You are on page 1of 1

Mansanas

Nakita ko ang itsura ng kulay bughaw na kalangitan sa ibabaw ng aking mga mata.

Kasing lawak ng punong naka akibat sa bawat tangkay, dahon at mga kisapmata.

Hindi man pareho ang pananaw ng aking mga kasama.

Pero ipinagmamalaki ko ang bawat kislap ng mga tala.

Sa araw man na dumaraan mga kaibigan ay namumunga.

Tinuring na sariling mga anak subalit may oras ang panama.

May kahalong panganib bigla na lang lumaya.

Nahuhulog namamatay bigla biglang nagpaparaya.

Naglaho isa isa.

Bawat nota ay kasama.

Sa bawat ulan na ipanaglaban ako na rin ay iniwan.

Tatlongpung araw sana ay makayanan tuwing akoy makoronahan.

Tagtuyo ay darating sa mga kapon ng kahirapan

Sanay magtiyaga ay lahat ng kayoy mahirapan.

Pusong mamon at may laman na nasira sa murang hiyas

Sana sa dulo ay isa ka paring tunay na preskong mansanas.

You might also like