Ekspresyon

You might also like

You are on page 1of 3

PAGSASANAY: Panuto: Punan ng angkop na ekspresiyon upang mabuo ang konsepto ng

pangungusap at talata. Piliin ang tamang sagot sa kahon ng pagpipilian.


1. Ang Pilipinas ay isang bansang archipelago, kaya hindi katakatakang ang mga pulo sa buong bansa
ay tigib ng mga kayamanang-dagat na maipagkakaloob ng iba’t ibang uri ng damong-dagat. Sa isang
pag-aaral na isinagawa ni Dr. Gabino C. Trono Jr., isang propesor ng Botanya sa Kolehiyo ng Sining at
Agham ng Unibersidad ng Pilipinas, _______ ang pangangailangang linangin ang kayamanang-dagat
para makatulong sa sumsulong na ekonomiya ng Pilipinas. ________ , maraming damong-dagat na
makikita sa dagat ng Pilipinas bagaman iilan pa lamang sa mga ito ang nalilinang para magkaroon ng
kabuluhang komersyal.
2. ________ sa isang magulang ng Pranses, “patuloy siyang magpoprostesta laban sa panukalang
batas tungkol sa pagiging legal ng kasal ng dalawang taong nagmamahalan ng may parehong
kasarian”. _______, mahalagang ipaglaban at ipabatid sa mamamayan “ang kahalagahan ng pamila”.
_______, isa sa pinakamalaking protesta laban sa “same sex marriage” ay naganap nang magsama-
sama ang mamamayan mula sa iba’t ibang probinsya ng Pransya.
3. _____Counsels on diet and Food ay binanggit na ang mga tinapay na tatlong araw nang nakaimbak
ay mas mabuti sa ating katawan kung ihahambing sa bagong luto at mainit na tinapay.
4. ______maraming Pilipino ang pakapanalo ni Manny Paquiao sa sunod-sunod niyang laban ay
nangangahulugang maipagpapatuloy pa ni Pacquiao ang kaniyang karera sa pagboboksing.
5. ______ Ang mga Pilipino ay higit na mapanuri sa mga proyekto ng pamahalaan matapos mabatid
ang matinding korapsyon ng ilang politiko.
6._____ Department of Social Welfare and Development, mapanganib din sa mga bata ang paglalaro
ng marahas na internet game lalo na’t nasa developmental stage pa lamang ang isang bata.
7. ____ mga makakalikasan, kailangang mamulat kahit na ang pinakabatang miyembro ng komunidad
sa posibleng epekto ng climate change sa sangkatauhan upang magkaroon ng kamalayan sa tamang
pangangalaga ng mundo.
Panuto: Piliin sa loob ng panaklong ang angkop na pang-ugnay na ginamit.
1. May nagsumbong sa isang taong mayaman na nilulustay ng kaniyang katiwala ang kaniyang ari-
arian (kaya’t, saka)ipinatawag niya ang katiwala at tinanong. (Unang, Pagkatapos)tinawag ng katiwata
ang may utang na isandaan tapayang langis. (Saka, Pati) pinaupo at pinapalitan ng limampu ang
kasulatan. (Gayon din, dahil sa) ang ginawa ng isa pa. Ginawang walumpung kabang trigo mula sa
isandaan trigo. (Dahil sa, upang) katalinuhan ng katiwala, pinuri ng amo ang tusong katiwala.
Panuto: Punan ng angkop na panghalip ang mga patlang upang mabuo ang diwa ng talata. Isulat ang
sagot sa nakalaang talahanayan.
Talagang naghahanda na si Dan sa pag-alis nang sabihin sa 1. ____ ng kaibigang editor ng 2.
____ ama sa Honolulu na hintayin muna 3._____ ang pagtatapos ng klase sa kolehiyo ng Punahu. “Ako
ang nahirang na magbigay ng pangaral sa mga nagtapos sa taong ito,” ang sabi niya kay Merton, “at
maibabalita 4. _____ sa 5. ________ ama sa Hollywood kung gaano kabuting magsermon sa mga
wahini (babae sa wikang Kanaka) ang 6. ______ kaibigan sa Honolulu”.
Pumayag si Dan Merton. Sa nasabing commencement ng Punahu School, doon 7. ______
nakilala si Noemi, isang tunay na Kanaka, subalit halimbawa ng dalagang may mataas na pinag-aralan,
Hindi 8. _____ malaman kung bakit ang mga matang buhay na buhay ni Noemi ay walang iniwan sa
dalawang palasong sabay na tumuhog sa kaniyang puso. Si Naomi ang naging patnubay ng mga
pangaral, palibhasa’y 9. _____ ang pangulo ng kapisanan ng mga senior sa nasabing kolehiyo. Anong
tamis 10. ____ magsalita ng wikang Ingles! Anong lambing niyang bumigkas ng pangungusap.
Sa ganang akin Batay sa Sa tingin ng Sa ganang kaniya
Sa palagay ng Ayon sa Pinaniniwalaan ko Kaugnay nito
Ipinakita niya Sa gananang kaniya Ayon sa kaniya

You might also like