You are on page 1of 14

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
DIVISION OF BATANGAS
TALISAY SENIOR HIGH SCHOOL
(formerly SHS Within Venancio Trinidad Sr. Memorial Elementary School)
GAWAING PAGKATUTO
Filipino sa Piling Larang (Akademik)
Pagsulat ng Bionote
Pangalan: ____________________________________
Lebel: Grade 11____________________________
Strand/Track: ABM/STEM/HUMSS___________________
Seksiyon: ____________________________________
Petsa: April 19-23, 2021 (Week 5)____________

A. Panimula
Mahalaga na matutunan ang mga hakbang sa pagbuo ng bionote.
B. Kasanayang Pampagkatuto at koda
Naisasagawa nang mataman ang mga hakbang sa pagsulat ng mga piniling akademikong
sulatin (CS_FA11/12PU-0d-f-92
C. Panuto
Inaasahan na ang mga mag-aaral ay isasagawa ang mga sumusunod:
1. Basahin at unawain ang bawat panuto upang masagutan nang maayos ang gawain.
2. Gamitin ang gawaing pagkatuto nang may pag-iingat
3. Tapusin ang bawat gawain at itala ang puntos na maaaring makuha sa bawat gawain.
4. Isulat ang sagot sa hiwalay na sagutang papel.
5. Kung may katanungan, maaaring makipag-ugnayan sa guro sa pamamagitan ng text,
tawag o chat.
D. Pamaraan
Sa loob ng dalawang araw, kailangang matutuhan at maunawaan ang
akademikong pagsulat at makilala ang iba’t ibang akademikong sulatin.
UNANG ARAW

PANIMULA
GAWAIN 1. Panimulang Pagtataya
Panuto: Isa sa pinakamahalaga sa pakikipagkomunikasyon ang magkaroon tayo ng kaalaman
sa ating kausap o kapwa. Sa araw araw maraming mga tao ang nakakasalamuha natin. Mga
taong maaring may ibang pananaw, paniniwala, o personalidad. Sagutin ang katanungan na
nasa kahon. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

1. Naniniwala ka ba sa pahayag na “looks can be


deceiving?”Pangatwiranan.
2. Ano ano ang mga bagay na unang mong inaalam sa isang taong
hindi mo naman kilala?
3. Saan tayo madalas makaririnig ng mga pagpapakilala?

Address: Tumaway, Talisay, Batangas


Contact #: +639778029308/ (043) 416-6027
E-mail Address: talisayseniorhighschool@yahoo.com
1
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
DIVISION OF BATANGAS
TALISAY SENIOR HIGH SCHOOL
PAGPAPAUNLAD

PAGLALAHAD NG ARALIN
Basahin at unawain ang mga impormasyon at konsepto tungkol sa Pagsulat ng Bionote.
Sa mga nagdaang panahon, ang pagpapakilala sa mga susing tagapagsalita
ay lubhang napakahaba at nakababagot para sa mga tagapakinig. Napakaraming
impormasyon ang ibinabahagi, kaya kung minsan, ito ay nakauubos ng oras. Ngayon
ay ipinakilala na lamang ng susing tagapagsalita sa pinakapayak na paraan kaya’t
mahalagang matutunan ang pagsulat ng bionote.

Ang bio ay salitang Griyego na ang ibig sabihin sa Filipino ay “buhay”. Nagmula rin sa
wikang Griyego ang salitang graphia na ang ibig sabihin ay “tala” (Harper 2016). Sa
pagsasanib ng dalawang salita nabubuo ang salitang biography o “tala ng buhay”. Ang
biography ay mahabang salaysay ng buhay ng isang tao. Mula rito ay nabubuo naman ang
bionote.

Ito ay talatang naglalaman ng maikling deskripsyon tungkol sa may akda sa loob ng


karaniwa’y dalawa hanggang tatlong pangungusap o isang talata lamang na madalas ay
kalakip ng artikulo o akdang isinulat ng taong pinatutungkulan (Word-Mart 2009). Isinusulat
ang bionote upang madaling matandaan ang tala ng buhay ng isang tao sa sandaling panahon
ng pagbasa. Tinitingnan ng bionote bilang “bio” o buhay at “note” o dapat tandaan, kaya
masasabing ito ay tala sa buhay na dapat tandaan.

❖ Bionote
Ang bionote ay isang maikling talang pagkakakilanlan sa pinakamahalagang
katangian ng isang tao batay sa kanyang nagawa. Kalimitan itong naririnig ng binabasa
upang ipakilala ang napiling susing tagapagsalita ng palatuntunan.
Ginagamit din ang bionote sa paglalathala ng mga journal, magazine, anatolohiya, at
iba pang publikasyon na nangangailangan ng pagpapakilala ng manunulat o sinumang
kailangang pangalanan.

Mga dapat tandaan sa pagsulat ng bionote


1. Dapat na maikli lamang ang nilalaman
2. Palaging ginagamit ang ikatlong panauhan sa pagtukoy ng taong inilalahad o
inilalarawan sa bionote.
3. Dapat kinikilala ang mambabasa na pagtutuonan sa pagsulat ng bionote.
4. Binibigyang-diin ang pinakamahalagang impormasyon.
5. Bigyang-halaga lamang ang mga angkop na kasanayan o katangian sa pagpapakilala
ng panauhin.
6. Dapat maging tapat sa paglalahad ng susulating impormasyon.

Address: Tumaway, Talisay, Batangas


Contact #: +639778029308/ (043) 416-6027
E-mail Address: talisayseniorhighschool@yahoo.com
2
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
DIVISION OF BATANGAS
TALISAY SENIOR HIGH SCHOOL

Halimbawa ng Bionote:
Si Patrocinio Villafuerte isang guro at manunulat sa Filipino.
Siya ay nagtapos ng Batsilyer sa Agham sa Edukasyong Pang-elementarya at may
sertipikong Gradwado, Masterado sa Sining ng pagtuturo sa Philippine Normal College, siya
rin ay may titulong Masterado sa sining sa Filipino, at may Gawad Merito, na kanyang natamo
mula sa Manuel Luis Quezon University.
Paliwanag:
Siya ay kauna-unahang nagkamit ng Genoveva Edroza Matute Professional Chair in
*Mapapansin natin sa halimbawa ng bionote na mahahalagang impormasyon na lamang ang
Filipino. Nagkamit rin siya ng dalawang Presidential Awards sa Malacañang. Nagtamo ng mga
inilagay. Hindi na kailangan pang ilagay ang kapanganakan o tirahan. Maikli lamang ito at
parangal ng Carlos Palanca Memorial Awards for Literature.
mga katotohanan lamang na impormasyon ang kailangang ilagay. Sa una inilagay ang
Sa kasalukuyan siya ay kilala bilang tagapangulo ng Departamento ng Filipino sa
kanyang propesyon, kasunod ay ang kanyang natapos (pinakamataas na natapos sa
Philippine Normal University.
edukasyon ang ilalagay, hindi na kailangan pang ilagay ang elementarya at sekondarya),
inilagay rin ang kanyang mga karangalan na natamo at sa huling bahagi ay ang kanyang
kasalukuyang trabaho o ginagawa.
Integrasyon (Entrepreneurship)
Sa tingin nyo, ano ang kaibahan ng curriculum vitae at autobiography sa bionote?
Ginagamit natin ang Curriculum Vitae at Autobiography para sa aplikasyon sa trabaho, ngunit
ani nga ba kaya ang kaibahan nito sa bionote?

----Iba ang bionote sa talambuhay at autobiography. Ito ay maikli at siksik, samantalang mas
detalyado at mas mahaba ang talambuhay at autobiography.
----Iba rin ang bionote sa curriculum vitae at biodata. Hinihingi sa biodata ang mga personal
na impormasyon gaya ng pangalan, kasarian, edad, petsa ng kapanganakan, tangkad,
timbang, at iba pa.
----Makikita naman sa CV ang tungkol sa natamong edukasyon, nakaraang trabaho, mga
kasanayan, mga nilahukang seminar o kumperensiya, at iba pa. Karaniwan itong ginagamit
ng mga akademiko.
Ang bionote ay maikli dahil siniksik ang mga impormasyon sa pagsulat ng maikling
paglalahad at itinatampok din lamang ang mga highlights ng kabuoan ng pagkakakilanlan.
Ang bionote naman ay magagamit o makikita sa mga produkto gay ang mga aklat o mga
inilalathalang sulatin kung saan makikita ang pagpapakilala sa may-akda o mahahalagang
taong kasangkot dito.
Ang bionote ay isa sa mga mahahalagang akademikong sulating magagamit sa mga
iba’t ibang pagkakataon lalo na kung ikaw ay nasa larangan ng hanapbuhay. Ito ay isang
marketing tool o strategy.
GAWAIN 2: PAGHAMBINGIN

Address: Tumaway, Talisay, Batangas


Contact #: +639778029308/ (043) 416-6027
E-mail Address: talisayseniorhighschool@yahoo.com
3
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
DIVISION OF BATANGAS
TALISAY SENIOR HIGH SCHOOL
Panuto: Gamit ang Venn diagram, ipaliwanag ang mahahalagang pagkakatulad at
pagkakaiba ng bionote, autobiography, at biodata. Pagkatapos ay bumuo ng konklusyon mula
sa ginawang paghahambing.

Biodata Autobiography

Bionote

IKALAWANG ARAW
PAGPAPALIHAN
GAWAIN 3: PAGSUSURI NG BIONOTE
Panuto: Basahin ang halimbawa ng Bionote sa ibaba at suriin ito. Sagutin ang mga tanong
tungkol dito.
Si Bienvenido Lumbera ay isang tanyag na Pilipinong manunulat, kritiko at dakilang
dramatista.
Nagtapos siya bilang cum laude sa kursong Batsilyer sa Literatura, major sa
Journalism sa Unibersidad ng Santo Tomas noong 1954. Nakamit niya ang digring masteral
at doktoral sa Comparative Literature sa Indiana University sa Estados Unidos.

Kinilala rin siya bilang isang Pambansang Alagad ng Sining sa Panitikan noong 2006.
Nakatanggap ng Gawad Ramon Magsaysay para sa Pamamahayag, Panitikan at Malikhaing
Komunikasyon noong 1993. Nanalo siya ng maraming gawad pampanitikan, kabilang ang
mga Pambansang Gawad sa Aklat mula sa Pambansang Pundasyon sa Aklat, at
ang Carlos Palanca Memorial Award for Literature.

Sa kasalukuyan siya ay Professor Emeritus sa UP Diliman.

Sagutan ang mga sumusunod na tanong.


1. Paano ipinakilala si Bienvenido Lumbera?
2. Ano ano ang mga mahalagang impormasyon ang inilagay tungkol sa kanya?
3. Nakasunod ba sa format ng Bionote ang halimbawa sa itaas? Pangatwiranan.
4. Bakit itinuturing na marketing tool ang bionote?
5. Kung ikaw ay susulat ng iyong sariling bionote, paano mo maipapakita ang iyong
kredibilidad?

PAGLALAPAT

Address: Tumaway, Talisay, Batangas


Contact #: +639778029308/ (043) 416-6027
E-mail Address: talisayseniorhighschool@yahoo.com
4
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
DIVISION OF BATANGAS
TALISAY SENIOR HIGH SCHOOL
GAWAIN 4: PAGBUO NG BIONOTE
Panuto: Magsagawa ng panayam o interbyu sa isang propesyunal o taong may sapat ng
karanasan sa kanyang larangan. Maaring ito ay inyong guro, kapatid, magulang o kaanak na
may mataas na antas na ng edukasyon at nasa larangan na ng kanyang pinagkadalubhasaan,
maari rin naman na opisyal na barangay. may Isaalang-alang ang pagkakaroon ng
katapatan. Pagkatapos ay gumawa ng bionote. Isaalang-alang ang mga dapat tandan sa
pagbuo nito.

*Paalala:
• Hangga’t maari ay ang iinterbyuhin ay alinman sa kasama sa loob ng tahanan basta
kwalipikado o taglay ang hinahanap na mga katangian na nabanggit sa itaas. Habang
isinasagawa ang interbyu sa kasama sa bahay ay sumunod sa mga safety health
protocols.
• Kung wala naming kasamahan sa tahanan na maaring mainterbyu ay maaring isagawa
sa pamamagitan ng virtual, ito ay maaring sa pamamagitan ng text, tawag o chat. Hindi
na kailangan pang lumabas ng bahay.

Pamantayan Puntos (5-4) Puntos (3) Puntos (2) Puntos (1)

1. Organisasyon Malinaw at may May 1-2m bahagi Higit pa sa 2 bahagi Walang kalinawan
pagkakasunod- na hindi naging ang walang at kaayusan
sunod ang malinaw at kalinawan at
impormasyong maayos kaayusan
inilahad paglalahad
pangyayari
2. Binigyang-diin Malinaw na May 1-2 mga Higit pa sa 2 Hindi nabigyang
ang mahalagang inilahad at impormasyon mahalagang diin ang
impormasyon nabigyang-diin ang hindi impormasyon ang mahahalagang
ang nabanggit hindi naisama impormasyon
mahahalagang
mga impormasyon
3. Kawastuhan ng Wasto ang mga May 1-2 mga Higit pa sa 2 mga Walang
Impormasyon impormasyon na impormasyon impormasyon ang kawastuhan ng
nailahad mula sa ang walang hindi tumugma sa impormasyon
kinapakinayam kawastuhan kinapanayam
4. Mekanismo May tamang May 3-4 Higit pa sa 4 mali sa Maraming mali sa
mekaniks pagkakamali sa mekaniks (baybay, mekaniks (baybay,
(baybay, bantas, mekaniks bantas, gamit ng bantas, gamit ng
gamit ng malaki at (baybay, bantas, malaki at maliit na malaki at maliit na
maliit na titik) gamit ng malaki titik) titik)
at maliit na titik)

E. Mga Sanggunian

Address: Tumaway, Talisay, Batangas


Contact #: +639778029308/ (043) 416-6027
E-mail Address: talisayseniorhighschool@yahoo.com
5
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
DIVISION OF BATANGAS
TALISAY SENIOR HIGH SCHOOL

Garcia, Florante C. Filipino sa Piling Larang Akademik. Quezon City. Sibs Publishing
House. 2017

MELC, Filipino sa Piling Larang (Akademik) Applied Subject, PIVOT BOW R4QUBE,
Curriculum Guide: pahina 559

https://tl.wikipedia.org/wiki/Bienvenido_Lumbera
http://panitikan.ph/2018/05/25/pat-villafuerte/
https://www.scribd.com/document/451229391/AKADEMIK-6

Prepared by:

Alreen Mitzchell S. Alvarez


Teacher II

Checked by:

Agnes M.Jumarang
LR Coordinator

Approved by:

Lanny A. Tolentino
Principal II

Address: Tumaway, Talisay, Batangas


Contact #: +639778029308/ (043) 416-6027
E-mail Address: talisayseniorhighschool@yahoo.com
6
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
DIVISION OF BATANGAS
TALISAY SENIOR HIGH SCHOOL
GAWAING PAGKATUTO
Filipino sa Piling Larang (Akademik)
Pagbuo ng Panukalang Proyekto
Pangalan: ____________________________________
Lebel: Grade 11____________________________
Strand/Track: ABM/STEM/HUMSS___________________
Seksiyon: ____________________________________
Petsa: April 26-30, 2021 (Week 6)____________

A. Panimula
Ang panukalang proyekto ay karaniwang gawain ng mga taong nanunungkulan sa
gobyerno o pribadong kompanya na naghahain ng bagong programa na may layuning
magbigay ng dagdag na kita, trabaho, kaayusan sa komunidad, at iba pa.
Nakasalalay sa konteksto ng institusyong paghahainan ng panukala ang magiging
ispesipikong anyo ng isang panukalang proyekto.
B. Kasanayang Pampagkatuto at koda
Naisasagawa nang mataman ang mga hakbang sa pagsulat ng mga piniling akademikong
sulatin (CS_FA11/12PU-0d-f-92)

C. Panuto
Inaasahan na ang mga mag-aaral ay isasagawa ang mga sumusunod:
1. Basahin at unawain ang bawat panuto upang masagutan nang maayos ang gawain.
2. Gamitin ang gawaing pagkatuto nang may pag-iingat
3. Tapusin ang bawat gawain at itala ang puntos na maaaring makuha sa bawat gawain.
4. Isulat ang sagot sa hiwalay na sagutang papel.
5. Kung may katanungan, maaaring makipag-ugnayan sa guro sa pamamagitan ng text,
tawag o chat.
D. Pamaraan
Sa loob ng dalawang araw, kailangang matutuhan at maunawaan ang
akademikong pagsulat at makilala ang iba’t ibang akademikong sulatin.
UNANG ARAW

PANIMULA
GAWAIN 1. PANIMULANG PAGTATAYA
Panuto: May mga bagay sa ating buhay o sarili ang nais pa nating mapaunlad. Gumagawa
at nag-iisip tayo ng plano upang maisakatuparan ito.
Sagutin ang mga tanong sa kahon sa ibaba tungkol sa planong pagpapaunlad ng iyong
sarili. Isulat ang sagot sa bukod na papel.
Ano ang mga bagay na nais mo
pang mapaunlad sa iyong buhay
o sarili?
Bakit gusto mo itong
maisakatuparan?

Address: Tumaway, Talisay, Batangas


Contact #: +639778029308/ (043) 416-6027
E-mail Address: talisayseniorhighschool@yahoo.com
7
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
DIVISION OF BATANGAS
TALISAY SENIOR HIGH SCHOOL
Kailan o gaano katagal ang ilalaan
mo para maisakatuparan ito?
Ano ang mga hakbang na iyong
ginagawa o gagawin upang
maisakatuparan ito?

PAGPAPAUNLAD

PAGLALAHAD NG ARALIN
Basahin at unawain ang mga impormasyon at konsepto ng isang Panukalang Proyekto.
Pagbuo ng Panukalang Proyekto
Ang panukalang proyekto ay karaniwang gawain ng mga taong nanunungkulan sa
gobyerno o pribadong kompanya na naghahain ng bagong programa na may layuning
magbigay ng dagdag na kita, trabaho, kaayusan sa komunidad, at iba pa.
Nakasalalay sa konteksto ng institusyong paghahainan ng panukala ang magiging
ispesipikong anyo ng isang panukalang proyekto.
Karaniwang gawain ng mga taong nanunungkulan sa gobyerno o pribadong kumpanya na
naghahain ng bagong programa na may layuning magbigay ng dagdag na kita, trabaho,
kaayusan sa komunidad at iba pa.

Panukalang Proyekto
Ayon kay Dr. Phil Bartle ng The Community Empowerment Collective ito ay isang
proposal na naglalayong ilatag ang mga plano o adhikain para sa isang komunidad o
samahan.
Ayon naman Besim Nebiu, may akda ng Developing Skills of NGO Project Proposal
Writing, ito ay isang detalyadong deksripsyon ng mga inihahaing gawaing naglalayong
lumutas ng isang problema o suliranin.

Ang panukalang proyekto ay kalimitan gianagamit sa larangang ng entrepreneurship.


Sa pagsulat ng panukalang proyekto mahalagang bigyang-pansin ang mga sumusunod na
tanong:
1. Ano ang nais mong maging proyekto?
2. Ano ang mga layunin mo sa panukalang proyekto?
3. Kailan at saan mo ito dapat isagawa?
4. Paano mo ito isasagawa?
5. Gaano katagal mo itong gagawin?
6. May sapat bang puhunan o kapital para sa proyekto?

Gawing makatotohanan at makatuwiran ang panukalang proyekto at itanghal ang mga


pakinabang na makukuha rito.
Tumutugon sa mabuting kapakanan ng lahat hindi lamang pansarili o iilang tao.

Address: Tumaway, Talisay, Batangas


Contact #: +639778029308/ (043) 416-6027
E-mail Address: talisayseniorhighschool@yahoo.com
8
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
DIVISION OF BATANGAS
TALISAY SENIOR HIGH SCHOOL
Hindi maligoy at kagyat ang paglalahad ng mga detalye tulad ng kahalagahan, katangian,
at iba pang mga datos para sa panukalang proyekto ang nilalaman ng ganitong uri ng
sulatin.

Ang Panukalang Proyekto


Tatlong bahagi:
1. panimula- rasyonal o ang katwiran hinggil sa suliranin o layunin ng proyekto
2. katawan- ipinapaliwanag ang kailangang gawin at iminumungkahing badyet
3. konklusyon- naglalahad ng benepisyong maaring idulot ng iyong proyekto

Matapos isulat ang panukalang proyekto, huwag kalilimutan na nararapat na maglakip ng


liham na humihiling ng pag-sangayon. Ito ay sa kadahilanang kinakailangan ng kasulatan sa
pagpapatibay para sa kautusang pagpapatupad ng proyekto o kontrata.

Pagsulat ng Panimula ng Panukalang Proyekto


• Ang unang mahalagang hakbang na dapat isagawa ay ang pagtukoy sa
pangangailangan ng komunidad o organisasyong pag-uukulan ng project proposal .
• Upang makatulong at makalikha ng positibong pagbabago.
• Magiging tiyak, napapanahon, at akma kung matutumbok ang tunay na pangangailangan
ng
pag-uukulan nito. Sa madaling salita ang pangangailangan ang magiging batayan ng
isusulat na panukala.
• Maisasagawa ang unang bahaging ito sa pamamagitan ng pagmamasid sa pamayanan
o organisasyon.Maaaring magsimula sa pagsagot ng mga tanong.
• Mula sa mga sagot na makukuha sa mga nakatalang tanong ay makakakalap ka ng mga
ideyang magagamit sa pag-uumpisa ng pagsulat ng panukalang proyekto.(mga suliranin)
• Mula sa mga nabanggit na suliranin ay itala ang mga kailangan upang malutas ang
suliranin.

Anu-ano naman ang mga espesipikong laman ng panukalang proyekto?

1. Pamagat- dapat malinaw at maikli halimbawa: “Panukala para sa TULAAN 2016 sa


Pagdiriwang ng Buwan ng Wika”

2. Proponent ng Proyekto- tumutukoy sa tao o organisasyong nagmumungkahi ng


proyekto
3. Kategorya ng Proyekto- Ang proyekto ba ay seminar, o kumprensiya, palihan,
pananaliksik, patimpalak, konsiyerto, o outreach program?
4. Petsa- Kailan ipadadala ang proposal at ano ang inaasahang haba ng panahon upang
maisakatuparan ang proyekto?

Address: Tumaway, Talisay, Batangas


Contact #: +639778029308/ (043) 416-6027
E-mail Address: talisayseniorhighschool@yahoo.com
9
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
DIVISION OF BATANGAS
TALISAY SENIOR HIGH SCHOOL
5. Rasyonal- ilalahad dito ang mga pangangailangan sa pagsasakatuparan ng proyekto at
kung ano ang kahalagahan nito
6. Deskripsyon ng Proyekto- isusulat dito ang panlahat at tiyak na layunin, nakadetalye
dito ang mga pinaplanong paraan upang maisagawa ang proyekto at ang inaasahang
haba ng panahon
7. Badyet- itatala rito ang detalye ng lahat ng inaasahang gastusin sa pagkompleto ng
proyekto
8. Pakinabang- Ano ang pakinabang ng proyekto sa mga direktang maaapektuhan nito-sa
ahensiya o indibidwal na tumulong upang maisagawa ang proyekto?

Halimbawa ng isang Panukalang Proyekto

Pamagat ng Proyekto: Kahaandaan sa oras ng Kalamidad

Kategorya ng proyekto: Ang gawain ay isang seminar para sa mga estudyante bilang
paghahanda sa mga darating na kalamidad

Proponent ng Proyekto: Bb. Rose Ann Mangoba at G. Renz Geronimo

Petsa: Ang seminar ay magtatagal ng 2 oras mula 9:00 ng umaga hanggang 12:00 ng hapon
ng Agosto 17,2018

Rasyonal: Walang nakakaalam kung kailan darating ang isang kalamidad. Sinasabing maari
itong maganap sa hindi inaasahang oras. Kaya’t ang proyektong Kahaandaan sa oras ng
Kalamidad ay napapanahon at hindi mawawala sa uso. Ito ay naglalayong gawing handa ang
mga estudyanteng senior high na mula sa Lagro High School. 100 estudyante ang inaasahang
dadalo sa seminar bilang mga respondente. Maituturing na mapalad ang gagawing
proyektong ito dahil dadalo ang ilang opisyal ng NDRRMC at Red Cross bilang mga speaker.

Deskripsyon ng Proyekto: Ang Seminar ay tinatawag na “Disaster Preparedness” para sa


mga mag-aaral. Ito ay tumutukoy sa mga hakbang o mga dapat gawin bago at sa panahon
ng Kalamidad. Mahalagang malaman ng mga mag-aaral ang mga dapat gawin sa panahon
ng kalamidad. Ipapaliwanag dito ang mga mahahalagang impormasyon upang hindi mailto o
maguluhan ang mga mag-aaral kung paano ang gagawin sa oras ng kalamidad.

Badyet: Sa proyektong ito tinatayang nasa P4,000 ang kabuuang halaga na


inilalaan sa sumusunod na pagkakagastusan.

Aytem Halaga Kabuuan

Honorarium ng Ispiker P2,000 P2,000

Address: Tumaway, Talisay, Batangas


Contact #: +639778029308/ (043) 416-6027
E-mail Address: talisayseniorhighschool@yahoo.com
10
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
DIVISION OF BATANGAS
TALISAY SENIOR HIGH SCHOOL
Pagkain ng Ispiker P500 P500

Sertipiko ng Ispiker na may Frame P200 P200

Sertipiko ng mga Kalahok 2 x P100 P200

Tarpaulin 2 x P550 P1,100

KABUUAN: P4,000

Benipisyong Dulot ng Proyekto (Pakinabang): Ang makikinabang ay mag-aaral ng Lagro


High School Senior High School. Ang layunin ay maging handa ang bawat mag-aaral sa
pagdating ng sakuna o kalamidad

Integrasyon (Entrepreneurship)
Maiuugnay natin ang pagbuo ng panukalang proyekto sa asignaturang
Entrepreneurship pagdating ninyo ng Grade 12, kung saan dito ay itinuturo ang mga
kasanayan sa pagbuo ng isang makabuluhang kabuhayan o negosyo. Kasama sa mga
itinuturo rito ang pagbuo ng panukalang proyekto o proposal project upang magkaroon ng
sistematiko at maayos na pag-oorganisa ng isang kaganapan, plano at/o paggawa na siyang
paksa ng proyekto.
Sa pagsulat ng panukalang proyekto, isipin mo na nakikipag-usap ka sa iyong kliyente
at ang layunin mo ay itanghal ang iyong produkto o serbisyo upang kaniya itong tangkilikin.
Mahalagang matutuhan ang ganitong uri ng akademikong sulatin upang malinang ang
kasanayang mag-isip, magmungkahi, masusing magsiyasat, at magpasiya o bumuo ng
desisyon.

PAGPAPALIHAN
GAWAIN 2: IBAHAGI MO
Panuto: Ano ang pinakahuling proyekto sa inyong paaralan o pamayanan ang iyong
nabalitaan o natatandaang nagdulot ng malaking pakinabang para s aiyo at maraming tao.
Ibahagi o ipahayag mo ang ilang mahahalagang bagay hinggil sa nasabing proyekto sa
pamamagitan sa pagkumpleto sa kahon sa ibaba.

Pangalan/Pamagat ng Proyekto:

Nagpanukala o nanguna sa
proyekto:

Address: Tumaway, Talisay, Batangas


Contact #: +639778029308/ (043) 416-6027
E-mail Address: talisayseniorhighschool@yahoo.com
11
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
DIVISION OF BATANGAS
TALISAY SENIOR HIGH SCHOOL
Lugar kung saan ipinatupad o
isinagawa ang proyekto:

Petsa ng pagpapatupad:

Pakinabang o magandang dulot


ng proyekto:

IKALAWANG ARAW
PAGLALAPAT
GAWAIN 3: PAGBUO NG ISANG PANUKALANG PROYEKTO
Panuto: Bumuo ng pangkat na may limang miyembro. Makipag-ugnayan sa mga kaklase sa
pamamagitan ng chat, tawag o text.
Nabigyan kayo ng pagkakataong manguna sa paggawa ng isang proyektong sa tingin
ninyo ay kailangang kailangang maisakatuparan. Pumili ng isang proyektong nais ninyong
magawa o maipatupad maaring sa inyong pamayanan o sa paaralan. Bilang unang hakbang
ay kailangang sumulat at bumuo kayo ng isang panukalang proyekto upang mahikayat mo
ang kinauukulang suportahan kayong maipatupad ito.

Tandaan ang mga natalakay sa araling ito para sa gagawing sulatin particular ang pagiging
matapat lalo na sa pagbibigay ng badyet sa proyekto.

Ilagay ito sa bondpaper at gawing presentable at maayos ang pagbuo nito.

Sundin ang format sa ibaba.

• Pamagat
• Proponent ng Proyekto
• Kategorya ng Proyekto
• Petsa
• Rasyonal
• Deskripsyon ng Proyekto
• Badyet
• Pakinabang

*Kung walang access sa messenger o walang pagkakatong makausap ang mga kaklase
upang bumuo ng pangkat ay maaring magpatulong sa mga nakakatandang kasama sa bahay.

Address: Tumaway, Talisay, Batangas


Contact #: +639778029308/ (043) 416-6027
E-mail Address: talisayseniorhighschool@yahoo.com
12
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
DIVISION OF BATANGAS
TALISAY SENIOR HIGH SCHOOL
Rubrik sa Pagbuo ng Panukalang Proyekto

Pamantayan Puntos (5-4) Puntos (3) Puntos (2) Puntos (1)

1. Nilalaman ng Malinaw at May 1-2 ang higit pa sa 2 Walang kalinawan ang


Panukalang kumpleto ang kulang sa ang kulang sa nilalaman ng panukala
proyekto nilalaman ng panukalang nilalaman ng
panukala. may proyekto. at panukala. Hindi
kabuluhan hindi gaanong makabuluhan
makabuluhan
2. Katamuhan Makatotohanan May 1-2 Higit pa sa 2 Lahat ng panukala ay
ng Layunin at makikita sa panukala ang panukala ang hindi matatamo ang
panukalang hindi gaanong hiindi naging layunin sapagkat ito ay
proyekto na makatotohana makatotohanan hindi makatotohanan.
matatamo ang n at hindi at hindi makikita
mga layunin na gaanong sa panukalang
inilatag makikita sa proyekto na
panukalang matatamo ang
proyekto na mga layunin na
matatamo inilatag
ang mga
layunin na
inilatag
3. Tumutugon Ang proyekto ay May 1-2 ang Higit pa sa 2 Hindi naisaalang-alang
sa tumutugon sa hindi gaanong ang hindi ng panukalang
pangangailanga kabutihan ng tumutugon gaanong proyekto ang kabutihan
n ng nakararami lahat hindi ang proyekto tumutugon ang ng lahat.
lamang sa sa kabutihan proyekto sa
pansarili o ng ng lahat hindi kabutihan ng
iilang tao lamang sa lahat hindi
pansarili o ng lamang sa
iilang tao pansarili o ng
iilang tao
4. Presentasyon Mahusay ang May 1-2 Higit pa sa 2 Walang kalinawan ang
ng Panukalang presentasyon, pagkakamali ang mga ginawang
Proyekto malinaw na sa mga pagkakamali, at predentasyon at
naipabatid ang nabanggit na halos walang maraming mga
kabuuang impormasyon kalinawan ang pagkakamali.
nilalaman ng at may 1-2 rin ginawang
ang hindi presentasyon

Address: Tumaway, Talisay, Batangas


Contact #: +639778029308/ (043) 416-6027
E-mail Address: talisayseniorhighschool@yahoo.com
13
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
DIVISION OF BATANGAS
TALISAY SENIOR HIGH SCHOOL
panukalang gaanong
proyekto naging
malinaw

F. Pangwakas
Isusulat ng mga mag-aaral sa kanilang kwaderno o dyornal ang kanilang natutunan
sa aralin.
Natutunan ko sa aralin ang___________________________________________________.

G. Mga Sanggunian

Garcia, Florante C. Filipino sa Piling Larang Akademik. Quezon City. Sibs Publishing
House. 2017.

Julian, Ailene B. Lontoc, Nestor S. Pinagyamang Pluma (Filipino sa Piling Larang


Akademik ).Quezon City. Phoenix Publihing House Inc. 2017.

https://pdfcoffee.com/panukalang-proyektodocx-10-pdf-free.html

Prepared by:

Alreen Mitzchell S. Alvarez


Teacher II

Checked by:

Agnes M.Jumarang
LR Coordinator

Approved by:

Lanny A. Tolentino
Principal II

Address: Tumaway, Talisay, Batangas


Contact #: +639778029308/ (043) 416-6027
E-mail Address: talisayseniorhighschool@yahoo.com
14

You might also like