You are on page 1of 2

Republic of the Philippines

COMMISSION ON ELECTIONS
Intramuros, Manila

TASK FORCE AGAINST PREMATURE CAMPAIGNING

SINUMPAANG SAGOT SALAYSAY

KAMI, JERIC JUNO, SHYLENE BALDO, BERNADETTE


OLALO, JAMICA QUIJADA, CHARLIE RIVERA, JEROME
ROSS, at CEDRICK ORDUNA, sa Kagalang-galang na
Tanggapang ito, ay malaya at kusang loob na nagpapahayag
ng mga sumusunod:

1. Noong ika-02 ng Oktubre 2023, ay nakatanggap kami


ng Show Cause Order mula sa Kagalang-galang na
Tanggapang ito at kami ay binibigyan ng 3 araw upang
sumagot sa reklamo hinggil sa di-umano’y Pre-mature
Campaigning.

2. Mariin naming pinasisinungalingan ang nasabing


paratang laban sa ang sinasabing larawan at audio recording
ay hindi dapat tanggapin at kilalaning ebidensya sa kawalan
ng pagpapatunay na ito ay totoo, tunay na nangyari, at hindi
inayos lamang upang magmukha kaming gumawa ng pre-
mature campaigning;

3. Dagdag pa dito, kung susuriin ay tanging larawan


lamang ang inilakip na nilapatan ng isang audio recording
upang magmukhang kami ay gumawa ng pre-mature
campaigning. Kung totoong kami ay nagsagawa ng pre-mature
campaigning sa isang harapan ay bakit hindi video ang inilatag
na ebidensya.

4. Dito pa lamang ay kadududa-duda ng ang sinasabing


ebidensya. Ang totoo, ang audio recording ay aming ginawa
bago pa man kami nagfile ng Certificate of Candidacy at bilang
preparasyon sa campaign period kung saan ay aming nirecord
ang bawat isa naming kandidato upang patugtugin sa
nasabing campaign period. Ito ay hindi namin nilalabas pa
dahil sa ito ay aayusin pa lang at isasama sa mga video na
aming gagamitin.

5. Sa kasamaang palad, ang nasabing audio recording ay


nakuha ng isa sa aming dating kasamahan na lumipat sa
aming kalaban at ginamit upang kami ay magmukhang
gumawa ng pre-mature campaigning.

6. Patungkol naman sa sinasabing pagdiriwang ng aking


kaarawan, ito ay nangyari ngunit isang pribadong selebrasyon
lamang ng mga piling panauhin at hindi ito ginawa upang kami
ay magdaos ng pangangampanya dahil batid namin ang
mahigpit na pagpapatupad ng COMELEC laban sa pre-mature
campaigning.

7. Kami ay matapat na sumusunod sa lahat ng umiiral na


batas lalo pa tungkol sa pangangampanya at labis naming
nauunawaan ang kaparusahan sa paglabag nito kung kaya’t
hindi namin maaring gawin ang pinaparatang laban sa amin.

8. Ginawa namin ang salaysay na ito upang


patotohanan ang lahat ng dito ay nakasaad at hilingin ang
pagpapawalang saysay at pagbasura ng reklamo laban sa
amin sa kawalan ng sapat na ebidensya at basehan.

SA KATUNAYAN NG LAHAT, kami ay lumagda sa ibaba


nito ngayong ______________ dito sa
____________________.

JERIC JUNO SHYLENE BALDO

BERNADETTE OLALO JAMICA QUIJADA

JEROME ROSS CEDRICK ORDUNA

CHARLIE RIVERA

NILAGDAAN AT SINUMPAAN SA HARAP ko sa petsa


at lugar na binanggit sa itaas nito.

You might also like