You are on page 1of 5

Pangalan: Ivan B.

Polonan MA FIL 200-B

1. Ang pananaliksik ay kilala rin bilang ____?

a. paghahanap

b. pag-aaral

c. riserts

d. tesis

2. Ang tawag sa pananaliksik ng digring doktorado?

a. Tesis

b. Disertasyon

c. Term paper

d. Konseptong papel

3. Uri ng pananaliksik na ang layunin ay makadagdag ng bagong kaalaman sa dati nang alam ng tao kahit
sa kasalukuyang pagtingin ay wala pa iyong kabuluhan?

a. purong riserts

b. aplayd riserts

c. teknikal o bisnes riserts

d. riserts pangmerkado
4. Uri ng riserts na praktikal na ginagamit at inaaplay na ang mga nadiskubre o nateorya ng tao bilang
resulta ng pananaliksik sa laboratoryo.

a. purong riserts

b. aplayd riserts

c. teknikal o bisnes riserts

d. riserts pangmerkado

5. Ito ay uri ng aplayd riserts na ginagamit ng mga taong dapat gumawa ng mga desisyong praktikal
upang mapaunlad ang kalakal o ekonomiya.

a. purong riserts

b. aplayd riserts

c. teknikal o bisnes riserts

d. riserts pangmerkado

6. Uri ng pananaliksik kung saan ibinabatay sa kagustuhan ng mamimili bago maglaan ng kapital para sa
isang uri ng produkto.

a. purong riserts

b. aplayd riserts

c. teknikal o bisnes riserts


d. riserts pangmerkado

7. Ang tuon ng pananaliksik na ito ay pagtitipon ng mga materyales na nakikita at nasa paligid lamang.

a. purong riserts

b. aplayd riserts

c. Iskolarli o akademik riserts

d. riserts pangmerkado

8. Sa pananaliksik na ito, mahalagang aktwal na makuha ang mga katunayan o datos at aktibong
gumawa ng mga bagay-bagay na makatutulong sa pagtuklas sa nais patunayan.

a. Literari o pampanitikan

b. Makaagham o siyentipikong pananaliksik

c. Riserts pangmerkado

d. Aplayd riserts

9. Mas payak at ito ang karaniwang ginamit sa kolehiyo. Hindi kailangang mageksperimento sapagkat
ang gagamiting mga materyales ay yaong nasaliksik na ng iba.

a. Literari o pampanitikan

b. Makaagham o siyentipikong pananaliksik

c. Riserts pangmerkado
d. Aplayd riserts

10. Isang pasulat na presentasyon ng ginawang planong imbestigasyon ng isang suliranin o isyu na pinag-
iisapan mong gawan ng pag-aaral.

a. Term Paper

b. Proposal ng pananaliksik

c. Konseptong papel

d. Suliranin

Enumerasyon

Panuto: Ibigay ang mga hinihingi.

11-14. Katangian ng Mananaliksik

15-20. Katangian ng Pananaliksik

Pagtutukoy

Panuto: Tukuyin at isulat ang angkop na sagot.

21. Bahagi ng papel pananaliksik kung saan makikita rito ang dahon ng pamagat, dahon ng
pagpapatibay, dedikasyon, pagkilala o pasasalamat, paunang salita, abstrak, talaan ng nilalaman, talaan
ng mga talahanayan, at talaan ng mga figyur o larawan.

22. Tsapter ng papel pananaliksik na makikitaan ng suliranin at kaligiran ng suliranin.


23. Tsapter na makikitaan ng mga kaugnay na pag-aaral na nagawa na tungkol sa paksang pinag-aaralan
at mga literaturang may kinalaman sa iyong paksa.

24. Ang _____ tsapter ay maglalahad ng metodolohiya ng pag-aaral.

25. Ang ____ na tsapter ay ang paglalahad ng mga matutuklasan mga datos, analisis o pagsusuri nito, at
interpretasyon sa resulta.

26. Ang ____ tsapter ay bubuuin ng lagom o buod, konklusyon.

27. Nasa _____ ang mga instrumentong bubuuin at gagamitin sa pananaliksik Halimbawa nito ay
talatanungan o kwestyuneyr kasama na ang mga kalakip na liham para sa mga taong hihingan mo ng
pahintulot at/o respondente/impormante, mga tanong para sa intervyu, orihinal na uri ng panitikang
iyong gagamitin (tula, maikling kwento, dula,o buod ng nobela), o ang mga istatistikal na kompyuteysyon
kahit na ang ilang institusyon ay hindi na nangangailangan nito.

28. Ang _____ ay nagsisilbing paunang proposal sa gagawing pananaliksik. Binubuo ng 1 hanggang 3
pahina Kung detalyado, maaari itong umabot sa 10 pahina.

29. Ipinapahayag nito ang kasaysayan o bakgrawnd o pinagmulan ng ideya at dahilan kung bakit napili
mo ang partikular na paksa.

30. ____. Tinutukoy ang pakay o gustong matamo sa pananaliksik ng napiling paksa.

You might also like