You are on page 1of 2

ARALING ARALING PANLIPUNAN 9

PANLIPUNAN 9 Learning Activity Sheets


Ikalawang Markahan-Modyul 2: Konsepto at mga salik ng supply
WEEK 3 & 4

Pangalan:____________________________ Baitang at Pangkat:_______________

HALINA’T MAG-GRAPH AT MAG-COMPUTE TAYO!


Panuto: Punan o buuin ang Supply Schedule gamit ang formula na Qs= 0 + 4P. Pagkatapos ay ilagay
sa graph ang datos na nabuo mula sa Supplied Schedule.
Halimbawa; Qs= 0 + 4P
Qs= 0+4(5)
Qs=0+ 20
Qs=20

Supply Schedule
Presyo Quantity
(Php) Supplied
(Qs)
10
15
20 0
25

Gawain 2. ANONG SALIK?


Panuto: Suriin ang mga sumusunod na sitwasyon at sabihin kung anong salik ang may epekto sa supply.

Sitwasyon Salik na Nakaaapekto sa


Supply
Nakita nina Kardo at Victor na mabenta ang lumpia na tinda ni Nora sa
paaralan ng Sta. Monica National High School. Kung kaya’t nagpasiya silang
magbenta din nito.

Ang isang rolyo ng tela na nagkakahalaga ng P6,000 ay nakakagawa ng 200


piraso ng pantalon. Nagkaroon ng sale sa tela kaya bumili si Andoy ng
dalawang rolyo ng tela.
Ang presyo ng mais na sangkap sa paggawa ng feeds para sa manok ay
bumaba. Tumaas naman ang presyo ng sorghum na sangkap rin sa feeds. Ano
ang mangyayari sa supply ng sorghum?
Sa panahon ng Pasko, mabili ang pasta para saspaghetti at salad. Walang
inaasahang pagbabago sa presyo dahil nangako ang mga prodyuser na
mananatili ang kasalukuyang presyo.

Ninais ni Elyong na pabilisin ang paggawa ng sapatos kung kaya bumili siya at
gumamit ng electric cutter sa pagputol ng mga gomang suwelas.

PANGHULING PAGTATAYA
PANUTO: Basahin at unawain mong mabuti ang mga katanungan. Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Sa ekonomiks pinag- aaralan kung paano matutugunan ang walang katapusang pangangailangan at
kagustuhan ng tao. Ang gawaing ito ay tungkulin ng prodyuser. Ano naman ang katawagan sa dami ng
produkto na handa at kayang ipagbili ng mga prodyuser?
a. demand b. ekwilibriyo c. produksyon d. supply
2. May malaking epekto ang pandemya sa supply ng alcohol at face mask sa bansa. Paano maapektuhan ang
supply ng alcohol at face mask sa lokal na pamilihan kung ang materyales nito ay nabibili sa labas ng bansa sa
mataas na halaga?
A. Bababa ang supply dahil mataas ang halaga ng produksyon nito at ipagbibili lamang sa mababang
presyo
B. Tataas ang supply dahil mataas ang halaga ng produksyon nito at ipagbibili sa mataas na presyo
C. Bababa ang supply dahil mababa ang halaga ng produksyon nito at ipinagbibili sa mababang presyo
D. Tataas ang supply dahil mababa ang halaga ng produksyon nito at ipinagbili sa mataas na presyo
3. Ang pagbabago ng presyo ng ibang produkto ay isang salik na nakapagpapabago ng supply sa pamilihan.
Alin sa mga sumusunod ang maaaring sanhi ng pagbabago sa produksiyon at supply ng bigas sa pamilihan?
a. Kapag mataas ang supply ng bigas at kakaunti ang bibili at mababa ang presyo
b. Kapag mababa ang presyo ng mai magdudulot din ng mababang presyo ng bigas
c. Kapag maraming aning bigas mura ang presyo at bababa ang produksiyon at tataas ang presyo
d. Kapag mababa ang presyo ng bigas lilipat ang magsasaka sa pagtatanim ng mais at liliit ang supply ng
bigas at tataas ang presyo
4. Paano mailalarawan ang pagbabago sa halaga ng mga salik ng produksyon bilang isa sa mga salik na
nakaaapekto sa supply?
a. Kailangan ng bumili ng mga mamahaling makinarya na katulad sa mga mayayamang bansa
b. Nagpapakita ito sa tagal ng kalidad ng produkto na magagawa
c. Kung hindi magsasara ang mga malalaking kompanya sa pagtaas ng halaga ng mga salik ng
produksiyon katulad lamang ng lupa
d. Ito ay ang pagbaba at pagtaas ng halaga ng mga salik ng produksiyon ay nakakaapekto sa pagbabago
din ng presyo ng mga produkto at serbisyo
5. Ipagpalagay na ikaw ay isang prodyuser na mayroong magandang hangarin sa maayos na pakikipag-ugnayan
sa mga mamimili sa pamilihan. Sa papaano paraan mo maipapakita ang pagiging mapanagutang at makataong
prodyuser?
a. Pagsunod sa sariling saloobin dahil sa bandang huli ikaw din ang malulugi
b. Sa panahon ng krisis ay magtakda ng presyong naaayon sa iyong pansariling kagustuhan
c. Timbangin ang mga mangyayari sa negosyo maging ito man ay may kaugnayan sa presyo at
mamimili
d. Sa bawat paggawa ng desisyon laging isaisip ang kapakanan ng bawat konsyumer lalo na sa pagpataw
ng presyo sa mga produkto at serbisyo

GAWAING PAGGANAP #1

MAG-PICTO-DIARY KA!
Gumupit ng larawan ng isang tindahan, o palengke na nagpapakita ng supply ng kanilang mga produkto. Maaari ring
iguhit mo ang larawan ng tindahan sa inyong paligid kung walang magugupit na larawan. Idikit ito sa isang
construction paper o colored paper. Pagkatapos ay sumulat ng talata na maiugnay mo sa iyong larawan. Gamitin ang
rubriks sa paggawa ng picto-diary.

RUBRIKS para sa PICTO - DIARY


Pamantayan Deskripsyon Puntos Pamantayan Deskripsyon
Puntos Nakuhang
Larawang ipinaskil Malinaw, tama at tugma ang 25
larawang ginamit batay sa
panuto
Nilalaman ng Diary Maliwanag ang mensahe ng 50
diary batay sa paksa at
nauugnay ito sa larawang
ginamit
Kalinisan sa gawain Malinis ang gawain at maayos 25
ang pagkakasulat ng diary
Kabuuang Puntos 100

________________________
___
LAGDA NG MAGULANG

You might also like