You are on page 1of 7

Republic of the Philippines

Department of Education
Region 2
Schools Division of Isabela
District of Roxas West
ROXAS WEST CENTRAL SCHOOL

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 3
UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT
SY 2023-2024

TALAHANAYAN NG ISPESIPIKASYON
Pamantayan sa Bilang Bahag- Bilang

Understanding
Remembering

Analyzing

Evaluating
Applying
ng Araw ng

Creating
dan
Pagkatuto % Aytem

1. Nakatutukoy ng
natatanging
kakayahan 3,4,
5 16.66 5 1,2
Hal. talentong ibinigay ng 5
Diyos
EsP3PKP- Ia – 13
2. Nakapagpapakita ng mga
natatanging kakayahan nang 9,10
5 16.66 5 7 8
may pagtitiwala sa sarili
EsP3PKP- Ia – 14
3. Napahahalagahan ang
13,
kakayahan sa paggawa 5 16.66 5 11,12 15
EsP3PKP- Ib 15 14
4. Nakatutukoy ng mga
damdamin na
16
nagpapamalas ng katatagan 18,
ng
5 16.66 5 17
19
20
kalooban
EsP3PKP- Ic – 16
5. Nakagagawa ng mga
wastong kilos at
23,
gawi sa pangangalaga ng
21, 24,
sariling kalusugan at 5 16.66 5
22 25,
kaligtasan.
EsP3PKP- Ie – 18

6. Nakasusunod sa mga
pamantayan/ 27, 29,
5 16.66 5 26,
tuntunin ng mag-anak 28 30
EsP3PKP- Ii – 22

TOTAL 30 100% 30 12 12 6 6 2 2
Prepared by: Checked and Verified by:

DEVORAH A. DAQUIOAG WALDO M. QUIDASOL


Teacher III Master Teacher I
Noted by:

AMMEFELY B. NAGUM
School Principal II

Republic of the Philippines


Department of Education
Region 2
Schools Division of Isabela
District of Roxas West
ROXAS WEST CENTRAL SCHOOL

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 3
UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT
SY 2023-2024

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat tanong. Piliin ang titik ng tamang sagot.

1. Ano ang kakayahang ipinapakita sa larawan?

A. paglalaro ng basketball
B. pagsasayaw
C. pag-awit
D. paglangoy

2. Alin sa mga sumusunod natatanging kakayahan ang kayang gawin ng isang batang katulad
mo?
A. magdrowing C. magpalipad ng eroplano
B. magmaneho ng trak D. magtayo ng bahay

3. Alin sa mga sumusunod na natatanging kakayahan ang HINDI kayang ipamalas ng isang
batang katulad mo?
A. magaling umawit C. marunong magdrowing
B. marunong sumayaw D. magaling magmaneho

4. Mahusay gumuhit si Luis. Marami na siyang naiguhit Tuwang-tuwa siyang ipinakikita ito
sa ibang bata. Masaya din siyang natutuwa ang mga kaibigan sa ginawa niya. Ano ang
kakayahang ipinakita ni Luis?
A. mahusay kumanta C. mahusay maglaro ng chess
B. magaling magluto D. mahusay gumuhit

5. Ano ang iyong gagawin upang malinang ang iyong kakayahan?


A. Huwag sumali sa sayaw para sa programa ng paaralan.
B. Mahihiya akong sumali sa patimpalak kasi ako’y nerbyoso.
C. Makilahok sa mga palatuntunan upang mahasa ang talento.
D. Hahayaan ko na lang na iba ang sumali kasi natatakot ako.

6. Dapat bang ipakita ang ating kakayahan sa iba?


A. Opo B. Hindi po C. Pwede poD. Huwag na lang po.

7. Magkakaroon ng paligsahan sa pag-awit. Alam mo na may kakayahan ka sa pag-awit. Ano


ang gagawin mo?
A. Huwag ipakita ang kakayahan. C. Mahiyang sumali.
B. Sumali ng buong husay. D. Huwag sumali.

8. Si Arnel ay batang may kapansanan sa paglalakad. Napakahusay niyang gumuhit. Kung


ikaw ang nasa kalagayan niya, sasali ka ba sa paligsahan sa pagguhit?
A. Opo, dahil kailangang patunayan ko ang aking kakayahan.
B. Hindi, dahil baka di ako Manalo.
C. Hindi, dahil nahihiya ako.
D. Opo, dahil takot ako sa guro

9. Lahat ng iyong kamag-aral ay marunong sumayaw. Ang buong klase ay naatasang


magpakita ng kakayahan sa pagsayaw. Ano ang gagawin mo?
A. Magsasabi ng tunay sa guro na iba ang taglay na kakayahan.
B. Magmumukmok sa isang sulok.
C. Sasali at ipakita ang kakayahan.
D. Iiyak at tatakbo.

10. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng natatanging kakayahan nang may lakas ng
loob?
A. Kinakabahan dahil baka pagtawanan.
B. Sumayaw ng may kompyansa sa sarili.
C. Nahihiya sa harap ng maraming tao.
D. Natatakot sa pag-akyat sa entablado.
11. Ang isang batang katulad mo ay dapat bang tumulong sa mga gawaing bahay?
A. Opo. B. Hindi po. C. Minsan po. D. Di na kailangan po.

12. Alin sa mga sumusunod ang maaari mong maitulong sa bahay?


A. Maghugas ng plato.
B. Mag-araro sa bukid.
C. Magbuhat ng mabigat na refrigerator.
D. Gumawa ng silongan ng alagang hayop.

13. Ano ang gagawin mo kapag inutusan kang magsaing ng kanin sa inyong bahay?
A. Ako ay magdadabog.
B. Ako ay aalis at makikipaglaro sa kapitbahay.
C. Matutulog kunwari ay di ko narinig ang utos.
D. Gagawin ko ang iniutos sa akin para makatulong sa bahay.

14. Ang lahat ng mga matatandang kapatid mo ay may kanya-kanyang responsibidad na


gawain sa bahay, bilang bunso sa inyong magkakapatid, ano ang iyong magagawa?
A. Maglalaro lamang ako sa ‘cellphone’.
B. Susunod sa kanilang mga utos para sila’y matulungan ko.
C. Manonood lamang ako ng telebisyon.
D. Papanoorin lamang sila.
15. Bakit kailangan ng isang katulad mo ang matuto sa mga gawaing bahay?
A. Para mabigyan ng gantimpala kapag nakatapos ng gawain.
B. Para wala nang gagawin si nanay.
C. Upang di ko na kailangan ng katulong.
D. Upang ako’y matuto at kailangan ko ito sa aking paglaki.

16. Ito ay katangian na nagpapakita ng kakayahang harapin ang anumang gawain o


sitwasyon nang walang takot o alinlangan.
A. tatag ng loob C. pagka-matiyaga
B. katapangan D. pagkamalakas

17. Ang pahayag na “ang kailangan mo’y tibay ng loob kung mayro’ng pagsubok man” ay
.
A. tama B. mali C. di-tiyak D. wala sa nabanggit

18. Kung may nararanasang suliranin, dapat na .


A. mawalan ng pag-asa C. magkaroon ng maraming pera
B. magkaroon ng pag-asa D. sumuko na lamang

19. Masasabing matatag ang iyong kalooban kung .


A. nakikinig ka kapag pinagsasabihan at nagsisikap magbago
B. umiiyak kapag natatalo
C. hindi ka humihingi ng tawad kapag nagkakamali
D. nagtatampo ka kung pinagsasabihan sa maling nagawa

20. Palatandaan ng katatagan ng kalooban ang .


A. hindi pagpapadala sa pakikipag-away
B. pag-amin sa nagawang pagkakamali
C. pagtanggap ng pagkatalo
D. lahat ng nabanggit

21. Alin sa mga sumusunod na larawan ang HINDI nagpapakita ng wastong pangangalaga sa
sarili?

A. C.

B. D.
22. Ang lugar na ito ay nagbibigay ng libreng serbisyo. Ano ang ipinatayo nila?
A. Paaralan B. Plaza C. Health Center D. Mall

23. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng pangangalaga sa kalusugan?


A. Laging nagbabasa ng aklat.
B. Laging kumakain ng “imported chocolates”.
C. Laging nagpapatingin sa doktor.
D. Laging nagpupuyat.

24. Alin ang hindi nakapipinsala sa katawan at isip?


A. Paglalasing
B. Pagpupuyat
C. Pagkain ng prutas at gulay.
D. Pag-inom ng sobrang gamut.

25. Ano ang dapat gawin upang mapangalagaan mo ang iyong sarili?
A. pagtulog ng hatinggabi
B. paglalaro ng mobile games maghapon
C. kumain nang matatamis tulad ng kendi at tsokolate
D. pagkain ng masusustansiyang pagkain

26. Ang mga kilos o gawain na dapat sundin ng lahat ng kasapi ng pamilya ay matatawag na
.
A. tuntunin B. utos C. pakiusap D. responsibilidad

27. Ang maaaring maging mabuting dulot ng pagkakaroon ng tuntunin sa tahanan ay


.
A. kaayusan B. kaguluhan C. pagkakanya-kanya D. katahimikan

28. Alin sa mga sumusunod ang iyong tuntunin bilang anak?


A. Makipaglaro lagi sa mga kaibigan
B. Maglaan ng sapat na oras para sa pag-aaral
C. Sumama sa barkada sa paglakwatsa
D. Paninigarilyo at pagsusugal

29. Ang pagsunod sa tuntunin sa tahanan ay naipakikita ni .


A. Rena, na lumalabas pa rin ng bahay upang maglaro
B. Felix, na hindi nakikipag-away sa mga kapatid
C. Emil, na ayaw paawat sa paglalaro sa cellphone
D. Anton, na laging uma-absent.
30. Ang mga sumusunod ay wastong tuntunin sa tahanan, MALIBAN sa
A. tumulong sa mga gawaing bahay
B. maging magalang sa pakikipag-usap
C. ipagpaliban ang pagsunod sa utos
D. magtipid sa paggamit ng tubig, kuryente, at iba pa

Answer Key: ESP 3 Q1 Periodical Test

1. B 11. A 21. B
2. A 12. A 22. C
3. D 13. D 23. C
4. D 14. B 24. C
5. A 15. D 25. D
6. A 16. A 26. A
7. B 17. A 27. A
8. A 18. B 28. B
9. C 19. A 29. B
10. B 20. D 30. C

You might also like