You are on page 1of 2

Bernard Dred Anthony B Mendoza

Panitikan-B

Pagsusuri sa nobelang Barlaan at Josaphat

Barlaan at Josaphat

Pambungad:
Ang kuwento ng Barlaan at Josaphat ay umiikot sa isang hari nais ilayo o itago an kanyang anak mula sa
Kristyanismo. Naituro ni Tomas Apostol ang aral ng Diyos sa Indya, na pinaghaharian noon ni Abenir. Dahil sa hulang
magiging kristyanismo ang kanyang magiging anak na lalaki, pinilit ng hari na ilayo si prinsipe Josaphat mula noong
siya ang isilang sa mundo ng Kristyanismo. Habang lumalaki si Josaphat, natutunan nya ang mga kabutihan ng bagong
relihiyon at nagsisimulang mag-isip tungkol sa kahulugan ng buhay at kamatayan ng makita niya ang paghihirap ng
mga tao.
Tunggalian:
Isang matandang pari na si Barlaan ang nabalitaan na naroroon sa Senaar ang tungkol sa mabuting kalooban
ni Josaphat. Nagpanggap siyang isang mangangalakal at nakilala si Josaphat, na nagpataguyod sa kanya na
magpabinyag. Lahat ng ito ay nangyari nang walang kaalaman ni Haring Abenir hanggang sa umalis si Barlaan mula sa
palasyo.

Kasukdulan:
Nang matuklasan ni haring Abenir ang nangyari sa anak, iniutos niyang dakpin si Barlaan, ngunit di ito
matagpuan. May pinapagpanggap na Barlaan ang hari at siyang dinakip. Sa gayon, sa pag- aakalang malagim ang
kararatnan ng kaibigang pari, nagtapat si Josaphat sa hari. Ito ang naging daan para pagsikapan ni Josaphat na
hikayatin ang ama. Napagtanto ni Abenir na kailangang paghimok ang gamitin sa anak at hindi pagbabanta. Sa gayon,
hinamon ni Abenir ang anak saka ang mga kapanalig nito sa isang pagtatalo, at kung mananalo si Josaphat at Barlaan
ay maagpapabinyag ang hari at ang mga kampon nito at nagtagumpay sina Josaphat.

Kakalasan:
Ang bahagi ng nobela na nagbigay sa akin ng kakaibang pag-asa ay yaong iminungkahi ng ministro ni Abenir
na hayaang mamuno si Josaphat sa isang hiwalay na kaharian. Pumayag si Abenir. Maraming tao ang lumipat sa
kaharian ni Josaphat, at nagsisi si Abenir sa kanyang pagkakamali at nagpabinyag na rin sa Kristiyanismo.

Wakas:
Iniwan ni Haring Abenir ang kaharian kay Josaphat at namuhay siya nang tahimik hanggang sa kamatayan.
Naghanap rin si Josaphat ng paraan upang manahimik at iniwan ang kaharian sa isang tapat na tauhan na si
Barachias. Hinanap niya si Barlaan hanggang sa matagpuan niya ito. Isang araw, tinawag siya ni Barlaan at sinabing
malapit na itong mamatay. Pinasundo niya ang mga monghe mula sa malapit na monasterio. Nagmisa si Barlaan bago
mamatay. Nang mamatay siya, inilibing siya sa puntod ni Barlaan. Nang malaman ni Barachias na namatay na si
Josaphat, pinahanap niya ang libingan nito. Nang hukayin nila ang puntod, natagpuan nila ang mga bangkay ng
dalawa na buo pa at may mahinhinghalimuyak pa. Ang mga ito ay inilagay sa simbahan na itinayo ni Josaphat.
Maraming himala ang nangyari, kaya marami pa ang nagpabinyag sa Kristiyanismo.

Elemento ng Nobela
Tagpuan at Panahon: Ito ay panahon ng kastila kung saan ang tagpuan ay sa Indiya, senaar at simbahan
Tauhan:
Abenir- Siya ang hari ng Indiya na may anak na nagngangalang Josaphat.
Siya ay lumagda sa batas na nag-uutos na sumamba ang mga tao sa diyos-diyosan.
Barlaan- siya ang paring nanirahan sa Senaar na nagpapanggap upang maturuan si Josaphat ng aral ng
Kristiyanismo.
Josaphat- anak ni haring Abenir na nanabik na malaman ang aral ng Kristiyanismo. Siya rin ang nagpabago sa
paniniwala ng kanyang ama.
Zardan-siya ang kabalyerong inutusan ng hari na huwag ipaparinig o ipapaalam kay Josaphat ng kahit
anuman tungkol sa Kristiyanismo.
Araquez- Siya ang nagbalak na Ipadakip si Barlaan at dustahin sa isang debate laban sa mga pantas ng
kaharian upang mawala ang pananalig ni Josaphat sa mga aral nito.
Nacor-Siya ang nagpanggap na si Barlaan na nagtanggol sa panig ng Kristiyanismo.
Theudas-Siya ang nangako sa haring Abenir na maghanap ng paraan upang mapabalik si Josaphat sa
pagsamba sa mga diyos-diyosan.
Barachias- Tapat na alagad ni Jopsaphat na iniwanan niya ng kanyang kaharian.

Banghay: Ang pagkakabalangkas sa nobela ay sa paraang linear o tinatawag ring kumbensyunal dahil nagsimula ito sa
pagpapakilala sa mga tauhan,kasunod ang kinapapanabikang pangyayari at ang wakas na kinapalooban ng
kinahinatnan sa nobela ng mga tauhan mula sa kanilang mga karanasan.

Pananalita:
Tema: Ang tema ng nobela ay nakasentro sa pagiging matatag sa kung ano man ang pinaniniwalaan na
relihiyon, ang kristiyanismo .
Damdamin: Nanaig sa akin ang pagkabilib sa pangunahing tauhan dahil sa tibay ng loob na kanyang
ipinamalas at pagkainis sa hari pati narin sa mga katulad niyang sumamba sa mga diyos- diyosan.
Pananaw: Ang nobela ay gumamit ng pangatlong panauhan.
Simbolo: Kristyanismo- Agimat
Barlaan at Josaphat- Pagtatagpo at pagsasanib ng iba’t-ibang panitikang bayan tungo sa Kristyanismo
Barlaan- Liwanag sa bayan ng dilim
Teoryang Nakapaloob
Teoryang Saykolohikal/Sikolohikal- Ipinakita sa nobela ang pagbabago ni Haring Abenir sa tulong at pag-udyok sa ni
Josaphat na nagpamulat mula sa kanyang kamalian.
Mga Bisa
Bisa sa Isip:
Bisa sa Damdamin: Tama lang ang ginawang pagsuway ni Josaphat sa kanyang ama. Ipinapakita lang sa akda ang
lubos na pananalig sa diyos at ipinapakita rin ditoang mga pangyayaring nagaganap sa kasalukuyan dahil marami na
ang mga relihiyon na nagsisilabasan na nagpapalito lalo sa isipan ng tao.

Bisa sa Asal:ang pagkakaroon ng bagong pananaw sa buhay gaya ng ginawa ni Haring Abenir na

Uri ng Nobela
Nobelang Pagbabago- ang mga pangyayari sa Barlaan at Josaphat ay naglalayon na mabago ang paniniwala ng isang
tao gaya ng ama ni Josaphat na noon ay pumapanig sa mga diyos-diyosan ngunit di naglaoy napagtanto niyang mali
ang kanyang pinaniniwalaan.

May tauhan ang hari na nahikayat nang una ni Josaphat kaya nagalit ang hari. Pinalitan niya ng mga mapanuksong
babae ang mga tagasilbi sa palasyo. Nagdamdam si Josaphat sa ama dahil sa tangkang pagbubulid nito sa kanya sa
kasamaan. Iminungkahi ng ministro ni Abenir na hayaang mamuno sa isang hiwalay na kaharian si Josaphat.
Pumayag si Abenir. Subalit maraming tao ang lumipat sa kaharian ni Josaphat,nagsisi si Abenir sa kanyang
pagkakamali at nagpabinyag na din.

Panimula
2. Tunggalian
3. Kasukdulan
4. Kakalasan
5. Wakas

You might also like