You are on page 1of 3

ISANG PAGKAKAMALI

Bakasyon noon ng dumating ang anak na babae ni Senyora Leonang


na nag-aaral sa ibang bansa.

Tinawag agad ni Senyor Leon ang mga utusan sa bahay at nagsabi,


“Si Christine, ang aking solong tagapagmana, ay lumaki at nag-aaral sa
Estados Unidos. Kaya’t hindi siya marunong ng ating wika. Ayaw kong
makipag-usap kayo sa kanya kung hindi rin man lamang kayo marunong
ng Ingles. Ingles lang at Espanyol ang kanyang natutuhan, entiendes?

“Opo, Senyor,” sabay-sabay na tugon ng mga utusan.

“Dad, what did you tell them? Did you scold them?”

“Ah hija, I just told them to talk to you in English.” Ang mahinang
sabi ng Don.

“But, Dad, I want to learn our language. I love to speak Filipino. Am


I not a Filipino? pasusumano ni Christine.

“Oh, no… hija, Filipino is just for the ignorant, for the poor but not
for the rich like us who belong to high society,” ang pagmamataas na sabi
ng Senyor.

Walang nagawa si Christine sa sinabi ng ama kayat tumahimik na


lamang siya.

Lumipas ang mga araw at isang umaga, nakita ni Christine ang mga
batang kasinggulang niya sa harap ng kanilang mansiyon.

“Hi, do you like to play? I have many toys. Come, let’s play.”
Natutuwang anyaya nito sa mga bata.

Nagpalinga-linga lamang ang mga bata.

“Ano ba ang sinasabi niya?” tanong ng isa.

“Americana yata iyan, eh.” dugtong pa ng isa.

“Hoy! Hindi ba ninyo alam? Ayon sa mga utusan diyan, iyan ay si


Christine na anak ni Senyor Leon. Hindi raw ‘yan marunong ng ating wika,”
paliwanag ng isang bata.
“Halina kayo, baka mapagalitan pa tayo riyan ng Senyor,” yaya ng
iba.

Naiwan si Christine na lungkot na lungkot. Hindi niya alam kung bakit


siya iniiwasan ng mga bata at kahit ng mga katulong nila.

Isang umaga tinawag ni Christine si Totoy na katulong nila, “Come,


Totoy, let’s take a walk. I’m tired of staying here with nobody to talk with,
sabi nito kay Totoy.

“Ano kaya ang sinasabi nito?” bulong ni Totoy sa sarili.

“Oh! Come on, Totoy, let’s go!

“Pe-pero senyorita……”

Nag-aatubili pa si Totoy ngunit hinila na siya ni Christine.

“Oh! This is a nice place. Look at the rice fields, Totoy, they sway to
and fro as the wind blows. The air is so cool and fresh. Oh! What a lovely
place!”

Maya-maya may narinig si Christine, “I can hear the rushing of


water. What is it Totoy?”

Pero hindi sumagot si Totoy sapagkat walang naunawaan ito sa


kanyang sinabi.

Agad niyang kinabig si Totoy patungo sa pinanggalingan ng lagaslas


ng tubig.

“So it’s a brook!” natutuwang sabi ni Christine. Hinubad niya ang


kanyang sapatos at lumakad ng painut-inot sa tubig.

“The water is cool but the current is very strong. And the stones are
slippery,” sabi nito habang naglalaro sa tubig.

Maya-maya’y bigla na lamang siyang nadulas…

“Help! Help! Help! Help me, Totoy! The current is carrying me!” ang
malakas na sigaw ni Christine. Hindi tuminag si Totoy sa tinatayuan nito sa
pag-aakalang labis lang ang katuwaan ni Christine. Sa kabutihang palad
dumating pala si Senyor Leon at hinanap ang anak. Humahangos itong
tinulungan si Christine dahil narinig pala niya ang paghingi nito ng saklolo.
Nang umahon ang mag-ama sa tubig ay binalingan ng Senyor si
Totoy.

“Ikaw… bakit tatanga-tanga ka lang diyan. Bakit hindi mo tinulungan


si Christine?”

“Bakit Senyor? A-anu po ang nangyari?” nanginginig na tanong ni


Totoy.

“Bulag ka ba? Bingi ka ba? Hindi mo ba narinig na humingi ng saklolo


si Christine?” galit na sigaw ng Senyor.

“I-ikinalulungkot ko po. Narinig ko po, pe-pero hindi ko po


mauunawaan ang kanyang sinasabi. A-akala ko po’y natutuwa lang siya.”

Parang binuhusan ng tubig si Senyor Leon. Agad nitong niyakap ang


mahal na anak at humahagulgol na nagsalita, “Patawarin mo ako, anak ko.
Ako pala ang dapat sisihin. Ako pala ang may kasalanan ng lahat na ito.
Salamat po, Diyos ko, at iminulat mo ako sa aking pagkakamali bago
naging huli ang lahat. Salamat po, Diyos ko! Salamat po…”

You might also like