You are on page 1of 3

Barlaan at Josaphat

Narrator: Noong unang panahon isang makapangyarihang hari na nag ngangalan na haring
Abenir ang siyang nanirahan at namuno sa bansang India. Ipinausig niya ang lahat ng mga
kristiyano sa kanyang nasasakupan sapagkat di na raw sumasamba ang mga ito sa Dyos dyosan
ng kanilang bansa. Ipinakulong niya ang lahat ng mga pari at iniutos na magbalik samba ang
mga ito sa kanilang lumang mga Dyos dyosan. Di nagtagal at nagkaroon ng anak na lalaki si
Haring Abenir at pinangalanan niya itong Josaphat. Kumalat ang isang propesiya na sa tamang
edad ay magiging kristyano ang prinsipe.

Haring Abenir: Ipagpapatayo ko ng palasyo si Josaphat sa isang malayong lugar upang hindi
siya maimpluwensyahan ng mga kristyano. Tandaan ninyo na wag magbanggit ng kahit anong
tungkol sa kristyanismo sa aking anak.

Mga alagad: Masusunid po mahal na hari

Josaphat: Ama maaari po ba akong lumabas para makapag libang?

Haring Abenir: Maari naman Josaphat pero may ibibilin muna ako sa mga utusang
makakasama mo. Iwasan ninyo na makakita si Josaphat ng mga kahirapan na nangyayari sa
aking nasasakupan.

Mga alagad: Masusunod po mahal na hari

Narrator: Ngunit kahit na anong pag iingat ng mga utusan ay nakakita parin si Josaphat ng mga
taong kaawa awa.

Josaphat: Ganito ba ang kapalaran na sasapitin ng lahat?

Mga alagad: Opo ganun nga po ang mangyayare mahal na prinsipe

Josaphat: Nasasabik na akong malaman ang mga aral ng mga kristyanismo dahil sa mga nakita
kong kahirapan sa paligid ng kaharian.

Narrator: Isang paring naninirahan sa India ang hinanap si Josaphat dahil sa mabuting kalooban
nito. Nakapasok si Barlaan sa palasyo ni Josaphat dahil siya ay nagbalat-kayo bilang isang
mangangalakal. Itinuro ni Barlaan ang kristyanismo at ang kahalagan nito. Ngunit si Bardan
isang kabalyerong bantay ng prinsipe ay napansin ang madalas na pagdalaw ni Barlaan sa
prinsipe at ang madalas na pag uusap ng dalawa.

Josaphat: Bardan huwag kang mag alala wala kaming ginagawang masama ni Barlaan at oo nga
pala wag mo itong ibunyag sa hari.
Narrator: Noong muling dumalaw si Barlaan kay Josaphat ay sinabing hindi na siya
makakadalaw muli dahil pupunta na siya sa isnag malayong malayong pook. Bilang ala-ala
iniwan niya kay Josaphat ang kanyang damit pang ermitanyo. Ipinagtapat ni Bardan sa hari ang
buong katotohanan tungkol sa pagkakaibigan ni Josaphat at Barlaan. Galit na galit ang hari ng
malaman niya ito at humingi siya ng payo kay Arakis.

Akaris: Idapadakip niyo si Barlaan at hiyain niyo sa pamamagitan ng pakikipag talo sa mga
pantas ng kaharian. Kapag siya ay natalo mawawala ang pananalig sakanya ni Josaphat. Ngunit
mahirap hanapin si Barlaan. Si Nakor nalamang ang pagpanggapin natin bilang Barlaan at
ipamalita sa lahat na nadakip na siya lalo na kay Josaphat. Sabihin din na ako at ang buong
kaharian ay magpapabinyag kapag si Barlaan ay nanalo sa pakikipag talo. Si josaphat ay
pumayag sa sinabi ng kanyang ama, nang dumating ang araw ng pagtatalo tanging si Bakaris
lamang ang kristyanong dumalo. Nanawagan ang hari sa mga pagano at kristyano na makisali sa
debate. Pinag balaan ng hari na natatanggap ng parusang kamatayan ang mga pantas kapag hindi
nila tinalo si Barlaan. Nang sumapit ang oras ng pagtatalo nasagot ni Nakor ang lahat ng tanong.
Itinigil ang debate at itinuloy ang debate. Humingi ng pahintulot si Josaphat na isama si Nakor
nagalak naman ang hari sapagkat makapapaghanda pa ang mga paham niya upang talunin ito.
(Kinabukasan) Nagkaroon ng pista sa kaharian ni haring abenir pagkatapos ng debate.

Haring Abenir: Pumunta ka kay Josaphat at tulngan siya sa paghahanda. Subukan mo rin
mabago ang pag iisip niya tungkol sa kristyanismo.

Mga alagad: Masusunod po mahal na hari

Narrator: Sinabi ni Theudas na palitan ang mga utusan sa palasyo ng nga magagandang babae
upang maiba nag pag iisip ni Josaphat tungkol sa krisyanismo at malibang naman ito ngunit
nalaban ni Josapahat ang tukso. Nagkasakit ang prinsipe dahil sa isang pangitainbat dinalaw siya
ng kanyang ama.

Josaphat: Bakit nyo ako inilapit sa tukso ama? Akala niyo ba magbabago ang isip ko sa mga
babaeng iyon? Ama payagan niyo na akong lumabas upang hanapin at Barlaan at mamuhay sa
piling niya

Narrator: Humingi muli ng payo Si haring Abenir kay Theudas tungkol sa kanyang problema
kay Josaphat.

Theudas: Ang payo ko po ay hatiin ang kaharian sa dalawa. Isang bahagi para sainyo at isang
bahagi naman para kay Josaphat.

Narrator: At ganun nga ang nangyari. Maganda naman ang kinalabasan ng Kaharian ni
Josapahat ang una niyang ginawa ay mahpatayo ng isang simbahan. Nag silipat ang mga tap sa
kanyang kayariaan hanggang sa kakaunti nalang ang natira sa kaharian ni haring Abenir. Dahil sa
mga nangyari sa kaharian ni Josaphat humingi ng paumanhin ang hari sa kanyang anak. At
nagpabinyag bilang isang kristyano, namatay si Haring Abenir pagkalipas ng apat na taon.
Namatay sa matinding pagsisi.

Josapahat: Barachias bibigay ko na sayo ang kaharian at mananatili na ako sa isang malayong
pook. Upang hanapin si Barlaan.

Narrator: Natagpuan ni Josaphat si Barlaan sa isang malayong pook ngunit ng matagpuan niya
ito ay sinabi ni Barlaan na malapit na siyang mamatay, namatay si Barlaan pagkatapos ng
kanyang huling misa at hindi nagtagal ay namatay na rin si Josaphat. Iniutos ni Barachias na
hanapin ang dalawang bangkat at nakita nila nanhindi pa ito nabubulok, ipinalibing ang
dalawang bangkay sa ilalim ng unang simbahan na nagawa sa kaharian ni Josaphat kung saan
nangyari ang maraming himala.

You might also like