
A. pagnanakaw
B. siya ay baon sa utang
C. intensyonal niyang pagpatay sa isang kapuwa katribo
D. hindi niya sinasadyang pagpatay sa isang kapuwa katribo
_____58. Paano namatay si Okonkwo?
A. dahil sa sakit C. sinaksak ni Enoch
B. nagpakamatay D. nakipaglaban sa ibang tribo
_____59. Punong-puno ng cowrie ang namatay, ito ay pabaon sa kaniyang paglalakbay. Ano ang
kahulugan ng salitang may salungguhit sa pangungusap?
A. katutubong tao
B. malaking metal bell
C. kagamitang pangmusika
D. palamuting yari sa shell na ginagamit ng mga Afrikano
_____60. Ginawa ng mga Igbo ang Ogene bilang simbolo ng kanilang tribo. Ano ang kahulugan ng
salitang may salungguhit sa pangungusap?
A. katutubong tao
B. malaking metal bell
C. kagamitang pangmusika
D. palamuting yari sa shell na ginagamit ng mga Afrikano

This study source was downloaded by 100000813414662 from CourseHero.com on 04-17-2023 09:42:17 GMT -05:00

https://www.coursehero.com/file/199530845/FILIPINO-REVIEWER-EXAMdocx/
KEY TO CORRECTION
1.D 31.A
2.B 32.B
3.C 33.C
4.B 34.C
5.C 35.C
6.B 36.A
7.C 37.B
8.D 38.D
9.D 39.B
10.C 40.B
11.D 41.D
12.D 42.A
13.D 43.D
14.C 44.D
15.C 45.D
16.D 46.A
17.D 47.A
18.A 48.B
19.B 49.D
20.A 50.D
21.A 51.B
22.D 52.B
23.C 53.B
24.A 54.D
25.B 55.C
26.C 56.D
27.B 57.D
28.C 58.B
29.D 59.D
30.A 60.B

This study source was downloaded by 100000813414662 from CourseHero.com on 04-17-2023 09:42:17 GMT -05:00

https://www.coursehero.com/file/199530845/FILIPINO-REVIEWER-EXAMdocx/
Powered by TCPDF (www.tcpdf.org)

You might also like