You are on page 1of 2

oong mga unang araw ay sinusugong paminsan-minsan ng

bathalang maykapal si Barangaw magmula sa alapaap upang


tingnan kung maligaya ang ating mga ninuno. Kung minsan si
Barangaw ay nag-aanyong bahaghari upang pahintuin ang unos
na maaaring makasira sa mga pananim. Kung minsan ay nag-
aanyong isang sultan, naglalagay ng putong, nagdadamit ng
kundiman at palakad-lakad sa loob at labas ng balangay. Isang
baston o tungkod na nilalik na kamagong ang kanyang dala-dala
tanda ng kapangyarihan. Ito ang pinaparusa niya sa mga
malulupit at mga masasama, at ito rin ang ginagamit niya sa
paggawad ng gantimpala sa mabubuti.
Isang araw noong panahon ni Lakan Lumatay ay inutusan nga ni
Bathala si Barangaw na mamasyal sa Malanday upang malaman
ang mga daing ng mga aliping namamahay at aliping sagigilid.
Samantalang naglalakad si Barangaw, nakaalinig siya ng abot-
abot na lagapak ng hagupit na kasabay ang malungkot na daing.
Bakit kaya? ang tanong ni Barangaw sa kanyang sarili walang
kakilakilatis siyang nasok sa silid na pinanggagalingan ng daing ng
taong hinahagupit ng lanubo ng bayabas. Kitang-kita niyang
namimilipit sa sakit ang taong hinahagupit na sa kahit saan
tamaan! Kaawa-awang alipin! ang malungkot niyang nasabi.
Walang nakakita kay Barangaw sapagkat ang tagaputong niya ay
maysa tagabulag, ngunit kitang-kita niya ang lahat. Naroon si
Lakan Lumatay at nakapamewang, pinag-abot-sikong nakabalita
ang alipin at pinapalo ng walang patumangga ni Magbitag na
siyang tagapagparusa ni Lakan.
Saan mo itinago ang iyong anak na dalaga? Ang tanong ni Magbitag,
sandaling tinigilan ng palo ang alipin ito’y hubad baro, at ang
katawan ay halos putok-putok sa sa kapapalo.
Hala, magsabi ka ng totoo. Pag hindi’y mauutas ka. Dapat mong ipagpasalamat na Lakan pa at
puno natin ay may ibig sa anak mo. Ano, magsasabi ka o hindi?
Hindi umimik si Barangaw. Nakinig siya upang malaman ang
puno’t dulo ng paghahagupit na yaon. Hinintay na sumagot ang
alipin, ngunit ito’y walang imik Matigas ang ulo, Hala lantakan mo
uli! ang makapangyarihang utos ni Lakan Lumatay. Pagkamatay ay
itapon na ninyo sa ilog at ng lamunin ng buwaya.
Pagkaunat-unat ng Magbitag ng kanyang bisig upang hagupitin na
naman ang aliping halos wala ng malay-tao. Datapwa’t ng
sasayad na sa katawan ang lanubo ang tagapagparusa ay biglang
sinangga ng tungkod na kamagong ni Barangaw. Nahulog sa lupa
ang lanubo at nanginig ang buong katawan ng mabalasik na si
Magbitag.
Si Barangaw ay galit na galit sa nakita niayang kalupitan ng
punong dapat sanang magpasunod sa kahabag-habag na alipin.
Lakan Lumatay! Ikaw ba ang nag-utos na hagupitin ang aliping
ito? ang tanong ni Barangaw.

You might also like