You are on page 1of 1

Replektibong Sanaysay: Kahalagahan sa isang Indibidwal

Ang replektibong sanaysay ay isang sulating pasalaysay na naglalahad ng personal na

karanasan ng isang tao. Ito ay nangangailangan ng malalim na pagsusuri ng manunulat kung

paano siya umunlad bilang tao sa kanyang nagging karanasan. Ito ay naglalaman ng tatlong

bahagi: Simula, Katawan at Konklusyon. Ang pagkakaroon ng kaalaman sa pagsulat ng

replektibong sanaysay ay isa sa dahilan kung bakit lumilinang ang kritikal na pagiisip ng isang

tao.

Ang replektibong sanaysay ay mahalaga dahil natutulungan nito ang isang tao na umunlad.

Ayon sa artikulo sa WAC Clearinghouse (n.d) sa pamamagitan ng repleksyon ang isang tao ay

magkakaroon ng malalim na pag-iisip sa mga karanasan o eksperiyensiya na naranasan nito.

Dinagdag dito na ito rin ay nakatutulong upang umunlad ang pagkatao ng isang tao. Patunay sa

artikulo sa WAC Clearinghouse, ang pagkakaroon ng kaalaman sa pagsulat ng replektibong

sanaysay ay nakatutulong sa isang tao sa pamamagitan ng nakapagiisip ito ng mga bagay na mas

malalim pa sa inaakala nito, nagiging kritikal ang isang tao sa pagsusuri ng kanyang mga

karanasan at nakatutulong din upang umunlad ang pagkatao nito.

Ayon sa mga impormasyon na nakalahad sa itaas, ang pagkakaroon ng kaalaman ukol sa

pagsulat ng akademikong sanaysay ay mahalaga sa isang tao. Tinutulungan nito ang isang

indibidwal na umunlad, magkaroon ng matalas o malalim na pag-iisp sa sariling karanasan at

maging kritikal.

You might also like