You are on page 1of 1

"Kahanga-hanga O Diyos ang Iyong mga Gawa"

Magpapalayok ang tawag Sa'Yo


Kami'y Nilikha sa sariling wangis Mo
Tunay ngang Ika'y kamangha-mangha
Dakilang Diyos na Kahanga-hanga

Mayaman at saganang kapaligiran


Patunay ngang Ika'y makapangyarihan
Sa umaga pagmulat ng aking mga mata
Aking nasisilayan kagandahan ng Iyong mga gawa

Kadakilaan mong kay hirap maintindihan


Sapagkat ikaw ang Diyos ng kahigitan
Hawak mo ang kahapon, ngayon at ang kinabukasan
Kaya't pagtitiwala'y nasa kamay mo'y nakalaan.

Ako'y niligtas sa kamay ng aking mga kaaway


Tunay ngang Ika'y tunay na kaibigan at karamay
Panalo sa bawat laban
Dahil presensya mo'y buhay at aking sandigan.

Pagsamba ay iaalay sa Diyos ng Langit at Lupa


Isisigaw ng puso ko mga natatanging Mong gawa
Papuri aking lubusang sasambitin
Sa araw at gabi ikaw ay aking haharanahin.

Hangga't ako'y nabubuhay


Sa Iyong mahabagin kamay hihimlay
Sa Iyong makapangyarihang taglay
Nilikha Mo'y luluhod at buhay iaalay.

Diyos na bumubuo ng pagkatao


Diyos ng panahon na kailanma'y di-nagbago
Diyos na mapagmahal sa buong sanlibutan
Maghari ka noon, ngayon at magpakailanman.

You might also like