You are on page 1of 2

Cherylen A.

Gida
Impormatibo

Social Media: Modernong Pakikipag-uganayan


Sa bawat henerasyon ng makabagong teknolohiya ay maraming kahalagahan
ang naiaambag nito sa ating pamumuhay sa pang araw-araw. Hindi maipagkakaila
na ang mga social media ay isa sa naging produkto ng makabagong panahon, at
kasabay nito ang pag- usbong ng modernong kabataan.
Ang social media ay isang daan upang makipag-ugnayan o makipagkaibigan sa
isang tao kahit hindi mo nakikita. Ito ay may malaking kontribusyon sa ating
pakikipagkomunikasyon sa mga taong nasa malalayong lugar. Sa ngayon, ay hindi
natin lubos maisip ang pang-araw-araw na buhay nang walang ginagamit na social
media sa kadahilanang ito ay kakambal na ng ating mga gawain.
Maraming kabataan ang natutulungan at patuloy na tinutulungan ng
teknolohiyang ito, tulad na lamang ng mga kabataan na hindi masyadong outgoing,
mga taong gustong magtipid sa entertainment, mga taong gustong makahanap ng
sideline income (online shop), mga taong naghahanap ng ibang impormasyon at mga
taong gustong sumikat sa tulong ng social media. Dahil sa pagkauso ng social media
mas lalo nitong naimpluwensyahan ang nakararami tulad na lang ng mga kabataan
ngayon na lubos na nahuhumaling dito. Isa sa mga mabuting epekto ng social media
sa kabataan ngayon ay easy access o madaling paraan upang makapagpalaganap o
makapagbahagi ng impormasyon o mga balita na interesado ang lahat na malaman,
kagaya ng suspension ng klase, mga balita tungkol sa showbiz at mga babasahin na
marami tayong matutunan.
Ang social media ay tulay na nagdudugtong sa atin sa kasalukuyan dahil ito ang
nagbabahagi ng bagong ideya o kaisipan, at dinudugtong din ng social media ang
kasalukuyan sa hinaharap sa pamamagitan ng mga impormasyong tungkol sa
makabagong teknolohiya, mga balita tungkol sa mga pagbabagong makaka-
impluwensya sa hinaharap at mga matutunang kaalaman na makapagpapaunlad sa
ating kinabukasan.
Naratibo
No, Not Again
Nagulat ako nang bumati ka. Ilang taon na ba?
Isa, dalawa… ah! Lima! Limang taon na mula ng huli
tayong magkita. “Mabuti naman”. Ngumiti ka. Katulad
ng dati, nakakadala. Tatanungin sana kita kaya lang
may lumapit sayo. Sabi nya, “Babe! Kanina ka pa ba?
Sorry ha? Traffic kase e”. Ngumiti kalang. Ang ganda
n’ya naman. Para s’yang human version ni Aphrodite.
Tapos napansin ko yung heart shaped pin sa phone lace
n’ya. Gusto ko sanang itanong, “Natatandaan mo pa
ba, binigyan mo din ako ng ganyan dati ‘di ba? “Kaso
nagpaalam ka na. “Salamat nga pala”, nasambit ko na
lang habang pinapanood ko kayong kainin ng
distansya. Naalala ko ang lahat ang noon. Lahat ng
ginawa ko para sa’yo. Lahat hanggang sa ako ay hindi
na ako. Kaso yung kwento natin pinagkaitan ng happy
ending. Nag-end na nga, hindi pa happy. Pero masaya
ako, para sayo at para sa ‘kin, pero hindi para sa atin.
Narealize ko na lang, okay na pala ako dati pa. kahit
no’ng wala ka. “Uy! Nand’yan ka parin pala. Tara uwi
na tayo?” Sa pagpihit ko sa kanya ay nakalimutan kita.
Mali pala. Nakalimutan na uli kita.

Gida, Cherylen A.
ABM II

You might also like