You are on page 1of 19

ERIBERTO A.

REMIGIO
School Section Narra, Mahogany
ELEM. SCHOOL

Teacher SARAH JANE T. VILLETE Learning Area Araling Panlipunan

Week/Teaching June 17, 2019 (Monday) First Quarter


Quarter
GRAD Date
E Ma. Leonora C.
Time Checked by: Figueroa
4 DLP Master Teacher I

I. Layunin:
1. Natutukoy ang relatibong lokasyon ng Pilipinas.
2. Nakakaguhit ng mapang nagpapakita ng relatibong lokasyon ng bansa.
3. Natatalakay ang ilang isyu hinggil sa lokasyon ng ating bansa.

II. Paksang-Aralin

A. Paksa: Aralin 2, Ang Kinalalagyan ng Aking Bansa

B. Kagamitan: Mapang political, globo, music player, musikang “Piliin Mo ang Pilipinas” ni Angeline Quinto,
kagamitan sa pagguhit at pagkukulay

C. Sanggunian: CG- AP4AAb-Ic-4 p38-39, TG p4-9, LM p.8-14

III. Pamamaraan

A. Panimulang Gawain:
Pampasiglang sayaw sa saliw ng musikang “ Piliin Mo ang Pilipinas: ni Angeline Quinto, maaaring download sa
cell phone o sa pamamagitan ng music player.

B. Panlinang na Gawain
1. Paunang Pagtataya:
Saang bahagi ng mapa o globo matatagpuan ang Pilipinas?

2. Paglalahad:
Anu-ano ang mga kalapit-bansa ng Pilipinas? Mga anyong tubig na
nakapaligid sa bansa?

3. Pagtuturo at Paglalarawan:
Tukuyin ang lokasyon ng Pilipinas sa mapa o globo.
Pag-aralan ang bahagi ng mapa o globo na kinalalagyan ng Pilipinas.

Isa-isahin ang mga kalapit-bansa at mga anyong tubig na ginagamit


upang matukoy ang relatibong lokasyon ng Pilipinas.

PILIPINAS

KALAPIT-BANSA NAKAPALIGID NA ANYONG


TUBIG
1. 1.

2. 2.

3. 3.

4. Kasanayang Pagpapayaman at Pagkabisa


Pangkatang gawain para sa limang grupo sa loob ng sampung (10) minute
Panuto: Iguhit ang mga kalapit bansa at mga anyong tubig na nakapaligid sa Pilipinas. Gumamit ng simbolo o legend sa
gagawing mapa.

Produkto: Malinis at maayos na mapa


Rubrics para sa Pagmamarka

Mga Pamantayan 5 4 3 2 1
1. Mahusay ang pagkaguhit sa mapa
2. Malinis, maayos at makabuluhan ang mapa
3. Maipaliwanang nang mabuti ang iginuhit na mapa
4. Nakasunod sa panuto at nagsulit sa takdang-oras

Kabuuang Puntos
5 – Napakahusay 3 – Katamtaman 1 – Sadyang di-Mahusay
4 – Mahusay 2. Di-gaanong Mahusay

5. Paglalahat:
Ano ang tinutukoy ng relatibong lokasyon?
Paano nakatutulong ang relatibong lokasyon ng Pilipinas?

Ang relatibong lokasyon ay ang kinalalagyan ng isang lugar batay sa lokasyon ng


ibang lugar.

Ang relatibong lokasyon ng Pilipinas ay matutukoy sa pamamagitan ng mga


kalapit-bansa at mga anyong-tubig na bakapaligid dito.
6. Pagpapahalaga

Ano ang damdamin o reaksyon mo tungkol sa isyong ito ng ating bansa?


Iligal na pangingisda ng ilang dayuhan sa loob ng teritoryo sa ating Pilipinas.
7. Pahuling pagtataya
Punan ng tamang sagot ang patlang upang mabuo ang wastong kaiisapan ng
pahayag.

Ang ( 1 ) ay ang kinalalagyan ng isang lugar batay sa lokasyon ng ibang


lugar.

Matutukoy ang relatibong lokasyon ng Pilipinas sa pamamagitan ng


( 2 ) kagaya ng Indonesia at ( 3 ). Ginagamit din ang mga
nakapaligid na dagat dito tulad ng ( 4 )at
( 5 ).

8. Takdang-Aralin
Ano ang masasabi mo sa pag-angkin ng ilang mga bansa sa Pulo ng
Spratly?
ERIBERTO A. REMIGIO ELEM.
School Section Narra, Mahogany
SCHOOL

SARAH JANE T. VILLETE Learning Araling Panlipunan


Teacher
Area

GRAD Week/Teaching June 18, 2019 (Tuesday) First Quarter


Quarter
Date
E
Ma. Leonora C.
4 DLP Time Checked by:
Figueroa
Master Teacher I

I. LAYUNIN
1. Nasasabi ang mga direksyon sa pagtukoy ng mga kalapit-bansa at anyong tubig na nakapaligid sa Pilipinas.
2. Natatalakay ang kahalagahan ng paggamit ng mga direksyon sa pagtukoy ng relatibong lokasyon ng bansa.

II. PAKSANG – ARALIN

A. Paksa: Ang Kinalalagyan ng Aking Bansa


B. Kagamitan: Mapang politikal, globo, flaglet
C. Sanggunian: CG- AP4AAB-Ic-4 p38-39, TG p4-9, LM p8-14

III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain:
Tukuyin sa mapa o globo ang lokasyon ng mga sumusunod na lugar.
Halimbawa: Brunei, Marianas Trench, Singapore, Sulu Sea, atbp.

B. Panlinang na Gawain
1. Paunang Pagtataya
Ano ang relatibong lokasyon? Magbigay ng halimbawa nito.

2. Paglalahad
Anu-anong mga anyong tubig ang nasa itaas ng Pilipinas? nasa kanan ng
Pilipinas?
Anu-anong bansa ang nasa ibaba ng Pilipinas? nasa kaliwa ng Pilipinas
3. Pagtuturo at Paglalarawan
Tukuyin ang lokasyon ng Pilipinas sa mapa o globo.
Anu-anong mga bansa at anyong tubig ang nakapaligid dito?
Sabihin ang direksyon ng mga bansa at anyong tubig base sa lokasyon ng
Pilipinas. Gamiting basehan ang north arrow at compass rose ng mapa.
Ipasabi sa mga bata ang mga pangunahin at pangalawang direksyon na
ginagamit sa pagtukoy ng mga lokasyon ng mga pook o lugar.

4. Kasanayang Pagpapayaman at Pagkabisa


Hatiin ang klase sa tatlong pangkat para sa pagsasagawa ng activity.
Gamit ang flaglet Ipakita kung saang direksyon mula sa Pilipinas ang lokasyon ng mga bansa o anyong tubig
.
Ang lider ng bawat pangkat ay bubunot ng pangalan ng mga lugar sa isang kahon. Sasabihin niya sa harap ng klase ang
pangalan ng lugar. Isang miyembro, ayon sa pagkakasunud-sunod ang gagamit ng flaglet upang ipakita ang direksyon ng
lugar.

Halimbawa: Nabunot ng lider ang papel na may nakasulat na INDONESIA,


ipapakita at sasabihin niya ito sa klase. Ang sinumang miyembro ng pangkat na may hawak na flaglet ay kailangang ituro
ito sa direksyong timog o sa ibaba.

Gawing batayan ang mapa o globo upang malaman kung tama ang ibinigay na direksyon.

Ang pangkat na magkapagtuturo ng pinakamaraming wastong direksyon gamit ang flaglet ang siyang mananalo.

5. Paglalahat
Ano-ano ang mga direksyong ginagamit (pangunahin at pangalawa) sa
pagtukoy ng lokasyon ng mga lugar?
Bakit mahalagang malaman ang iba’t ibang direksyon?

Ang mga pangunahing direksyon ay Hilaga, Timog, Silangan at Kanluran.


Hilagang-Silangan, Hilagang-Kanluran, Timog-Silangan at Timog-Kanluran ang
mga ginagamit na pangalawang direksyon.
Ang mga direksyon ay mahalaga sa pagtukoy ng relatibong lokasyon ng isang
lugar.

6. Pagpapahalaga
May bagong lipat sa inyong lugar. Hindi niya alam kung saan ang simbahan sa inyong lugar. Ikaw ang napagtanungan
niya. Ano ang gagawin mo?

7. Pahuling Pagtataya
Isulat sa patlang kung TAMA o MALI ang bawat pahayag.
_____1. Isang malaking anyong tubig sa silangan ng Pilipinas ang Karagatang Pasipiko.
_____2. Matatagpuan ang Tsina sa Hilagang-kanlurang direksyon ng bansa.
_____3. Ang direksyon sa pagitan ng mga pangunahing direksyon ay tinatawag na panggitnang direksyon.
_____4. Nasa kanluran ng Pilipinas ang mga Isla ng Spratly.
_____5. Palaging nakaturo sa direksyong timog ang North arrow sa mapa.

8. Takdang Aralin
Gumupit ng mga larawang nagpapakita ng mga kilalang tanawin ng mga kalapit bansa ng Pilipinas. Idikit ang mga ito sa
notebook.
ERIBERTO A. REMIGIO ELEM.
School Section Narra, Mahogany
SCHOOL

SARAH JANE T. VILLETE Learning Araling Panlipuan


Teacher
Area

GRAD Week/Teaching June 19, 2019 (Wednesday) First Quarter


Quarter
Date
E
Ma. Leonora C.
4 DLP Time Checked by:
Figueroa
Master Teacher I

I. Layunin:
A. Natutukoy ang mga lugar/ bansa sa mapa gamit ang pangunahing direksyon
B. Naipapakita nang masigla ang kahusayan sa pagtukoy ng mga bansa na matatagpuan sa pangunahing
direksyon gamit ang mapa/ globo
C. Nagagamit nang may kahusayan ang mga pangunahing direksyon sa pagtukoy ng mga karatig -bansa ng
ating bansa sa mapa/ globo

II. Paksang-Aralin:
A. Paksa: Ang Kinalalagyan Ng Aking Bansa
a. Mga Pangunahing Direksyon: Hilaga-H, Timog-T,
Kanluran-K, Silangan-S
B. Kagamitan: mapa, globo, larawan, meta cards, word strips,
tsart
C. Sanggunian: Curriculum Guide IV, pah. 38-39
Code: AP4AAB-Ic-4
Teacher’s Guide, pah, 4-9
Learning Materials, pah. 8-14

III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain:
1. Lahat ay tumayo at humarap sa unahang bahagi ng silid-aralan.
2. Ituro ng kanang kamay ang bahagi kung saan sumisikat ang haring-araw.
3. Ituro ng kaliwang kamay ang bahagi kung saan lumulubog ang haring-araw.
4. Humarap sa bahagi ng silid-aralan kung saan matatagpuan ang gusali ng pamahalaang pambayan?
5. Lumakad ng 3 hakbang kung saang direksyon naroon ang gusali o opisina ng ating
punongguro/ulongguro.
B. Panlinang na Gawain:
1. Paunang Pagtataya
a. Mahilig ba kayong magweekend outing o familybonding? Ano- anong lugar dito sa ating
bansa/lalawigan ang narating na ninyo o napuntahan na ng inyong pamilya/ kamag-anak? Nakaranas na ba kayong
mapalayo o mawaglit sa kasamahan ninyo? Ano ang inyong ginawa upang makabalik sa kanila?
b. Sino ang nakapanood o nakabasa ng fairy tale na Hansel & Gretel? Ano ang kanilang ginawa upang
hindi maligaw sa lugar na kanilang pinanggalingan?
2. Paglalahad ng Paksang-Aralin :
Kayo ba ay may kamag-anak sa Japan? Singapore? USA Saudi Aradia? Nais mo rin bang
makarating sa lugar na inyong nabanggit, at sa iba pang bansa? Ano ang makatutulong sa iyo upang mabilis at madali
mong makita o marating ang mga bayan/ bansa? Bukod sa mapa o globo, ano pa ang mas mahusay na gamitin upang
matiyak ang mga lugar/bansa?

3. Pagtuturo/ Paglalarawan:
Tingnan ang larawan at ang mapa.
H

K S

Kung susuriing mabuti ang mapa o globo, may makikita kang arrow o palaso na nakaturo sa itaas na
bahagi. Ito ang North
Arrow na nagsisilbing gabay sa pagtukoy ng direksyong hilaga.
Nagiging tiyak ang pagtukoy ng direksyon sa tulong ng palaso.
Mahalaga ang direksyon sa pagtukoy ng mga bansang nakapaligid sa Pilipinas.
Pilipinas

Silangan Kanluran Timog Hilaga

Karagatang Dagat Dagat Bashi


Pasipiko Timog China Celebes Channel
Marianas Vietnam Dagat Sulu Taiwan
Island Thailand Malaysia China
Pusan Point Balabac Brunei Y’ami Island
Salaug Island

4. Kasanayang Pagpapayaman/ Pagkabisa:


a. Pangkatan Gawain:
Bumuo ng tatlong grupo. Ang bawat grupo ay magpapakita ng kahusayan sa pagsasagot ng
gawain. Paunahan kayo sa paglalagay ng angkop na salita sa kolum ng tsart. Ang alinmang grupo na maunang
makatapos ay papalakpak ng tatlong beses.
I. Punan ang kahon ng angkop na salita batay sa paksa.
Direksyon Katubigan Kalupaan Kapuluan
1. Hilaga
2. Timog
3. Kanluran
4. Silangan

b. Isahang Gawain: Activity Card


I. Lagyan ng kung Wasto ang pahayag at kung Mali.

_____1. Nasa dakong silangan ng Pilipinas ang Bashi Island.


_____2. Isa ang bansang Brunei na nasa timog ng ating bansa.
_____3. Ang Pulo ng Y’ami ang pinakadulong sakop ng Pilipinas sa hilaga.
_____4. Bahagi ng silangan ng Pilpinas ang Marianas Island.
_____5. Ang Pilipinas ay nasa silangan ng Karagatang Pasipiko.
_____6. Ang dagat Celebes at Dagat Sulu ay parehong nasa
Timog.
_____7. Nasa gawing kanluran ang Dagat Timog China.
_____8. Ang Pilipinas ay nasa timog ng Japan.
_____9. Ang China ay makikita sa bahaging hilaga ng ating
bansa.
_____10. Taiwan ang nasa hilaga ng Pilipinas.
* Sagot: 1. M 2. T 3. T 4. T 5. M 6. T 7. T 8. T 9. T 10. T
5. Paglalahat:
1. Ano-ano ang mga pangunahing direksyon na ginagamit upang tiyak na matukoy ang
bawat lugar/ bansa?
2. Alin ang nagsisilbing gabay sa pagtukoy ng mga tiyak at pangunahing direksyon?
3. Ano-ano ang mga lugar/ bansa na matatagpuan sa hilaga ng Pilipinas? Timog? Kanluran?
Silangan?

Apat lamang ang pangunahing direksyon na dapat matutuhan sa pagbasa ng


isang mapa o globo. Malaki ang tulong nito sa pagtukoy ng tiyak na
kinaroroonan o lokasyon ng isang bansa o lugar.
Hilaga-nasa itaas Kanluran-nasa kaliwa
Timog-nasa ibaba Silangan-nasa kanan
Tinatawag na North Arrow ang nagsisilbing gabay sa pagtukoy ng direksyon
hilaga. Nagiging tiyak ang pagtukoy ng direksyong hilaga sa tulong ng palaso.
A. Silangan: B. Kanluran: C. Timog: D. Hilaga:
Karagatang Dagat Timog Dagat Celebes Bashi Ch.
Pasipiko Tsina Dagat Sulo Taiwan
Marianas Island Vietnam Brunei Japan
Pusan Point Thailand Malaysia Y’ami Is.

6. Pagpapahalaga:
Ano ang iyong gagawin sa sumusunod na sitwasyon?
1. Isinama ka ng iyong Tiya at Ate sa pamamasyal sa isang malaking Shopping mall. Iyon ang una
mong pagkakataon na makarating sa lugar na iyon? Ano ang iyong gagawin upang matandaan mo ang bawat
bahagi ng mall?
2. Nakita mong nilalaro ng kapatid mo ang mapang ipinahiram ng guro. Paano mo sasawayin ang
kapatid mo?
3. Mahalaga bang malaman ang bawat pangunahing direksyon? Bakit
7. Pahuling Pagtataya:
Tingnan ang mapa ng Pilipinas. Ilagay ang ngalan ng karatig-bansa na nasa kahon sa wastong
direksyon kung saan ito matatagpuan.
China Y’ami Island Karagatang Pasipiko

Malaysia Brunei Indonesia

Bashi Island Japan Dagat Celebes

Taiwan Dagat Sulu Dagat Timog China

8. Takdang-aralin:
Piliin at bilugan ang titik ng wastong salita na sumasagot sa bawat tanong.
1. Aling direksyon ang kailangang matiyak ng isang gagamit ng mapa o globo?
A. kanluran B. Silangan C. Timog D. Hilaga
2. Saang direksyon lumulubog ang haring-araw?
A. Hilaga B. Timog C. Kanluran D. Silangan
3. Aling bansa ang nasa itaas na bahagi ng Taiwan?
A. Malaysia B. Japan C. Brunei D. Karagatang Pasipiko
4. Ang Brunei ay nasaang bahagi ng Pilipinas?
A. Hilaga B. Timog C. Kanluran D. Silangan
5. Kung ikaw ay nasa bansang Malaysia, saang direksyon naroon ang Pilipinas?
A. Hilaga B. Timog C. Kanluran D. Silangan

ERIBERTO A. REMIGIO ELEM.


School Section Narra, Mahogany
SCHOOL

Teacher SARAH JANE T. VILLETE Learning Araling Panlipuan


Area
GRAD Week/Teaching June 20, 2019 (Thursday) First Quarter
Quarter
Date
E
Ma. Leonora C.
Time Checked by: Figueroa
4 DLP Master Teacher I

LAYUNIN
 Natutukoy sa mapa ang kinalalagyan ng ating bansa sa Asya sa tulong ng iba’t-ibang direksiyon.
 Nailalarawan ang kinalalagyan ng ating bansa sa Asya gamit ang mapa.
 Nabibigyang halaga ang pagtukoy ng lokasyon ng ating bansa.

I. PAKSANG-ARALIN
A. Paksa: “Aralin 2- Ang Kinalalagyan ng Pilipinas”

B. Kagamitan: mapa ng Asya, larawan, tsart, concept


map, meta cards, activity cards, panulat

C. MgaSanggunian: CG, pp. 38-39; TG, pp. 4-9; LM, pp. 8-14
code: AP4AAB-1c-5

II. PAMAMARAAN
A. Panimulang Gawain
1. Activity: Picture Puzzle
Tatawag ang guro ng apat na grupona may limang
miyembro.Magpapaunahan sila na mabuo ang picture puzzle.
Ang unang grupo na makabuo nito ang siyang magkakaroon ng gantimpala o puntos.
2. Itanong:
Ano ang nabuo sa larawan?
(Mabubuo sa larawan ang mapang Timog-Silangang Asya.)

B. Panlinang na Gawain
1. Paunang Pagtataya
Bilugan ang mga bansa sa Asya na nakapaligid sa Pilipinas.

Amerika Indonesia Brunei Thailand

Taiwan Saudi Arabia Vietnam


Singapore
Laos Myanmar Tsina Malaysia

Korea Africa East Timar Japan

2. Paglalahad
Hanapin sa mapa ang kinalalagyan ng Pilipinas.
Itanong:
Saang bahagi ng Asya matatagpuan ang Pilipinas?
Ano-ano ang mga nakapaligid sa Pilipinas?
Ano ang masasabi mo sa kinalalagyan ng Pilipinas?
Iugnay ang mga sagot sa aralin.

3. Pagtuturo/Paglalarawan
a. Panel Discussion- Masdan at pag-aralan ang mapa.
Ano-ano ang makikita sa paligid ng Pilipinas ayon sa
mga pangunahing direksiyon?
sa mga pangalawang
direksiyon?
Ang Pilipinas ay napapaligiran
ng mga karagatan at mga
bansa. Ito ang ikalawang
pinakamalaking kapuluang
matatagpuan sa rehiyong Timog-
silangang Asya sa gawing itaas
ng ekwador. Ang Asya ang pinakamalaking kalupaan o lupalop sa buong daigdig. Tinagurian ang
Pilipinas bilang “Pintuan ng Asya” dahil sa kinalalagyan nito sa Pasipiko at bilang bahaging
kontinente at lupalop ng Asya. Nasa pagitan ito ng latitude na 4º-21º hilagang latitude at 116º-
127º silangang longhitud.

4. Kasanayang Pagpapayaman/Pagkabisa
Pangkatang Gawain- Mapa-Tao
a. Bumuo ng 4 na pangkat na may 9 kasapi.
b. Sa pamamagitan ng pagtingin sa mapa, tingnan ang mga lugar na pumapalibot sa Pilipinas.
c. Pumili ng isang batang tatayo sa gitna at maglalagay ng salitang Pilipinas sa kaniyang dibdib.
d. Ang iba naming kasapi ay magsusulat sa papel ng mga nakitang lugar na pumapalibot sa
Pilipinas at pagkatapos ay ididikit ito sa kanilang dibdib.
e. Bibilang ang gurong 1-10. Bago matapos ang pagbibilang, kailangang pumunta sa tamang
puwesto ayon sa mga pangunahin at pangalawang direksiyon ang bawat kasapi ayon sa mga
lugar na nakasulat sa papel at nakadikit sa kanilang mga dibdib.
f. Titingnan ng guro kung tama ang inyong pagkakapuwesto. Gamitan ito ng rubrik.

5. Paglalahat
Saang bahagi ng Asya matatagpuan ang Pilipinas?
Ano-ano ang mga nakapaligid sa Pilipinas kung gagamitin ang pangunahin at pangalawang
direksiyon?

 Ang Pilipinas ay matatagpuan sa rehiyong Timog-silangang Asya sa kontinente o


lupalop ng Asya.
 Kung gagamitin ang mga pangunahing direksiyon, ang Pilipinas aynapapaligiran ng
bansang Taiwan at Bashi Channel sa hilaga. Karagatang Pasipiko sa silangan, mga
bansang brunei at Indonesia at mga dagat Celebes at Sulu sa timog, at ng bansang
Vietnam at Dagat Kanlurang Pilipinas sa kanluran.
 Kung ang mga pangalawang direksiyon ang gagamitin, napapaligiran ang bansa ng
Dagat ng Pilipinas sa hilagang-silangan, mga isla ng Palu sa timog-silangan, mga isla
ng Paracel sa hilagang-kanluran, at Borneo sa timog-kanluran.

6. Pagpapahalaga
Bilang isang mag-aaral, mahalaga bang malaman ang lokasyon ng ating bansa sa Asya?
Ipaliwanag ang sagot.
7. Pahuling Pagtataya
Isulat sa patlang ang H kung gawing hilaga, S kung sa silangan, T kung sa timog, at K kung
sa kanluran ng Pilipinas makikita ang mga nasa ibaba. Gawin sa sagutang papel.
_____a. Dagat Celebes _____e. Indonesia
_____b. Vietnam _____f. Karagatang Pasipiko
_____c. Brunei _____g. Dagat Sulu
_____d. Bashi Channel _____i. Taiwan
8. Takdang-Aralin
Iguhit ang mapa ng Asya na kung saan ay matatagpuan ang Pilipinas.

ERIBERTO A. REMIGIO ELEM.


School Section Narra, Mahogany
SCHOOL
SARAH JANE T. VILLETE Learning Araling Panlipuan
Teacher
Area

Week/Teaching June 21, 2019 (Friday) First Quarter


GRAD Date
Quarter

E
Ma. Leonora C.
Time Checked by: Figueroa
4 DLP Master Teacher I

I. LAYUNIN
 Natutukoy sa globo o mapa ang kinalalagyan ng ating bansa sa mundo gamit ang iba’t ibang
direksiyon.
 Nailalarawan ang kinalalagyan ng ating bansa sa mundo gamit ang globo o mapa.
 Naipagmamalaki ang sariling bansa sa mga dayuhan.

II. PAKSANG-ARALIN
A. Paksa: “Aralin 2- AngKinalalagyan ng Pilipinas”
B. Kagamitan: globo o mapa ng mundo, semantic web, panulat
C. MgaSanggunian: CG, AP4AAB-1c-5 pp. 38-39; TG, pp. 4-9; LM, pp. 8-14

III. PAMAMARAAN
A. Panimulang Gawain
1. Pag-awit ng awiting “Mga Direksiyon”

Nasaan ang hilaga, hilaga, hilaga, nasaan ang hilaga?


Ituro mo ito.4x (palitan ng timog, silangan, kanluran)
Tirita-tirita, tiri-tiri-tirita, Tirita-tirita, tiratim. (2X)

B. Panlinang na Gawain
1. Paunang Pagtataya
Punan ang mga nawawalang impormasyon upang makumpleto ang talahanayan.
Pangunahing Direksiyon Pangalawang Direksiyon
Karagatan Bansa Karagatan Bansa

2. Paglalahad
Kunin ang mapa o ang globo.
Itanong:
Saang bahagi ng mundo matatagpuan ang Pilipinas?
Ano-ano ang mga bansa sa hilagang bahagi ng Pilipinas? Timog na bahagi ng Pilipinas?
Kanluran? Silangan?
Ano-ano ang mga karagatan sa Hilagang bahagi ng Pilipinas? Timog na bahagi? Kanluran?
Silangan?
Ang PIlipinas ba ay bahagi ng ating mundo?
Iugnay ang mga sagot sa aralin.

3. Pagtuturo/Paglalarawan
Isasagawa ng guro sa pamamagitan ng isang laro na pinamagatang “Tanong Mo- Sagot ko”

Suriing mabuti ang globo o mapa. Gamit ito, kumpletuhin ang hinihinging datos sa Semantic
Web.
Ano-ano ang mga bansa sa mundo ang nasa paligid ng Pilipinas?

P
H S I H S
L
I
P1D P
P2D
I
N
K T A K T
S

Ano-ano naman ang mga karagatang matatagpuan sa mundo?


Sa mundo, ang Pilipinas ay isa lamang maliit na kapuluan kumpara sa mga bansang katabi
nito. Ito ay nasa itaas na bahagi ng ekwador. Ang ating bansa ay isang bansang-tropikal dahil sa
mainit na klima nito.

4. Kasanayang Pagpapayaman/Pagkabisa
Pangkatang Gawain-
Hahatiin sa apat na grupo ang klase. Iaabot ng guro ang tsart sa grupo. Susundin ng mga bata
ang mga nakasaad na panuto upang sagutan ang gawain. Mayroon itong 5 minuto upang
kumpletuhin ang tsart na ibibigay ng guro. Bawat tamang sagot ay may isang puntos.
Gawain:
a. Kumuha ng mapa o globo ng mundo.
b. Tingnan kung nasaan ang bansang Estados Unidos.
c. Mula sa Estados Unidos, tumingin ka sa malayong kanan sa gawing silangan.
d. Madadaanan ng iyong tingin ang kontinenteng Asya.
e. Sa kontinente ng Asya, hanapin mo ang bansang nasa Silanganng China, Kanluranng
Pacific Ocean, Hilagang Indonesia, at Timog ng Taiwan.
f. Ilagay ang iyong mga sagot sa tsart.

Tsart:

China
Pacific
Ocean

Taiwan

Indonesia

5. Paglalahat
Saang bahagi ng mundo matatagpuan ang Pilipinas?
Paano mo ikukumpara ang Pilipinas mula sa ibang mga bansa ng mundo?
 AngPilipinas ay matatagpuan sa itaas na bahagi ng ekwador.
 Ito ay isa lamang maliit na kapuluan kumpara sa mga bansang katabini to. Ang ating
bansa ay isang bansang-tropikal dahil sa mainit na klima nito.

6. Pagpapahalaga
May bisita kayo mula sa ibang bansa at hiniling niya sayo na ipasyal mo siya sa isang
maganda at natatanging lugar sa ating bansa. Saang lugar mo siya dadalhin? Ipaliwanag ang iyong
sagot.

7. PahulingPagtataya
Tingnan ang mapa sa pahina 11 o sa globo. Isulat ang mga lugar na nakapaligid sa Pilipinas
sa bawat pangalawang direksiyon. Gawin ito sa sagutang papel.
a. Hilagang-silangan
b. Timog-silangan
c. Hilagang-kanluran
d. Timog-kanluran

8. Culminating/Enrichment Activity
Gamiting muli ang mapang nagpapakita ng bahagi ng mundo. Tukuyin ang ilang mga bansang
matatagpuan sa mga pangunahin at pangalawang direksiyon. Isulat ang mga ito sa kaukulang
talulot ng bulaklak.

You might also like