You are on page 1of 2

ENRICHMENT ACTIVITY

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 6
Quarter 2

Pangalan: ________________________________Baitang at Seksyon:___________Iskor:_________

Pagpapahalaga at Pagtupad sa Responsibilidad

Gawain sa Pagkatuto Bilang 5: Basahin ang sitwasyon sa ibaba. Lagyan ng tsek ( ) kung ito ay
nagpapakita ng pagtupad sa pangako o kasunduan; ekis ( ) naman kung hindi.

_____ 1. Nagdriwang ng ika- 12 kaarawan si Martha. Hindi nakadalo ang kanyang kaibigang si
Alicia dahil nakalimutan niya ito.
_____ 2. Bagama’t hirap sa buhay, pinilit pa rin ni Mang Berto na bumili ng masarap na pagkain
bilang pasalubong kay Anthony gaya ng pangako niya sa anak.
_____ 3. Hindi na nakikipag-away si Solomon ayon sa napag-usapang kasunduan nilang
magkaibigan.
_____ 4. Nasabi sa sarili ni Imelda na makikiisa siya sa mga gawain sa bahay bilang usapan nilang
magkapatid.
_____ 5. Humiram ng laruan si Andres sa kapitbahay na si Chester. Hindi niya ito isinauli.
_____ 6. Sumama si Jessie sa mga kaibigan dahil napagkasunduan nilang bisitahin ang isa pa
nilang kaklase.
_____ 7. Nakalimutan ni Aimee na i-text ang nanay pagkarating sa training venue tulad ng
ipinangako niya.
______ 8. Nagalit si Beth sa kaibigan dahil hindi ito pumunta sa pinagkasunduan nilang palaraun.
_______ 9. Nagtatampo si Rye sa kanyang tatay dahil hindi umuwi sa araw na ipinangako nito.
_______ 10. Tuwang-tuwa si Michelle dahil ibinili siya ng kanyang nanay ng ipinangakong laruan na
pinakapangarap niya.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 6: Suriin at pagnilayan ang liriko ng awiting “Pananagutan” na


isinulat ni Rev. Fr. Eduardo Pardo Hontiveros, SJ. Pumili ng dalawang miyembro ng inyong pamilya
at basahin sa harapan nila ang liriko ng awitin. Pagkatapos ay kapanayamin ang mga ito gamit ang
mga tanong sa ibaba.

Pananagutan
Walang sinuman ang nabubuhay, para sa sarili lamang
Walang sinuman and namamatay, para sa sarili lamang
Tayong lahat ay may pananagutan sa isa’t isa
Tayong lahat ay tinipon ng Diyos Na kapiling nya.

1. Mula sa liriko ng awiting “Pananagutan”, ano ang mensahe ang nais nitong iparating sa atin?

__________________________________________________________________________________________

2. Bakit mahalaga na tumupad sa pangako o kasunduan?

__________________________________________________________________________________________

3. Naranasan mo na bang hindi natupad ang pangako o kasunduang binitiwan ng iyong kapwa sa
iyo? Ano ang ginawa mo hinggil dito?

__________________________________________________________________________________________

4. Naniniwala ka ba na sa bawat pangakong ating binibitiwan ay may kaakibat itong pananagutan?


Ano ang pananagutan para sa iyo?

__________________________________________________________________________________________

5. Ano ano ang mga hakbang na dapat gawin upang makatupad sa iyong mga pangako?

__________________________________________________________________________________________

File Layout by DepEd Click


File Layout by DepEd Click

You might also like