You are on page 1of 8

Republic of the Philippines

Department of Education
Region 10
DIVISION OF MISAMIS OCCIDENTAL
SAN JUAN ELEMENTARY SCHOOL

TABLE OF SPECIFICATIONS
Fourth Periodical Test in FILIPINO 6
2022-2023

ITEM PLACEMENT
EASY AVERAGE DIFFICULT
COMPETENCY CODE Evaluate / No. of Items
Remember / Understand/ Apply/ Analyze / Create /
Synthesiz
Knowledge Comprehension Application Analysis Evaluation
e
Nakagagawa ng patalastas at usapan F6WG-IVb- 4,5 1,2,3 5
gamit ang iba’t ibang bahagi ng i-10
pananalita.
Napapangkat ang mga salitang F6PT-IVb-j- 6,7,8,9,10 5
magkakaugnay 14
Naipahahayag ang sariling opinyon o F6PS-IVc-1 11,12,1 5
reaksyon sa isang napakinggang balita 3,14,15
isyu o usapan
Nasusuri ang pagkakaiba ng kathang isip F6PB-IVc-e- 19,20 16,17,18 5
at di-kathang isip na teksto (fiction at non- 22
fiction)
Napaghahambing-hambing ang iba’t ibang F6PD-IVe-i- 21,22,23,2 5
uri ng pelikula 21 4,25
Nakagagawa ng dayagram ng ugnayang F6PN-IVf- 26,27, 5
sanhi at bunga ng mga pangyayari / 10 28,29,
problema-solusyon. 30
Nakapagtatanong tungkol sa F6PB-IVg- 31,32,33,3 5
impormasyong inilahad sa dayagram, 20 4,35
tsart, mapa at graph
Nakasusulat ng ulat, balitang pang-isport, F6PU-IVb- 50 36,38,44,4 48,49 37 10
liham sa editor, iskrip para sa radio 2.1 F6PU- 5,46,47
broadcasting at teleradyo IVc-2.11
F6PU-IVf-
2.3 F6PU-
IVe-2.12.1
Nagagamit ang pangkalahatang F6EP-IVg-6 39,40 41,42,4 5
sanggunian sa pagtitipon ng mga datos na 3
kailangan
TOTAL NUMBER OF ITEMS 7 22 5 8 7 1 50

Prepared By: Checked By:


SARAH JANE F. ADORABLE JOBELYN C. ADORABLE
Teacher II HT-II
DEPARTMENT OF EDUCATION
DIVISION OF MISAMIS OCCIDENTAL
District of PANAON
FOURTH PERIODICAL TEST IN FILIPINO 6
2022-2023

Pangalan:____________________________________Baitang: ________________Score:_____
Panuto: Basahin at unawain ang patalastas at usapan. Sagutin ang mga sumusunod na tanong batay
dito.

(Para sa bilang 1-3)

Maging sikat sa barkada. Isuot ang Mike – Sapatos


ng Bida. Malambot sa paa at mura pa. Sumabay na
sa uso, bili na kayo.

1. Ano ang PANGANGAILANGAN ng mamimili na maaaring tugunan ng produkto?


A. Maging sikat gamit ang sapatos
B. Maging sikat gamit ang tsinelas
C. Maging sikat gamit ang pantalon
D. Maging sikat gamit ang sapatos at tsinelas
2. Ano ang mga KATANGIAN ng produkto na binigyan ng kahalagahan o diin?
A. Malambot sa kamay at mura pa.
B. Matigas sa kamay at mura pa.
C. Malambot sa paa at mura pa.
D. Matigas sa paa at mura pa.
3. Ano ang TAGLINE na ginamit upang makahikayat ng mga mamimili?
A. Sapatos ng Maganda B. Sapatos ng Bayan
C. Sapatos ng Masa D. Sapatos ng Bida

(Para sa bilang 4-5)


Lito: Nais mo bang sumikat sa barkada?
Ronie: Aba, siyempre! Papaano?
Lito: Isuot mo ang Mike – Sapatos ng
Bida. Malambot ito sa paa at mura pa.
Sumabay ka na sa uso, bili na kayo.
Ronie: Bibili talaga ako dahil luma na at
sira ang sapatos ko.

4. Sino-sino ang nag-uusap?


A. Lito at Lita B. Lito at Rana C. Lito at Ronie D. Lito at Romie
5. Ano ang kanilang pinag-uusapan?
A. Tungkol sa pagsuot ng sapatos
B. Tungkol sa pagsuot ng sapatos na Mike
C. Tungkol sa pagsuot ng sapatos na mura
D. Tungkol sa pagsuot ng sapatos na Mike para sumikat sa barkada
6. Aling salita ang kaugnay ng salitang baro?
A. gatas B. pisara C. saya D.kutsara
7. Aling salita ang kaugnay ng salitang babae?
A. lagare B. lalaki C. pambura D.saya

3|P a g e
8. Alin sa mga pares ng salita ang magkaugnay?
A. kanin at ulam B. pala-palay
C. tren-trumpo D. sombrero-kamay
9. Alin sa mga pares ng salita ang hindi magkaugnay?
A. apa at sapa B. kutsara at tinidor
C. sapatos at medyas D.singsing at daliri
10. Ano ang masasabi mo sa mga salitang ate at kuya, lapis at papel, nanay at tatay, sinulid at
karayom?
A. Mga salitang magkaugnay
B. Mga salitang magkasintunog
C. Mga salitang magkasingkahulugan
D. Mga salitang magkaiba.
11. Mayroong mga iba’t ibang salik na dapat ikonsidera sa pagsasalegal ng same sex marriage. Alin sa
mga sumusunod ang dapat bigyan ng malaking konsiderasyon?
A. Relihiyon B. Paniniwala C. Pamilya D.Pamayanan
12. Mayroong iba’t ibang uri ng paglabag sa karapatang-pantao. Alin sa mga sumusunod na pahayag
ang hindi kabilang dito?
A. aksidente B. pagdukot C. terrorismo D.paggahasa
13. Mayroong mga ilang isyu ang may kinalaman sa gender at kasarian bunsod ng bahaging
ginagampanan ng isang tao sa lipunan. Saan unang nahuhubog ang kasarian ng isang indibidwal?
A. tahanan B. simbahan C. paaralan D.parke
14. Ano ang posibleng dahilan nang mabilis na paglaganap ng Coronavirus sa ating bansa?
A. sumusunod ang mga tao sa batas na ibinigay ng Pamahalaan
B. hindi sumusunod ang mga tao sa Health Protocols
C. nagtatago ang mga lahat ng tao sa bahay.
D.lahat ng nabanggit
15. Ano ang posibleng gawin ng mga mamamayang Pilipino ayon sa usaping dagliang pagbaha sa
Metro Manila.
A. huwag hayaang magtapon ng basura kung saan-saan
B. iwasan ang pagputol ng mga punongkahoy sa mga matataas na lugar
C. A at B
D. lahat ng nabanggit
16. Malaking bagay ang mensahe ng Pangulong Duterte upang makapag-ingat ang publiko sa Covid-19.
A. Piksyon B.Di-piksyon C. A at B D.wala sa nabanggit
17. Ibinaon ng diwata ang puso sa isang bundok. Ito ay naging punongkahoy na may bungang hugis-
puso.
A. Piksyon B.Di-piksyon C.A at B D. wala sa nabanggit
18. Unang nakarating si Maya sa tuktok ng mataas na bundok at tinalo niya ang mayabang na Agila.
A. Piksyon B.Di-piksyon C.A at B D. wala sa nabanggit
19. Bahagyang humina ang bagyong Ambo na mula sa typhoon category, ngayon ay nasa severe
tropical storm category na lang. Ayon sa report, naka-anim na landfall ang bagyo na unang nanalasa sa
Visayas bago ang pang-pitong landfall sa bahagi ng Quezon kagabi.
A. Piksyon B.Di-piksyon C.A at B D. wala sa nabanggit
20. Nagsimula na ang klase sa pampublikong paaralan noong Oktubre 5, habang mas maagang
nakapagsimula ang mga pribadong paaralan na aprubado ng Kagawaran ng Edukasyon. Dahil sa
pandemya, idadaan sa online platforms ang klase at gagamit din ng printed at digital modules,
telebisyon at radyo.
A. Piksyon B.Di-piksyon C.A at B D. wala sa nabanggit
21. Mga pelikulang nakapokus sa mga personal na suliranin o tunggalian, nagtutulak ito sa damdamin at
ginawa upang paiyakin ang manonood.
A. Aksyon B. Drama C. Katatakutan D. Komedya
22. Mga pelikulang nakapokus sa mga bakbakang pisikal na maaring hango sa tunay na buhay o
pangyayari o kaya naman kathang-isip lamang.
A. Aksyon B. Drama C. Katatakutan D. Komedya
23. Mga pelikula na kung saan ang mga nagsisiganap ay nagsasaad ng kasiyahan o totoong
pagpapatawa sa bawat salitang namumutawi sa kanyang bibig.
A. Drama B. Katatakutan C. Komedi D. Aksyon
24. Mga pelikula na humihikayat ng negatibong reaksyong emosyonal mula sa mga manonood sa
pamamagitan ng pag-antig sa takot nito.
4|P a g e
A. Drama B. Komedya C. Katatakutan D. Aksyon
25. Pelikulang nagdadala sa manonood sa isang mundong gawa ng imahinasyon, tulad ng mundo ng
mga prinsepe/prinsesa, kwentong bayan o mga istoryang hango sa mga natutuklasan ng siyensya.
A. Dokyu B. Pantasya C. Musikal D. Historical
26. Nagbubuga ng usok ang mga sasakyan. Ano ang maaaring maging bunga nito?
A. masimoy na hangin
B. malinis na kapaligiran
C. maruming hangin
D.wala sa nabanggit
27. Sumakit ang tiyan ni Joy. Ano kaya ang sanhi nito?
A. pinakain siya ni Barang ng gulay
B. hindi siya kumain ng almusal
C. kumain siya ng mansanas
D. lahat ng nabanggit
28. Ano ang dahilan ng matinding baha sa Maynila?
A. dahil nagkalat ang mga basura sa kanal, ilog, at estero
B. dahil masipag maglinis ang mga tao
C. dahil masayahin si Mayor Isko Moreno
D. wala sa nabanggit.
29. Ano ang maaaring bunga ng patuloy na pagputol ng mga kahoy sa bundok?
A. magiging maganda ang kapaligiran
B. magdudulot ng matinding baha at pagguho ng lupa
C. maraming magkakaroon ng bahay
D.wala sa nabanggit
30. Ipinagmamalaki si Jerson ng kanyang mga magulang. Bakit kaya?
A. dahil nakulong siya
B. dahil malakas siyang uminom ng alak
C. dahil mataas ang kanyang marka sa klase
D. lahat ng nabanggit

Panuto:Tingnan ang tsart at sagutin ang mga sumusunod na tanong.Bilugan ang titik lamang.

31. Anong uri ng grap ang nakikita mo sa kaliwang bahagi?


A. Pie Grap B. Bar Grap C. Line Grap D. Picto Grap
32. Tungkol saan ang grap?
A. Tungkol sa pakikiramay, pakikipagkapwa-tao at pagkakawang-gawa sa panahon ng covid.
B. Tungkol ito sa nakatanggap na ayuda mula sa gobyerno.
C. Tungkol ito sa mga taong gusto at hindi gustong pumasok sa trabaho
D. Datos ng mga Pilipino na tumutulong sa kapwa.
33. Ilang bahagdan ang madalang na nakikiramay, nakikipagkawa-tao at nakakakawang-gawa?
A. 56.4 bahagdan B. 40 bahagdan
C. Wala sa nabanggit D. 6.4 bahagdan

5|P a g e
34. Anong uri ng mapa ang nakikita mo sa kanan bahagi?
A. Mapang Pisikal B. Mapang Pang Ekonomiya
C. Mapang Politikal D. Mapang Pangklima
35. Ano ang ipinapakita ng mapang ito?
A. Ang klima na meron ang Pilipinas.
B.Ang mapa na nagpapakita ng kabuhayan ng Pilipinas.
C.Mapang nagpapakita ng iba’t ibang kaanyuang pisikal gaya ng anyong lupa at tubig sa
isang lugar .
D. Mapa na nagpapakita ng lokasyon ng ibat ibang lugar sa bansa.
36. Bakit mahalaga ang iskrip sa radio braodcasting?
A. Upang marami ang makinig.
B. Upang hindi na mag isip ng sasabihin.
C. Magiging tanyag ang isang mamamahayag.
D. Upang maging maayos, malinaw at organisadong maiparating sa mga tagapakinig ang
ulat
37. Bakit mahalaga ang pagsulat ng balita?
A. Upang maipabatid sa mga tao ang mga nangyayari sa loob at labas ng bansa
B. Upang kumita ng pera at maging tanyag hindi lang sa ating bansa kundi sa buong mundo.
C. Upang makatulong sa kapwa at magkaisa ang sambayanan at walang away na
mangyayari.
D. Upang masugpo ang lumalaganap na sakit at maging maunlad ang isang pamayanan.
38. Paano magiging makabuluhan ang pagsususulat mo ng ulat?
A. Ilahad ang pawang katotohanan lamang.
B. Piliin lamang ang kawiling wiling iuulat
C. Kopyahin lamang mula sa isinulat ng iba
D. Manahimik na lamang at huwag ng sabihin ang tunay na nangyari.

Panuto: Basahin at unawain ang bawat sitwasyon. Anong sanggunian ang angkop na gagamitin
dito. Isulat ang titik ng wastong sagot sa sagutang papel.

39. Hahanapin ni Cathy ang pinagsama-samang mga mapa sa iisang aklat.


A. Atlas B. Almanac C. Diksiyonaryo D. Ensiklopedya
40. Nais kong makita ang impormasyon tungkol sa iba’t ibang paksa na nakaayos ng paalpabeto.
A. Diksiyonaryo B. Almanac C. Ensiklopedya D. Atlas
41. Gusto ni Gladysmae na malaman ang kahulugan ng mga salita, tamang pagpapantig ng salita,
pagbigkas, pagbabaybay at pagbabantas.
A. Diksiyonaryo B. Almanac C. Ensiklopedya D. Atlas
42. Kalendaryo ng mga impormasyong astronomiko at prediksyon tungkol sa panahon na naman ang
hangad kong makita.
A. Ensiklopedya B. Almanac C. Atlas D. Tesauro
43. Ano ang aking gagamitin kung magtatanong ng gabay ang mga turista upang malaman ang mga
impormasyon at pangyayari sa isang bansa sa loob ng isang taon.
A. Diksiyonaryo B. Almanac C. Ensiklopedya D. Atlas

6|P a g e
Panuto: Kilalanin kung kaninong linya ang sumusunod na pahayag.Bilugan ang letra ng tamang
sagot.

44. SNN, Radyo Romantiko…Magandang umaga ka usizero’t usizera! Ito po ang isyu 24/7 ng 139.09
life radio. Maglilingkod nang tapat at todo-todo.
A. Station ID B.Anchor C. News presenter D. Infomercial
45. Ako si Nicka Salazar, narito ang unang ratsada ng mainit na balita sa umagang ito. Juliana Joaquin
pasok…
A. Station ID B.Anchor C. News presenter D. Infomercial
46. Akala ko ba mahalaga ako sayo? Eh bakit di mo pinaparamdam? Tubig lang ako, nababawasan at
nauubos din, kaya ‘pag ‘di mo ako tinipid, iningatan, at pinahalagahan, mawawala ako sa ‘yo.
A. Station ID B.Anchor C. News presenter D. Infomercial
47. Balitang Lokal… Limang kaso ng Covid 19 naitala sa Bacolod City…
A. Station ID B.Anchor C. News presenter D. Infomercial
48. Sa ating balitang isports, mula sa Silay, Carlo Katigbak ibahagi mo.
A. Station ID B.Anchor C. News presenter D. Infomercial
49. Ginagamit upang makuha ang atensyon at gisingin ang kaisipan ng mga tagapakinig upang manatili
sa pakikinig.
A. iskrip B.sound effect C. teaser D.slug
50. Ito ay binubuo ng mga detalye ng balita.
A. iskrip B.sound effect C. teaser D.slug

ANSWER KEY FOR FILIPINO 6

No. Answer No. Answer

1 A 26 C

2 A 27 B

3 D 28 a

4 C 29 B

5 D 30 c

6 C 31 A

7 B 32 A

8 A 33 D

9 A 34 A

10 A 35 C

11 A 36 D

7|P a g e
12 A 37 a

13 A 38 a

14 B 39 A

15 A 40 c

16 B 41 A

17 A 42 b
18 A 43 d
19 B 44 C
20 B 45 B
21 B 46 D
22 A 47 B
23 C 48 D

24 C 49 C

25 B 50 a

8|P a g e

You might also like