You are on page 1of 2

Kaibigan Nga Ba?

Galit na galit si Mang Indo nang umagang iyon. Naubos ang lahat ng
kanyang mga punlang mais. Kinain ito ng mga kung anu-anong hayop na
madalas dumalaw sa kanyang bukid.

Isang araw, naisipan ni Mang Indo na maglagay ng bitag sa kanyang


bukid. Kapag nakapasok ang alin mang ibon sa bitag, ito ay hindi na
makalalabas.

Kinabukasan ay nagbalik si Mang Indo sa bukid. Natuwa siya dahil


maraming ibon ang nahuli sa bitag. Karamihan ay mga maya. Subalit may
napasamang isang pugo. Natakot ito nang lapitan ni Mang Indo.

“Pakawalan mo ako,” ang pagmamakaawa ng pugo kay Mang Indo.


“Hindi naman ako kaibigan nina Ibong Maya. Mabait po ako at marunong
gumalang sa pag-aari at karapatan ng iba.”

Wika ni Mang Indo, “Pero, bakit ka kasama ng mga mayang ito?”

Hindi nakasagot ang pugo. Napahiya siya kay Mang Indo.


Mag-impok Upang Umunlad

Iniluwas nina Ana at Niko sa bayan ang kanilang mga gulay sa


halamanan. Ipinagbili nila ito sa palengke. Kumita sila ng maraming-
maraming pera. Gusto nila itong ipunin upang ibili ng bagong sapatos sa
darating na Pasko.

“Inay, saan po namin itatago ang aming pera?” tanong ni Ana sa


kanyang nanay.

“Sa bangko ninyo ideposito ang inyong pera upang hindi mawala at
lalaki pa nang kaunti,” sagot ng kanilang ina.

“Saan pong bangko?” tanong ni Niko.

“Maghanap kayo sa peryodiko kung alin ang magandang bangko,”


tugon ng kanyang ina.

Naghanap si Ana at si Niko ng mga anunsyo sa peryodiko at ito ang


kanilang nabasa.

Magmadali! Magbukas ng Savings Account sa Savings Bank, pera


ninyo’y tutubo, marami pang papremyo.

“Inay, dito po sa Savings Bank kami magdedeposito,” sabay sabi nina


Ana at Niko.

“Sige, sasamahan ko kayo bukas,” sagot ng Nanay.

You might also like