You are on page 1of 4

Ang social media ay iisa lamang sa napakaraming paraan kung paano

nakokonekta ang ang iba’t-ibang tao at naipapalaganap ang


kulturang Pilipino. Bagama’t ito ay iisa lamang, ito naman ay
may pinakamalaking naiaambag sa parte ng populasyon ng mga taong
gumagamit, hindi lamang sa Pilipinas, kung hindi sa buong mundo. Maraming
iba’t-ibang klase ng websayt o aplikasyon ang social media, tulad ng
facebook, messenger, twitter, instagram, at iba pa.

Ang Facebook ay isang social media websayt o aplikasyon na ginagamit ng


karamihan sa pakikipag-usap, sa pakikipag-ugnayan, at sa pagbabahagi ng
kani-kanilang karanasan o pananaw sa buhay. Maaari rin itong maging daan
ng karunungan sa bawat isa.

Sa kasalukuyan, ang facebook ay ginagamit hindi lamang sa pakikipag-


ugnayan, ngunit pati narin sa akademikong pag-aaral ng mga estudyante
dahil mas napapabilis nito ang gawa kahit na magkakalayo sa isa’t-
isa. Halimbawa na lamang ay tuwing may asignatura, ito ay maaaring gamitin
upang malaman ng mga miyembro ng klase kung ano ang kanilang mga
kinakailangang gawin para sa mga susunod na araw.

Katulad naman nito ay ang Messenger na kadalasang ginagamit ng mga


estudyanteng gumagawa ng pang-grupong proyekto. Dito, nakakapag-usap
ang mga estudyante tungkol sa kanilang gagawin at maaari rin ditong
maibahagi ang iba’t-ibang dokumento na kanilang kakailanganin.

Samantalang ang instagram at twitter naman ay nakapagpapalaganap ng


wika sa pamamagitan ng mas malikhaing paraan. Ang instagram ay
gumagamit ng mga litrato upang maipamahagi ang personal na saluobin at
siya namang nilalagyan ng pamagat upang mas maintindihan ng makakakita
ang nilalaman ng isang post. Sa instagram maipakikita ang lalim ng isang
litrato sa pamamamagitan ng pamagat. Maaari mang maiksi o mahaba, ngunit
ang nilalaman ay siyang nagpapalinaw sa kahulugan o layunin ng litrato.

Ang twitter naman ay mas nagpopokus sa salita–dito kadalasang


ipinahahayag ng mga gumagamit ang kanilang mga personal na
saluobin. Ang isang twitter post ay limitado lamang sa 140 na karakter kung
kaya naman bawat salitang gagamitin ay dapat piliin ng mabuti nang sa gayun
ay maging makahulugan ito sa kabila ng maiksing pahayag.
Sa pamamagitan ng mga aplikasyong ito ay naipapalaganap ng mga Pilipino
ang kanilang wika, maaaring sa pormal o impormal na paraan. Napauunlad
ng social media ang wikang Filipino sapagkat nailalabas ng mga Pilipino ang
kanilang sariling damdamin kasabay ng pagkatuto nilang piliin ng mabuti ang
kanilang salitang gagamitin.

Nagagamit rin ang mga aplikasyong ito sa paghihikayat sa kapwa na gamitin


ang ating wika sa maayos na paraan. Sa kabila ng mabubuting naidudulot ng
social media ay ang mga negatibong epekto ito tulad ng pagkasira ng
identidad ng ating wika. Dahil sa pagsilang ng makabagong wika, iba’t-ibang
mga salita ang nabubuo sa kasalukuyan ngunit karamihan dito ay bulgar o
impormal.

Bagama’t may mga negatibong epekto ang social media sa pagpapaunlad ng


wikang Filipino, ang impluwensya ng social media sa sangkatauhan ay malaki
parin ang naitutulong sa pagpapaunlad ng wikang Filipino.

syung Panlipunan
Ang Isyung Panlipunan ay tumutukoy sa mga problemang kasalukuyang
kinakaharap ng isang lipunan. Ang mga problema o isyung ito ay maaaring
magkaroon ng epekto sa mga mamamayan sa nakakaranas na lipunan.  
Narito ang ilan sa mga halimbawa ng isyung panlipunan na kadalasang
nararanasan ng maraming bansa:
Korapsyon - Isa ito sa mga pangunanhing isyung kinakaharap ng mga bansa
na mahirap solusyunan dahil ang mismong namumuno o may katungkulan sa
pamahalaan ang kasangkot.  
Diskriminasyon - Isyung kadalasang nararanasan dahil sa pagkakaroon ng
pagkakaiba ng bawat indibidwal.  
Edukasyon - Kadalasang nakakaranas nito ay ang mga bansang kabilang sa
pinakamahirap.  
Polusyon - Dahil sa patuloy na pagdami ng populasyon, kasabay rin nito ang
patuloy na paglaganap ng polusyon sa kapaligiran.  
Kahirapan - Malaking porsyento ng mga bansa sa mundo ang nakakaranas
ng masidhing kahirapan.

Binigay na stub para sa bigas binawi . ito ang pahayag ni aling perlita
constantino, 53 at residente ng barangay sinulatan, guimba, nueva ecija.
Nagtatanong si aling perlita kung bakit ang ibinigay na stub noong umaga ay
binawi bandang hapon nang araw ding iyon (February 7).
Umali.
Sinasabing si aling perlita umano ay purok leader ni cuevas-sta.ana sa aming
barangay

Movie: "Four Sisters and a Wedding"


Linya: Pero bakit parang galit ka? Pero bakit parang kasalanan ko? Eh sa
totoo lang naman ako nga yung inggit na inggit sainyong lahat. Kasi meron
kayo nung mga bagay na sana meron din ako. - Bobbie (Bea Alonzo)
Paliwanag:
Ang linyang ito ang tumatak sa aking isipan na kung babalikan ko kung bakit
ay isa lang ang rason. Dahil ako ay nakakarelate ng husto sa puntong ito ng
karakter ni Bea Alonzo. May pag kakataon kasi sa buhay natin na isipin man
ng iba na nasa iyo na ang lahat pero ang hindi nila alam may mga bagay pa
rin naman na wala sa iyo, na hindi ka perpekto, na walang perpekto. Sa aking
karanasan, marami akong inggit sa iba na sana mayroon din ako na mayroon
sila. Kaya naman ang linyang ito ang naisip ko. Ang pelikulang ito ay
maganda at puno ng aral, sa pamilya, relasyon, pag kakamali at pag
papatawad. Isa na marahil ang pelikulang ito sa matatawag na 'iconic' mula
sa pag ganap ng mga artista sa karakter nila, sa takbo ng kuwento at sa aral
na matututunan sa pelikulang ito. Hanggang ngayon ang aral ng pelikulang ito
ay patuloy na dala ng nakakarami.

You might also like