You are on page 1of 1

Krizia Cassandra C.

Baltazar
BCAED 2-1

GINTONG BUTIL FESTIVAL


Carranglan, Nueva Ecija

Ang munting bayan ng Carranglan ay binubuo ng labing pitong barangay na kasalukuyang


pinamumunuan ng butihing alkalde na si Mayor Rogelio Abad.

Paano nyo ipinagdiriwang ang "fiesta" sa inyong bayan? Ang iba't ibang lugar ay may iba't ibang
kultura. Isang paraan ng pag-alam o pag-aaral ng kultura ng isang partikular na lugar ay ang
pagdalo o pagsaksi sa kanilang “festival”. Sa paggawa nito, magkakaroon ka ng kaalaman sa
kanilang kultura na kinabibilangan ng kanilang lokal na kasaysayan, mga pagkain at inumin at
marami pang iba.

Nagsimula ang Gintong Butil Festival noong 2009 at ipinagdiriwang tuwing ikalawang linggo ng
Abril. Ito ay isang linggong pagdiriwang ng isang taon na dedikasyon at maayos na
pagbabahagi ng karunungan at tiyaga na ipinamalas ng Carranglan para sa kapayapaan at
patuloy na paglago ng ekonomiya.

Ang piyesta na ito ay karaniwang kilala bilang araw ng mga magsasaka ngunit ito ay higit pa
roon. Napakaraming programa ang isinasagawa sa buong isang linggong pagdiriwang nito
katulad ng:
● Bubble Color Fun Run - bukas para sa lahat mapa-bata man o matatanda.
● Kasalang Bayan - isang programa na libreng kasalan para sa mga mag-asawang
walang kakayahang gumastos para sa kanilang kasal.
● Medical Dental Mission - isang libreng programa ng mga professional na taga health
center na ginaganap sa plaza bayan ng Carranglan.
● Trade Fair and Diskwento Caravan - Tampok dito ang mga pangunahing bilihin na
murang mura ang halaga. Ang naturang bentahan ng mga pangunahing
pangangailangan sa hapag kainan tulad ng delatang sardinas, noodles, bigas, kape,
asukal, at marami pang iba na mabibili na may bawas presyo o porsiyentong diskwento
mula sa regular na presyo sa merkado. Maliban dito ay mayroon ding mga produktong
buy one-take one, mga damit pangkasuotan, produktong gawa sa sariling bayan,
pagkaing gawa ng mga kasapi ng kooperatiba at marami pang iba. Kaagapay ng
pamahalaang lokal ng Carranglan sa pag-organisa ng dalawang araw na aktibidad ang
DTI Region III.
● Street Dancing Parade o Showdown - paligsahan ng iba't ibang barangay sa
Carranglan ng kanilang natatanging kagalingan sa larangan ng pagsasayaw. Ito ay may
mga tema na may kaugnayan sa kabukiran katulad ng palay o mga kalabaw.
Ipinamamalas din dito ang creativity ng bawat isa sa pagbuo ng kanilang mga costume
pansayaw.

Ang lahat ay inaanyayahang makidalo at makisaya sa lahat ng programa ng piyesta.

You might also like