You are on page 1of 22

lOMoARcPSD|30124961

Piling Larang Techvoc-Q1-WEEK 1 for student

Bioethics (Don Mariano Marcos Memorial State University)

Studocu is not sponsored or endorsed by any college or university


Downloaded by Ricardo Lazo (ricardolazo766@gmail.com)
lOMoARcPSD|30124961

12

Filipino sa Piling Larang


(Tech-Voc)
Unang Markahan – Modyul 1:
KAHULUGAN, LAYUNIN, GAMIT,
KATANGIAN AT ANYO NG TEKNIKAL-
BOKASYUNAL NA SULATIN

Downloaded by Ricardo Lazo (ricardolazo766@gmail.com)


lOMoARcPSD|30124961

Filipino – Ikalabindalawang Baitang


Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 1: Kahilugan, Layunin, Gamit, Katangian at Anyo ng
Teknikal-Bokasyunal na Sulatin
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban
sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga
ito.

Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anumang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Salvacion N. Barot
Editor: Clinton T. Dayot, Shem Don C. Fabila, Ana Melissa T. Venido, Gelyn I. Inoy,
Melle L. Mongcopa, Arlene L. Decipolo
Tagasuri: Ana Melissa T. Venido, Gelyn I. Inoy, Melle L. Mongcopa, Shem Don C. Fabila,
Clinton T. Dayot, Arlene L. Decipolo
Tagalapat: Romie G. Benolaria, Rodjone A. Binondo
Tagapamahala: Senen Priscillo P. Paulin, CESO V Renante A. Juanillo
Fay C. Luarez, TM, Ed.D., Ph.D. Rosela R. Abiera
Nilita L. Ragay, Ed.D Maricel S. Rasid
Adolf P. Aguilar, CESE Elmar L. Cabrera

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Department of Education –Region VII Schools Division of Negros Oriental

Office Address: Kagawasan, Ave., Daro, Dumaguete City, Negros Oriental


Tel #: (035) 225 2376 / 541 1117
E-mail Address: negros.oriental@deped.gov.ph

Downloaded by Ricardo Lazo (ricardolazo766@gmail.com)


lOMoARcPSD|30124961

12

Filipino sa Piling Larang


(Tech-Voc)
Unang Markahan – Modyul 1:
KAHULUGAN, LAYUNIN, GAMIT,
KATANGIAN AT ANYO NG TEKNIKAL-
BOKASYUNAL NA SULATIN

Downloaded by Ricardo Lazo (ricardolazo766@gmail.com)


lOMoARcPSD|30124961

Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Filipino 12 ng Alternative Delivery


Mode (ADM) Modyul para sa araling Kahulugan, Layunin, Gamit, Katangian at
Anyo ng Teknikal-Bokasyunal na Sulatin!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang
gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at


malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong


ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala,
panulong o estratehiyang magagamit sa
paggabay sa mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-


aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at
itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.

ii

Downloaded by Ricardo Lazo (ricardolazo766@gmail.com)


lOMoARcPSD|30124961

Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Filipino 12 ng Alternative Delivery Mode (ADM)


Modyul ukol sa Kahulugan, Layunin, Gamit, Katangian at Anyo ng Teknikal-
Bokasyunal na Sulatin!

Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin. Sa


pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at
magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na
ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga
kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay
nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin


nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa
pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong
laktawan ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas
na suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa


malayang pagsasanay upang mapagtibay
ang iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

iii

Downloaded by Ricardo Lazo (ricardolazo766@gmail.com)


lOMoARcPSD|30124961

Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o


pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing


makatutulong sa iyo upang maisalin ang
bagong kaalaman o kasanayan sa tunay na
sitwasyon o realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o


masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
Gawain panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa


lahat ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng
anumang marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit
ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang
gawaing napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga
gawain at sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang
pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos
nang sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na
ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy.
Maaari ka rin humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda
mong kapatid o sino man sa iyong mga kasama sa bahay na mas
nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.

iv

Downloaded by Ricardo Lazo (ricardolazo766@gmail.com)


lOMoARcPSD|30124961

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

Downloaded by Ricardo Lazo (ricardolazo766@gmail.com)


lOMoARcPSD|30124961

ALAMIN

KAHULUGAN, LAYUNIN, GAMIT, KATANGIAN AT ANYO


NG TEKNIKAL – BOKASYUNAL NA SULATIN

MGA KASANAYANG
PAMPAGKATUTO

1. Nabibigyang-kahulugan ang teknikal at bokasyunal na sulatin


(CS_FTV11/12PB-0a-c-105)
2. Nakikilala ang iba’t ibang teknikal-bokasyunal na sulatin ayon sa:
a.) Layunin b.) Gamit c.)Katangian d.) Anyo e.) Target na gagamit
(CS_FTV11/12PT-0a-c-93)

PANIMULA

Magandang araw! Kumusta?

Nasa bahagi ka na ng iyong pag-aaral sa Senior High School na


kailangan mo ng sumulat ng iba’t ibang teknikal-bokasyunal na sulatin
bilang paghahanda sa iyong sarili anuman ang ang iyong maibigang
tahakin. Ano-anong mga sulating teknikal-bokasyunal ang iyong
nasubukang sulatin?

Ang modyul na ito na iyong bubuklatin ay naglalaman ng mga


gawain at mga talakayan hinggil sa kahulugan, layunin, gamit, katangian
at anyo ng teknikal-bokasyunal na sulatin. Magkakaroon ka ng
pagkakataon ngayon na tuklasin ang mundo ng mga sulating ito.

Kung handa ka na, ituon ang sarili sa tatahakin mong bagong


kaalaman. Ihanda mo rin ang iyong bolpen at kuwaderno para sa inihandang
mga gawain.

Downloaded by Ricardo Lazo (ricardolazo766@gmail.com)


lOMoARcPSD|30124961

MGA LAYUNIN

Sa katapusan ng modyul na ito, inaasahan na ikaw ay:


1. Nakapagpapayaman ng kahulugan, layunin, gamit, katangian at anyo ng
teknikal-bokasyunal na sulatin;
2. Nakabubuo ng pagsusuri sa alinman sa mga teknikal bokasyunal na sulatin
batay sa layunin, gamit, katangian at anyo.
3. Nakagagawa ng maingat at matibay na pagsisiyasat sa mga teknikal-
bokasyunal na sulatin nang may pansariling paghahanda.

SUBUKIN

PANIMULANG
PAGTATAYA

Panuto: Isulat ang tamang sagot sa inyong papel. Titik lamang ang isulat.

1. Tumutukoy ito sa mga sulating bunga ng mga iba’t ibang pag-aaral,


mahabang iginugol na pananaliksik at bunga ng mga eksperimentong ulat.
A. referensyal C. jornalistic
B. akademiko D. teknikal

2. Ito’y uri ng pagsusulat na masasabing paglalahad ng isang tao sa kaniyang


mga naranasan at gusto pang naranasan sa buhay na nagbibigay sa kaniya
ng magagandang alaala.
A. referensyal C. jornalistic
B. akademiko D. teknikal

3. Ginagamit bilang pakikipag-ugnayan na nasa isang organisasyon.


A. Liham-Pangangalakal C. Liham Pangkaibigan
B. Liham Pagbati D. Liham Paanyaya

Downloaded by Ricardo Lazo (ricardolazo766@gmail.com)


lOMoARcPSD|30124961

4. Ang mga sumusunod ay ang mga dapat isaalang-alang sa pagsulat ng


katitikan maliban sa isa.
A. energizer C. mga detalye sa napag-usapan
B. bilang ng mga sumang-ayon D. agenda

5. Ang mga sulating ito ay isang uri ng pakikipagtalastasan sa anumang disiplina


na ang pangunahing tungkulin ay makabuo ng isang tiyag na impormasyon sa
tiyak na obdyektib sa particular na mambabasa o grupo ng mambabasa.
A. referensyal C. jornalistic
B. akademik D. teknikal

6. Nakalagay dito ang pangalan, posisyon at titulo ng sumulat.


A. Katawan ng Liham C. Lagda
B. Pamuhatan D. Bating Pangwakas

7. Ito ay pangalan ng kompanya, ares, telepono, fax, telefax at iba pa.


A. Katawan ng Liham C. Lagda
B. Pamuhatan D. Bating Pangwakas

8. Ito ay araw, buwan at taon kung kalian isinulat ang isang liham.
A. Katawan ng Liham C. Lagda
B. Pamuhatan D. Bating Pangwakas

9. Ito ay ang pangalan ng tao na padadalhan ng mensahe. Para kanino ba ang


sulat?
A. Patunguhan C. lagda
B. Petsa D. Bating Pangwakas

10. Nakapaloob dito ang paggalang ng sumulat sa sinulatan.


A. Patunguhan C. lagda
B. Petsa D. Bating Pangwakas

Magaling! Nasubukan mong gawin


ang Panimulang Pagtataya. Ngayon ay
magsisimula na tayo sa ating
paggalugad ng bagong kaalaman.

Downloaded by Ricardo Lazo (ricardolazo766@gmail.com)


lOMoARcPSD|30124961

TUKLASIN

GAWAIN 1

Panuto: Suriin ang prosesong nakapaloob sa kahon. Sagutin ang mga tanong at
isulat ang iyong sagot sa kuwaderno.

Hakbang sa Paggawa ng Manwal

May siyam na hakbang na kailangan sundan upang maging mabisa ang


ginagawang manwal.

1. Tukuyin ang layunin ng manwal sa pamamagitan ng paggamit ng sino, ano,


kailan, saan, bakit, at paano.
2. Kolektahin ang impormasyon mula sa mga eksperto.
3. Uriin at ayusin ang impormasyon.
4. Magpasya sa naaangkop na disenyo para sa manwal.
5. Gumawa ng isang script o balangkas.
6. Isulat ang manwal.
7. Ipakita ito sa mga taong maaring gumamit o sa iyong editor.
8. Ilathala ang manwal.
9. Baguhin ang manwal kung ito ay may mga mali o nakalilitong instruksyon.

Mga Tanong:

1. Anong uri ng sulatin ang mabubuo sa mga hakbang na nakapaloob sa


kahon sa itaas?
2. Madali ba itong gawin? Ibigay ang iyong ganting galaw.
3. Sino-sino ang gumagamit ng ganitong sulatin? Bakit?

Downloaded by Ricardo Lazo (ricardolazo766@gmail.com)


lOMoARcPSD|30124961

SURIIN

PAGSUSURI

1. Naging madali ba sa iyo ang gawain 1? Bakit?


2. Sa iyong palagay, nakatulong ba sa iyo ang gawain upang magkaroon ka ng
ideya sa paksa na iyong aaralin? Pangatwiran.

PAGYAMANIN

PAGLALAHAD

Pag- aaralan mo ngayon ang tungkol sa kahulugan, layunin, gamit, katangian


at anyo ng teknikal-bokasyunal na sulatin.

Ayon kay Renzo Martin (June 30, 2016),ang Teknikal-Bokasyonal na Sulatin


ay isang komunikasyong pasulat sa larangang may espesyalisadong bokabularyo
tulad ng isang agham, inhenyera, teknolohiya, at agham pangkalusugan.

Karamihan sa gamit nito ay upang makalikha ng teksto na mauunawan nang


malinaw. Maliban dito ang teknikal na pasulat ay tiyak at tumpak lalo na sa
pagbibigay ng panuto. Ito ay payak dahil sa hangarin. Ito ay kailangang maging
malinaw, maunawaan at kumpleto ang binibigay na impormasyon. Kailangan ding
walang maling gramatikal, walang pagkakamali sa bantas at may angkop na
pamantayang kayarian.

Downloaded by Ricardo Lazo (ricardolazo766@gmail.com)


lOMoARcPSD|30124961

Layunin ng Teknikal-Bokasyonal na Pagsulat


 Upang magbigay alam.
 Upang mag-analisa ng mga pangyayari at implikasyon nito.
 Upang manghikayat at mang-impluwensya ng desisyon.
 Impormatibong pagsulat o expository writing
 Malikhaing pagsulat
 Mapanghikayat na pagsulat o persuasive writing

Gamit ng Teknikal-Bokasyonal na Pagsulat

 Upang maging batayan sa desisyon ng namamahala


 Upang magbigay ng kailangang impormasyon
 Upang magbigay ng intruksyon
 Upang magpaliwanag ng teknik
 Upang mag-ulat ng natamo (achievement)
 Upang mag-analisa ng may suliraning bahagi (problem areas)
 Upang matiyak ang pangangailangan ng disenyo at Sistema
 Upang maging batayan ng pampublikong ugnayan
 Upang mag-ulat sa mga stockholders ng kumpanya
 Upang makabuo ng produkto
 Upang makapagbigay ng serbisyo
 Upang makalikha ng proposa

Katangian ng Teknikal-Bokasyonal na Sulatin:


 May espesyalisadong bokabularyo
 Tiyak
 Tumpak
 Malinaw
 Nauunawaan
 Kumpleto ang impormasyon
 Walang kamaliang gramatikal
 Walang kamalian sa bantas
 Angkop na pamantayang kayarian
 Di-emosyonal
 Obhetibo

Anyo ng Tek-Bok na Sulatin:

 Naratibong ulat
 Feasibility Study
 Promo materials
 Deskripsyon ng produkto
 Paggawa ng Manwal

Downloaded by Ricardo Lazo (ricardolazo766@gmail.com)


lOMoARcPSD|30124961

Target na gagamit ng Teknikal-Bokasyunal na Sulatin


 mga organisasyon
 mga paaralan at iba’t ibang institusyon
 iba’t ibang uri ng teknikal bokasyunal na trabaho
 atbp.

Mga Gawain

Panuto: Sagutin ang mga tanong nang may kawastuhan. Isulat sa kuwaderno ang
iyong sagot.

1. Magbigay ng saliring pagpapakahulugan ng teknikal-bokasyunal na sulatin


batay sa iyong natutuhan sa araling ito.

2. Mahalaga ba sa isang Tech-Voc na sulatin ang pagiging mapanghikayat?


Patunayan.

3. Masasabi mo bang ang promo material ay isang Tech-Voc na sulatin?

4. Maliban sa nabanggit sa itaas, sino-sino pa sa tingin mo ang target na


gagamit ng Tech-Voc na sulatin?

5. Bakit mahalagang malikhain ang pagsulat ng Tech-Voc na sulatin?

Downloaded by Ricardo Lazo (ricardolazo766@gmail.com)


lOMoARcPSD|30124961

ISAISIP

Kaukulang kahalagahan sa
pagiging mapanuring manunulat. Ang
lahat ng bagay o pangyayari ay may
kaakibat na layunin bagkus dapat
nating kamtan. Dapat isaalang-alang
ang mga gamit, anyo, at target na
gagamit upang makakagawa o
makasusulat ng matagumpay at
maayos na sulatin.

ISAGAWA

PAGLALAPAT

Panuto: Suriin ang isang halimbawang teknikal-bokasyunal na sulatin (promo


material) batay tsart sa ibaba. Isulat ang iyong pagsusuri sa iyong kuwaderno.
Tingnan ang pamantayan sa ibaba bilang gabay sa pagsusuri.

Downloaded by Ricardo Lazo (ricardolazo766@gmail.com)


lOMoARcPSD|30124961

https://bit.ly/3grOWri

URI NG TEKNIKAL NA SULATIN

GAMIT ANYO

1. 1.

2. 2.

3. 3.

4. 4.

5. 5.

TARGET NG GAGAMIT

Downloaded by Ricardo Lazo (ricardolazo766@gmail.com)


lOMoARcPSD|30124961

KARAGDAGANG
GAWAIN

PAGPAPAYAMAN

Panuto:
Subukang gumawa ng sariling sulatin na naayon sa anyo ng tek-bok na sulatin.
Pumili lamang sa mga anyo ng sulatin kung anong sulatin ang nais pag-aaral.

REFLEKSIYON

Sa isang buong papel, isulat ang iyong refleksiyon


tungkol sa paksa na iyong natutunan.

10

Downloaded by Ricardo Lazo (ricardolazo766@gmail.com)


lOMoARcPSD|30124961

TAYAHIN

PANGWAKAS NA
PAGTATAYA

Tama o Mali
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod. Isulat sa kuwaderno ang iyong sagot.

____1. Ang teknikal na pagsulat ay isang komunikasyong pasulat sa larangang may


espesyalisadong bokabularyon tulad ng sa agham, inhenyera, teknolohiya,
at agham pangkalusugan.
____2. Karamihan sa teknikal na pasulat ay di-tiyak at di-tumpak sa pagbibigay ng
panuto.
____3. Ang paggawa ng teknikal na pagsulat ay upang mag-analisa ng mga
pangyayari at implikasyon nito.
____4. Ang paggawa ng teknikal na sulatin ay kailangang maging malinaw,
maunawaan, at kumpleto ang binibigay na impormasyon. Kailangan ding
walang maling gramatikal, walang pagkakamali sa bantas at may angkop na
pamantayang kayarian.
____5. Ang teknikal na Pagsulat ay upang manghikayat at mang-impluwensya ng
desisyon.
____6. Ang gamit ng Tek-bok na sulatin, ay upang maging batayan sa desisyon ng
namamahala.
____7. Ang gamit ng Tek-bok na sulatin ay upang matiyak ang pangangailanagan
ng disenyo at Sistema.
____8. Isa sa mga anyo ng Tek-bok na sulatin ay ang Feasibility study.
____9. Naratibong ulat ay isa sa mga anyo ng teknikal na sulatin.
____10. Ang gamit ng teknikal na sulatin ay upang makapagbigay ng serbisyo at
upang makalikha ng proposal.

11

Downloaded by Ricardo Lazo (ricardolazo766@gmail.com)


Downloaded by Ricardo Lazo (ricardolazo766@gmail.com)
12
Unang Gawain:
1. D
2. B
3. A
4. A
5. D
6. B
7. B
8. B
9. A
10. D
Mga Gawain
(Ang pagmamarka sa iba pang mga gawain, ay nakadepende na sa guro kung ilang puntos ang
kanyang ibibigay.)
Pangwakas na Pagtataya
Tama o mali:
1. Tama
2. Mali
3. Tama
4. Tama
5. Mali
6. Tama
7. Tama
8. Tama
9. Tama
10. Tama
SUSI SA PAGWAWASTO
lOMoARcPSD|30124961
lOMoARcPSD|30124961

MGA SANGGUNIAN

Renzo martin. “Kahalagahan ng teknikal-bokasyunal na sulatin.”June 30,2016.


https://renzomartin.wordpress.com/2016/06/30/kahalagahan-ng-teknikal-
bokasyonal-na-sulatin/
Group 2 ICTH. ”Teknikal Bokasyonal na Slatin”, June 26,2017.
https://teknikalbokasyonalnasulatin.wordpress.com/2017/06/26/first-blog-
post/

LM (sanayang aklat sa Piling Larangan)

Sandy Ghaz.” Bahagi ng LIham”, July 24,2019.


https://philnews.ph/2019/07/24/bahagi-ng-liham-5-bahagi-ng-liham-mga-
halimbawa/

Jayyuuveewaii.Brainly “ Katitikan ng pulong”, June 25,2017.


https://brainly.ph/question/643246

13

Downloaded by Ricardo Lazo (ricardolazo766@gmail.com)


lOMoARcPSD|30124961

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Schools Division of Negros Oriental


Kagawasan, Avenue, Daro, Dumaguete City, Negros Oriental

Tel #: (035) 225 2376 / 541 1117


Email Address: negros.oriental@deped.gov.ph
Website: lrmds.depednodis.net

Downloaded by Ricardo Lazo (ricardolazo766@gmail.com)

You might also like