You are on page 1of 2

BARLAAN AT JOSAPHAT

ni P. Antonio de Borja

May malakas at makapangyarihang hari ang India. Siya ay si Haring Abenir. Ang hariay isang pagano. Siya ay
naniniwala sa mga diyos-diyosan. Ngunit sa kanilang kaharian aymarami-rami na ang nagiging Kristiyano
dulot marahil ng pananakop ng mga ibang lahi tuladng nangyari sa Pilipinas. Ayaw niyang maging
Kristiyano ang mga nasasakupan kayaipinakulong niya at ipinakulong ang mga pari. Ngunit sila ay hindi
natakot. Patuloy pa rin silasa pagtuturo ng mga aral ng Kristiyanismo.Hindi naglaon ay nagkaroon ng anak na
lalaki si Haring Abenir. Pinangngalanan niyaitong Josaphat. Mahigpit ang hari sa anak. May nanghula kasi sa
anak na magiging Kristiyanoito sa pagsapit nito sa tamang gulang. Kaya ipinatayo niya ito ng palasyo sa malayo at
ligtasna pook. Pinaalis lahat ng hari ang lahat ng pari sa kaharian.Habang lumalaki ay nakakahingi rin naman
ng pahintulot si Josaphat na lumabas ngpalasyo at maglibang-libang naman. Pumapayag din naman ang hari.
Mahigpit na ipinag-utosng hari sa mga bantay ng anak na huwag na huwag ipakita ang kahirapan ng
kanyang mganasasakupan dahil sa pinahihirapan nga niya ang mga ito sa pagiging Kristiyano.Ngunit
kahitanong paghihirap ang gawin ng mga bantay ay may nakita si Josaphat na kalulunos
angkalagayan. Nagtaka siya at tinanong ang mga bantay kung ganoon ba talaga ang kasasapitanng
lahat sa kanilang kaharian. Sumagot ang bantay na ganoon nga. Dahil dito ay naginginteresado ang
prinsipe sa lumalaganap na Kristiyanismo.Sa kabilang dako, may isang matandang hari sa isang malayong
bayan sa Indiya. Siyasi Barlaan. Ipinarating sa kanya ng Diyos na si josapaht ay may mabuting puso kaya
nagpuntasiya sa Indiya upang puntahan ang prinsipe. Nagbalat-kayo siyang isang mangangalakal atmay ipapakita
daw siyang bato kay Josaphat. Nakapasok nga siya sa palasyo. Doon nanagsimula ang pagtuturo
niya ng mga aral ng Kristiyanismo kay Josaphat.Naging Kristiyanoang prinsipe. Walang nakakaalam na
Kristiyano na si Josaphat kahit mga bantay nito.Dahil sa madalas ng pagdalaw-dalaw ni Barlaan ay napansin tuloy ni
Zardan (isa samga bantay) ang mga ito. Nalaman ni Zardan ang lahat. Binalaan niya ang prinsipe
saposibleng mangyari kung malaman iyon ng hari. Nakiusap si Josaphat na huwag munangmagsumbong sa hari at
hintayin ang pinakamubuting panahon. Inanyayahan ng prinsipe siZardan na makinig sa mga aral ni Barlaan.Isang
araw, sinabihan ni Barlaan na aalis siya. Hiningi ni Josaphat ang damit-ermitanyo nito upang ala-ala. Ipinukol
ng prinsipe ang panahon sa pagdadasal at paghingi ngawa sa Diyos. Naligalig si Zardan sa nangyayari kaya
nagsakit-sakitan ito. Umuwi siya sakanila at ipinagamot siya ng hari. Dahil dito ay nalaman na wala
talagangsakit si Zardan.Doon na ipinagtapat ni Zardan ang pagiging Kristiyano ni Josaphat. Nagalit ang
hari.Humingisiya ng pay okay Araquez (isa niyang tagapayo). Sinabi ni Araquez na ipadakip si Barlaan
at ipahiya sa isang pagtatalo. Kung ito'y matalo ay baka mawalan ng pananalig si Josaphat ditoat bumalik sa
pagiging pagano.Ipinahanap ng Hari si Barlaan ngunit sila'y bigo. Pero may dinakip sila na akala
nilangsi Barlaan. Siya ay si Nacor (isang astrologo). Pumayag din naman si Nacor na magpanggapna
si Barlaan. Nalungkot si Josaphat ng malaman niyang nadakip na si Barlaan (na si Nacorpala). Hindi
niya alam na hindi iyon ang totoong Barlaan.Pinuntahan ng hari ang anak at hinikayat na bumalik sa
pagiging Kristiyano. Ngunitayaw na nito. Sinabi ng hari na magpapabinyag siya at ang buong
kaharian kung mananalo siBarlaan sa debate. Tinanggap ni Josaphat ang hamong iyon.Dumating ang araw ng
pagtatalo. Si Barachias lamang ang tanging Kristiyanongpumanig kay Barlaan (Nacor). Binalaan ng hari
ang mga paham (ang kanyang mga pambato)na kung hindi nila matatalo si Barlaan ay papatayin niya ang
mga ito. Dito na nalaman ngprinsipe na hindi iyon ang tunay na Barlaan ang makikipagtalo. Hindi siya
nagpahata na alamna niya. Binalaan din niya ito at dapat hindi siya magpatalo.Sa pagtatalo ay parang
biniyayaan ng hiwagang karunungan ng langit si Nacor.Nakasagot siya ng mabuti sa mga tanong ng
mga paham. Ipinahinto ng hari ang pagtatalo atipagpapatuloy kinabukasan. Kinausap ni Josaphat si
Nacor at doon niya sinabi na alamniyang nagpapanggap lamang ito. Tinuruan niya ng mga aral ng
Kristiyanismo si Nacor atnaging Kristiyano ito. Sumama si Nacor sa mongheng naninirahan sa monasteryong
nasalabas ng lungsod. Nanghinayang ang hari sa nangyari. Nawalan siya ng pagkakataon natalunin ang inakala
niyang si Barlaan. Nawalan tuloy siya ng paniniwala sa kanyang mga diyosngunit ayaw pa rin niya sa
Kristiyanismo.Sa araw ng kapistahan ay ayaw na niya sanang makialam sa ikasisigla ng
selebrasyon.Itong si Theudas ay nakiusap sa hari na tumulong at bilang kabayaran, siya ay tutulong sapagkumbinsi
kay Josaphat na bumalik sa paniniwalang pagano. Pumayag ang hari. Ipinayo niTheudas na palitan ang lahat ang
mga utusan sa palasyo ng mga magagandang babae upangtuksuhin si Josaphat. Ngunit ng mangyari ito ay hindi
natukso si Josaphat. Nanalangin ito saDiyos na ilayo siya sa tukso. Dahil sa isang masamang pangitain ay
nagkasakit si Josaphat.Dinalaw ng ama ang anak. Tinanong ng anak na bakit siya tinuturuang maging
masama.Hiniling niyang lumabas at hanapin si Barlaan ngunit hindi pumayag ang hari.Ipinayo ni Theudas na magtalo
si Haring Abenir at Josaphat. Kung matatalo siJosaphat ay babalik ito sa pagiging pagano. Natalo ang hari.
Ipinayo na naman ni Theudas nahatiin nalang ang kaharian sa dalawa. Yun nga ang nangyari. Ang kalahati ay
kay Josaphat.Sumama kay Josaphat ang mga taong ayaw magtamo ng parusa.Simbahan ang unang ipinatayo
ni Josaphat. Naging masagana ang kanyang mganasasakupan kaya nagsilipatan ang ibang nasa kaharian
ng hari dahil silay pinarurusahannito. Doon nalaman ng hari ang kanyang pagkakamali. Sinulatan niya
ang anak na handa nasiyang maging Kristiyano. Tinanggap ng malugod ng anak ang ama. Matapos ang 4 na
taongpaghihirap at pagsisisi sa mga kasalanan ay namatay si Haring Abenir.

Hahanapin ni Josaphat sa Barlaan. Inihabilin niya kay Barachias ang kaharian. Maraminghirap ang
dinanas ni Josaphat bago nito nakita si Barlaan. Namuhay silang magkasama.Iniukol nila ang kanilang
panahon sa pagdadasal sa Diyos.Isang araw ay sinabi ni Barlaan na malapit na siyang mamatay kaya
iniutos niya kayJosaphat na ipunin lahat ang mga mongheng naninirahan sa kalapit bayan.
Mataposmagbigay sa misa panalangin si Barlaan ay binawian ito ng buhay.Namuhay sa pagtitiis si Josaphat. Ng
mamatay ito ay inilibing nila si Josaphat katabing pinaglibingan nila kay Barlaan. Isang pangitain ng monghe ang
nagbigay kaalaman kayBarachias na patay na si Josaphat. Ipinahanap niya ang bangkay nito sa
bulubundukin sa Senaar. Dalawang bangkay ang nakita at kataka-takang hindi ito naagnas at may
mahinhinghalimuyak pa ang masasamyo. Ang mga ito ay dinala sa simbahang ipinatayo ni Josaphat
atdoon inilagak. Maraming himala ang nangyari kaya marami ang nagsibalik-loob sa Diyos.

You might also like