You are on page 1of 2

Bukod sa Noli Me Tangere at El Filibusterismo, marami pang mga akda si Jose Rizal na dapat

nating alamin at pag-aralan tulad na lamang ng sanaysay at mga tula. Ito ay ilan sa mga halimbawa
na isinulat ni Jose Rizal.

“Sa aking mga kabata”

Ito ay isinulat ni Jose Rizal noong siya ay pitong taong gulang pa lamang.
Ang tulang ito ay nagbibigay-diin sa kahalagahan ng pagpapahalaga sa sariling wika at
kultura. Dahil ito ay nagiging pundasyon ng pagkakakilanlan ng bansa at pagkakaisa ng
mga Pilipino.
Ito ay ay isang paalala sa atin na mahalin at ipagmalaki ang wikang kinagisnan
Ito ay isang napakahalagang aral na dapat matutunan ng mga kabataan upang mapanatili
ang kulturang Pilipino.

Ang “Mi Prima Inspiracion”

Ito ay isinulat ni Rizal noong siya ay 14 na taong gulang.


Ito ay ang unang tulang isinulat niya sa kanyang ikatlong taong akademiko sa Ateneo de
Municipal at ito ay nakasulat sa wikang espanyol.
Sa tula ni Jose Rizal na "Mi Primera Inspiracion," ipinapahayag niya ang kanyang
pagmamahal at pasasalamat sa kanyang ina na si Donya Teodora.
Ipinahayag din ni Rizal ang kanyang matinding paghanga sa kanyang ina dahil sa
dedikasyon at sakripisyo nito upang mapabuti ang kanilang buhay.
Ito ay nagbigay inspirasyon sa kanya upang maging matatag at mabuti.

Ang “Sa Kabataang Pilipino”

Ito ay isinulat ni Rizal noong siya ay 18 na taong gulang sa Unibersidad ng Santo Tomas.
Ipinapakita dito ang pagpapahalaga ni Rizal sa edukasyon, ang pagiging mapanuri, at
determinado.
Sa pamamagitan ng tulang ito, hinikayat niya ang mga kabataan na maging aktibo at gamitin
ang angking talino upang tayo ay maging bahagi ng pag-unlad ng bansa.
Ito rin ay isang mahalagang paalala para sa mga kabataan na sila ay may malaking papel sa
pagpapaunlad ng bansa.

Alam naman natin na;


Noong 1882, sumali si Jose sa isang Spanish-Filipino Circle kung saan hiniling sa kanya
na sumulat ng isang tula.
Ang tulang ito ay pinamagatang "Me Piden Versos" o Ang Humingi ng isang talata na
kung saan ipinahayag nito ang kanyang kalungkutan habang umiiyak.

Sa kanyang tula na "Un Recuerdo a Mi Pueblo" o "In Memory of My Town,"


ipinapahayag ni Jose Rizal ang kanyang pagmamahal at pangungulila sa kanyang bayan sa
Calamba Laguna
at ang kanyang mithiin na makapagbigay ng pagbabago at pag-unlad sa ating bansa
Binigyang diin din ni Rizal sa kanyang tula na ang tunay na pagmamahal sa bayan ay hindi
lamang nasa mga salita kundi sa mga gawa at pagsisikap para sa pagbabago.

Ang tula na Mga Bulaklak ng Heidelberg


ay isinulat ni Rizal noong abril 22, 1886.
Ang tula ay isinulat ni Rizal dahil sa kanyang paghanga sa ganda ng bulaklak sa tabi ng
Neckar River na may pangalan na nangangahulugan na kalimutan-ako hindi.
Subalit, hindi lamang ito isang simpleng paghanga sa kalikasan.
Subalit ang mga bulaklak ay sumisimbolo rin sa kabutihan at karunungan na dapat
taglayin ng bawat Pilipino.
Ang "Awit kay Maria Clara"
Ito ay isang tula na matatagpuan sa nobelang "Noli Me Tangere" ni Jose Rizal.
Alam naman natin na si Maria Clara ay isa sa mga karakter ng Noli
Ang pangunahing mensahe ng tula ay ang pagmamahal at pagkamakabayan ni Jose rizal sa
ating bansa at ang pagpapakita ng pagmamalasakit sa mga kababayan.

Ang kanta ng manlalakbay

Ito ay ang tula ni Jose Rizal na nagsasalaysay tungkol sa kalungkutan ng isang imigrante.
Sa tula, ipinapakita ni Rizal ang pagkakaiba ng kanyang karanasan sa paglalakbay at ang
karanasan ng isang imigrante.
ang mensahe ng tula ay tungkol sa pagmamahal sa sariling bayan at ang pangarap na
makabalik ulit sa kanyang bayan.

Ang "Mi Ultimo Adios"


ay ang huling akdang pampanitikan ni Jose Rizal at isa ito sa kanyang mga pinakatanyag
na akda.
Sa pamamagitan ng tula, ipinahayag niya ang kanyang mga huling salita bago siya
patayin ng mga Kastila.
Sa kanyang huling sandali, ipinapakita ni Rizal ang kanyang pagmamahal sa Pilipinas at
sa mga mamamayan nito.
Ipinakita din ni Rizal sa tulang ito ang kanyang pag-asa na balang araw ay magiging
malaya ang Pilipinas mula sa mga mananakop.

You might also like