You are on page 1of 33

8

Araling Panlipunan
Unang Markahan – Modyul 6:
Pamana ng mga Sinaunang
Kabihasnan sa Daigdig
Araling Panlipunan – Ikawalong Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 6: Pamana ng mga Sinaunang Kabihasnan sa Daigdig
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban
sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga
ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Nicolas T. Capulong, PhD, CESO V
Ronelo Al K. Firmo, PhD, CESO V
Librada M. Rubio, PhD

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Glenda P. Del Rosario
Tagasuri ng Nilalaman: Rowel S. Padernal / Angelica M. Burayag, PhD
Mary Jane P. Soriano / Ma. Leonora B. Cruz
Tagasuri ng Wika: Nenita J. Barro / Ma. Leonora B. Cruz
Babylyn M. Demetion / Erfe Donna A. Aspiras
Edelwiza L. Cadag
Tagasuri ng Pagguhit/Paglapat: Jonathan Paranada / Ryan Corpuz Pastor
Tagaguhit: Joey-Rey D. Magracia
Tagalapat: Phoebe Marie B. Santarromana

Tagapamahala: Nicolas T. Capulong, EdD, CESO V


Librada M. Rubio, PhD
Angelica M. Burayag, PhD
Ma. Editha R. Caparas, PhD
Nestor P. Nuesca, EdD
Marie Ann C. Ligsay, PhD
Dominador M. Cabrera, PhD
Edward C. Jimenez, PhD
Ma. Leonora B. Cruz

Inilimbag sa Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon III

Office Address: Matalino St. D.M. Government Center, Maimpis, City of San Fernando
Telefax: (045) 598-8580 to 89
E-mail Address: region3@deped.gov.ph
8

Araling Panlipunan
Unang Markahan – Modyul 6:
Pamana ng mga Sinaunang
Kabihasnan sa Daigdig
Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 8 ng
Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Pamana ng mga
Sinaunang Kabihasnan sa Daigdig!
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga
edukador mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang
gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa


mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan,
bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang
mga kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang


kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala,
panulong o estratehiyang magagamit sa
paggabay sa mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.

ii
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 8 ng


Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Pamana ng mga
Sinaunang Kabihasnan sa Daigdig!

Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin.


Sa pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at
magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na
ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga
kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay
nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan.


Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-
aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa
pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong
laktawan ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas
na suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa


malayang pagsasanay upang mapagtibay
ang iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

iii
Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o
pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong


sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman
o kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o


masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
Gawain panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa


lahat ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang
marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na
papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na
ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari
ka rin humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o
sino man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging
itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakukuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

iv
Alamin

Ang modyul na ito ay naglalaman ng mga gawaing makatutulong sa iyo


upang higit mong maunawaan ang aralin tungkol sa mga pamana ng mga
sinaunang kabihasnan sa Daigdig. Pagtutuonan nang pansin sa ating pag-aaral sa
modyul na ito ang mga mahahalagang pamana ng mga sinaunang kabihasnan at
kung paano naging kapaki-pakinabang ang mga ambag na ito sa pagkakaroon ng
mauunlad na pamayanan at sa pagtataguyod ng kabihasnan.

Ang mga gawaing inilahad ay makatutulong upang mas maunawaan ang


paksa at makamit ang mga layunin. Ang modyul na ito ay nahahati sa mga
sumusunod na paksang talakayan:

Talakayan 1 – Mga Pamana ng Kabihasnang Mesopotamia


Talakayan 2 – Mga Pamana ng Kabihasnang Indus
Talakayan 3 – Mga Pamana ng Kabihasnang Tsino
Talakayan 4 – Mga Pamana ng Kabihasnang Egyptian

Pagkatapos na mapag-aralan ang modyul na ito, ikaw ay inaasahang

a. nakapagiisa-isa ang mga pamana ng mga sinaunang kabihasnan sa


Daigdig;
b. nakapagsusuri ang kapakinabangan ng mga pamana ng mga sinaunang
kabihasnan hanggang sa kasalukuyan; at
c. nakapagpahahalaga sa mga pamana ng mga sinaunang kabihasnan sa
Daigdig.

1
Subukin

Basahing mabuti ang bawat tanong. Piliin ang titik ng wastong sagot at isulat ito
sa iyong sagutang papel.

1. Ano ang kauna-unahang sistematikong paraan ng pagsulat sa buong


Daigdig?
A. pictogram C. hieroglyphics
B. cuneiform D. calligraphy
2. Ano ang tawag ng mga Egyptian sa proseso ng preserbasyon ng isang yumao
kung saan gumagamit ng kemikal upang patuyuin ang bangkay?
A. pag-embalsamo C. paglilibing
B. mummification D. pagpreserba
3. Ano ang tanyag sa gusali sa Babylonia na kabilang sa Seven Wonders of the
Ancient World?
A. Taj Mahal C. Pyramid
B. Ziggurat D. Hanging Gardens
4. Ano ang kaisipang nagmula sa China ukol sa pagbalanse ng yin at yang
upang makapagdulot ng magandang hinaharap sa sinuman?
A. Feng Shui C. sundial
B. Bing Fa D. I Ching
5. Anong relihiyon na nagmula sa India ang naniniwala sa muling pagkabuhay
o reincarnation at sa karma?
A. Budismo C. Kristiyanismo
B. Hinduismo D. Jainismo
6. Alin sa sumusunod na estruktura ang tahanan ng mga diyos sa Sumer?
A. Taj Mahal C. Pyramid
B. Ziggurat D. Hanging Gardens
7. Alin sa sumusunod ang pilosopiya na may layunin na magkaroon ng isang
matahimik at organisadong lipunan sa pamamagitan ng pagpapabuti sa
sarili at pagpapahalaga sa ugnayan ng mga tao at lipunan?
A. Confucianism C. Legalism
B. Taoism D. Buddhism
8. Anong estruktura ang nagsilbing tahanan ng mga emperador noong
Dinastiyang Ming?
A. Forbidden City C. Pyramid
B. Great Wall D. Grand Canal
9. Ano ang tawag sa pagbibilang na nakabatay sa 60 tulad ng 60 minuto bawat
oras at kabuuang 3600 bawat bilog?
A. Decimal system C. sexagesimal system
B. Pictogram D. grid

2
10. Sino sa sumusunod ang nagtayo ng aklatan na naglalaman ng kultura ng
mga taga-Sumeria at Babylonia?
A. Ashurbanipal C. Akbar
B. Chandragupta I D. Babur
11. Ano ang tawag sa nabuong sistema ng pagsulat ng mga Tsino?
A. Cuneiform C. Heiroglyphics
B. Pictogram D. Calligraphy
12. Ano ang tawag sa mga tortoise shell at cattle bone na ginagamit upang
mabatid ang mensahe o saloobin ng mga diyos ng mga Tsino?
A. Oracle bones C. Sacrificial bones
B. bricks D. clay tablet
13. Ano ang tawag sa nabuong sistema ng pagsulat ng mga Egyptian?
A. Cuneiform C. Hieroglyphics
B. Pictogram D. Calligraphy
14. Ano ang tinaguriang “Agham ng Buhay” ng Sinaunang India na naglalaman
ng mahalagang kaisipang pangmedisina?
A. Ayurveda C. Epic of Gilgamesh
B. Arthasastra D. Ramayana
15. Ano ang piramide na pinakamalaki sa buong daigdig na ipinagawa ni
Khufu?
A. Great Pyramid of Gizah C. Pyramid of Unis
B. Step Pyramid D. Pyramid of Khufu

3
Aralin
Mga Pamana ng mga Sinaunang
1 Kabihasnan sa Daigdig

Ang mga sinaunang kabihasnang umusbong sa Daigdig ay nag-iwan ng


kani-kanilang mga pamana sa sangkatauhan. Ang mga ito ay nagpapakita ng
kadakilaan, husay, at talento ng mga sinaunang tao sa iba’t ibang larangan at
aspekto. Matutuklasan mo na marami sa mga kaalaman na ginagamit sa
kasalukuyang panahon ay nagmula sa mga ambag ng mga sinaunang kabihasnan.

Sa modyul na ito, pagtutuonan mo ng pag-aaral ang mahahalagang


kontribusyon ng mga sinaunang tao na nag-iwan ng mga pamanang nagpapakita
ng kanilang pagkamalikhain at kahusayan sa iba’t ibang mga bagay. Susuriin din
ang mga kahalagahan sa kasalukuyan ng mga dakilang pamanang ito sa
sangkatauhan.

Balikan

Sa nakaraang aralin, tinalakay ang mga mahahalagang pangyayari kung


paano nalinang ng mga sinaunang tao ang mga kasanayan sa iba’t ibang larangang
nagpaunlad sa kanilang pamumuhay. Subukan mong sagutin ang mga
sumusunod na katanungan batay sa iyong natutuhan sa nakaraang aralin.
 Sa iyong pagkaunawa, paano nagkatulad ang mga sumibol na sinaunang
kabihasnan sa Daigdig?
 Anong aral ang iyong natutuhan mula sa kasaysayan ng mga sinaunang
kabihasnan sa Daigdig?

Mga Tala para sa Guro


Maaaring papiliin ang mga mag-aaral ng isang
kabihasnan. Hayaan ang mga mag-aaral na magbigay ng
isang pinakamahalagang aral na kanilang natutuhan mula
sa napili nilang kabihasnan at paano nakatutulong ang aral
o kaisipang ito sa kanyang pang-araw-araw na pamumuhay.

4
Tuklasin

Simulan ang iyong pagkatuto sa pamamagitan ng isang gawaing nakikita sa


ibaba. Masagot mo kaya? Pagkatapos ay basahin mo ang teksto ng aralin at
unawain mo ang mga kataga at salitang iyong pinag-isipan sa bahaging ito.

Suriin ang mga larawan. Tukuyin kung paano nakatutulong sa


kasalukuyang pamumuhay ng mga tao ang mga bagay na ito. Isulat ang iyong
sagot sa sagutang papel.

Kasalukuyang kapakinabangan:

____________________________________
____________________________________
____________________________________
____________________________________
____________________________________
____________________________________
gulong

Kasalukuyang kapakinabangan:
____________________________________
____________________________________
____________________________________
____________________________________
____________________________________
____________________________________
araro

Kasalukuyang kapakinabangan:
____________________________________
____________________________________
____________________________________
____________________________________
____________________________________
____________________________________
kalendaryo

5
Kasalukuyang kapakinabangan:

____________________________________
____________________________________
____________________________________
____________________________________
____________________________________
____________________________________
compass

Kasalukuyang kapakinabangan:
____________________________________
____________________________________
____________________________________
____________________________________
____________________________________
____________________________________

papel

6
Suriin

Maglalakbay tayong muli sa nakaraan, iisa-isahin natin ang mga pamana sa


daigdig ng mga dakilang kabihasnang sumibol sa Mesopotamia, India, China at
Egypt. Pangunahin sa mga pamanang ito ang mga kagamitang naimbento na
lubusang nagpagaan sa mga gawain ng tao noon at ngayon. Ano ang
pinakamahalagang pamana ng mga sinaunang kabihasnan na hanggang sa
kasalukuyan ay patuloy na napakikinabangan? Tutuklasin mo iyan sa araling ito.

Mga Pamana ng Kabihasnang Mesopotamia

Lunduyan ng kabihasnan ang lupaing Mesopotamia. Ang mga taong


nanirahan dito ay nag-iwan ng mga pamanang nagpapakita ng kanilang
pagkamalikhain at kahusayan sa iba’t ibang mga bagay. Narito ang ilan sa mga
mahahalagang bagay na nalikha ng mga Sumerian.

ZIGGURAT – Ito ay isang estrukturang


nagsisilbing tahanan at templo ng diyos
o patron ng isang lungsod. Ito ang
sentro ng pamayanan. Umaabot ng
pitong palapag at may templo sa
pinakatuktok ng gusali.

Ziggurat

GULONG - Ito ay naging mahalaga sa


mga Sumerian dahil sa ito ay naging
malaking tulong sa pangangalakal
(Sumerian wheel cart) at naging potter’s
wheel na nagpadali sa paggawa ng mga
banga. Ang gulong ay itinuturing na
pinakamahalagang imbensyon o tuklas
ng tao ng nagdaang pagbabago o
ebolusyon at ito ay ginagamit pa rin sa
kasalukuyan sa iba’t ibang hugis at
kayarian.
Gulong

7
CUNEIFORM – Ito ay nangangahulugang
“hugis-sinsel”, ang kauna-unahang
sistematikong paraan ng pagsusulat sa
buong Daigdig na nalinang ng mga
Sumerian. Gumagamit ang mga eskriba
(scribe) ng isang maliit na patpat na
tinatawag na stylus bilang panulat at
tabletang luwad (clay tablet) bilang
sulatan.
Cuneiform
EPIC OF GILGAMESH – Itinuturing ito
bilang kauna-unahang akdang
pampanitikan sa buong Daigdig. Isa
itong kwento ni Haring Gilgamesh ng
Epic of Gilgamesh
lungsod-estado ng Uruk sa Sumerian
noong ikatlong siglo B.C.E. Isa sa mga
kabanata ng epikong ito ay kahalintulad
ng “The Great Flood” ng Bibliya.
“CODE OF HAMMURABI” – Ang
katipunan ng mga batas ni Hammurabi
ay isang napakahalagang ambag ng
kabihasnang Sumer. Ito ay naglalaman
ng 282 batas na pumapaksa sa halos
lahat na aspekto ng araw-araw na
Code of Hammurabi
buhay sa Mesopotamia. May mga batas
na nagkakaloob ng proteksyon sa mga
mamimili, may mga batas ukol sa kasal
at pamilya. Nakapaloob dito ang tanyag
na kaisipang “an eye for an eye, a tooth
for a tooth.

WATER CLOCK – Isang kalendaryong


nakabatay sa siklo ng buwan.

 Paggawa ng unang mapa.


 Paggawa ng kagamitan at sandata
gamit ang tanso

SEXAGESIMAL SYSTEM – Ito ay


matandang sistema ng matematika ng
Araro Sumerian kung saan ang pagbibilang ay
nakabatay sa 60.

 Nagpaunlad ng mga kaisipan ukol sa


astronomiya.
 Paggamit ng araro sa pagsasaka

8
 Paggamit ng layag sa mga sasakyang
pandagat
 Paglagay ng mga arko sa kanilang
mga estruktura

Layag

Mga arko

Pamana ng Kabihasnang Indus

Ang mga pamayanan sa Indus ay kinikilala bilang mga kauna-unahang


panirahang sumailalim sa tinatawag na urban planning o pagpaplanong
panlungsod. Kahanga-hanga din ang kanilang pagpapahalaga sa kalinisan at
sanitasyon ng kanilang pamayanan. Narito ang ilan sa mga kontribusyon ng
kabihasnang Indus:

Isinulat ni Kautilya ang


Arthashastra noong ikatlong siglo B.C.E.
Ito ang kauna-unahang akda o treatise
Arthashastra hinggil sa pamahalaan at ekonomiya. Si
Kautilya ang tagapayo ni Chandragupta
Maurya, ang tagapagtatag ng Imperyong
Maurya.

Ang Ayurveda o “Agham ng Buhay”


ay isang mahalagang kaisipang
Ayurveda pangmedisina ng sinaunang India.
Tinawag itong “Agham ng Buhay”
sapagkat binigyang-tuon nito ang
pagpapanatili ng kalusugan at kaligtasan
mula sa mga karamdaman.
Ang pagkakaroon ng mga palikuran
ng mga kabahayan ay itinuturing na

9
kauna-unahang paggamit sa kasaysayan
ng sistemang alkantarilya o sewerage
system. Bukod dito ang mga kalsada sa
matatandang lungsod ng Mohenjo-Daro at
Harappa ay nakaayos na parang mga
nagsasalubong na guhit o grid pattern.
Sewerage System in Mohenjo-Daro
Ang dalawang epikong pamana ng India
sa larangan ng panitikan.

 Ang Mahabharata ay isang salaysay


hinggil sa matinding tunggalian ng
dalawang pamilya na magkakamag-
anak – ang mga Pandava na
kumakatawan sa kaguluhan at
Ramayana at Mahabharata
kasamaan.
 Ang Ramayana ay isang salaysay
tungkol sa buhay ni Prinsipe Rama at
ang pagsagip niya kay Prinsesa Sita,
ang kanyang asawa, na sapilitang
kinuha ni Ravana, isang demonyong
hari.

Iba pang kontribusyon  Pamantayan ng bigat at sukat


 Decimal System
 Paggamot at pagbunot ng ngipin
 Halaga ng pi (3.1416)
 Taj Mahal
 Pinagmulan ng mga relihiyong
Hinduismo, Budismo, Jainismo at
Sikhismo

Taj Mahal

Mga Pamana ng Kabihasnang Tsino

10
Ang bawat dinastiyang nangibabaw sa China ay nag-iwan ng mga dakilang
pamana sa sangkatauhan. Narito ang mga mahahalagang kontribusyon ng
kabihasnang Tsino.

Ang GREAT WALL ay ipinatayo


sa panahon ng Qin. Tinatayang isang
milyong katao ang sapilitang
pinagtrabaho upang itayo ito. Itinayo
ang Great Wall upang magsilbing
tanggulan laban sa mga tribong
nomadiko na nagmula sa hilaga ng
China. May haba itong 2400 kilometro
o 1500 milya. Ito ay nagsilbing simbolo
ng kabihasnang Tsino sa loob ng
Great Wall of China mahabang panahon.

Ang GRAND CANAL ang


nagdudugtong sa Ilog Huang-Ho at Ilog
Yangtze at may kabuuang distansya ito
na 2,500 kilometro. Ito ang
pinakamahabang kanal sa buong
Daigdig na may habang 1,776 km at
taas na 138 talampakan.
Grand Canal

CALLIGRAPHY o kaligrapo ang


uri ng pagsulat na nabuo ng
Dinastiyang Shang. Pictogram o mga
larawan ang kanilang gamit sa
calligraphy na dikit- dikit ang
pagkakasulat upang makabuo at
maipakita ang ideya.
Calligraphy

Ang ACUPUNCTURE ay isa sa


mahalagang ambag ng kabihasnang
Tsino sa larangan ng medisina. Ang
acupuncture ay pagtutusok ng
maninipis na karayom sa ilang mga
lugar sa katawan para sa pag-ibsan sa
ilang karamdaman (therapy) o
pagpapahupa ng sakit.
Acupuncture
Ang paniniwala sa FENG SHUI o
Geomancy ay nagmula sa China. Ang
Feng Shui kaisipang ito ay ukol sa tamang
pagbabalanse ng yin at yang upang
makapagdulot ng magandang

11
hinaharap sa sinuman.
 Ang yin ay sumisimbolo sa
kababaihan – malambot at
kalmado.
 Ang yang ay tumutukoy sa
kalalakihan – matigas at masigla.
Ito ay ang dalawang mahahalaga
at sinaunang aklat na pamana ng mga
Tsino.
 Ang I Ching (Classic of Change) ay
nagbibigay ng perspektiba at
pamamaraan ng prediksyon ukol
sa iba’t ibang bagay at sitwasyon
I Ching at Bing Fa
sa buhay ng tao.
 Ang Bing Fa (Art of War) ay
itinuturing na isa sa mga kauna-
unahan at pinakatanyag na aklat
ukol sa estratehiyang militar na
isinulat ni Sun Zi o Sun Tzu noong
510 B.C.E.
Iba pang kontribusyon  Seismograph – instrumentong
nagtatala sa pagdating, lakas at
direksyon ng lindol
 Papel – na nagdulot ng
malawakang pagbabago sa
komunikasyon at kalakalan
 Porselana – na naging
pangunahing produktong
iniluluwas
 Paggamit ng silk o seda – isang
mahalagang produktong Tsino na
Papel ikinakalakal mula China
patungong Mediterranean.
 Kagamitang pang-astronomiya
tulad ng kalendaryo, star maps
 Praktikal na kagamitan tulad ng
wheel barrow, mill wheel, water
clock at sundial
 Magnetic compass
 Gunpowder para sa fireworks
 Block printing para sa paglilimbag
ng mga bagong kaisipan at
mahahalagang akda
Porselana
 Chopsticks
 Abacus
 Payong

12
 Pamaypay
 Saranggola
 Mga pilosopiya tulad ng
Confucianism, Taoism at Legalism

Chopsticks

Pamaypay

Payong

Wheel barrow

Mga Pamana ng Kabihasnang Egyptian

Ang mga sinaunang Egyptian ay nag-iwan ng mga kahanga-hangang


monumento ng kanilang kabihasnan. Narito ang mga mahahalagang ambag ng
sinaunang kabihasnang Egyptian.

13
Ang pyramid ay nagsisilbing
monumento ng kapangyarihan ng mga
pharaoh at huling hantungan sa
kanilang pagpanaw. Ang mga piramide
ay hitik sa mga simbolismong
relihiyoso.
 Great Pyramid of Giza –
pinakamalaki, pinakamataas at
pinakamarangal na piramideng
ipinatayo ni Khufu noong 2600
BCE. Kabilang ito sa tinaguriang
Great Pyramid of Giza Seven Wonders of the Ancient
World.
Hieroglyphics ay ang sistema
ng pagsulat na nalinang ng mga
eskribano, na nangangahulugang
“sagradong ukit” o hieratic sa wikang
Greek. Ang hieroglyphics ay nakasulat
hindi lamang sa mga papel kundi
nakaukit din sa mga pampublikong
Hieroglyphics gusali o kaya naman ay nakapinta sa
luwad o kahoy. Ang panulat na ito ay
naging mahalaga sa pagtatala at
kalakalan. Ang mga rolyo ng
pergamino o paper scroll ay mula sa
mala-tambong halaman na tinatawag
na papyrus.

Mummification ang katawan


ng isang yumao ay sumasailalim sa
isang preserbasyon bago ito tuluyang
ilibing. Ang mga Egyptian ay
gumagamit ng kemikal upang
patuyuin ang bangkay. Matapos nito,
ang isang mummy o embalsamadong
bangkay ay pinipintahan, binabalutan
ng linen, at pinapalamutian ng alahas.

Mummification
 Kalendaryo na may 365 araw sa
isang taon na hinati sa 12 buwan.
 Geometry
Iba pang kontribusyon
 Medisina tulad ng pagsasaayos ng
nabaling buto
 Paggamit ng chariot o karong

14
pandigma

Pagyamanin

Gawain 1: Flower Chart


Pumili ng isang kabihasnan at ibigay ang limang (5) mahahalagang kontribusyon
nito sa Daigdig gamit ang Flower Chart. Kopyahin ang flower chart sa sagutang
papel at isulat ang iyong sagot sa bawat talulot ng bulaklak.

Gawain 2: Maglakbay Tayo!


Tukuyin ang kabihasnang pinagmulan ng mga sumusunod na ambag na makikita
sa bawat chariot. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

15
A B

clay tablet seismograph


araro silk
water clock chopsticks

C. D.

paper scroll Arthasastra

kalendaryo Taj Mahal

chariot Ayurveda

Gawain 3: Makabuluhang Pamana!


Makikita ang tunay na kabuluhan ng kasaysayan kung maiuugnay ang mga
pangyayari ng nakaraan sa kasalukuyan. Ilahad ang kahalagahan sa kasalukuyan
ng mga pamana ng sinaunang kabihasnan. Isulat ang iyong sagot sa sagutang
papel.

16
Kabuluhan sa Kasalukuyan:
Paggamit ng
gulong ___________________________________
___________________________________

Kabuluhan sa Kasalukuyan:
Pagbuo ng
sistema ng ___________________________________
pagsulat ___________________________________
___________________________________
___________________________________

Kabuluhan sa Kasalukuyan:
Pagkaimbento ng
kalendaryo ___________________________________
___________________________________
___________________________________
___________________________________

Kabuluhan sa Kasalukuyan:
Paggamit ng
araro sa ___________________________________
pagsasaka ___________________________________
___________________________________
___________________________________

Kabuluhan sa Kasalukuyan:
Paglikha ng mga
bangka at layag ___________________________________
___________________________________
___________________________________
___________________________________

Gawain 4: Triple Matching Type

17
Buoin ang triple matching type sa pamamagitan ng pagpili ng mga konsepto mula
sa Hanay A at Hanay C na kaugnay ng kabihasnan na nasa Hanay B. Isulat ang
iyong sagot sa sagutang papel.

A C
Taj Mahal B Sistemang Caste

Great Pyramid Mesopotamia Zoroastrianismo

Forbidden City Egypt Hinduismo

Ziggurat Tsino Monoteismo

Grand Canal Indus mummification

Hanging Garden Confucianismo

Gawain 5: Tri-Question Approach


Sagutin ang mga sumusunod na katanungan batay sa iyong pagkaunawa sa
aralin. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

Anong mga Kahanga-hanga Paano nakatulong


katangian ang ba ang ginawa ng sa mga Pilipino
taglay ng mga mga sinaunang ang mga pamana
sinaunang tao tao sa paglikha ng mga sinaunang
upang magawa nila ng iba’t kabihasnan tulad
ang mga bagay ibang kagamitan ng araro, gulong,
na naging upang mapatatag
mga kaalamang
pamana nila sa ang kanilang
pangmedisina at
kasalukuyang kabihasnan?
iba pa?
panahon? Bakit?

Gawain 6: Konsepto Ko, Buoin Mo!

18
Tukuyin ang mga konseptong inilalarawan sa pamamagitan ng pagpuno ng
wastong titik sa loob ng mga kahon. Gawing gabay ang mga titik na nasa loob ng
kahon. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

G M 1. Epikong itinuturing bilang kauna-unahang


akdang pampanitikan sa buong Daigdig.

H U 2. Matandang relihiyon na nagmula sa India

3. Embalsamadong bangkay na pinipintahan,


M binabalutan ng linen at pinapalamutian ng
alahas

G A 4. Ang kaisipang ito ay ukol sa tamang


pagbabalanse ng yin at yang

P N 5. Pangunahing produktong iniluluwas ng mga


Tsino noon

P Y 6. Halamang pinagmumulan ng paper scroll ng


mga Egyptian

G Y 7. konseptong napakahalaga upang sukatin


ang lupa, planuhin ang istruktura at iba pa.

A D 8. Isang mahalagang kaisipang pangmedisina


ng sinaunang India.

G 9. Ang pagkatuklas nito ay nagpadali sa


paggawa ng mga banga.

S G M 10. Matandang sistema ng matematika kung


saan ang pagbibilang ay nakabatay sa 60.

Isaisip

19
Isulat ang tamang impormasyon upang mabuo ang buod ng aralin. Isulat ang
iyong sagot sa sagutang papel.

Ang mga sinaunang kabihasnang umusbong sa


Daigdig ay nag-iwan ng kani-kanilang mga pamana sa
sangkatauhan.

Ang ilan sa mga kilalang ambag na nagmula sa


Mesopotamia ay ang mga sumusunod
_________________________________. Samantala pinagyaman
ng India ang panitikan ng Daigdig sa pamamagitan ng
___________________________________ na kanilang ambag sa
panitikan. Gayundin, ang bawat dinastiyang nangibabaw sa
China ay may mga kontribusyon sa pagpapayabong ng
kulturang Tsino. Naimbento nila ang
_______________________________ na ginagamit pa rin sa
kasalukuyang panahon. Sa kabihasnang Egypt naman
naitayo ang ________________________________ na itinuturing
na isa sa Seven Wonders of the Ancient World.

Sa kabuoan, masasabi na naging matagumpay ang


mga sinaunang kabihasnan sa Daigdig sapagkat nakapag-
iwan ang mga ito ng mga pamana na hanggang sa
kasalukuyan ay napakikinabangan.

Isagawa

Ilahad ang kahalagahan ng pagkakaimbento ng papel sa mga sumusunod batay sa


iyong sariling pagkaunawa. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

20
Kahalagahan ng pagkakaimbento ng papel

Sa iyo, bilang isang Sa ating lipunan: Sa Daigdig:


mag-aaral:
___________________ ___________________
___________________
___________________ ___________________
___________________
___________________ ___________________
___________________
___________________ ___________________
___________________
___________________ ___________________
___________________

Tayahin

Basahing mabuti ang bawat tanong. Piliin ang titik ng wastong sagot at isulat ito
sa iyong sagutang papel.

1. Alin sa sumusunod ang sinaunang paniniwala ng mga pinunong Tsino na may


pahintulot ang langit na pamunuan ng emperador ang China?
A. Divine Origin C. Mandate of Heaven
B. Devaraja D. Caliph
2. Aling relihiyon ang pinalaganap ng mga Persiano sa Mesopotamia?
A. Kristiyanismo C. Budismo
B. Islam D. Zoroastrinismo
3. Alin sa sumusunod ang isang tulang epiko tungkol sa kadakilaan ni Prinsipe
Rama at ang pagsagip niya kay Prinsesa Sita?
A. Mahabharata C. Ayurveda
B. Arthasastra D. Ramayana
4. Ano ang isa sa mga pinakaunang isinulat na batas sa kasaysayan at
naglalaman ng 282 batas ng Babylonia?
A. Kodigo ni Hammurabi C. Kodigo ni Naram Sin
B. Kodigo ni Sargon D. Kodigo ni Cyrus the Great
5. Alin sa sumusunod ang ibinibigay na eksamin sa mga naglilingkod sa
pamahalaan?
A. Calligraphy C. Sphere of influence
B. Civil Service Examination D. Cuneiform
6. Ano ang akdang isinulat ni Kautilya tungkol sa pamahalaan at ekonomiya?

21
A. Ayurveda C. Epic of Gilgamesh
B. Arthasastra D. Ramayana
7. Ano ang libingan ng hari sa Ehipto na hitik sa mga simbolismong relihiyoso?
A. Hanging Garden C. Memorial Park
B. Dome D. Pyramid
8. Alin ang tumutukoy sa tinipong himnong pandigma, mga sagradong ritwal, mga
sawikain, at mga salaysay?
A. Mahabharata C. Ayurveda
B. Vedas D. Ramayana
9. Alin ang ambag ng mga Sumerian na naging malaking pakinabang at gamit sa
transportasyon at pakikidigma?
A. araro C. arko
B. gulong D. bakal
10. Ano ang pilosopiya na hangad ang balanse sa kalikasan at Daigdig at
pakikiayon ng tao sa kalikasan?
A. Confucianism C. Legalism
B. Taoism D. Buddhism
11. Aling estruktura ang nagsilbing tanggulan laban sa mga tribong nomadiko sa
hilagang China?
A. Ziggurat C. Pyramid
B. Great Wall D. Grand Canal
12. Sa anong halaman nagmumula ang mga rolyo ng pergamino o paper scroll ng
mga Egyptian?
A. Abaca C. papyrus
B. Cacao D. punong-kahoy
13. Anong relihiyon ang itinatag ni Siddharta Gautama na naging malaking salik sa
pagpapayaman sa kultura ng India?
A. Budismo C. Kristiyanismo
B. Hinduismo D. Jainismo
14. Ano ang estrukturang ipinatayo ni Shah Jahan bilang alaala ng kanyang
minamahal na asawang si Mumtaz Mahal?
A. Forbidden City C. Taj Mahal
B. Great Wall D. Grand Canal

15. Alin sa sumusunod ang itinuturing bilang kauna-unahang akdang


pampanitikan sa buong Daigdig?
A. Code of Hammurabi C. Epic of Gilgamesh
B. Code of Ur-Nammu D. Enuma Elish

Karagdagang Gawain

Sagutin upang mas higit na mapagtibay ang natutuhan sa aralin. Isulat ang iyong
sagot sa sagutang papel.

22
1. Anong aral ang iyong natutuhan
sa naging katangian at kakayahan ng mga sinaunang tao na
mapaunlad ang kanilang pamumuhay?

2. Pumili ng dalawang (2) ambag ng


sinaunang kabihasnan at ilahad ang kapakinabangang dulot nito sa
iyo bilang isang kabataan sa kasalukuyang panahon.

Napiling Ambag: Napiling Ambag:


____________________________ ____________________________

Kapakinabangan: Kapakinabangan:
____________________________ ____________________________
____________________________ ____________________________
____________________________ ____________________________

Susi sa Pagwawasto

23
Egypt – Great Pyramid
Mummification
SUBUKIN Gawain 2 Monoteismo
1. B 9. C
2. B 10. A A. Mesopotamia Gawain 5
3. D 11. D B. Tsino
4. A 12. A C. Egypt Batay sa sariling
5. B 13. C D. Indus pagkaunawa ng mga mag-
6. B 14. A aaral ang kasagutan
7. A 15. A Gawain 3
8. A Gawain 6
Batay sa sariling 1. Gilgamesh
TUKLASIN pagkaunawa ng mga mag- 2. Hinduismo
Batay sa sariling aaral ang kasagutan 3. Mummy
pagkaunawa ng mag-aaral 4. Geomancy
ang kasagutan Gawain 4 5. Porcelana
Mesopotamia – Ziggurat 6. Papyrus
Gawain 1 Hanging Garden 7. Great Pyramid
Zoroastrianismo 8. Ayurveda
Batay sa sariling Indus – Taj Mahal 9. Gulong
pagkaunawa ng mag-aaral 10.Sexagesimal
ang kasagutan Sistemang Caste
Hinduismo

ISAISIP
ISAGAWA KARAGDAGANG GAWAIN
Mesopotamia – cuneiform
Ziggurat Batay sa sariling Batay sa sariling
Gulong pagkaunawa ng mag-aaral pagkaunawa ng mag-aaral
Water clock ang kasagutan ang kasagutan
Unang mapa
Indus – Ayurveda
Arthashastra TAYAHIN
Ramayana at 1. C 11. B
Mahabharata 2. D 12. C
Tsino – seda 3. D 13. A
Kalendaryo 4. A 14. C
Chopsticks 5. B 15. C
Pamaypay 6. B
Paying 7. D
Compass 8. B
Wheelbarrow 9. B
Egypt – Great Pyramid 10.B

Sanggunian

Blando Rosemarie C. et al. Kasaysayan ng Daigdig. Vibal Group, Inc.


DEPED Complex Meralco Avenue, Pasig City. 2014.

Camagay, Ma. Luisa T. et al. Kabihasnan ng Daigdig Kasaysayan at Kultura.

24
Vibal Publishing House, Inc. 1253 Gregorio Araneta Avenue,
Quezon City. 2010.

K to 12 Curriculum Most Essential Learning Competencies in Araling


Panlipunan. Deped Learning Portal
https://lrmds.deped.gov.ph/detail/18275

Kasaysayan ng Daigdig Araling Panlipunan. Modyul ng Mag-aaral. Department


of Education-Instructional Materials Council Secretariat. Deped Complex
Meralco Avenue, Pasig City. 2014.

Mateo, Grace Estela C. et al. Kabihasnang Daigdig: KAsaysayan at Kultura.


Vibal Publishing House, Inc. 1253 Gregorio Araneta Avenue,
Quezon City. 2006.

Mercado, Michael M. Sulyap sa Kasaysayan ng Daigdig. St. Bernadette Publishing


House Corporation. 173 Rodriguez S. Ave. Kristong Hari, 1112 Quezon City.
2009.

Pana-Panahon III. Kasaysayan ng Mundo. Rex Printing Company, Inc. P.


Florentino Sta. Mesa Heights, Quezon City. 2005.

Project EASE Araling Panlipunan III, Modyul 3 Ang Mga Unang Kabihasnan
http://www.lrmds.depedldn.com/DOWNLOAD/MODYUL_03
UNANG_KABIHASNAN.PDF

25
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education Region III – Learning Resources


Management Section (DepEd Region III-LRMS)
Office Address: Diosdado Macapagal Government Center
Maimpis, City of San Fernando (P)

You might also like