You are on page 1of 1

Si Tonyo at ang Guro

(Revised Version)
Isinulat ni Jim Ross Ryan Tan

Si Tonyo ay isang batang makulit sa loob ng klase ni Mrs. Santiago.


Palaging nagpapasaway si Tonyo kay Mrs. Santiago at sinisira ang umaga
nito at siya pa ang pinagmumulan ng kaguluhan sa klase. May isang araw
noon na lubos na napahiya si Mrs. Santiago, at pinagalitan niya’t minura
si Tonyo sa harap ng iba niyang mga mag-aaral . Dahil sa pangyayaring
yun ay mas nagalit si Mrs. Santiago kay Tonyo.

Isang araw, binigyan ni Tonyo si Mrs. Santiago ng sulat. Subalit hindi


manlang binasa ng guro ang sulat at ito’y kanyang pinunit at itinapon.
Nasaktan siya sa ginawa ng guro. Hindi parin nagagawang patawarin ni
Mrs. Santiago si Tonyo sa kabila ng pagpapakita nito ng pagbabago.
Dahil, para sa kaniya ang ginawa at ang sinabi ni Tonyo sa kaniya ay
nagpapakita lamang ng kawalang-respeto.

May isang araw noon na lumiban si Tonyo sa klase kaya natuwa si


Mrs. Santiago dahil wari niya’y wala ng sisira ng kaniyang araw. Ng
napagtanto ni Mrs. Santiago na ilang linggo ng wala si Tonyo, at may
araw na hindi pumasok ang iba niyang mga mag-aaral. Agad itong
pumunta sa bahay ni Tonyo, at pagkarating niya ay maraming tao ang
tumitingin sa kanya. May iniabot ang isang babae sa kaniya na isang
kuwaderno na may lamang diary. Ng ito’y kaniyang nabasa nalaman
niyang may pinagdadaanan si Tonyo at may taning na ang buhay nito.
Nagsisi si Mrs. Santiago, ngunit huli na ang lahat gusto man niya itong
patawarin pero wala na si Tonyo.

Ipinasa kay: G. Jonathan P. De la Cruz


Ipinasa ni: Kristy Ann D. Calugmaton

You might also like