You are on page 1of 11

PINAKONG

MGA
PANGAKO
NIKKI EVANGELISTA

PALAWAN STATE UNIVERITY


evangelistanikki46@gmail.com
OPENING SCENE

Kids playing. We HEAR laughter, screams, muffled cries.

MAN 1
Tama na po, may test pa kami bukas.

We HEAR static lines, one piece of music after another.

WOMAN 1
Ano pa ba ang kayang bilhin ng bente pesos ko?

WOMAN 2
Bigas?

(BEN&BEN X SB19’S Kapangyarihan slowly FADES IN)


Akala niyo ba, ang kapangyarihan
Ay nasa inyo? Sino ba kayo?

WOMAN 3
Tulong! Tulong! Nasaan na ang—

We HEAR metal clanking.

MAN 2
Mr. President!

Shots fired.
ACT ONE

Five (5) woman enters the frame. We settle to MARIA (25) who looks
lost, on her right hand she’s holding on her passport, on her left we
can see her holding on her luggage. A child then appears crying and
begging for her MARIA not to leave.

CHILD
Mama, ‘wag na po ikaw umalis. Paano na lang po ako?

Maria kneels to reach her daughter’s face. Feeling the warmt of her
skin one last time. Ibinaba n’ya ang backpack ‘saka niyakap ang anak.

MARIA
Kailangan ni Mama umalis, ‘nak, eh. Para sa’yo naman ‘to. Hayaan mo
‘pagbalik ko marami akong pasalubong na laruan para sa’yo.

CHILD
Talaga po?

Maria nodded her head. She then stands up and kiss her daughter’s
forehead one last time.

MARIA
Aalis na si Mama. Papakabait ka rito, ha?

CHILD
(Cries while nodding her head) Babalik ka po kaagad, Mama?

MARIA
Oo
We HEAR muffled cries in the dark.

MARIA
I DID NOT DO ANYTHING WRONG! I DID NOT STEAL YOUR WALLET! SIR, PLEASE
LET ME LEAVE! LET ME LIVE!

MARIA
AAAAAAAAAAAAAH!

Maria screams in horror.

MARIA
(In a very low and weak voice)
Kailangan pa ‘ko ng anak ko.

FADE OUT . . .
FADE IN . . .

We settle to ANA (30) on her duster washing clothes. ANA was curios
enough to pull out a paper from her husband’s jeans. It was a campaign
paraphernalia from last election. ANA scrunches her nose as if
disgusted to even look at the face of the person on the paraphernalia.

ANA
Si Junyor nga ang may pinaka-magandang pangako.
Bente pesos na raw kasi ang kilo ng bigas, hindi na kami maghihirap!
Hindi na!

(Change setting here to SARI-SARI STORE)

ANA
Bente na ba?
TINDERA 1
Ang uling bente na, bibili ka ba?

ANA
Bente na ba?

TINDERA 2
Ang alin, Ana? Ang bigas? Naku, kaawaan ka ng, D’yos, nagpapaloko ka
kasi sa imposible. Ang tatlong piraso ng tuyo, bente, bibili ka ba?

ANA
Ang sabi ni Junyor---

FADE OUT. . .
CUT TO. . .

Shots fired. Sirens blaring. Blue and red light illuminates the dark
alley. We HEAR static lines and news from radioes, scream and iffled
cried.

We SETTLE to KAREN (54) wailing while hugging her son covered in his
own blood.

KAREN
Carlo! Jusko, anak! Gumising ka! Nandito na si Mama. Carlo!
Mga walanghiya kayo! Walang kasalanan ang anak ko! Mga hayop!

PULIS
Pasensiya na, Ma’am.

FADE OUT. . .
CUT TO. . .
SETTING: ABROAD, KAREN’S POV, PAST

CARLO
Ma! Okay ba signal?

Karen wipes sweats on her forehead. She smiles.

CARLO
Okay na ba, Ma? Kita na ka-gwapuhan ko?

Karen laughs

KAREN
Oo, kitang-kita. Bakit ka napatwag?

CARLO
May papakita ako sa’yo, Ma! Teka lang.

KAREN
Ano ba ‘yan at hindi ka makapaghintay ng bukas? Anong oras na d’yan,
Carlo, ah?

Carlo appears on the screen with a certificate on his hand.

CARLO
Graduate na ‘ko, Ma! With highest honor pa! Malapit na, Ma! Malapit
na!

KAREN
Wow! Galing-galing mo talaga. Sabi ko na nga ba, eh. May gusto ka bang
bilhin? Magpapadala kaagad si Mama, magsabi ka lang.

CARLO
Wala po, Ma. Hihintayin ko na lang po kayong makabalik dito.

CUT TO. . .
SETTING: PRESENT

A dark alley was surrounded by the police and bystanders. Red and blue
light illuminates the scene. Screams of a mother lost in the dark,
hugging her son’s dead body was heard.

Carlos last words was heard.

CARLO (VOICE OVER)


Tama na po! Tama na! May test pa kami bukas.

FADE OUT . . .
FADE IN . . .

VOICE OVER

Pumulandit ang dugo


At mabilis na humalik,
Yumakap, at umanod
Sa lupang may pait
Na unti-unting nanlamig

Tumilapon ang piso


Na minsang tangan
Ng musmos na kamao
Pamalit sana
Sa ilang minutong tamis
Matapos ang maghapong pagpiga sa isip

Sa ilalim ng lambong
Ng buwang malamlam
Ay ang nakabibinging pagtawag
Sa mga siga ng kalangitan
Ng inang kandong
Ang nahimlay na
Pamamaalam

Katahimikan sa Sitio
Ay kagyat nalimutan
At tanging
Duguang luha na lamang
Ang sasalubong sa araw

FADE OUT . . .
FADE IN . . .

(BEN&BEN X SB19’S KAPANGYARIHAN (OFFICIAL PERFORMANCE VID BGM PLAYING)

We HEAR a sound of a gun.

MAN
“ANG PAGBABAGO AY NALALAPIT NA!”

Multiple shots of gun.


SILENCE . . .

WOMAN (Voice Over)


Binoto ko s’ya kasi ang akala namin ng pamilya ko maabawasan na kahit
paano ‘yung krimen sa bayan namin. Nakakatakot na ang mundo, kailangan
namin ng ngipin sa batas!

MAN (VO)
Wala akong kasalanan! Namumuhay ako ng marangal!
WALA AKONG KASALANAN!

WOMAN (VO)
Mr. President, nasaan na ang mga pinangako mo? Paano na kaming
mahihirap?

MAN (VO)
Paano kaming mga walang kakayahang makamtan ang katarungan? Paano na
ang mga pangarap ng mga katulad kong kapos?

MARIA
SETTING: PAST /Flashback/
I DID NOT DO ANYTHING WRONG! I DID NOT STEAL YOUR WALLET! SIR, PLEASE
LET ME LEAVE! LET ME LIVE!

MARI
AAAAAAAAAAAAAHHH!

MARIA
(In a very low and weak voice)
Kailangan pa ‘ko ng anak ko.

SILENCE. . .
MARIA’S body is covered in white cloth.
Police officers surrounds the what seems to be a coffin.

Protesters and Mediamen welcomes them.

FADE OUT. . .

SCENE: We see Mr. President here getting ready for a live interview.
Mediamen sits down, prepares their pens and papers.

As soon as the ON AIR sign turns GREEN, flashes from the camera starts
flicking.

FADE OUT . . .

MEDIAMEN (VO)
Nasaan na ang pangakong pagkakaisa at kapayapaan, Mr. President?

BGM: STUDENT’S SINGING


KENAN’S LYRICS
- END –

(BEN&Ben x SB19’S KAPANGYARIHAN PLAYING)

You might also like