You are on page 1of 1

Name: ____________________________ Section: __________________ Date: ___________________

Bahagi I. Berbal at Di-Berbal. Piliin ang tamang sagot mula sa kahon. Ilagay ang bilang ng katanungan sa itaas ng salita
sa kahon na nagsasaad ng iyong sagot.
Chronemics Environment Haptics Objectics Paralanguage
Proxemics Silence Kinesics Iconics Colorics
1. Kinindatan ni Richard si Angel nang mapatingin ito sa kanya. _______________
2. Sa intrams, lahat daw ng pinagpalit sa malapit ay magsuot ng itim. _______________
3. Pinindot niya ang care reaction sa aking post. _______________
4. Nauutal na kinwento ni Lotlot kay Wynwyn ang nasagap na tsismis. ______________
5. Hindi na lamang muna kumibo ang lider nang nagsabay-sabay magsalita ang mga miyembro. ______________
6. Pinisil-pisil ni Vice Ganda ang braso ni Ion Perez. ________________
7. Naka-blindfold na dinala ni Dingdong si Marian sa isang butterfly garden. _____________
8. Kada-Linggo ay nagkikita ang magkakaibigan para mag-bonding. ______________
9. Nilapag ni John Lloyd ang kalahating milyong halaga ng pera kapalit ng pananahimik ni Bea. ______________
10. Biglang naglayo at nagbitiw ng hawak ang magnobyo habang naglalakad. ____________

Bahagi II. Pokus ng Pandiwa. Basahin at tukuyin ang pokus ng pandiwang ginamit. Isulat kung AKTOR, GOL,
BENEPAKTIB, KAWSATIB, LOKATIB, DIREKSYONAL, o INSTRUMENTAL.
1. Ipinamingwit ni Mang Kiko ang mga nakalap na uod. _______________
2. Isinilid sa paper bag ni Sharon ang mga shanghai. ________________
3. Humakot ng best actor award si Dennis Trillo sa Korea. ________________
4. Si Aljur ang nagtaksil sa relasyon nila ni Kylie. ________________
5. Ang Gitnang Luzon ang pagbubuhusan ng malakas ng ulan ng bagyo. ______________
6. Itatawad ni Jinkee ang Gucci na bag bilang pasalubong kay Mommy D. _____________
7. Naggalawan ang mga baso ni Direk Yap sa kusina. ________________
8. Ang mga NPA at makakaliwa ang ikinasisira ng Pilipinas. _______________
9. Ikabababa ng presyo ng kuryente ang pagbubukas ng Nuclear Power Plant. _______________
10. Ang palabas na Maging Sino Ka Man ang pagbibidahan ni Barbie Forteza. _______________

Bahagi III. Denotatibo o Konotatibo. Suriing mabuti ang mga pangungusap. Alamin kung denotatibo o konotatibo ang
pagpapakahulugan.
_______________1. Nilagyan nyo lang talaga ng kulay ang sinabi kaya lumala.
_______________2. Masarap sa mata ang mga berdeng kagamitan.
_______________3. Nakalutang na naman ang isip ni Samantha.
_______________4. Magaling magbola yang si Kim kaya iskolar sa university.
_______________5. May pabakat si Neo sa kanyang pantalon.
Bahagi III. B. Tukuyin kung referent o antecedent ang mga nakasalungguhit at bigay ang katumbas nilang referent o
antecedent. (2 puntos)
______________1. Lumabas kami ng bahay dahil mainit sa loob nito.
______________2. Napakaganda ng sapatos ni Aira, mukhang mamahalin iyon.
______________3. Sa resort na lang tayo mag-reunion mga magkakabatch, safe iyon sa ganitong panahon.
______________4. Inulam kagabi ni Kevin ang ginisang munggo dahil gutom na siya noon.
______________5. Agaw-pansin itong mga abubot sa kamay ni Senyora Santibañez.

Bahagi IV. Gamit ng Pandiwa. Isulat ang A kung aksyon, K kung karanasan, at P kung pangyayari.
1. Naglakad si Maria sa parke kahapon.
2. Naglayas si BJ dahil sa pagmamaltrato ng kanyang ina.
3. Tumulong si Juan sa paglilinis ng kalsada.
4. Nahulog sa puno si Brendo dahil sa malakas na pagyanig ng lindol.
5. Makikipagkita si Leo kay Marta mamayang alas nuebe
6. Nairita siya sa paulit-ulit na palabas.
7. Tumawid ang matandang babae sa maling tawiran kaya siya ay nahagip ng mabilis na sasakyan.
8. Ang aming alaga na si Palgas ay naglalambing sa akin dahil gusto niyang lumabas ng bahay.
9. Sumunod si Angel sa lahat ng payo ng kanyang butihing ama-amahan.
10. Naghihinagpis si Joseph sa pagkawala ng kanyang pinakamamahal na alagang aso.

Bahagi V. Tukuyin ang mga nilalarawan sa bawat bilang.


1. Ang pansemantikang relasyon ng kilos at paksa sa pangungusap.
2. Ang tawag sa chronemics na ginagamit lamang sa mga laboratoryo.
3. Ang tatanggap ng damdamin o emosyon ng isang kilos.
4. Ang tawag sa pagpapakahulugang kinakatawan ng isang pangngalan.
5. Ang pinakamaliit na yunit ng tunog.
6. Ang ibang tawag sa instrumental pokus.
7. Ang ibang tawag sa gol pokus.
8. Ang kahulugang literal o diksyunaryo ng isang salita.
9. Ang sinasagot na tanong ng benepaktib pokus.
10. Ang mga komunikasyon maaaring nasa anyong pasulat at pasalita.

You might also like