You are on page 1of 6

Republic of the Philippines

SULTAN KUDARAT STATE UNIVERSITY


College of Teacher Education
ACCESS CAMPUS, EJC Montilla, Tacurong City
Sultan Kudarat

Banghay Aralin sa Araling Panlipunan 7


(Mahahalagang Pangyayari Sa Sinaunang Panahon Sa Kanlurang Asya)
By: Catherine D. Pauya
I. Layunin

Pagkatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay dapat na;

1. Nasusuri ang mga sinaunang Imperyo sa Kanlurang Asya;


2. Natutukoy ang mahahalagang pangyayari sa sinaunang panahon sa Kanlurang
Asya;
3. Nakakagawa ng mapa ng konsepto tungkol sa Pag-unlad/Kontribusyon ng mga
Imperyo sa Kanlurang Asya (Sumerian, Akkadian, Babylonian, Assyrian,
Chaldean)

II. Nilalaman
1. Paksa: Mahahalagang Pangyayari sa Sinaunang Panahon sa Kanlurang Asya
2. Sanggunian: Araling Panlipunan 7 – Araling Asyano, AP 7 Quarter 2,
Talahanayan 1.1 Talahanayan ng Sibilisasyon at Imperyo sa Kanlurang Asya
3. Mga kagamitan: Powerpoint Presentation,Laptop, TV, Printed Materials, Pentle
Pen
4. Pagpapahalaga: Mapanuri, Mapagmasid at Magbigay pansin sa mga
mahahalagang pangyayari sa sinaunang panahon sa Kanlurang Asya
III. Pamamaraan
A. Mga panimulang Gawain
a) Panalangin
b) Pagbati
c) Pagtatala ng lumiban
d) Mga Panuntunan sa klase

1. Balik – Aral

Bago tayo dumako sa ating bagong aralin, sino ang makakapagbigay kung ano
ang ating tinalakay noong nakaraang araw?
2. Pagganyak
BUUIN MO AKO!
Mayroon akong ipapakita na mga salita, ngunit ito ay hindi nakaayos. Mahuhulaan kaya
ninyo ito?
Kumpletuhin ang mga salita sa pamamagitan ng paghahanap ng mga nawawalang titik
sa kanilang mga katumbas na numero na nakasulat sa ibaba, at sa sandaling nahanap
mo ang numerong iyon makikita mo kung anong titik ang nawawala.
Halimbawa:
A __ Y __ 1 2 3 4
2 4 C S B A
Sagot: ASYA
S __ M E __ I __ __ 1 2 3 4 5 6 7
3 1 6 4 R B U N S A Y
1) Sagot: SUMERIAN

__ __ K A __ I A __ 1 2 3 4 5 6 7 8
2 5 1 4 D A S N K E L M
2) Sagot: AKKADIAN

B __ __ Y L __ __ __ A N 1 2 3 4 5 6 7 8 9 10
3 6 2 1 4 N O A I C B H G E R
3) Sagot: BABYLONIAN

A __ __ Y R I __ __ 1 2 3 4 5 6 7 8
1 2 3 4 S S A N B S D T
4)Sagot:ASSYRIAN

C H __ L D E __ N 1 2 3 4 5 6 7 8
1 4 A K P A B S D T
5) Sagot: CHALDEAN
“Ang inyong mga nabuong salita ay ang mga iba’t ibang imperyong umusbong sa Kanlurang Asya.
Malaki ang tinulong nito sa pangkasalukuyan. Ngayon alamin natin kung saan itong imperyo
nagmula at kung ano ang mga kontribusyon nito sa mga tao”.

3. Panlinang na Gawain (Developmental Activity)

A. Aktibiti

THINK TIME!
Tanong: Ano ang naiisip niyo kapag nakikita ang salitang “Kanlurang Asya”?
PANUTO: Isulat ang mga ideya o opinyon na alam mo tungkol sa “Kanlurang
Asya”.

KANLURANG
ASYA

MAHAHALAGANG PANGYAYARI SA SINAUNANG PANAHON SA


KANLURANG ASYA (Demonstration Effect)
Talahanayan 1.1 Talahanayan ng Sibilisasyon at Imperyo sa Kanlurang Asya

Imperyo Pag-unlad/Kontribusyon Pagbagsak


Sumerian  Cuneiform- unang nabuong Ang pangunahing
3500 BCE Sistema ng panulat. Isa itong dahilan ng paghina ng
uri ng pictorgraph na mga Sumerian ay ang
naglalarawan ng mga bagay madalas na labanan at
na ginagamitan ng may 600 kawalan ng pagkakaisa
pananda sa paguo ng mga ng mga lungsod estado
salita o ideya. nito. Madalas na
 Gulong- sa pagkakatuklas pinagtatalunan nila ang
nito, nagawa nila ang unang patubig at hangganan ng
karuwahe. mga lupain.
 Sistema ng panukat o timbang
at haba- ang Sumerian ang
unang gumamit nito.
 Organisadong puwersa sa
pagtatayo ng mga dike- sila
ang unang nagtatag nito.
Akkadian  Si Haring Sargon, isang Naging mahina ang
(Circ 2700- mananalakay buhat sa Akkad kanilang Sistema nang
2230 BCE) ay nagtatag ng lungsod - pagtatanggol sa
estado para magkaisa ang kanilang teritoryo kaya
mamamayan. Pinalawak niya madali silang nasalakay
ang teritoryo ng Akkad bilang ng mananakop.
pinuno sa pamamagitan nang Kawalan ng tiwala sa
pagsakop sa mga digmaan. mga namumuno kaya
 Pinaunlad ang sistema ng lumikas ang maraming
pagsusulat. mamamayan sa ibang
 Maraming literature ang lugar.
nasalin at umusbong sa
imperyong ito.
Babylonian  Si Hammurabi ang ika-anim Nang pumanaw si
(Circa 1790- na haring Amorite ay Hammurabi naganap
1595 BCE) pinalawak ang kaniyang ang mga pag-atake ng
kaharian na umabot sa Gulp iba’t ibang grupo na
ng Persia. Ang Katipunan ng siyang nagtulak upang
mga batas ni Hammurabi, na maitatag ang
mas kilala bilang Code of pamayanang Hittite sa
Hammurabi ay isa sa Babylonia.
pinakamahalagang ambag ng
mga sinaunang tao sa
kabihasnan. Ang Kodigo ni
Hammurabi ay binubuo ng
282 batas na nagsisilbing
pamantayan ng kabihasnang
Babylonian. Sakop ng
Kodigong ito ang mga
itinuturing na paglabag sa
Karapatan ng mamamayan at
ari-arian nito.
Assyrian  Gamit ang dahas at bakal, Dahil sa kalupitan ng
(Circa 745- lumakas ang puwersa at pamumuno nagkaisa
612 BCE) istratehiya ng mga Assyrian. ang mga Chaldean,
 Pinakaunang pangkat ng tao Medes, at Persian
na nakabuo ng epektibong noong 612 BCE na
Sistema ng pamumuno sa magtulungan upang
imperyo; itaboy ang mga
 Epektibong serbisyo postal; Assyrian. Halos walang
 Maayos at magandang iniwang karangyaan sa
kalsada. Assyria nang lumusob
ang hukbo ni Alexander
the Great pagkalipas ng
300 taon.
Chaldean  Hanging Gardens of Babylon
(612-539 isa sa kahanga-hangang
BCE) tanawin noong sinaunang
panahon, umabot ito sa 75 na
talampakan ang taas,
pinagawa ni Nebuchadnezzar
para sa kaniyang asawang si
Amytis.
 Konsepto ng zodiac at
horoscope.
 Ziggurat- na umabot sa halos
300 talampakan ang taas,
pinangalanang etemenanki at
itinuring na Tore ni Babel sa
Bibliya.

B. Analisis

K-W-L CHART
PANUTO: Lagyan ng kaukulang impormasyon ang hinihingi sa bawat kahon.
Gamitin ang paunang kaalaman at karanasan sa pag-sagot sa mga katanungan.
Mayroon lamang kayong limang (5) minute para tapusin ang gawain.Isulat ang
inyong sagot sa isang buong papel.

KNOW (ALAM) WANT TO LEARN LEARNED


(NAIS MALAMAN) (NATUTUNAN)

C. Abstraksyon

Basahin ng mabuti ang sumusunod na mga katanungan at sagutin ng TAMA


kung ang pangugusap ay tama, at MALI naman kung ang pangungusap ay mali.

1) Cuneiform ang unang nabuong sistema ng panulat ng Imperyong Sumerian.


TAMA
2) Sa imperyong Akkadian si Haring Sargon ang nagtatag ng lungsod-estado para
magkaisa ang mamamayan. TAMA
3) Si Hammurabi ang ikalawang hari ng Amorite sa Imperyong Babylonian. MALI
4) Gamit ang dahs at bakal, lumakas ang puwersa at estratehiya ng mga Assyrian.
TAMA
5) Sa Imperyong Chaldean ay walang konsepto ng zodiac at horoscope. MALI

D. Aplikasyon

Hatiin ang klase sa limang (5) grupo. Gumawa ng mapa ng konsepto na


nagpapakita ng pag-unlad/kontribusyon ng bawat imperyo sa Kanlurang Asya.
Ang bawat pangkat ay bibigyan ng sampung (10) minuto upang makabuo ng
mapa ng konsepto. Pagkatapos gawin, pumili ng isang representanti upang
ilahad sa klase ang inyong gawa.

PANGKAT IMPERYONG GAWAN


PANGKAT 1 SUMERIAN (3500 BCE)
PANGKAT 2 AKKADIAN (Circa 2700-2230 BCE)
PANGKAT 3 BABYLONIAN (Circa 1700-1595 BCE)
PANGKAT 4 ASSYRIAN (Circa 745-612 BCE)
PANGKAT 5 CHALDEAN (612-539 BCE)

Mga rubriks sa presentasyon


Krayterya at Needs Good Very Good
lebel improvement (4 points) (5 points)
(3 points)
1.Accuracy ng Walang Ang ibang Tama ang
impormasyon impormasyong impormasyong impormasyong
nailahad inilahad ay hindi inilahad
tugma.
2.Pagpapaliwana Walang Kinakabahan at Buo ang loob na
g impormasyong nauutal habang ipaliwanag ang
naipaliwanag ipinapaliwanag mga impormasyon
3.Presentasyon Hindi organisado Hindi gaanong Organisado at
at walang organisado ngunit may kaayusan
kaayusan ang may kaayusan ang presentasyon
presentasyon
4.Pakikiisa sa Hindi nakikiisa Kalahati lamang Ang lahat ay
mga miyembro sa ang mga ang naipresenta nagkakaisa sa
kanilang miyembro at nakikiisa ang presentasyon
performance grupo

E. Ebalwasyon

PANUTO: Basahing mabuti ang sumusunod na mga katanungan at isulat ang


titik ng tamang sagot sa inyong papel.
1) Ang mga sumusunod ay tumutukoy sa naging kontribusyon ng Imperyong
Sumerian maliban sa____.
a. Gulong
b. Dike
c. Cuneiform
d. Damit

2) Ang haring ito ay nagtatag ng lungsod-estado sa Imperyong Akkadian para


magkaisa ang mamamayan.
a. Haring Hamumurabi
b. Haring Sargon
c. Haring Nebuchadnezzar
d. Haring Alexander

3) Ito ay isa sa mga naging kontribusyon ng Imperyong Assyrian.


a. Pictograph
b. Lliteratura
c. Maayos at magandang kalsada
d. Hanging Gardens of Babylon
4) Ano ang naging dahilan ng pagbagsak ng Imperyong Sumerian?
a. Ang pagpanaw ni Haring Hammurabi
b. Pagtatalo sa patubig at hangganan ng mga lupain
c. Kawalan ng tiwala sa mga namumuno
d. Ang pagtatag ng pamayanang Hittite sa Babylonia
5) Siya ang ika-anim na haring Amorite na dahilan ng paglawak ng kaharian na
umabot sa Gulpo ng Persia.
a. Haring Hammurabi
b. Haring Sargon
c. Haring Nebuchadnezzar
d. Haring Alexander

F. Takdang Aralin
Magsaliksik tungkol sa iba pang naging Imperyo sa Kanlurang Asya. Isulat sa
inyong kwaderno kung kailan umusbong at kung ano ang kanilang mga naging
kontribusyon sa pag-unlad at dahilan ng pagbagsak nito.

INIHANDA NI:

CATHERINE D. PAUYA
Pre-Service Teacher

ITINAMA NI:
KAREN M. BERDIN
Resource Teacher

You might also like